• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 9:08 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

 
Home Editorial Classified Ads Contributors Libangan Showbiz Sports
  • Home
  • Editorial
  • Classified Ads
  • Contributors
  • Libangan
  • Showbiz
  • Sports

Archive for March, 2025

« Older Entries
Newer Entries »

38 porsiyento botante pa lang ang may kumpletong 12 ibobotong senador

Posted on: March 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NASA 38 porsiyento pa lamang ng mga botante para sa nalalapit na May 12 midterm elections ang may kumpletong talaan ng 12 senador na kanilang iboboto sa darating na halalan, batay sa Pulse Asia survey nitong Pebrero 20-26, 2025.

Mas mababa ito sa 50 percent noong Enero na nagsabing kumpleto na ang kanilang listahan na iboboto para sa Senatoriables.

 

Sa survey, 4% ang nagsabing sila ay may 11 kandidato habang 8% ang nagsabing mayroon na silang 10 kandidato sa pagka-senador.

 

Sa mga respondents na may 1-9 na kandidato ay 8% ng respondents.

 

Ang survey ay ginawa ilang linggo makaraan ang impeachment kay Vice President Sara Duterte at bago ang ginawang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Matindi ang salpukan sa top acting awards: Mainstream star at indie icon, laban-laban sa ‘CinePanalo 2025’

Posted on: March 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MATINDI ang labanan para sa top acting awards sa Puregold CinePanalo Film Festival ngayong taon.  
Kalalabas lang ng opisyal na listahan ng mga nominado para sa acting awards ng film festival. 
Kasama sa listahan ng mga nominado para sa taong ito ang mga kilalang aktor na babalik sa CinePanalo, mga superstar sa industriya, pati na rin ang mga batang aktor na naghahanap pa rin ng big break sa mga pelikula.
Ang mga nominado para sa full-length acting categories ay ang mga sumusunod:
Panalong Aktres –
Janella Salvador, Fleeting
Christine Mary Demaisip, Salum
Ruby Ruiz, Tigkiliwi
 
Panalong Aktor –
RK Bagatsing, Fleeting
Khalil Ramos, Olsen’s Day
JP Larroder, Tigkiliwi
JC Santos, Journeyman
KD Estrada, Co-Love
Jameson Blake, Co-Love
Enzo Osorio, Sepak Takraw
Allen Dizon, Salum
 
Panalong Pangalawang Aktres –
Sherry Lara, Olsen’s Day
Che Ramos, Olsen’s Day
Gabby Padilla, Tigkiliwi
Jasmine Curtis-Smith, Journeyman
Alexa Ilacad, Co-Love
Kira Balinger, Co-Love
 
Panalong Pangalawang Aktor –
Raffy Tejada, Journeyman
Romnick Sarmenta, Olsen’s Day
Bodjie Pascua, Olsen’s Day
Jeffrey Jiruma, Tigkiliwi
Nathan Sotto, Tigkiliwi
 
Ang mga full-length acting nominees ay pinili mula sa pitong feature films ng festival sa pamamagitan ng isang kilalang hurado na kinabibilangan ng mga kilalang direktor na sina Jeffery Jeturian at Mae Cruz-Alviar, manunulat at producer na si Moira Lang, Estonian festival director ng Tallinn Black Nights Film Festival na si Tiinna Lokk, Republic Creative Creations Inc.’s representatives Sonny Bautista and Lyle Gonzales, festival director Christopher Cahilig, at festival chair Ivy Hayagan-Piedad.
 
Samantala, ang mga acting nominees mula sa student shorts categories ay kinabibilangan ng:
 
Panalong Aktres –
Shamaine Centenera-Buencamino, “Sisenta!”
Geraldine Villamil, “Uwian”
Atasha Eve Franco, “Taympers”
Sue Prado, “Sa Susunod Sisikat si Susan”
Yani Villarosa, “Si Nadia at ang Kanyang mga Kuro-Kuro”
Marian Namanama, “Champ Green”
Angela Jane Delgado, “Daeaura”
 
Panalong Aktor –
Lucas Martin, “Sampie”
Jasper John, “Dela Cruz, Juan P.”
Ronjaé Realubin, “Dan, En Pointe”
Ethan Lloyd Loyogoy, “Sine-Sine”
AJ Benoza, “Checkmate”
John Clark Tapales, “G!”
Benjie Belena, “Sa Pagbunga”
 
Panalong Pangalawang Aktres –
Uzziel Delamide, “Uwian”
Miel Espinoza, “Taympers”
Zoey Lim, “SamPie”
Maria Miranda, “Our One and Only Bab(o)y”
Carla Zarcal, “Sisenta!”
Misha Fabian, “Dela Cruz, Juan P.”
Dada Garcia, “Dela Cruz, Juan P.”
 
Panalong Pangalawang Aktor –
Ryan John Nazario, “G!”
Chino Alfonso, “Dan, En Pointe”
Sol Eugenio, “Champ Green”
Eddie Arca, “Sine-Sine”
Esteban Mara, “Dela Cruz, Juan P.”
Timothy Morales, “Let’s Go Somewhere else”
Ang student shorts jury na binubuo ng mga kilalang direktor na sina Victor Villanueva, Tony Reyes, at Emmanuel dela Cruz;  kilalang kritiko ng pelikula na si Lito Zulueta;  artista Jan Marini;  gayundin sina Hayagan-Piedad, Cahilig, Bautista at Gonzales.
Ang mga opisyal na mananalo ay iaanunsyo sa 2025 Puregold CinePanalo Awards Night na gaganapin sa The Elements at Centris sa darating na Marso 19. Ang mga nominado, cast, at crew ay dadalo upang ipagdiwang ang pinakamahusay na pagsisikap mula sa pagdiriwang ngayong taon.
Lahat ng pitong full-length na pelikula at ang 24 student shorts ay eksklusibong mapapanood sa Gateway Cineplex 18 sa Quezon City. 
Isinasagawa ang 2025 Puregold CinePanalo Film Festival katuwang ang Terminal Six, CMB Film Services Inc., Gateway Cineplex 18, MFP Rentals, MTRCB, at Mowelfund Film Institute.
Mabibili ang mga tiket sa halagang P250, habang may discounted rate na P200 para sa mga estudyante, PWD, senior citizen, at miyembro ng Tindahan ni Aling Puring at Perks Card holder.
Para sa kumpletong karanasan sa festival, ang Puregold CinePanalo Festival Pass ay nag-aalok ng access sa lahat ng opisyal na movie entries sa halagang P2,000.  
Maaaring ma-book nang maaga ang mga tiket sa www.gatewaycineplex18.com.
Ang buong iskedyul ng festival ay makikita sa link na ito: bit.ly/2025PCPFFSCHEDULE.
Para sa karagdagang updates, mag-subscribe sa Puregold Channel sa YouTube, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, sundan ang @puregold_ph sa Instagram at X, at @puregoldph sa TikTok. 
(ROHN ROMULO) 

Ads March 17, 2025

Posted on: March 17th, 2025 by Peoples Balita No Comments

Ads March 15, 2025

Posted on: March 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments

Kapag napatunayang nagkasala sa ‘ crimes against humanity’: Dating PDU30, maaaring magbuno ng 30 taon o habambuhay na pagkabilanggo

Posted on: March 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments

MAAARING maharap si dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte sa 30 taon na pagkabilanggo o habambuhay na pagkabilanggo kapag napatunayang nagkasala sa ‘crimes against humanity’ ng International Criminal Court (ICC) na may kinalaman sa kanyang war on drugs.

 

“Based on the law, the penalty could reach up to 30 years imprisonment but it depends upon the defenses that can be availed of by the former president,” ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.

 

Base sa website ng ICC, “the tribunal does not impose the death penalty, but its judges can sentence a person to up to 30 years of imprisonment, and under exceptional circumstances, a life sentence.

 

Verdicts are subject to appeal and judges can also order reparations for the victims.”

 

 

Sinabi ni Castro na “It depends upon the ICC” kung magiging applicable sa dating Pangulo ang makulong ito ng 30 taon o habambuhay na pagkabilanggo kung mapatutunayan na nagkasala sa ‘crimes against humanity.’

 

 

Ang pag-aresto kay Digong Duterte, 80 taong gulang ng International Criminal Police Organization (Interpol) at lokal na pulis ay nag-ugat sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng ICC sa alegasyon na ang anti-drug campaign ng dating Pangulo ay nagresulta ng libo-libong extrajudicial killings nang siya ay isa pa lamang Alkalde ng Davao City at Pangulo ng bansa.

 

 

Sinabi pa ni Castro na haharapin ni Digong Duterte ang lokal na korte sa Netherlands para idetermina kung ang pag-aresto sa kanya ay tama bago pa dalhin sa ICC para harapin ang reklamo laban sa kanya. (Daris Jose)

Bangkay ng babaeng estudyante natagpuan sa nasunog na Laguna State Polytechnic University

Posted on: March 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments

INAALAM pa kung bangkay ng isang estudyante ang natagpuan sa loob ng comfort room ng Laguna State Polytechnic University makaraang lamunin ng apoy sa Sta Cruz, Laguna Huwebes ng hapon.

 

Sa ulat, bandang alas-12:50 kamakalawa ng hapon nang nagsimula ang sunog sa College of Arts and Sciences Bldg., sa loob ng Laguna State Polytechnic University sa Brgy Bubukal, Santa Cruz, Laguna.

 

Ayon kay FO2 Mark Anthony Samia  Bureau of Fire Protection (BFP) Santa Cruz, Laguna, bandang alas-3:09 kamakalawa ng hapon  nang ideklarang fire-out at nadiskubre ang bangkay ng isang babae sa comfort room  na matatagpuan sa ilkalawang palapag ng nasabing gusali.

 

 

Inaalam din kung ano ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang naging pinsala. (Gene Adsuara)      

Notoryus robbery gang member, timbog sa Valenzuela

Posted on: March 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAGWAKAS na ang maliligayang araw ng isang notoryus na miyembro ng kilalang ‘Monsanto Robbery Gang’ nang masakote ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Valenzuela City.

Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan ang presensya ng akusadong si alyas “Jonard”, 32, na kabilang sa listahan ng mga Most Wanted Person sa lungsod.

Inatasan ni Col. Cayaban ang Warrant and Subpoena Section (WSS) na bumuo ng team at kasama ang mga tauhan mula sa Sub-Stations 1, 6, at 7, agad ikinasa ng WSS ang joint operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-5:00 ng hapon sa Brgy. Bagbaguin.

Hindi na nakapalag si alyas Jonard nang isilbi sa kanya ng mga tauhan ni Col. Cayaban ang warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Evangeline M. Francisco, ng RTC Branch 270, Valenzuela City, noong January 31, 2013, para sa kasong Robbery under Article 294, Paragraph 5 of the Revised Penal Code in relation to Republic Act 7610 na may inirekomendang piyansa na P100,000.

Kilala umano sa pagiging mailap si alyas Jonard na matagal din naiiwasan ang tumutugis na mga alagad ng batas subalit, ang pagsisikap at hindi natitinag na dedikasyon ng mga tauhan ng Valenzuela police ang nagsiguro ng matagumpay na operasyon.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela Police habang hinihintay ang pagpapalabs ng commitment order mula sa hukuman.

Pinuri ni P/Col. Josefino Ligan, Acting District Director ng NPD ang Valenzuela City Police Station sa kanilang hindi natitinag na pangako sa batas at kaayusan.

“This arrest sends a clear message to criminals that their actions will not go unpunished. The NPD remains steadfast in its mission to apprehend criminals and maintain peace and security in the CAMANAVA area. We will not rest until our communities are free from the threat of organized crime,’ pahayag niya. (Richard Mesa)

Senado, hindi dapat gamiting taguan mula sa ICC

Posted on: March 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments

SINABI ni Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel na ayon sa 1987 Constitution, Art VI, Sect 11, ay puwede lang protektahan ng senado ang mga miyembro nito mula sa pagkakaaresto habang naka-sesyon.

 

“Eh, di ba ayaw ng Senado na mag-session hanggang June? Besides, di dapat ginagamit ang posisyon bilang shield sa pagharap sa pananagutan,” ani Manuel.

 

Sinabi ng mambabatas na ‘pathetic’ na masaksihan ang isang dating mataas na opisyal ng pulisya na gumamit ng salitang nanlaban ay nanginginig umano ngayon sa pagharap sa international justice.

 

“Bato Dela Rosa’s desperate attempt to hide behind parliamentary immunity exposes the hollowness of the past administration’s bravado. The thousands of victims’ families deserve justice, not this shameful spectacle of powerful men cowering in fear of accountability,” dagdag ni Manuel.

 

Ayon pa sa kongresista, napakaraming Pilipino ang nawalan ng mahal sa buhay dahil sa madugong war on drugs na ito at ngayong may pananagutan na ay biglang naghahanap ng lusot.

 

Sinabi naman ni Gabriela Party List Rep. Arlene Brosas na hindi dapat gawing hideout ng kriminal ang Senado. Isang malaking kahihiyan kung ang isang institusyong dapat nagtataguyod ng hustisya ay gagamitin bilang taguan ng mga umiiwas sa pananagutan.”

 

Sa halip aniya na gamitin ang kanyang political privilege, hinamon ni Brosas si Dela Rosa na harapin ang ICC.

 

“Just a few days ago, he boldly challenged the ICC with ‘bring it on’ and even said he was ready to join and take care of Duterte in jail. But now that accountability is catching up to him, especially after Duterte’s arrest, he’s suddenly trembling in fear and scrambling for Senate protection,” dagdag ni Brosas. (Vina de Guzman)

Mayor Jeannie, bumisita at nagbigay ng tulong sa mga biktima ng sunog sa Malabon

Posted on: March 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments

KAAGAD bumisita si Malabon City Mayor Jeannie Sandoval at nagbigay ng tulong sa 16 mga pamilya o 69 individuals na naapektuhan ng sunog sa Blk 15, Brgy. Longos, kung saan apat ang napaulat na nasawi.

“Agarang tulong po sa mga naapektuhan ng sunog dito sa Barangay Longos ang inihanda at inihatid sa kanila. Inalam din po natin ang kanilang mga pangangailangan matapos ang hindi inaasahang insidenteng ito. Ngunit, sa kabila ng trahedyang ito, ay naririto ang pamahalaang lungsod para umalalay at siguruhing nasa mabuti silang kalagayan. May pag-asa para sa pagbangon ng bawat isa,” pahayag ni Mayor Sandoval.

Namahagi ang pamahalaang lungsod ng mga food packs na naglalaman ng bigas, noodles, kape, tubig, mga de-lata, hygiene kits at iba pang non-food items para sa mga apektadong pamilya na nananatili sa Longos Multi-Purpose Hall at Longos Disaster Building.

Nauna rito, nabigay ang mga tauhan ng City Social Welfare and Development Department (CSWDD) ng maiinit na pagkain sa mga nasunugan bilang bahagi ng paunang ayuda. Nagtayo din ng mga modular na tolda para ma-accommodate ang mga pamilyang lumikas.

Sa ulat ng Malabon City Fire Station (MCFS), itinaas sa unang alarma ang sunog dakong alas-3:45 ng madaling araw na idineklarang under control pasado alas-4:50 ng umaga at ganap na naapula ang apoy alas-6:52 ng umaga.

Apat na ang napaulat na nasawi sa sunog na kinabibilangan ng tatlong magkakapatid at kanilang pamangkin habang nagsagawa na ng rapid needs assessment ang CSWDD para matukoy ang mga kinakailangan ng mga apektadong residente, kabilang ang mga pamilya ng mga nasawing biktima.

“Sa nangyaring insidenteng ito, pagkakaisa ang ating nais ipaalala sa bawat Malabueño. Mayroon mang naapektuhan ng sunog, nawa’y maipadama natin sa bawat biktima ang kalinga at pagtulong. Sa pamumuno ng ating Mayor Jeannie Sandoval, patuloy rin ang ating paalala sa mga mamamayan na mag-ingat lalo na ngayong Fire Prevention Month,” ani City Administrator Dr. Alexander Rosete.

Pinaalalahanan ng pamahalaang lungsod ang mga residente na laging tanggalin sa saksakan ang mga electronic device at appliances bago umalis sa kanilang mga tahanan, iwasan ang mga ilegal na koneksyon ng kuryente at tiyaking hindi maabot ng mga bata ang mga nasusunog na materyales upang maiwasan ang mga insidente ng sunog. (Richard Mesa)

Abalos isinusulong ang pag-amyenda sa local government code para sa mas maayos na serbisyo

Posted on: March 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments

IPINANGAKO ni Senatorial candidate Benjamin “Benhur” Abalos Jr. na aamyendahan ang Local Government Code sa kanyang kampanya sa Cagayan de Oro noong Marso 12, dahil sa paniniwalang may mga lumang probisyon na humahadlang sa epektibong pamamahala.

 

Ayon kay Abalos, may mga bahagi ng Republic Act 7160 na naisabatas noong 1991 na hindi na angkop sa kasalukuyang sitwasyon, kaya’t kailangang baguhin upang mapabuti ang pagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan, lalo na sa antas ng lokal na pamahalaan.

 

Inihalintulad niya ang Local Government Code sa isang lumang bahay na unti-unting nagpapakita ng mga suliranin:“Ginawa ito more than 30 years ago, kung baga sa bahay ay nakikita na ang depekto.”

 

Bilang dating Kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG), sinabi ni Abalos na nakipagpulong siya sa mga matataas na opisyal ng mga lokal na pamahalaan mula sa mga gobernador at alkalde hanggang sa mga kapitan ng barangay upang talakayin ang mga probisyong kailangang amyendahan.

 

Sa ginawang pagsusuri, natuklasan ni Abalos na marami sa mga isyung inilabas ng mga lokal na opisyal ay siya ring mga suliraning kanyang naranasan noong siya ay alkalde pa ng Lungsod ng Mandaluyong. Nagsilbi siya bilang alkalde sa loob ng 15 taon at tumanggap ng iba’t ibang parangal tulad ng Gawad Galing Pook, Apolinario Mabini Award, at ang prestihiyosong United Nations Public Service Award.

 

“Una dito ay yung barangay roads. Sabi sa Local Government Code ay dapat barangay ang magpapagawa nito pero alam naman ng lahat na walang kakayahan ang karamihan ng mga barangay para pondohan ito,” saad ni Abalos.

 

Habang may ilang barangay na pinalad na mapabilang sa mga highly-urbanized cities at mayayamang bayan, sinabi ni Abalos na karamihan sa mga barangay sa bansa ay patuloy na nakararanas ng kakulangan sa pondo.

 

Dagdag pa niya, nakasaad din sa kasalukuyang Local Government Code na ang mga lokal na pamahalaan ang may responsibilidad sa pagpapatayo ng mga ospital at paaralan.

 

“Buti kung lahat ng mga LGU natin ay mayaman, pero hindi so saan ngayon kukuha ng pondo ang mga LGUs para magpatayo ng mga hospital para sa mga maysakit nating kababayan at mga paaaralan para sa ating mga kabataan?” ani ni Abalos.

 

Ayon kay Abalos, nililimitahan ng mga probisyong ito ang maayos na pagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan sa antas ng barangay, dahil walang malinaw na gabay kung aling mga imprastruktura at proyekto ng mga LGU ang dapat suportahan ng pambansang pamahalaan.

 

“Kaya panahon na para baguhin natin ito para maibigay ang tamang serbisyo ng mabilis sa ating mga kababayan,” saad ni Abalos. (PAUL JOHN REYES)

« Older Entries
Newer Entries »

Archives

  • October 2025
  • September 2025
  • August 2025
  • July 2025
  • June 2025
  • May 2025
  • April 2025
  • March 2025
  • February 2025
  • January 2025
  • December 2024
  • November 2024
  • October 2024
  • September 2024
  • August 2024
  • July 2024
  • June 2024
  • May 2024
  • April 2024
  • March 2024
  • February 2024
  • January 2024
  • December 2023
  • November 2023
  • October 2023
  • September 2023
  • August 2023
  • July 2023
  • June 2023
  • May 2023
  • April 2023
  • March 2023
  • February 2023
  • January 2023
  • December 2022
  • November 2022
  • October 2022
  • September 2022
  • August 2022
  • July 2022
  • June 2022
  • May 2022
  • April 2022
  • March 2022
  • February 2022
  • January 2022
  • December 2021
  • November 2021
  • October 2021
  • September 2021
  • August 2021
  • July 2021
  • June 2021
  • May 2021
  • April 2021
  • March 2021
  • February 2021
  • January 2021
  • December 2020
  • November 2020
  • October 2020
  • September 2020
  • August 2020
  • July 2020
  • June 2020
  • March 2020
  • February 2020
  • January 2020

Recent Posts

  • Iimbestigahan kung aksidente o sinadya ang sunog Opisina ng DPWH sa Quezon City, nasunog
  • Malakanyang , dumistansiya sa panawagan sa Ombudsman na imbestigahan ang confidential funds ni VP Sara at ng kanyang opisina
  • Livestream ng ICI kinukuwestiyon ni (ML) Partylist Rep. Leila de Lima
  • Valenzuela, nakahanda sa “The Big One”
  • ICI hearings, magkakaroon na ng livestream sa susunod na linggo – Chairman Reyes

Recent Comments

    People's Balita.
    All rights reserved. © Copyright 2025.
    • Home
    • Rates
    • About
    • Contact