• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 4:16 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March, 2025

Civic groups, suportado ang naging pagsuko ni dating Pangulong Duterte sa ICC- Malakanyang

Posted on: March 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAGPAHAYAG ng suporta ang iba’t ibang civic at civil society organizations sa naging desisyon ng gobyerno ng Pilipinas na isuko si dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Ito’y dahil kumilos lang ayon kay Palace Press Officer at Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro ang pamahalaan ng Pilipinas sa request ng International Criminal Police Organization’s (Interpol) na isilbi ang arrest warrant ng ICC laban kay Digong Duterte.

 

 

“The arrest of former president complied with the Philippines’ commitment with the Interpol. Our commitments received support from various civic and civil society organizations,” ang sinabi ni Castro.

 

 

Sa katunayan, tanggap ng human rights organization na Free Legal Assistance Group ang pag-aresto kay Digong Duterte. Para sa kanila, mahalagang hakbang ito tungo sa pagtiyak na may mananagot para sa extrajudicial killings na nangyari sa ilalim ng kanyang administrasyon na may kauganyan sa kanyang drug war.

 

 

Maging si dating senator Leila de Lima, isa sa mga kritiko ni Duterte noong kanyang administrasyon ay naniniwala na ang naging hakbang ng pamahalan ay hindi para maghiganti kundi tungkol sa

 

“justice finally taking its course.”

 

 

Si De Lima, nabilanggo halos 7 taon para sa di umano’y pagkakasangkot nito sa ilegal na droga ay nagpahayag na ito na ang tamang oras para kay Duterte na “answer for his actions, not in the court of public opinion but before the rule of law.”

 

 

Tinukoy ni Castro ang sinabi ni Bryony Lau, deputy Asia Director at Human Rights Watch, na nagsabi na ang pag-aresto at paglipat kay Duterte sa The Hague ay “a long-overdue victory against impunity that could bring victims and their families a step closer to justice.”

 

 

Sa kabilang dako, binigyang diin ng Commission on Human Rights (CHR) ang pangangailangan na tiyakin ang kaligtasan at proteksyon ng pamilya ng mga biktima ng drug war kasunod ng pag-aresto kay Digong Duterte.

 

 

Sinabi ng CHR na ang “pursuit of justice cannot be stalled and the truth cannot be silenced” sabay sabing “accountability must prevail over impunity.”

 

 

Winika pa ni Castro na hangad ng gobyerno na maintndihan ng publiko ang naging hakbang ng pamahalaan, binigyang din na mas makabubuti para sa mga ito na malaman kung paano ito nagsimula, bakit mayroong arrest warrant, at bakit mayroong pangangailangan na kilalanin ang commitment ng bansa sa Interpol.

 

 

“Dapat ‘yun po sana ang masimulan sa taumbayan para maintindihan nila kung bakit kinakailangan po na mangyari ang ganito, bakit kinakailangan din pong magcomply sa ating commitment sa Interpol,” ang sinabi nito.

 

 

“Sa aking palagay, kapag naintindihan nila itong lahat, magiging positibo naman po ang tanaw nila sa ginawa po ng administrasyon,” aniya pa rin. (Daris Jose)

KALINISAN, KAAYUSAN IBABALIK NI ISKO SA MAYNILA

Posted on: March 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NALUNGKOT si dating Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa kawalan ng kaayusan, paglala ng krimen, at maruming kapaligiran sa Lungsod ng Maynila.

 

Ito’y makaraang mag-ikot sa buong lungsod makatapos matanggap niya ang mga reklamo ng Manileños na nagbunsod sa kanya upang muling tumakbo bilang city chief executive.

 

“Nalulungkot po tayo, nangadugyot ulit ang Maynila ngayon. Ang krimen natin, hindi naman pwedeng itanggi, ang dami na namang holdapan,” pahayag ng dating alkalde kasabay ng pagbanggit sa mga insidente ng panghoholdap sa R-10 at Taft Avenue.

 

Sinabi pa ni Domagoso na tila nasayang ang pagpupursige niyang mailagay sa ayos at mapagbuti ang Maynila sa panahon ng kanyang panunungkulan dahil bumalik aniyang muli sa kaguluhan ang lungsod. “These are the complaints of our people, kadugyutan, kawalan ng kapanatagan,” dugtong pa niya.

 

Sinabi pa ni Domagoso na kabilang sa inihayag sa kanya ng mga nakausap niyang mga magulang ang kanilang pag-aalala ngayon sa kaligtasan ng kanilang mga anak na umuuwi ng bahay sa gabi.

 

Sa panahon aniya ng kanyang panunungkulan, beinte-kuwatro oras ang iniutos niyang pagpapatrolya at regular na paglilinis sa mga lansangan upang tanggalin ang mga ilegal na istraktura at mapanatili ang kapayapaan.

 

“May awa ang Diyos, sa tulong ng mga taga-Maynila, we will bring back cleanliness and orderliness in the City of Manila,” pagtiyak ng dating alkalde. (Gene Adsuara)

Gobyerno, magtatrabaho nang husto para palakasin ang FDIs- Malakanyang

Posted on: March 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments

PAG-IIBAYUHIN ng administrasyon ang pagsisikap nito na palakasin ang foreign direct investments (FDIs) sa bansa, matapos kapusin ang Pilipinas ng USD9-billion target para sa 2024.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na susubukan ng gobyerno na idetermina kung bakit ang FDI net inflows ay halos hindi nagbago mula USD8.925 billion na naitala noong 2023 sa USD8.93 billion noong 2024.

“Aalamin po natin iyan at kung meron pong pagkukulang ay gagawan po agad ng paraan ng ating mga business experts at ng ating mga head ng agencies para po matugunan kung ano man ang magiging epekto nito,” ang sinabi nito.

Winika pa ni Castro na makailang beses na nagsagawa ng pagpupulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang masiguro na ang foreign investments sa bansa ay mas magi-improve.

 

 

Kabilang sa FDIs ang investment ng non-resident direct investor sa isang resident enterprise, kung saan ang equity capital sa huli ay 10% at ang investment na ginawa naman ng isang non-resident subsidiary o associate sa resident direct investor nito.

Ito ay maaaring sa uri ng ‘equity capital, reinvestment ng earnings, at borrowings.’

Samantala, sa data na ipinalabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), araw ng Lunes, makikita na ang top sources ng FDIs noong nakaraang taon ay kinabibilangan ng Japan, United Kingdom, Estados Unidos at Singapore.

 

 

“The FDIs were channeled mainly to manufacturing, real estate and information and communication,” ayon sa BSP report.

Matatandaang Disyembre ng nakaraang taon lamang, ang FDI net inflows ay umabot sa USD110 million.

Sinabi ng BSP na ang Singapore, Japan, Estados Unidos at Korea ang mga ‘top sources ng FDI sa nasabing buwan. (Daris Jose)

Korte sa Pinas, gumagana; drug war victims, maaaring magsampa ng kaso

Posted on: March 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NANANATILING gumagana pa rin ang korte sa Pilipinas at maaaring magsampa ng kaso ang mga biktima ng war on drugs laban kay dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte sa kabila ng ginawang pag-aresto laban sa kanya ng International Criminal Court (ICC).

 

“There’s no waiver yet of the right of the State to still run after him, if there are other complainants in the country,” ang sinabi ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro sa press briefing.

 

 

Ani Castro, isinuko ng gobyerno ng Pilipinas si Digong Duterte sa ICC dahil sa obligasyon nito na pakinggan ang request ng International Criminal Police Organization’s (Interpol) na magpatupad ng warrant of arrest laban sa dating Pangulo.

Sinabi pa nito na “the government is merely enforcing Section 70 of Republic Act (RA) 9851, which states that “authorities may surrender or extradite suspected or accused persons in the Philippines to the appropriate international court, if any, or to another State pursuant to the applicable extradition laws and treaties.”

 

 

“It just so happened that there is a pending case before the ICC and we are just complying and enforcing RA 9851, especially Section 70… So, we have not yet waived the rights of the alleged victims in the Philippines. They can still file cases,” ang pahayag ni Castro.

 

“Over 6,200 drug suspects were killed in anti-narcotics operations during the Duterte administration from June 2016 to November 2021,” ayon sa government data. Sinabi naman ng Human rights groups na pumalo sa 30,000 ang bilang.

Winika pa ni Castro na wala namang masama sa naging desisyon ng gobyerno ng Pilipinas na isuko si Digong Duterte sa ICC.

Sinabi pa nito na binigyan ng due process ang dating Pangulo subalit nabigo na kumilos sa mga reklamong inihain laban sa kanya sa chamber.

“Of course, it’s still working. Pero sa pagkakataong ito, sa panahon ni dating pangulong Duterte, hindi natin alam. Kaya nga nagkaroon ng pag-file ng complaint sa ICC. Katulad nang sinabi ko, binigyan ang gobyerno ng isang taon para patunayan kung gumagana ang hustisya laban sa mga (But this time, during the time of former president Duterte, we don’t know. That’s why there was a complaint filed with the ICC. As I said, the government was given a year to prove whether justice is working against the) war on drugs,” litaniya ni Castro.

“It is regular. What the government did was regular. It is based on the law, based on our law. Based on our own RA 9851… This is the first time that we did this. So if you did everything based on the law, I think there would be no question on that,” aniya pa rin.

 

Samantala, nilinaw naman ni Castro na walang intensyon ang Pilipinas na makipagtulungan sa ICC, lalo pa’t ang bansa ay hindi na state party sa international court.

Muling inulit nito na paninindigan ng gobyerno ng Pilipinas na ang ICC ay walang hurisdiksyon sa Pilipinas.

At sa tanong naman kung kinokonsidera ng pamahalaan na muling sumali sa ICC, sinabi ni Castro na walang pag-uusap hinggil sa bagay na ito. (Daris Jose)

Drug war ni Digong Duterte, ‘unacceptable policy’- Malakanyang

Posted on: March 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments

ITINUTURING ng Malakanyang na ‘unacceptable” approach sa anumang gobyerno ang kontrobersiyal na drug war policy na ikinasa ni dating Pangulong Rodrigo “Digong ” Roa Duterte.

“Hindi siya dapat polisiya ng isang gobyerno in the first place. It’s against the law,” ang sinabi ni Presidential Communications Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.

Kinuwestiyon ni Castro ang pagiging epektibo ng drug war ni Digong Duterte mula sa malawak na ‘societal perspective’, tinukoy ang malubhang kahihinatnan para sa mga biktima at kanilang pamilya.

Binigyang diin din nito na ang pagpatay, partikular na ang walang due process, ay paglabag sa batas.

“Killing is against the law. Wala nga tayong death penalty sa Pilipinas, uunahan mo pa na patayin. Ang masama wala pang hearing,” aniya pa rin.

“Kung may natulong sa iba, paano naman yung namatayan?” ang inihayag ni Castro, kinuwestiyon ang tagumpay ng polisiya na nagbalewala sa buhay ng mga apektado ng extrajudicial killings.

 

 

Sa kabilang dako, ang war on drugs ay inulan ng pagpuna matapos simulan ng International Criminal Court (ICC) ang imbestigasyon sa posibleng ‘crimes against humanity’ partikular na ang extrajudicial killings, di umano’y ginawa ng mga awtoridad sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Sinabi pa ni Castro na may karapatan ang mga biktima ng drug-related crimes na ituloy ang legal action, binigyang diin ni Castro na ang approach ni Digong Duterte ay hindi polisiya na dapat sundin.

 

 

“Kung merong mga nabiktima itong mga drug users, then the victim can file cases against those drug users. Pero hindi natin matatanggap na polisiya na siya na dapat sundin ng isang gobyerno,” ang sinabi pa rin ni Castro. (Daris Jose)

Rep. Paolo “Pulong” Duterte, nakakuha ng travel clearance para sumunod sa kanyang ama sa Netherlands

Posted on: March 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments

MATAPOS umalis ng Pilipinas si dating Pangulong Rodrigo Duterte patungong The Hague para harapin ang International Criminal Court, nakakuha ng travel clearance ang kanyang anak na si Rep. Paolo “Pulong” Duterte para makasunod sa kanya.

 

Sinabi ni Secretary General Reginald Velasco na nagsumite ng si Paolo ng kanyang travel clearance request kay Speaker Martin Romualdez nitong Marso 11 para makabiyahe sa Netherlands at Japan mula Marso 2 hanggang Abril 15, 2025.

Sa liham, sinabi ni Paolo na gagamitin niya ang kanyang personal funds sa naturang biyahe.

Inaprubahan naman ni Speaker Romualdez ang request para sa travel clearance.

“As requested, travel clearance is hereby granted to the Honorable Paolo Z. Duterte, Representative, 1st District, Davao City, in connection with his personal trip to the Netherlands and Japan on March 12 to April 15, 2025,” nakasaad sa clearance (Vina de Guzman). 

WRIT OF HABEAS CORPUZ, INIHAIN NG KAMPO NI DUTERTE

Posted on: March 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAGHAIN ang kampo ng dating Pangulong Rodrigo Duterte ng petition for writ of habeas corpus sa Supreme Court ,Miyerkules ng umaga kaugnay sa iligal na pag-aresto at pagdetine sa kanya Marso 11.

 

Sa pamamagitan ni  dating Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo at kanyang anak na abogado na si Atty. Salvador Panelo Jr hiniling  sa Kataas-taasang Hukuman ng petitioner at anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na  atasan ang gobyerno na gumawa ng paraan upang agarang ibalik sa bansa ang kanyang ama.

 

Sinabi ni Atty. Panelo Jr na ang batayan ng habeas corpus ang pagdetine kay Duterte ng walang basehan o illegal detention .

 

Paliwanag ng mga abogado , hindi  pwedeng batayan ng pag-aresto at pagdetine sa dating pangulo ang International Criminal Court (ICC) warrant of arrest  dahil walang hurisdiksyon ng ICC sa ating bansa.

 

Sinabi pa ng legal counsel na hindi pwedeng mag-exercise ng hurisdiksyon ang ICC dahil maayos namang tumatakbo  ang national legal system ng Pilipinas .

 

Sa kanilang petisyon, binanggit din ng kampo ni Duterte ang pahayag mismo ng gobyerno ng Pilipinas  sa ICC na wala itong hurisdikyon dahil namamayagpag ang system sa Pilipinas.

 

Giit ng legal counsel ng Duterte, batay sa kanilang pag-aaral ay walang basehan ang warrant of arrest ng ICC.

 

Umaasa naman ang mga legal counsel ni Duterte na hindi pa huli ang lahat kaya umaasa rin silang agarang mag-intervene ang Korte Suprema.

 

Kabilang sa mga respondents sa petisyon sina  Executie Secretary Lucas P.bersamin, Secretary Jesus Crispin C.remulla, Police General Rommel Francisco D. Marbil at Nicolas D.Torre III. (Gene Adsuara)

Panawagan ng mambabatas, magpre-enroll nang maaga para sa Online Voting and Counting System (OVCS)

Posted on: March 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NANAWAGAN si OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” Magsino sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs), Overseas Filipinos (OFs), at Filipino seafarers na magpre-enroll nang maaga para sa Online Voting and Counting System (OVCS) na gagamitin para sa overseas voters sa 2025 Midterm Elections.

 

Ito ay matapos ianunsiyo ng Commission on Elections (COMELEC) ang paglipat ng petsa ng pre-enrollment period para sa internet voting sa Marso 20, 2025 sa halip na Marso 10. Mananatili naman ang deadline sa Mayo 7 ng kasalukuyang taon.

 

Naniniwala si Magsino na ang pagbabagong ito ay hakbang upang tiyakin ang maayos at epektibong pagpapatupad ng OVCS, na unang beses pa lamang gagamitin sa kasaysayan ng halalan sa Pilipinas.

 

Suportado rin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpapalawig ng pre-enrollment period upang masiguro na lahat ng teknikal na aspeto at mga probisyon sa ilalim ng Republic Act No. 9369 o Election Automation Law ay matutupad, nang sa gayon ay maging maayos at maaasahan ang bagong sistemang ito.

 

Gayunpaman, pinaalalahanan nito na dahil pinaikli ang pre-enrollment period, mahalagang mag-enrol agad ang mga OFWs, OFs, at Filipino seafarers upang hindi malampasan ng enrolment period.

 

“Dahil mas maikli na ang pre-enrollment period, kailangang kumilos tayo agad upang masigurong walang OFW ang maiiwan sa online voting. Huwag nating sayangin ang pagkakataong makibahagi sa kauna-unahang at makasaysayang internet voting sa bansa,” aniya.

 

Bilang isang masigasig na tagapagtaguyod ng Internet Voting Bill, muling iginiit ng mambabatas na ang pagpapatibay nito ay isa sa kanyang pangunahing adbokasiya. (Vina de Guzman)

Most wanted person, nadakma ng Valenzuela police

Posted on: March 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang lalaki na wanted sa tatlong bilang na kaso ng qualified theft matapos maaresto sa manhunt operation ng pulisya sa Valenzuela City.

Sa patuloy na pinaigting na kampanya ng pulisya kontra wanted persons, ikinasa ng mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang pagtugis kay alyas “Vincent”, 32, na kabilang sa mga Most Wanted Person sa lungsod.

Dakong alas-10:35 ng umaga nang matiyumpuhan ng pinasanib na mga tauhan mula sa Warrant and Subpoena Section, Police Sub-Stations 2, 3, 4 at 9 ng Valenzuela police ang akusado sa C.F Natividad St., Barangay Mapulang Lupa.

Maayos naman naisilbi sa akusado ng mga tauhan ni Col. Cayaban ang warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Orven Kuan Ontalan ng Regional Trial Court Branch 285, Valenzuela City noong March 7, 2025 para sa kasong Qualified Theft (RPC Art. 310) (3 counts) na may inirekomendang piyansa na P120,000.00 for each count.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman.

Pinuri ni Col. Cayaban ang pagtutulungan ng mga team na nagpapatupad ng batas. “This arrest demonstrates our commitment to ensuring justice for all and maintaining peace and order in our community,” pahayag niya. (Richard Mesa)

Kita ng sabungan hindi ni-remit, kahera arestado

Posted on: March 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments

SHOOT sa kulungan ang 24-anyos na dalagang kahera ng isang sabungan nang ireklamo ng hindi pagre-remit sa kinita ng cockpit arena sa Malabon City.

Sa Del Monte Cockpit Arena sa Brgy. Potrero pinuntahan at dinakip ng mga tauhan ni Malabon Police Chief P/Col. Jay Baybayan ang teller na si alyas “Ara” nang ireklamo siya ng Officer-In-Charge ng Security Office ng naturang sabungan na si alyas “Julius” Lunes ng umaga.

Batay sa tinanggap na reklamo ng Malabon Police Sub-Sttion 1, nadiskubre ni alyas Julius ang pagkawala ng P149,981.00 na kita ng sabungan na nasa pangangalaga ni alyas Ara bilang teller.

Hindi umano nag-remit ng kita ang kahera kaya’t hinalughog ng security officer ang kanyang cash box at dito nakita ang P36,678,00 habang nawawala na ang P112,403.00 kaya’t naghain na sila ng reklamo sa pulisya.

Ayon kay Col. Baybayan, iprinisinta na ang suspek sa Malabon City Prosecutor’s Office para isailalim sa inquest proceedings kaugnay sa kakaharapin niyang kasong Qualified Theft. (Richard Mesa)