NANGAKO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Sabado na poprotektahan ang karapatan at paninindigan ng mga kababaihan laban sa anumang banta na maaaring makahadlang sa kanilang pag-unlad.
Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
NANGAKO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Sabado na poprotektahan ang karapatan at paninindigan ng mga kababaihan laban sa anumang banta na maaaring makahadlang sa kanilang pag-unlad.
NAKAHANDA ang Pilipinas at mga kapanalig na gumawa ng hakbang kung susubukan ng Tsina na higpitan ang ‘freedom of flights’ sa South China Sea (SCS).
LAGLAG sa selda ang 39-anyos na mister nang makuhanan ng hindi lisensyadong baril sa ipinatupad na search warrant ng pulisya sa Caloocan City.
HIMAS-REHAS ang 37-anyos na construction worker nang hatawin ng tubo sa ulo kasamahan sa trabaho matapos ang mainitang pagtatalo habang nag-iinuman sa Malabon City.
MATAPOS kilalanin bilang Number One City for Disaster Risk Response and Management (DRRM) programs sa buong bansa, pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ang idinaos na 1st Quarter Meeting ng Tangguyob ngayong taon, kung saan dumalo ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang local government units sa Metro Manila.
DUMALO si National Housing Authority (NHA) General Manager (GM) Joeben A. Tai sa groundbreaking ng NLEX-C5 Northlink Segment 8.2, Seksyon 1A sa Quezon City.
TINIYAK ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na walang magaganap na kakapusan sa suplay ng tubig para sa buong taong 2025 kahit na nagsisimula nang pumasok ang hot dry season.NAGSAGAWA ng protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY-Movement) at iba pang makabayang Pilipino sa harap ng Embahada ng Tsina sa Makati upang tutulan ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon upang maangkin ang isla ng Palawan.
Sa pamumuno ni Dr. Jose Antonio “Ka Pep” Goitia, first nominee ng ANG BUMBERO NG PILIPINAS (ABP) party list, ang ginawa nilang protesta ay pagpapakita ng kanilang pagmamahal sa bayan at makabayang pagtindig laban sa agresibong pagpapalawak ng teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
“Dapat nang wakasan ang kalokohang ito. Hindi namin papayagan na agawin ang aming mga teritoryo at mga karapatan sa loob ng ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas alinsunod sa United Nations Convention of the Law of the Sea (UNCLOS) at maging sa naging desisyon ng Permannet Court of Arbitration sa The Hague noong Hulyo 12, 2016 na walang basehan ang “historical rights na iginigiit ng Tsina pahayag” ayon kay Goitia.
Hinikayat din ni Goitia na panahon na upang tumindig at magkaisa ang mga Piipino dahil ito ay usapin ng bansa at pag-agaw ng ating sariling lupa at teritoryo.
“Ito at lantarang pagyurak at pag-alipusta sa ating mga Pilipino. Ang pagbaluktot sa katotohanan ay hindi makatuwiran ayon pa kay Goitia.
Sinabi ni Goitia na Goitia na Chairman Emeritus din ng koalisyon iba pang malalaking grupo na kinabibilangan ng Peoples Alliance for Democracy and Reform (PADER), the Alliance of Filipino Kabalikat sa Demokrasya (ABKD) at Liga ng Independencia ng Pilipinas ( LIPI ) at ( KAMPIL ) Kalipunan ng Masang Pilipino na masusundan pa ng mga pagkilos ang naunang protesta hangga’t hindi kikilalanin at irerespeto ng Tsina ang international marital laws. (Gene Adsuara)

SUMIKLAB ang matinding batikos matapos kondenahin ni Dr. Jose Antonio Ejercito Goitia, Chairman Emeritus ng Filipinos Do Not Yield Movement, ang pahayag ng Tsina na bahagi umano ng kanilang teritoryo ang Palawan. Ito’y makaraang tawagin ni Goitia na katawa-tawa, paglabag sa pandaigdigang batas , walang batayan at pang-iinsulto sa kaalaman ng Pilipino sa kanilang kasaysayan at kultura ang -aangkin ng Tsina sa Palawan. Iginiit din niya na ang naturang pag-aangkin ay direktang sumasalungat sa United Nations Convention o the Law of the Sea o UNCLOS na nilagdaan mismo ng Tsina. Bunsod nito , ipinangako ng mga makabayang kilusan tulad ng Filipinos Do Not Yield Movement na pinamumunuan ni Goitia na kanilang palalakasin pa ang kanilang paglaban sa pananakop ng Tsina Kinatawan ni Goitia ang iba’t ibang makabayang organisasyon, kabilang ang People’s Alliance for Democracy and Reform (PADER), Alyansa ng Bayan para sa Kapayapaan at Demokrasya at at Liga Independencia Pilipinas (LIPI) at siya rin ang Presidente at unang nominado ng Ang Bumbero ng Pilipinas Party List (ABP Party List). “Ang pang-aapi na ating nararanasan mula sa isang bansang minsan nating itinuring na malapit na kaalyado sa kalakalan at pagpapalitang kultural ay hindi matatawaran,” ayon kay Goitia. “Kahiya-hiya kayo sa pagtataksil sa kabutihang-loob ng inyong mga ninuno, na itinuring ang mga Pilipino bilang malalapit na kaibigan simula pa noong nagsimula ang ating kalakalan daan-daang taon na ang nakalipas,” dagdag pa nito. Mariin ding kinondena ni Goitia ang mga aksyon ng Tsina sa West Philippine Sea, partikular ang pananakot sa mga mangingisdang Pilipino at mga tauhan ng militar. Pinuna rin niya ang mga mapanlinlang na kasunduang pang-ekonomiya noong administrasyong Duterte, na ginamit umano bilang pantabing sa patuloy na pag-angkin ng teritoryo. Nanindigan din si Gotia na hind niya papayagang agawin ang soberanong teritorya at baguhin ang kasaysayan upang itulak ang kanilang expansionist agenda. Ang pahayag ni Goitia ay lalong nagpataas ng tensyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina, kung saan patuloy na nagkakaisa ang mga Pilipinong makabayan upang labanan ang agresyon ng Beijing sa rehiyon. Maging ang mga internasyonal na eksperto ay nagbigay ng opinyon sa usapin, iginiit na ang pag-aangkin ng Tsina sa South China Sea—kabilang ang mga bahagi na nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas—ay paulit-ulit nang itinakwil ng mga pandaigdigang hukuman. Pinagtibay ng 2016 na desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague na walang legal na basehan ang “historical rights” na iginigiit ng Tsina, ngunit patuloy itong hindi kinikilala ng Beijing. (Gene Adsuara)