MULING nagharap ang dalawang bigating team na Boston Celtics at Oklahoma City Thunder, ilang lingo na lamang bago tuluyang magtapos ang regular season ng 2024-2025.
Ang Boston ang kasalukuyang defending champion sa NBA habang ang OKC ang nananatiling No1. sa Western Conference, hawak ang 54 wins at 12 pagkatalo.
Muling nagpakitang-gilas ang dalawang pinakamagaling na scorer sa NBA na sina Jason Tatum at Shai Gilgeous-Alexander. Kumamada si Tatum ng 33 points at pitong rebounds habang 34 points at pitong assists naman ang ipinamalas ni Shai.
Naging mahigpit ang laban ng dalawa at makailang-beses na nagpalit ang team na may hawak sa lead. Sa pagtatapos ng 3rd quarter naitalbla ng dalawang koponan ang score sa 88.
Lalo pang humigpit ang banggaan ng dalawa sa huling quarter lalo na sa clutch time.
Gayonpaman, gumawa ang OKC ng 7-0 run, dalawang minuto bago matapos ang laro, at ipinoste ang 11 points na kalamangan, 113 – 102.
Pinilit naman ng Boston na habulin ang OKC at gumawa ng 10-5 run hanggang maabot ang 15 secs. bago magtapos ang regulation.
Pinilit pa ng Boston na habulin ang 4-point lead ng OKC sa nalalabing 15 secs sa pamamagitan ng pag-foul kay Shai ngunit hindi na ito nagawa ng koponan.
Natapos ang laro sa score na 118 – 112, pabor sa top Western team.
Sa panalo ng Thunder, 23 points at 15 rebounds ang ambag ng bagitong sentro na si Chet Holmgren habang 18 points at 10 rebounds ang ginawa ni Boston center Al Horford.
ITINANGGI ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na pinigil ng law enforcers sa Estados Unidos si Unang Ginang Louise ”Liza” Araneta-Marcos.
MULING nagkaroon ng pagtaas sa trust rating si Pasig City Mayoral candidate Sarah Discaya sa nakalipas na linggo kung saan karamihan sa mga sumagot sa survey ay naghahangad ng pagbabago sa liderato sa lungsod.
NARAMDAMAN na ng mga motorista ang taas-singil sa toll sa North Luzon Expressway (NLEX) na sinimulan noong March 2.
NAGBABALA ang isang consumer group laban sa mga probisyon ng isang nakabinbin na digital connectivity bill, at sinabing walang mga pananggalang na maggagarantiya na magiging ligtas ang bansa mula sa mga banta sa seguridad.
HAYAGANG itinanggi ng Malakanyang ang paratang ni Vice President Sara Duterte na ‘state kidnapping” ang ginawang pagbiyahe kay dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte patungo sa The Hague na nahaharap sa kasong “crimes against humanity of murder.”
Ang Lungsod ng Marikina ay para sa pamilya, komunidad, kalikasan, at pag-unlad.