• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March, 2025

Ads March 10, 2025

Posted on: March 10th, 2025 by Peoples Balita No Comments

Carlo Aquino & Takehiro Hira Lead Suspense Drama Crosspoint, Premiers on Netflix Philippines on March 13, 2025

Posted on: March 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments

THE gripping action drama Crosspoint, directed by Donie Ordiales, is set to premiere on Netflix Philippines on March 13, 2025, following its successful theatrical release in the country.

A compelling collaboration between the Philippines and Japan, the film stars award-winning Filipino actor Carlo Aquino, known for Whispers in the Wind, and Emmy-nominated Japanese actor Takehiro Hira, recognized for his performance in Shogun.

Desperation brings people to the most unexpected crossroads. Crosspoint follows Manuel Hidalgo, played by Carlo Aquino, a once-promising Filipino actor now living in the shadows of Tokyo, forced to perform illegally in Filipino pubs to survive. Struggling to escape his past and make ends meet, he crosses paths with Shigeru Yamaguchi, played by Takehiro Hira, a former construction manager drowning in debt and regret.

Both men are trapped—Manuel by his failures and the harsh reality of being an undocumented worker, and Shigeru by financial ruin and the weight of his past decisions. Desperate for a fresh start, they encounter an unexpected opportunity that could either change their lives or seal their fates forever. When they recognize a fugitive on the news, they see a chance to claim a massive reward. What begins as a desperate bid for survival soon turns into a perilous chase, forcing them to confront their deepest fears, test their morality, and determine how far they are willing to go to take control of their lives.

Filmmaker Donie Ordiales, a Filipino director based in Japan, shares how Crosspoint was inspired by real people and events:

“The characters of Manuel Hidalgo and Shigeru Yamaguchi were inspired by real people I met in Japan. Initially, I planned to create separate stories for each of them—one targeting the Filipino audience and the other challenging myself to capture the Japanese market. But while contemplating which story to pursue, I saw a news report about a serial killer on the loose in Chiba. In that moment, I knew these two characters belonged in the same world, brought together by their struggles and a common goal: survival.”

“What we can learn from Crosspoint is that nothing in life is stable. You can be at the top today, but everything can change in an instant. The greatest obstacle to progress is often ourselves, and unfortunately, the price of realizing this truth can be steep.”

Carlo Aquino delved deep into his personal experiences to authentically portray Manuel Hidalgo, reflecting the challenges faced by many Overseas Filipino Workers (OFWs). Drawing parallels between his own career fluctuations and Manuel’s journey, Aquino remarked:

“From being very popular, he became a washed-up actor, and then he was looking for work… It also happened to me. From my teenage years, tapos biglang nawala (projects suddenly disappeared). Although with Manuel, he’s older, it happened to me through the years. So, kumbaga, parang pasok pa rin (it still felt fitting). Parang ako pa rin naman talaga si Manuel Hidalgo.”

Aquino hopes Crosspoint captures the struggles and sacrifices of Filipinos working abroad—the dreams they chase, the hardships they endure, and the lengths they go to for the people they love.

The film boasts a powerhouse cast, including Sho Ikushima, Sarah Jane Abad, Dindo Arroyo, Kei Kurosawa, Ian De Leon, Aoi Okuyama, Ken Yamamura, Stefanie Arianne, Polo Ravales, Zeppi Borromeo, Misa Shimizu, and Rie Shibata. Crosspoint seamlessly blends the storytelling traditions of both the Philippines and Japan, presenting a raw and emotionally charged cinematic experience.

Takehiro Hira, recently Emmy-nominated for his performance in Shogun, delivers a compelling portrayal of a man on the brink, while Carlo Aquino, known for his award-winning role in Whispers in the Wind, brings depth and intensity to Manuel’s turbulent journey.

Philippines-based Fire & Ice Media has successfully sold the Asia Pacific rights for Crosspoint to Netflix in a major deal secured during the Asian Contents & Film Market (ACFM) in Busan. This strategic move highlights the growing demand for high-quality Filipino cinema on international streaming platforms.

(ROHN ROMULO)

Mabigat at intense ang mga eksena sa ‘In Thy Name’: McCOY, naging emosyonal dahil sa natanggap na papuri mula sa ina

Posted on: March 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAGING emosyonal nga ni McCoy de Leon at napaiyak sa premiere night ng “In Thy Name” nang i-acknowledge ang ina niya na nasa audience ng gabing iyon sa loob ng Cinema 7 ng SM North EDSA.

“I’m proud of you, anak, I’m happy for you,” ang mensaheng sinabi kay McCoy ng ina.
“Sobra, sobra, sobrang proud, I love you!
“Happy lang talaga ako and proud na proud talaga. God bless you anak, and more power,” ang basag na rin ang boses na sinabi pa ng ina ni McCoy.
Gumanap si McCoy bilang paring si FR. Rhoel Gallardo na nagsakripsiyo ng buhay noong 2000 sa kainitan ng labanan ng mga sundalo at grupong Abu Sayyaf sa Basilan.
Mabigat at intense ang mga eksena ni McCoy sa pelikula.
Lahad ni McCoy, “Actually nakakabaliw po talaga, nakaka-confuse sa utak po.
“Kasi madali po gawin yung mga physical na movement like pagiging soft ko lang as Father Rhoel and siguro ang nakatulong sa akin dito yung sobrang pagiging religious person talaga.
“Ito talaga yung reason, naging faith ko talaga na nagpatulong ako sa Diyos at kay Father Rhoel na malagpasan ko ito, maitawid ko itong pelikula.
“Kung napapansin niyo po si Father Rhoel tahimik lang siya, binigay ko yung parang tahimik na atake ng isang character.
“Based kasi sa research namin na natutunan ko kay Father Rhoel sobrang soft-spoken niyang tao and sabi ko paano ko siya magiging strong as a person, si Father Rhoel sa pelikula?
“Iyon lang pala yung sagot, yung faith yung pinaingay ko sa kanya, kaya kung mapapansin niyo pag iiyak ako pinipigilan ko, pag iiyak ako ayokong ipakita sa mga kasamahan kong survivor.
“Iiyak lang ako pag mag-isa ako, pag walang nakatingin.
“Kaya iyon siguro nakatulong din po na medyo naka-relate ako kay Father Rhoel, na malapit sa akin nung natutunan ko yung history niya, paano siya makitungo sa tao.
“Hindi ko na maisa-isa pero alam mo yung feeling na hindi mo naman kamag-anak pero parang konektado kami?”
Kuwento pa ni McCoy kung paano nasubok ang kanyang pananampalataya sa paggawa ng pelikulang palabas na sa mga sinehan
Pahayag niya, “Tulad po ni Father Rhoel naniwala lang din siguro ako kung ano yung ibibigay sa akin ng Diyos.
“Sa totoo lang po tinesting ko yung sarili ko, almost two years akong nagkontrabida and aaminin natin na minsan nai-imbibe mo na sa sarili mo.
“Pero sabi ko, pagka nilimitahan ko yung sarili ko sa ganitong role, hanggang liliit yung puwede kong gampanan.
“Sabi ko what if kaya sabayan ko and blessing na binigay sa akin ni direk Ceasar Soriano itong film, in-oo-han ko agad and sabi ko hindi ko puwedeng palagpasin itong pelikula na ito nang hindi ko naipakita yung pagiging ibang side ko.
“Kasi pag hindi ko naipakita yung soft side ko or ibang klaseng atake ng character nandun na ako sa kumportableng role ko lagi.
“And dagdag ko po sa sagot ko, ang pagiging, sabihin po natin, lead sa isang film ay hindi magiging kumpleto kasi kung napapansin niyo po, ako ay taga-react lang kung paano nila ako inaatake, yung mga kontrabida.
“Kaya hindi ko makukuha ngayon yung credits lahat ng akin lang, ibabaling ko ito, ikakalat ko ito kay kuya Mon, kay JC, yung mga survivor, sina Kat, sina Aya sila yung bubuo, hindi ko puwedeng gawin ito ng mag-isa.
“And share ko lang na bago mag-start yung film sabi sa akin ni kuya JC hindi ko makakalimutan ‘to, ‘McCoy susuportahan ka namin!’“Nasa isip ko lang, ‘JC de Vera na ‘to e, bakit ganun ang sinasabi sa akin?’
“Iyon yung feeling na, ‘Sige kuya Jace gagawin natin ‘to, para sa ating lahat!’
“Kaya salamat sa mga kasama ko sa pelikula.”
Mula sa direksiyon nina Caesar Soriano at Rommel Ruiz ang “In Thy Name” kung saan co-stars ni McCoy sina Mon Confiado, Aya Fernandez, Kenken Nuyad, Jerome Ponce, Yves Flores, Ynez Veneracion, Kat Galang, Pen Medina, Alex Medina, Soliman Cruz at JC de Vera at marami pang iba.
Mula ito sa Viva Films at sa GreatCzar Media Productions.
 
(ROMMEL L. GONZALES)

Aminadong may pasulyap-sulyap na date: IVANA, ipinagdiinang single pa rin at walang sinisirang pamilya

Posted on: March 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments

IPINAGDIINAN ni Ivana Alawi na single na single pa rin siya hanggang ngayon dahil wala raw siyang time na harapin ang kanyang buhay pag-ibig.

“Wala nga akong time sa sarili ko, kahit nga sa family ko, minsan hindi kami nagkakasabay kumain,” pag-amin ng aktres at vlogger sa naganap na thanksgiving party niya para sa entertainment media kahapon, March 7, sa Vinta Modern Carinderia, sa Quezon City.

“This year mas magiging busy ako, meron akong teleserye at movies din.  So, paano talaga ako magkakaroon ng time sa lovelife, di ba?  Bahala na sila, saka na lang ‘yun, kaya work muna.

“Busy pa rin ako sa content creation, pagbibigay ng tulong.  Yun talaga ang nasa utak ko, tumulong muna bago ako mag-focus sa pag-ibig.

“Pero mayroon namang pasulyap-sulyap na date,” dagdag pa niya.

28 years old na ngayon si Ivana at pagdating niya ng edad trenta ay, “sa akin lang ito ha, hindi ko sinasabi para sa lahat.  Feeling ko pag mga 30 na ako, I think it’s time for myself and start focusing on love and family.”

Natanong din si Ivana tungkol sa health crisis na kanyang pinagdaanan last year.  Nagkaroon siya ng problem sa ovaries na dahilan para magkaroon fluid build-up sa abdomen niya. Meron din siyang PCOS at naospital siya ng ilang araw.

Kuwento niya, “it took a month to recover, bawal kumilos, bawal mag-gym, kaya siguro medya nagkalaman ako.  Wala naman akong pakialam kung tumaba ako, basta healthy, ‘yun ang importante sa akin.

“Pero ngayon, okey na okey na ako, wala na akong sakit.

Na-realize daw niya na, “lahat ng material, lahat ng pera, mga bag mo, hindi mo masasama ‘yun pag kinuha ka na ni Lord.  Kaya dapat magpakasaya ka sa buhay mo, i-enjoy mo and surround yourself with your love ones.

May inamin din si Ivana na may matutupad na pangarap niya sa darating na mga araw.

“May isa akong pangarap na maa-achieve ko very very soon,” say ng sexy actress.

“Pangarap ko siya dati pa noong bata pa ako, so, siguro yun pa lang.  Siyempre ang next kong pangarap ay makabuo ng pamilya at maging housewife, so, hindi pa natutupad ‘yun.

“Pero ito, matutupad na at malalaman naman ninyo agad yun this month.”

Samantala, dedma lang si Ivana sa tsikang may dyowa raw siyang politiko na pamilyado na.

“Wala akong sinisirang pamilya,” may diin pang tugon ng sikat na sexy vlogger.

(ROHN ROMULO)

Maraming naganap sa buhay bago ang pagtakbo: MARTIN, natupad ang wish na makasali sa ‘Tokyo Marathon 2025’

Posted on: March 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments
NATUPAD ang wish ng segment host ng ’24 Oras’ na si Martin Javier na makasali sa
Tokyo Marathon 2025.
Ito ang first ever marathon ni Martin kaya naghanda raw talaga siya, physically, emotionally and mentally. Marami raw kasing naganap sa buhay niya bago siya tumakbo sa marathon.
“Went through a lot just to get here. 3 months ago, I was depressed, injured, and a month removed from running. I had to catch up with the training program with roughly 9 weeks out and absolutely 0 conditioning.
“That’s a short time to prepare.. especially if you wanna fully send it. Still went along with it.. going from 0 mileage to 70km weeks. Didn’t have a clue where I was, conditioning-wise going into Tokyo, but I knew I needed to deliver. Almost didn’t make it as well coz of the whole visa application change up.
“Grateful for a strong finish, despite the heavy self-talk at km 35 and cramps at 38km. Had to dig deep to survive that stretch,” post ni Martin sa Instagram habang kagat nito ang kanyang natanggap na marathon medal.
Nakasabay din ng Sparkle host sa naturang marathon ay sina Tim Yap, Isabelle Daza, at ang former One Direction member na si Harry Styles.
***
NAPAAMIN si Buboy Villar na si Faith da Silva ang kanyang naging TOTGA o The One That Got Away.
Sa YouLOL podcast na Your Honor, sinabi ni Faith na napa-“what if” daw siya kung nagkaroon sila ng relasyon ni Buboy at hindi lang sila basta friends lang.
“Kahit ganito ako mahiyain din ako. Talagang sinasabi ko, what if kung nag-jump ako noon,” sey ng Sparkle actress.
Sey naman ni Buboy: “Basta nire-respeto ko kung anong meron tayo. Siyempre nire-respeto kita, Faith.”
Nagbalik-tanaw pa si Faith sa matagal na nilang friendship ni Buboy: “Hindi ko talaga alam kung natatandaan niya. Bata pa lang kami magkaibigan na kami. Siguro seven or eight years old. Tapos meron mga artista na parang pinagti-tripan-tripan kami ganyan. Tapos parang, sinabi nila sa akin na i-kiss ko daw si Buboy (sa cheeks) e, eight years old pa lang kami. Tapos, kiniss ko siya ‘tapos kilig na kilig talaga ako.”
***
NAGLULUKSA ang American Country Music Queen Dolly Parton dahil sa pagpanaw ng kanyang husband na si Carl Dean noong nakaraang March 3.
“Carl and I spent many wonderful years together. Words can’t do justice to the love we shared for over 60 years. Thank you for your prayers and sympathy,” mensahe ni Dolly sa kanyang followers sa social media.
Nakilala ni Dolly si Carl when she was 18 at bagong lipat lang niya noon sa Nashville, Tennessee. Two years later ay kinasal sila in 1966.
Si Carl ay isang businessman na may-ari ng isang asphalt-paving business in Nashville. Hindi sila nagkaroon ng anak ni Dolly at nanatiling pribado ang marriage nila for six decades.
(RUEL J. MENDOZA)

FIFA World Cup magsasagawa na ng halftime show

Posted on: March 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments

Kinumpirma na ni FIFA president Gianni Infantino na magkakaroon na ng half-time show ang 2026 men’s World Cup.

Ito ang unang pagkakataon na mayroong halftime show na ang magiging host ng World Cup ay ang US.

Ang Canada, US at Mexico ang magiging host ng World Cup sa susunod na taon at ang finals ay lalaruin sa Metlife Stadium sa New Jersey sa darating na Hulyo 19, 2026.

Itinuturing ni Infantino na isang makasaysayan ang nasabing half-time show.

Jersey nina Jordan at Bryant maaaring maibenta sa auction ng hanggang $20-M

Posted on: March 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments

MAAARING maibenta ng hanggang $20 milyon ang jersey na isinuot nina NBA legend Michael Jordan at Kobe Bryant sa kanilang unang mga laro.

Ayon sa Sotheby’s auction na inaasahan nilang mabibili ang nasabing mga jersey ng tig-$10-M bawat isa.

Dagdag pa ng auction house na hindi lamang ito na pawang mga memorabilia at sa halip ay simbolo ng ambisyon, galing na nagpapakilala sa kanilang karera.

Ang jersey ni Jordan na ito ay kaniyang pirmado mula sa 1980 ay isang “unicorn” na madalang makita sa mga pamilihian.

Isinuot ito ni Jordan sa unang laro niya sa Chicago Bulls noong Oktubre 5, 1984 sa Peoria, Illinois.

Makikita sa apeliyedo at numero ni Jordan na 23 ay ang itim na mantsa na mula sa pangalan at numero ng dating manlalaro na may suot ng nasabing jersey.

Habang jersey ni Bryant sa Los Angeles Lakers ay kaniyang isinuot sa unang laro niya noong Oktubre 1996 preseason debut.

Magsisimula ang auction sa darating na Marso 21 sa New York.

Ang pinakamahal na jersey ni Jordan na naibenta ay ang suot niya noong 1998 NBA Finals na nabili sa halagang $10.1-M noong Setyembre 2022.

Habang ang Bryant jersey noong 2007-2008 Most Valuable Season ay naibenta sa halagang $5.8-M.

Alex Eala nakasama sa wild card ng Miami Open

Posted on: March 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments

LABIS na ikinatuwa ngayon ni Pinay tennis star Alex Eala ang pagkakasama niya sa wild card ng Miami Open.

Isa kasi ang 19-anyos na Pinay tennis sensation sa pitong wildcards sa main draw ang napili ng Women’s Tennis Association (WTA).

Magsisimula ang nasabing torneo sa darating na Marso 18 sa Hardrock Stadium sa Miami, Florida.

Si Eala na kasalukuyang nasa world number 140 sa WTA ranking at naging junior doubles champion sa Australian Open at French Open ganun din sa junior singles titlist sa US Open.

Natitiyak naman ni Eala na kaniyang gagawin ang lahat ng makakaya para makabawi sa mga bigong torneo na kaniyang nasalihan ngayong taon.

Tsitsirya, cellphone model names sa confidential funds beneficiaries

Posted on: March 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments

HINDI  umano nag-iisa ang pekeng Mary Grace Piattos, ayon kay House Deputy Majority Leader at La Union Rep. Paolo Ortega V matapos itong makita sa bagong dokumento sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa bagong doukmento aniya mula sa impeachment complaint, lumalabas na hindi nag-iisa si Mary Grace Piattos dahil lumitaw ang dalawa pang pangalan na “Pia Piatos-Lim” at “Renan Piatos. Pero, hindi katulad sa pangalan na Mary Grace Piattos, sina Pia at Renan ay mayroon lamang isang letrang “T” sa kanilang middle at last names na Piatos.

 

Lumabas din ang pangalan ng isang “Xiaome Ocho” na ginaya o kinuha sa a Xiaomi cellphone model mula 2018.

 

“Grabe naman ang ‘special treatment’ sa pamilya Piattos. May Mary Grace Piattos, may Pia Piatos-Lim, may Renan Piatos. Ano bang meron sa kanila at parang qualified silang lahat makatanggap ng confidential funds?” pagtatanong ni Ortega.

 

Tulad ni Mary Grace Piattos, wala ring records si Ortega ng kapanganakan, kasal o kamatayan sa Philippine Statistics Office (PSA).

 

“Ang akala natin, isang pangalan lang ang katawa-tawa sa listahan ng confidential funds recipients. Pero mukhang may buong pamilya na ng ‘Piattos’ at pati isang cellphone model na nakasama,” ani Ortega.

 

Isinumite ng Kamara ang impeachment complaint sa senado kung saan kasama dito ang mga certifications na may petsang December 8 at December 11, 2024, mula sa PSA. Kabilang sa naturang dokumento ang listahan ng confidential fund recipients na isinumite sa House Committee on Good Government and Public Accountability.

 

Ayon sa PSA, sa 1,992 pangalan na sangkot sa Office of the Vice President’s (OVP) confidential funds, tanging 670 lamang ang maaaring may match sa PSA records. Samantala, 1,322 indibidwal ang walang birth records, 1,456 ang walang marriage records (na may 536 possible matches), at 1,593 ang walang death records (na may 399 possible matches).

 

“Anong klase itong confidential funds disbursement na hindi natin matukoy kung totoong tao ba ang mga tumanggap?” Public funds ito, pero parang ginamit sa isang imaginary payroll,” dagdag ng kongresista.

(Vina de Guzman)

Armado ng sumpak, kelot na nagpulis-pulisan timbog sa Valenzuela

Posted on: March 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments

SA kulungan ang bagsak ng 24-anyos na lalaki na nagpulis-pulisan nang matiyempuhan ng totoong mga pulis na nakasuot ng uniporme ng pulis at makuhanan pa ng baril sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, mahaharap ang suspek na si alyas “JP”, ng Brgy. Maysan sa mga kasong paglabag sa Article 179 ng Revised Penal Code o Illegal Use of Uniforms and Insignia at R.A 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions in relation to B.P. 881 (Omnibus Election Code).

Ani Col. Cayaban, habang nagpapatrulya ang mga tauhan ng Bignay Police Sub-Station 7 bandang alas-9 ng gabi, sa Ulingan West St., Brgy., Lawang Bato, nang maispatan nila ang suspek na nakasuot ng uniporme ng pulis.

Nang tanungin nila si alyas JP, nalaman na hinid ito totoong pulis kaya agad siyang inaresto nina Pat Pimentel Bolibol at PSSg Chryrus Jan Bancolo at nang kapkapan, nakuha sa kanya ang improvised shotgun (sumpak) na may isang bala ng 12 gauge.

Paliwanag ni SS7 Commender P/Capt. Albert Verano, ang olive green BDU shirt na ginamit ng suspek ay isinusuot panloob sa pixelized long sleeves uniform ng pulis, at ang GOA pants na ginamit ay ang blue pants na uniporme ng pulis na hindi dapat ipinagteterno base sa sinusunod ng PNP.

Payo naman  ni Col. Cayaban, sa mga nagnanais maging pulis, “Magsikap sana kayo na makatapos ng pag-aaral para makamit ninyo ang inyong pangarap.” (Richard Mesa)