“’DI dapat maging pahirap sa publiko”, ito ang tugon ni Atty. Mitchell-David L. Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO tungkol sa usapin ng EDSA rehabilitation project na nakatakdang magsimula sa Marso 24.
Bilang tugon sa inaasahang araw-araw na abala at pahirap sa milyun-milyong manggagawang Pilipino, naghain ng mungkahi ang TRABAHO Partylist na makakatulong sa mga komyuter, lalo na sa mga manggagawa tulad ng remote work at mga angkop na flexible work arrangements.
Sa mga sektor naman na hindi feasible ang remote work, maaaring magdulot ng kaginhawahan ang pagbabago ng oras ng opisina o shift.
Nanawagan din si Atty. Espiritu para sa mas mataas na transportation allowances at subsidies upang pansamantalang makatulong sa mga manggagawa na makahanap ng alternatibong ruta, bagama’t maaring maging mahal.
Para sa mas sustainable at cost-effective na solusyon, isinusulong ang pagpapalaganap ng carpooling at shared transportation systems.
Hinihikayat din nila ang mga lokal na pamahalaan na magbigay ng suporta sa mga inisyatibong ito sa pamamagitan ng pagtalaga ng mga carpool lanes o pagbibigay ng mga insentibo sa mga kalahok sa carpooling.
ISANG karangalan ang muling natamo ni Judy Ann Santos para sa bansang Pilipinas.
KASUNOD ng matagumpay na pagtakbo nito sa Visayas at Mindanao, na umani ng mahigit 8,000 dumalo, ang GMA Regional TV and Synergy’s “GMA Masterclass: Eleksyon 2025 Dapat Totoo Serye” ay nakatakdang magbigay ng inspirasyon at pagtuturo sa mga mag-aaral sa buong Luzon at sa Metro Manila ngayong Marso.
Huling nagsama ang dalawa sa ‘Black Rider’ kunsaan mortal silang magkaaway. Sa pagsasama nila ulit, madugong bugbugan daw ang mga eksena nila.
DERETSAHANG inamin ni Ivana Alawi na nakikipag-date siya ngayon.
LIBU-libo ang nagulat sa opisyal na statement ng FRONTROW International sa socmed ngayon sa pag-anunsyo sa discontinuation ng flagship product niyo na Luxxe White.