Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
INILUNSAD ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pangunguna ni Sec. Rex Gatchalian, kasama si Congressman Toby Tiangco sa Lungsod ng Navotas ang “e-PANALO ang Kinabukasan,” isang programang nagsusulong ng digital financial literacy at pagsasama para sa mga benepisyaryo ng 4Ps kung saan 50 miyembro nito ang nakatanggap ng mobile phones para tulungan silang mag-navigate sa mga digital na transaksyon at financial platform.. (Richard Mesa)
NAKATAKDANG magsagawa ng ikatlong public hearing ang House Tri-Committee (Tri-Comm) ngayong Biyernes upang tugunan ang lumalaking isyu ng disinformation at fake news online.
Kabilang sa inimbitahan ang nasa 11 social media personalities at vloggers, kasama na si dating Communications Secretary Trixie Cruz-Angeles, na posibleng makaharap sa contempt at
detention kapag patuloy sa hindi pagdalo sa imbestigasyon.
Una nang nagpalabas ang Committees on Public Order and Safety, Information and Communications Technology, at Public Information ng show cause orders sa mga naturang indibidwal na isinasangkot sa pagpapakalat umano ng misleading online content.
Sa kabila ng ilang summons, nabigo ang ilan sa mga ito na dumalo sa pagdinig ng panel na siyang dahilan upang magpatupad ng legal na hakbang ang komite kabilang na ang pag-isyu ng subpoenas laban sa 11 vloggers.
Sinabi ni Laguna Rep. Dan Fernandez, overall chair ng Tri-Comm, na layon ng imbestigasyon ng komite na mapanagot ang mga indibidwal na nagpapakalat umano ng pekeng balita at content sa online.
“Disinformation is a national security issue. It erodes public trust, destabilizes institutions, and manipulates democratic discourse. We cannot allow social media to become a free-for-all platform for deception and propaganda,” ani Fernandez. (Vina de Guzman)
TINULIGSA ni House Committee on Overseas Workers Affairs Chairman Jude Acidre ng Tingog Party-list ang naging pahayag ni dating presidential spokesperson Harry Roque na isusulong niya ang pagkuha ng asylum sa Netherlands.
Naniniwala ang mambabatas na isa itong desperadong hakbang para makaiwas umano sa panangutan sa alegasyon laban sa kanya tulad nang pagkakasangkot umano sa offshore scam hubs o Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
“Roque’s asylum bid is nothing more than a cowardly maneuver to escape the consequences of his actions. He has been cited in contempt and ordered detained for his refusal to cooperate in our investigation into POGO-related criminal activities. Now, he wants to flee the country to avoid answering for his alleged role in a human trafficking scheme. If he has nothing to hide, why is he running?” pagtatanong nito.
Ang hakbang ni Roque ay kasunod na rin sa isinampang kaso ng human trafficking laban sa kanya at dalawang iba pa sa Department of Justice (DOJ), may limang buwan na ang nakalilipas.
Binigyan-diin pa ni Acidre na ang biglaang asylum application ni Roque ay lalong nagpalaki ng suspisyon sa pagkakasangkot nito sa mga akusasyon laban sa kanya.
“This is not just about contempt in Congress anymore. Roque is now facing serious criminal charges that involve human trafficking—one of the gravest crimes under Philippine and international law. His decision to seek refuge abroad is an obvious attempt to shield himself from prosecution and avoid being held accountable for his actions,” dagdag nito.
Hinikayat namann ni Acidre ang mga law enforcement agencies na makipag-coordinate sa international authorities upang mapigilan si Roque na magamit ang asylum para protektahan siya sa prosecution.
“The law must take its course. We cannot allow individuals to exploit international legal mechanisms just to escape criminal liability. Roque may attempt to run, but the long arm of the law will eventually catch up with him. We will ensure that he faces justice—whether here or abroad,” pgatatpos ni Acidre.
(Vina de Guzman)
INIHAYAG ni House Deputy Majority Leader Janette Garin ng Iloilo na isang malaking pekeng balita ang espekulasyon na planong magpatupad ng martial law ang administrasyong Marcos upang pigilan ang kalat-kalat na mga protesta ng kaalyado ni dating President Rodrigo Roa Duterte.
Kasabay nito, sinigura ng mababatas na tuloy ang halalan sa May 12 dala na rin sa ginagawang kampanya ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang mga senatorial candidates.
“Napakalayo sa katotohanan nung fake news na magkaka-martial law. Kapag martial law ka, parang lahat ng pinaghirapan ng Pangulong Bongbong Marcos, kaakibat na ‘yung mga nakaraang administrasyon, ay itatapon lamang. So napakalaking fake news nito,” aniya.
Kitang-kita rin aniya ang todo ikot ng pangulo para mangampanya sa eleksyon.
“Kasi kung magde-declare yan ng martial law wala nang mag-eleksyon. So it’s really untenable, parang malayong-malayo,” pahayag nito.
Sinabi ni Garin na abala ang pamahalaan sa pagtulong sa sambayanan na maibaba ang presyo ng pagkain at maibaba ang inflation.
Nagbabala ito sa posibleng negatibong kahihinatnan ng pagpapakalat ng fake news. (Vina de Guzman)