• March 8, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March, 2025

Buwan ng Setyembre, idineklarang ‘Social Protection Month’

Posted on: March 12th, 2025 by Peoples Balita No Comments

IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang buwan ng Setyembr ng bawat taon bilang Social Protection Month.

Layon nito na itaas ang kamalayan ng publiko ukol sa kahalagahan nito.

Sa katunayan, nagpalabas si Pangulong Marcos ng Proclamation 820, nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Marso 6, at isinapubliko, araw ng Martes, inatasan ang Social Development Committee (SDC) – Sub-Committee on Social Protection (SCSP) na pangunahan ang taunang paggunita ng Social Protection Month.

Ipinalabas ang proklamasyon sa layuning itaas ang kamalayan hinggil sa social protection bilang isang “critical development strategy for poverty reduction, equality, and social inclusion, and highlight its importance in ensuring the resilience, health, and, well-being of all Filipinos in today’s evolving social and economical landscape.”

Ang SDC-SCSCP ay may tungkulin na tukuyin ang mga programa, aktibidad at mga proyekto para sa taunang pagdiriwang.

Ang lahat naman ng opisyal ng gobyerno ay inatasan na makiisa at magbigay ng kinakailangang suporta at tulong sa SDC-SCSP.

Ang local government units (LGUs) at pribadong sektor ay hinihikayat naman na makiisa sa pagdiriwang habang inatasan naman ang Presidential Communications Office (PCO) na magpatupad ng epektibong hakbang para ipabatid at hikayatin ang publiko na suportahan ang mga programa, aktibidad at proyekto para sa Social Protection Month celebration. (Daris Jose)

Long-overdue at well-deserved ang pag-aresto kay PRRD- Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel

Posted on: March 12th, 2025 by Peoples Balita No Comments

ITO ang reaksyon ni Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel kaugnay sa pagkaka-aresto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ng para sa krimen laban sa sangkatauhan sa pamamagitan ng arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC).

Kinumpirma ng Presidential Communications Office (PCO) na natanggap ng International Criminal Police Organization (Interpol) Manila ang arrest warrant ng ICC ngayong Martes ng umaga.

 

Dumating si Duterte sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula sa kanyang Hong Kong trip, na sinalubong ng pulis at media

Ayon kay Manuel, mabuti pa si Digong na pinagkakaguluhan pa bago makulong na malayo sa sinapit ng mga biktima ng peke umanong niyang war on drugs at madugong war on dissent.

 

“Hindi rin dapat patagalin pa ni Marcos Jr. ang proseso ng pagpapanagot kay Digong. Naniningil ang taumbayan ng hustisya, at hindi magdadalawang-isip ang mga kabataan na ipaglaban ito,” ani Manuel. (Vina de Guzman)

Sigaw ni Panelo sa pag-aresto kay dating PRRD: Unlawful arrest

Posted on: March 12th, 2025 by Peoples Balita No Comments

“IT’S unlawful arrest.”

 

 

Ganito kung ilarawan ni dating presidential spokesman Salvador Panelo ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte para sa sinasabing krimen laban sa sangkatauhan.

 

Ang katwiran ni Panelo, hindi man lamang kasi pinayagan ng Philippine National Police (PNP) ang sa isa mga abogado ni Digong Duterte na makita at makausap ito sa airport at kuwestiyunin ang legal na basehan para sa pag-aresto sa dating Pangulo.

 

 

Pinagkaitan din aniya ng legal representation si Digong Duterte nang arestuhin ito.

 

“The PNP could not have a hard copy if the warrant arrest. By not allowing one of his lawyers to meet him, the arresting could avoid being asked if they have the hard copy of the arrest warrant,” ayon kay Panelo.

“It is an illegal arrest because the ICC arrest warrant comes from a spurious source, the ICC, which has no jurisdiction over the Philippines,” aniya pa rin.

 

 

Ang naging pagkilos ng gobyerno ang magiging dahilan naman upang ang arresting team at ang mga public officials na nag-utos ng pag-aresto ay maging ‘criminally liable.’

 

Nauna rito, sinalubong ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) si dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte para sa krimen laban sa sangkatauhan.

 

 

Sa kalatas na ipinalabas ng Presidential Communications Office (PCO) sinabi nito na kaninang madaling araw pa natanggap ng INTERPOL Manila ang opisyal na kopya ng warrant of arrest mula sa ICC.

 

“Ika-9:20ng umaga ngayong araw, 11Marso 2025, ang

dating Pangulong Rodrigo Duterte at ang kanyang grupo ay dumating sa Maynila mula Hong Kong sakay ng Cathay Pacific CX 907.

 

 

Sa kanyang pagdating, inihain ng Prosecutor General ang ICC notification para sa isang arrest warrant sa dating Pangulo para sa krimen laban sa sangkatauhan,” ang nakasaad sa kalatas ng PCO.

Ang dating Pangulo at ang kanyang grupo ay nasa mabuting kalusugan at sinuri ng mga doctor ng gobyerno.

Sinigurado na ang dating Pangulo ay nasa maayos na kalagayan.

Sa kabilang dako, ang mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) na nagpatupad ng warrant ay tiniyak na may suot na body camera.

 

 

Sa ngayon ayon sa PCO ay nasa kustodiya na ng mga kinauukulan ang dating Pangulong Duterte.

 

Sa ngayon, ang Pangulo ay dinala sa 250th Presidential Airlift Wing sa loob ng Villamor Airbase.

 

Sa kabilang dako, nagpunta naman si Senator Bong Go sa NAIA para salubungin si Digong Duterte  para masiguro na maayos ang kalusugan ng dating Pangulo na may iskedyul ng check- up bukas, Marso12.

Kasama ni Go ang personal physician ni Digong Duterte.

“Sisiguraduhin lang namin na maayos ang kalusugan ni dating Pangulong Duterte. Actually, scheduled po siya bukas ng medical check -up. May gagawing procedure sa kanya bukas dito sa ospital sa Cardinal kaya po siya tumuloy at kailangan niyang magpa-check up talaga. Regular check -up,” ang sinabi ng senador sa kanyang Facebook live.

 

 

Samantala, bumalik ng bansa si Digong Duterte sa gitna ng bulong-bulungan na nagpalabas na ang International Criminal Court ng warrant of arrest laban sa kanya para sa kanyang kontrobersiyal na war on drugs. (Daris Jose)

Bago pa ang inihaing arrest warrant na may kinalaman sa kanyang war on drugs: Dating PRRD, walang ginawang mali, walang maalalang kasalanan

Posted on: March 12th, 2025 by Peoples Balita No Comments

HAYAGANG itinanggi ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte na may ginawa siyang mali o kasalanan nang ikasa niya ang kanyang kampanya hinggil sa war on drugs.

Sa naging panayam ng Sonshine Media Network International (SMNI), isang broadcast media arm ng Kingdom of Jesus Christ na pinangunahan ng Filipino televangelist Apollo Quiboloy, ang ibig niyang sabihin sa wala siyang kasalanan ay “Wala akong maalala na ginawa kong kasalanan. Marami akong ginawa na hindi nagustuhan ng iba or maybe lahat but I did it for my country.”

 

Kaya nga aniya hindi siya nangangamba sa mga naririnig niyang balita lalo na ang sinasabing arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban sa kanya.

“No. Im old for that actually. Even you kill me now, totoo talaga, truly it does not scare me a bit. Hindi naman ako magpasalamat pero ikaligaya ko na lang na magpahinga na,” ang sinabi nito sa nasabing panayam.

 

 

Sa kabilang dako, tila nag-joke naman si Digong Duterte nang sabihin nito na nakahihiya na may 7,000 ang pulis ang ipinakalat upang magsilbi ng warrant of arrest laban sa kanya.

 

“Nakakahiya naman iyan. Pakisabi naman sa kanila na dagdagan nila ng few more. Mag-recruit sila sa probinsiya. Come to think of it, bakit gawain nila sa bayan ko at sa akin mismo? Am I worth the toil of the police? At ako presidente noon may gagawin akong kalokohan? If they want to arrest me, I will go to them. Hindi na ako kailangan. Nag-presidente ako, naging prosecutor ako. Ano bang nakain nila? All they have to do is to call me and say, ‘Come here because there’s a complaint against you or there’s a valid summons whatsoever from the court.’ Bakit mo pa dramahin sa akin ‘yung ganun?,” ang pahayag ni Mr. Duterte.

“Matanong nga. Sometimes ito nangyayari talaga. what would be ….. reason for marshalling 5000 or 7000? Bakit pagurin mo ‘yung Pilipino? Na isa lang man ang kailangan ko na maski isang patrolman diyan sa airport mag-abang. Hindi ako ganu’n maglaro nang patago-tago diyan. Naging presidente ako. So, sinong taguan ko? Pulis? Army? Sino? ICC?,” ang pahayag pa rin nito.

 

 

Sinabi pa ng Pangulo na matagal na niyang hinihintay ang aksyon ng ICC.

Sa katunayan nga aniya ay vice-mayor pa lamang siya ng Davao ay aware na siya sa usapin ng ICC.

“Ngayon ICC na iyan. Pabaliktad. hindi ko kayo hinahamon pero you have been doing it…. on it for so long a time. Can you just please try once more this time with the action and candor? So, magkita tayo. Crimes against humanity man kaya? Pati ‘yung hindi ninyo nasali na pinatay ni Hitler.. Idagdag mo na sa akin. “yung nakalimutan ninyo na listahan ko. or the unsolved massacre around the world. Charge it on me because isang impyerno lang ito, walang anuman ‘to,” ang diing pahayag ng dating Pangulo. (Daris Jose)

Bong Go, nanawagan sa taumbayan na ipagdasal ang kalagayan ni Duterte

Posted on: March 12th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NANAWAGAN si Senador Christopher “Bong” Go sa taumbayan na ipagdasal ang kalagayan ngayon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kinumpirma ng Malacañang na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay inaresto batay sa warrant for crimes against humanity ng international criminal court.

Hiniling ni Go sa mga Pilipino na ipagdasal ang dating Pangulo na maayos ang kanyang kalagayan at kalusugan.

Ayon pa sa senador, hindi na rin na-check-up ang dating pangulo ng kanyang mga doktor matapos na dalhin si Duterte sa Villamor Airbase.

Sa katunayan aniya ay kagabi ay iniinda na ni Duterte ang masakit niyang likod dahilan kaya ang senador at ang personal physician ng dating pangulo ang nagpunta kanina sa NAIA terminal 3 upang masuri ang kalagayan nito.

Kinumpirma ng senador na bukas ay may regular check-up si Duterte sa Cardinal Santos Hospital.

Gayunpaman, hindi pinapasok ng mga nagbabantay na security personnel ng paliparan sina Go at ang doktor sa Terminal 3 para sana ma-check si Duterte.

Ayon pa kay Go, kasama ni dating Pangulo Duterte ngayon ang kanyang common-law-wife na si Honeylet, ang anak na Kitty, dating Executive Secretary Salvador Medialdea at isang nurse ng dating Pangulo. (Daris Jose)

Matapos matanggap ng INTERPOL Manila ang official copy ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC)… Malakanyang kinumpirma pag-aresto kay ex-PRRD

Posted on: March 12th, 2025 by Peoples Balita No Comments

KINUMPIRMA ng Palasyo ng Malakanyang ang pag-aresto kay dating Pangulo Rodrigo Duterte kahapon ng umaga, Martes.

Ito ay matapos matanggap ng INTERPOL Manila ang official copy ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC).

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), bandang alas-9:20 ng umaga, Martes, March 11, 2025, nang dumating sa bansa ang dating Pangulong Rodrigo Duterte at ang kanyang grupo mula sa Hong Kong sakay ng isang commercial flight.

 

Sa kanyang pagdating, inihain ng Prosecutor General ang ICC notification para sa isang arrest warrant sa dating Pangulo para sa krimen laban sa sangkatauhan o crime against humanity.

Pagtiyak ng PCO na ang dating Pangulo at ang kanyang grupo ay nasa mabuting kalusugan at sinuri ng mga doctor ng gobyerno upang masigurado na siya ay nasa maayos na kalagayan.

Ang mga opisyal ng PNP na nagpatupad ng warrant ay tiniyak na may suot na body camera upang mapatunayan  ang transparency sa pagsilbi ng warrant of arrest.

Sa ngayon, nasa kustodiya na siya ng mga kinauukulan. (Daris Jose)

Mga magulang, nais na mayroong warning labels sa Food Information

Posted on: March 12th, 2025 by Peoples Balita No Comments

LUMABAS sa isinagawang nationwide focus group discussions (FGDs) na karamihan sa mga magulang na pinoy at household decision-makers ang pabor sa paglalagay ng front-of-pack warning labels, dahil nakakatulong ito na mas maintindihan ang nutritional information sa isang produkto.

Sa isinagawang FGDs ng ImagineLaw, isang public interest law organization, sa Luzon, Visayas, at Mindanao, nabatid na karamihan sa mga parent-consumers ay nagnanais na mayroong food warning labels bilang pinakamabilis na paraan upang matukoy ang iiwasang pagkain.

“The FGDs show that consumers need accessible and straightforward information when it comes to food,” ayon kay Atty. Sophia San Luis, Executive Director ng ImagineLaw.

Ang mga participants ay pinakitaan ng pre-packaged food products na may back-of-pack nutrition labeling, at yaong may front-of-pack labeling (FOPL).

Nang tanungin ukol sa readability ng kasalukuyang nutrition labels, marami ang nagsabing nahihirapang idetermina kung sapat o lagpas ang nutrient levels sa recommended daily intake, Kadalasan na pinagtutuunan nila ng pansin ang presyo at expiration date sa pagpili ng produktong pagkain.

“This proves that the current nutrition labeling does not work. We need FOPL as an intervention to provide clear and accessible food information for all,” dagdag ni San Luis.

Nabatid na mas preferred ng mga magulang ang front-of-pack warning labels dahil sa direktang mensahe at madaling intindihin.

Naniniwala rin ang mga respondents na sa pamamagitan ng babala ukol sa posibleng health harms ng food products, ay makakatulong sa kanila ang labels kung bibilhin ang produkto o hindi.

Suportado rin ng mga respondents ang pagkakaroon ng isang national policy para sa paglalagay ng warning labels sa pagkaintulad ng panukalang Front-of-Pack Warning Label Bill (FOPWL Bill).

Layon ng FOPWL Bill na makurbahan ang tumataas na kaso ng diet-related non-communicable diseases (NCDs) sa pamamagitan nang paglalaan ng choice sa mga Pinoy sa pagpili ng mas masustansiyang pagkain.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang mataas na intake ng unhealthy food high in fats, sugar, and sodium, ay nagtataas sa panganib ng pagkakaroon ng non-communicable diseases tulad ng diabetes, heart disease, at ilang uri ng cancer. (Vina de Guzman)

Lalaki na tumangay ng P5.5 million pambayad sa sports car, arestado

Posted on: March 12th, 2025 by Peoples Balita No Comments

TINANGAY ng nagpakilalang taga-Bureau of Customs (BOC) ang P5.5 milyong pambayad sana sa binibiling sports car ng isang lalaki matapos itong palitan ng bundle ng papel sa Intramuros,Maynila.

 

Ayon kay MPD DIrector P/Brig.Gen. Arnold Thomas Ibay, pagsakay sa sasakyan ay hiniling umano ng suspek na bilangan muna ang pera sa harapan nila bago iproseso ang transaksyon at kung kumpleto ang naturang halaga bago i-release ang sports car mula sa Customs.

 

Matapos bilangin ang pera ay muling isinilid sa loob ng brown envelope ngunit lingid sa kaalaman ng biktima ay napalitan  na pala ng bundle na papel ang kanyang pera na tinangay ng dalawa niyang kausap.

 

Nagduda lamang ang biktima nang hindi na matawagan ang kanyang katransaksyon .

 

Agad namang nagtungo sa tanggapan ng Manila Police District ang biktima para magreklamo .

 

Masigasig ang mga awtoridad na silipin ang mga CCTV footage para sa backtracking para matunton ang sasakyan na ginamit ng mga suspek.

 

Ayon kay Gen.Ibay, sinundan ang lahat na dinaanan nila kung saan ang isang babae  at lalaki ng suspek ay nagkita pa sa Caloocan .

 

Dito naaresto ang 63 anyos na lalaki na siyang nagbilang  at tumangay sa pera ng biktima.

 

Napag-alaman na ang suspek ay under probation dahil nagkaroon na ng warrant at nasentensyahan na ng illegal possession of  treasury notes, matapos mahulihan ng mga pekeng pera, ayon kay Gen. Ibay base na rin sa isinasagawang pag-iimbestiga ng mga awtoridad.

 

Kasong syndicated estafa at theft ang kakaharapin ng suspek habang patuloy na hinahanap ang kasabwat na babae habang hindi pa naibabalik ang pera sa biktima dahil hindi pa ito narerekober. (Gene Adsuara)

LTO pipilitin na mailabas ang plate numbers ng mga motorcyles at motor vehicles bago ma -release sa showroom

Posted on: March 12th, 2025 by Peoples Balita No Comments

ISANG mungkahi ang nilalatag ng Land Transportation Office (LTO) na tinatawag na “plate out of the showroom,” kung saan ang mga motorcycles at ibang motor vehicles ay magkaron ng license plate bago lumabas ng showroom.

 

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan ang LTO sa mga stakeholders kasama ang mga dealers at manufacturers para sa isang posibleng dry run gagawin ngayon lingo.

 

“It’s already 2025, we have good technology so there is no more reason for delay of license plates. We will focus more on the basic services of LTO to the people. Assec Mendoza has taken up the challenge and will work towards that finally within the term of President Marcos. We will say goodbye to all the problems of the past and we will move forward with better services. But, we have to start with the basics,” wika ni Department of Transportation (DOTr) secretary Vince Dizon.

 

Isa ito sa mga pinangako ni Dizon pagkatapos na siya ay maupo sa DOTr kung saan sinabi niya na kung siya ang masusunod ay dapat mag refund ang LTO sa perang binayad ng mga motorista na apektuhan ng backlog sa pagbibigay ng license plates simula pa ng taong 2014.

 

Sinabi ni Dizon sa isang press conference na gusto niya na maresolba ng LTO ang problema sa nasabing backlog na ang ahensya ay pinamumunuan ni Assec Vigor Mendoza.

 

Nais din ni Dizon na kung maaari ay mailabas ang license plate sa loob ng 72 oras pagkatapos ang sasakyan ay mabili at marehistro.

 

Kung kayat nagbigay ng plano ang LTO na reresolbahin nila ang problema sa backlog ngayon 2025.

 

“LTO assistant secretary Vigor Mendoza assured the public that the problem on the license plate backlog that hounded millions of its clients since 2014 will be addressed this year,” pahayag ni Dizon.

 

Nagpapasalamat naman si Mendoza kay Dizon dahil sa binibigay na madtinding suporta ng DOTr sa LTO sa mga programa ng ahensya na sagot at naayon sa mga hamon ni President Marcos na dapat ay maging madali ang buhay ng bawat mga motoristang Filipino.

 

“Since Day One of his assumption in the top DOTr post, we have been in constant coordination with Secretary Dizon in presenting all the challenges and solutions on all the challenges that we are facing now,” saad ni Mendoza. LASACMAR

Religious groups, NGO’s inendorso ang BG Partylist

Posted on: March 12th, 2025 by Peoples Balita No Comments

SAMA-SAMANG inendorso ng iba’t ibang religious groups at non-government organizations (NGOs) ang kandidatura ni Greco Belgica ang first nominee ng Bisaya Gyud (BG) Partylist.

 

Sa idinaos na pagtitipon ng mga leaders ng iba’t ibang samahan ng relihiyon, nagkaisang suportahan para maihalal ang BG Partylist sa darating na May election.

 

Ginawa ng iba’t ibang religious groups at NGOs ang pag-endorso kay Belgica bunsod ng kanilang buong tiwala, kakayahan, karanasan, tapat na pamamahala ni Belgica gayundin ang prinsipyo nito tapang at kontra korupsyon.

 

Kabilang sa mga nag endorso sa BG Partylist ay ang APOSTOLIC REFORMATION MINISTERS OF THE PHILIPPINES, gayundin ang NGO na Ministers of Yeshua Change Agent; INTERNATIONAL BISHOP OF ECCLESIASTICAL COUNCIL;

ang NGO na IHelp – Ministers of International Holistic Engagement for Life and Progress.

 

Ilan pa sa sumuporta sa pag endorso ang National Chaplain Advocacy Group; Ministers of Valenzuela’s Progress; Soul Saver Organization (Muntinlupa); Winners Movement Pastors Support Group; Ministers of YESHUA MEN OF COVENANT; TRINITARIAN SCHOOL OF THEOLOGY; Indigenous Fundamental Baptist Ministers of the Philippines; COUNCIL Bishops and Ministers Association of the Philippines; Jesus Heart of the Mission Team; The Pastors of Manila Network; Association of Pastors for Political Affairs Philippines; Kingsway Fellowship Int Phils Inc.; Pastoral Care Montalba at ang ADVOCACY OF MINISTERS AND EDUCATORS NATIONWIDE.

 

Samantala, mariing  pinalagan ni Belgica ang naging pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo Roa Duterte umaga sa Ninoy Aquino International Airport.

 

Ayon kay Belgica, ipinagtataka nila kung bakit inilihim ang plano ng pagdakip sa dating  pangulo at tila may nga prosesong nalaktawan sa naging hakbang ng Philippine National Police.

 

Sinabi ni Belgica na mag-uusap ang mga  kakampi ng dating pangulong Duterte upang ayusin ang mga legal na hakbang kaugnay sa pangyayari. (PAUL JOHN REYES)