• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 6:13 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March, 2025

Abalos, pasok sa Magic 12 ng kabataan

Posted on: March 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KABILANG si dating Interior Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos Jr. sa Magic 12 na iboboto ng mga kabataan na sumagot sa election survey ng Centre for Student Initiatives (CSI).

Nakakuha si Abalos ng 26.92% sa online botohan na isinagawa mula Pebrero 25 – Marso 11, na may 1,200 estudyanteng respondents mula sa Cagayan hanggang sa Lanao del Norte.

Ang CSI ay isang malayang institusyong pinamumunuan ng kabataan at itinutuon sa pananaliksik para sa mga solusyong pangkaunlaran sa edukasyon.

Matatandaan na naging mayor ng Mandaluyong si Abalos kung saan pinangunahan niya ang urban development ng lungsod na nagbunsod sa pagkilala nito bilang “Tiger City of the Philippines.”

Isinulong niya ang mga proyektong pabahay na nagbigay ng land titles sa may 7,700 pamilya. Ipinatupad niya rin ang Project TEACH, isang programa para sa mga batang may ­kapansanan na kinilala ng United Nations Public Service Award.

Bilang dating chairman ng MMDA, naging susi siya sa epektibong pagtugon sa pandemya sa Metro Manila.

Nang maupo bilang Kalihim ng DILG, ipinagpatuloy niya ang kanyang adbokasiya sa mas episyenteng pamamahala at pagpapatibay ng peace and order.

Isa rin siya sa mga nanguna sa matagumpay na pag-aresto kina Pastor Apollo Quiboloy, dating Bamban Mayor ­Alice Guo, at ang notorious child sex trafficker na si Teddy Mejia.

Navotas seniors, nakatanggap ng cash incentive

Posted on: March 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAKATANGGAP ang mga senior ng Navotas City na edad 80, 85, 90, at 95 ng tig-P10,000 cash incentive sa ilalim ng Expanded Centenarians Act.

Ang unang batch na 53 senior citizen, na umabot sa milestone na edad sa pagitan ng Marso 17 at Disyembre 2024, ay nakinabang din sa libreng medical check-up, mga gamot, at basic laboratory tests.

Ayon sa National Commission of Senior Citizens, ang Navotas ang unang local government unit (LGU) sa Metro Manila na namahagi ng insentibo.

Binigyang-diin ni Rep. Toby Tiangco, co-author ng Expanded Centenarian Acts, ang kahalagahan ng pagpaparangal sa mga senior citizen.

“Ang ating mga nakatatanda ay nag-alay ng maraming taon ng kanilang buhay para sa kanilang pamilya at komunidad. Nararapat lang na kilalanin at suportahan sila habang sila ay kapiling natin,” ani Cong.Tiangco.

Nabanggit din niya na ang inisyatiba ay higit pa sa tulong pinansyal.

“Hindi lang ito tungkol sa pera kundi pagpapakita ng pagpapahalaga at respeto sa ating mga lolo at lola. Ang bawat benepisyo ay isang pasasalamat sa kanilang naging papel sa ating lipunan,” dagdag niya.

Muling pinagtibay ni Tiangco ang pangako ng gobyerno sa pagpapabuti ng buhay ng mga senior citizen.

“Patuloy tayong maghahanap ng paraan upang mapabuti ang kanilang buhay at matiyak na sila ay maalagaan sa kanilang katandaan,” pahayag niya.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11982, ang mga nakatatanda na umabot sa edad 80, 85, 90, at 95 ay makakatanggap ng P10,000, bukod pa sa P100,000 na insentibo para sa mga centenarian. (Richard Mesa)

GM ng MRT 3 sinibak

Posted on: March 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINAHAYAG ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon na sinibak ang general manager ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) na si Oscar Bongon sa kanyang puwesto.

 

     Ayon kay Dizon, sinibak si Bongon dahil sa kapabayaan ng pangasiwaan ng MRT 3 na magkaroon ng parating maintenance service ng mga escalators sa mga istasyon ng MRT 3 at dahil dito isang aksidente ang nangyari na may nasaktan na 12 pasahero noong nakaraang Sabado.

 

     Dagdag ni Dizon na ang pamunuan ng MRT 3 ay nabigong rin na ayusin agad ang nasirang escalator na ayon sa kanya ay hindi katanggap-tanggap. Martes pa naayos ang nasirang escalator matapos ang aksidente noong Sabado.

 

     “The management fails to make haste decision to repair the malfunctioned escalator wherein it happened last Saturday. It was only last Tuesday that it was repaired not until I called them. For me, its not acceptable,” wika ni Dizon.

 

     Sinabi ng DOTr na nagbigay na ng rekomendasyon si Dizon sa Malacanang kung sino ang posibleng papalit kay Bongon. Hinihintay na lamang ang official na appointment papers mula sa Malacanang.

 

     Dagdag ni Dizon na ang nasabing aksidente ay isang proof na ang opisyales ng MRT 3 ay may pagkukulang bilang isang operator nito. Naniniwala siya na dapat ay ibigay na sa pribadong sektor ang operasyon at maintenance nito.

 

     Ang Japanese firm na Sumitomo Corporation ang siyang maintenance service provider ng MRT3.

 

     Noong nakaraang Sabado ay nasira ang escalator ng MRT 3 sa Taft Avenue kung saan may nasaktan na mga pasehero at ayon sa report ay anim dito ang nadala sa ospital.

 

     “The CCTV footage showed a line of commuters falling like a stack of dominoes after the upward-moving escalator suddenly stopped and then went in reverse at a faster speed than normal. One of the affected commuters likened the experience to a scene from American horror film Final destination,” saad ni Dizon.

 

     Ayon sa pamunuan ng MRT 3, ang main drive chain ng escalator ay nakitang may damage. Humingi ng paumanhin sa mga pasahero na nasaktan ang pamunuan ng MRT 3 sa pangunguna ni Bongon. Nagpayahag din ng paumanhin si Dizon dahil sa hindi inaasahang pangyayari.

 

     Depense ng pamunuan ng MRT 3 na kanilang binigyan na ng utos ang service provider bago pa man nangyari ang aksidente na magkaron ng extensive maintenance parati upang matiyak ang kaligtasasn ng mga pasahero.

 

     Sinabi rin ng DOTr na ang mga nangangailangan ng tulong ay puwedeng lumapit sa pamunuan ng MRT 3 at sila ay magbibigay ng tulong at assistance.

 

     Dahil sa pangyayari ay sinabi ni Dizon na magkakaron siya ng audit inspection ng lahat ng estasyon at siya mismo ang mag-iikot upang tingnan ang mga pasilidad ng bawat estasyon ng MRT 3.

 

     May kumpiyansa naman si Dizon na ang MRT 3 at ibang pang rail lines sa Metro Manila ay maisasailalim ang operasyon at maintenance sa pribadong sektor bago matapos ang termino ni President Maros. LASACMAR

3-day nationwide transport strike, kasado na

Posted on: March 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ni Manibela President Mar Valbuena na muli silang magkakasa ng 3-day transport strike sa Marso 24 hanggang 26.

Ito ayon sa Manibela ay dahil sa pagsisinungaling ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nagsabing umaabot na sa 86% ang nagconsolidate at nakapag-comply para sa modernisasyon ng public utility vehicle (PUVs) sa bansa.

“Ang sinasabi ng LTFRB na 86% na ang nagconsolidate at nakapag-comply. Naging mitsa ito kung bakit hindi na na-renew ang ating provisional authority at hindi na nakarehistro ang aming mga sasakyan,” pahayag ni Valbuena.

Gayunman, sinabi ni Valbuena na maaring ma-extend pa ng mga araw ang tigil pasada depende sa magiging paliwanag ng LTFRB sa sitwasyon.

Iginiit diin din ni Valbuena kay Transportation Secretary Vince Dizon na sibakin sa puwesto ang mga opisyal ng LTFRB sa pangu­nguna ni Chairman Teofilo Guadiz.

Dapat aniyang pag­aralan at suriing mabuti ni Dizon ang kundisyon ng maliliit na driver kung saan may pangako ang pamahalaan na aayusin ang sistema ng transportasyon sa bansa at kalagahan ng maliliit na tsuper ng mga pampasaherong sasakyan.

Roque, Guo iisa lang ruta sa pagtakas – BI

Posted on: March 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INILUTANG ng Bureau of Immigration (BI) ang posibilidad na iisa lang ang ruta na ginamit nina dating presidential spokesperson Harry Roque at  Alice Guo sa paglabas ng bansa.

Sa pagdinig ng Senate committee on human rights nitong Martes, sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na walang record na nakatala sa BI kaugnay sa paglabas ng Roque na napaulat na humihingi ng asylum sa The Netherlands.

Hinala ng BI na gumamit ng “backdoor exit” sa Tawi-Tawi si Roque.

“Since Atty. Roque has no recorded departure in the BI’s records, he most likely took the same route as Alice Guo in leaving the country by using a backdoor exit in Tawi-Tawi,” ani Viado.

Ipinagpatuloy ng komite ang pagdinig tungkol sa paglabas ng bansa ni Guo noong isang taon kasama ang kapatid na sina Shiela at Wesley.

Nakalabas ng bansa ang magkakapatid gamit ang Tawi-Tawi backdoor, batay sa pahayag ni National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Director Ferlu Silvio sa pagdinig ng Senate committee on human rights noong Marso 20.

Ayon kay  Silvio, namonitor nila na nagbiyahe si Roque mula Zamboanga patungong Tawi-Tawi noong Setyembre 2, 2024. Matapos tumapak sa Tawi-Tawi, wala na silang impormasyon tungkol kay Roque. (Daris Jose)

General manager ng MRT-3, sibak puwesto

Posted on: March 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon nitong Martes na sinibak sa puwesto si Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) General Manager Oscar Bongon.

Kasunod ito ng pagpalya ng isang escalator ng MRT-3 noong nakaraang linggo, na nag­resulta sa pagkasugat ng may isang dosenang pasahero.

Ayon kay Dizon, ikinagalit niya nang malamang hindi kaagad ipinagawa ng pamunuan ng MRT-3 ang nasirang escalator dahil hindi aniya ito katanggap-tanggap.

Ani Dizon, mabagal masyadong magdesis­yon ang management dahil nasira ang escalator ng Sabado ngunit Martes pa ito nang ipagawa.

Kung hindi pa aniya siya tumawag noong Martes ay hindi pa ipapagawa ang pumalyang escalator.

Nabatid na inirekomenda na rin ni Dizon na mapalitan si Bongon at naghihintay na lamang ng opisyal na appointment papers mula sa Malakanyang.  (Daris Jose)

Online attacks sa ICC judge, makakaapekto kay Duterte

Posted on: March 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

POSIBLENG maapektuhan ang kahilingan ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na pansamantalang mapalaya mula sa International Criminal Court (ICC) dahil sa pag-atake sa social media sa mga humahawak ng kaso ng mga tagasuporta ng dating presidente.

Sa pahayag ni ICC-Accredited lawyer Joel Butuyan sa online media forum ng Foreign Correspondent Association of the Philippines, maaaring ­makaapekto ito lalo na ang mga kilos protesta na nagpapakita ng suporta sa dating pangulo dahil nakikita ng mga judges na sobrang makapangyarihan ang pwersa ng kampo ni Duterte dahil hanggang sa ICC ay maaari silang ­i-bully, i-harass at tangkang magmanipula.

Matatandaan na matapos ang pagkakaaresto kay Duterte ay patuloy ang pagsasagawa ng kilos protesta sa Maynila at Davao City ng mga tagasuporta ng dating pangulo.

Samantala sa Facebook post nitong Linggo ni ICC Assistant to Counsel Kristina Conti, sinabi nito na ang mga harrasment ng mga tagasuporta ng dating panguo sa mga biktima ay maaaring magtulak sa ICC na ibasura ang kahilingan ng kampo ni Duterte na interim release at magpapalakas para ma-convict ito.

Paalala pa ni Conti, may panglimang kaso na niliitis sa ICC base sa Article 70 ng Rome Statute ito ay ang offenses laban sa administration of justice kaya dapat mag-ingat ang mga umaatake sa korte, sa prosecutor at sa judges dahil baka madagdagan pa ang kaso ni Duterte.

(Daris Jose)

Duterte siblings pinasasagot ng SC sa ‘habeas corpus’

Posted on: March 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INATASAN ng Korte Suprema ang mga anak ni dating Pang. Rodrigo Duterte na maghain ng tugon hinggil sa komentong isinumite ng mga opisyal ng pamahalaan sa kanilang consolidated habeas corpus petitions na humihiling na mapalaya ang kanilang ama mula sa pagkakapiit sa The Hague, Netherlands dahil sa asuntong crimes against humanity.

Ayon kay Supreme Court (SC) Spokesperson Atty. Camille Ting, inatasan ng Supreme Court (SC) en banc ang mga petitioners na sina Veronica “Kitty” Duterte, Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte, at Davao City Representative Paolo “Pulong” Duterte na maghain ng kanilang tugon sa loob ng non-extendible period na limang araw.

Paglilinaw naman ni Ting sa isang pulong balitaan, “When a court asks a party to comment or respond, it does not mean that it either granted or denied the petition or the prayer.”

Inihayag din niya na ang komento ay inihain ni Department of Justice (DOJ) Undersecretary Nicholas Ty, matapos ang pagtanggi ng Office of the Solicitor General (OSG) na katawanin ang mga respondents sa petisyon. (Daris Jose)

Bong Go sa Duterte supporters: ‘Wag tayong titigil!

Posted on: March 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

“HUWAG tayong titigil.” Ito ang panawagan ni Senator Christopher “Bong” Go sa sambayanang Pilipino, lalo sa mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, sa paghiling at pagsigaw na maibalik sa bansa si Tatay Digong na ngayo’y nakakulong sa The Hague, Netherlands matapos ipagkanulo ng mga opisyal ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).

 Sa ika-88 Araw ng Dabaw noong March 16 na isinagawa sa Davao City, libu-libong nakiselebra at tagasuporta ni Duterte ang nanawagan para maibalik sa bansa ang dating lider. Naging emosyonal si Senator nang makita ang maraming tao sa San Pedro Square, para ipakita ang kanilang pagmamahal.

kay Duterte.

Nagpasalamat siya sa mga dumalo. “Siya na dinala sa ibang bansa, dapat ibalik siya. Mga Dabawenyo, mga taga-Mindanao, ang hiling ko lang sa inyo, ‘wag tayong titigil, ‘wag natin siyang pabayaan. Maraming salamat sa inyong suporta at pagsama kay Tatay Digong. Ginawa lang n’ya ang kanyang trabaho para sa Pilipino,” sabi ni Go.

 Naaalala niya kung paano sinikap ng Duterte administration na tiyakin ang kapayapaan at kaayusan sa bansa, kung kaya maraming pamilya ang nagsabing mas ligtas sila noong panahong iyon.

“May mga lumalapit sa akin, sinasabi, ‘Sir, salamat po dahil nakakalakad na ang aming anak nang hindi natatakot, walang nang-aabuso.’ Ginawa ito ni Tatay Digong para sa ating mga anak. Ginawa lang n’ya ang kanyang trabaho.

 Ito ba ang dapat na iganti sa kanya?” ang sabi ni Go. Kaya naman hiniling ni Go sa mga tagasuporta ni Tatay Digong sa iba’t ibang panig ng mundo na ipagpatuloy ang kanilang panawagan na palayain ng ICC at ibalik sa Pilipinas si Duterte.

“Mga kababayan ko, ‘wag tayong titigil! Ako ay nakikiusap sa inyo. Sa ating mga kababayan sa buong Pilipinas, hindi lang sa Mindanao, kundi pati sa Visayas, sa Luzon, sa buong mundo. Alam kong mahal na mahal n’yo si Tatay Digong.

Please lang, ‘wag kayong titigil.” “Puntahan n’yo lahat ng embahada! Katukin n’yo! Ipahayag natin, peacefully, ang ating saloobin! ‘Wag tayong tumigil hangga’t hindi nila siya pinapauwi! Kung kaya nilang ipadala si Tatay Digong sa Netherlands—kaya rin nila siyang pauwiin dito!” Ikinababahala pa rin ni Go ang kalusugan ng kanyang naging mentor sa pulitika.

“Nahihirapan na nga siyang maglakad. Patuloy siyang lumalaban. Awang-awa lang talaga ako kay Tatay Digong. Ano ang gusto n’yong gawin sa kanya doon?” “Alam n’yo kung ano ang pinakaikinakatakot ko? I’ll be honest with you—ang kanyang kalusugan.

Paano kung hindi nila ibigay ang kanyang gamot? Paano kung may mangyari sa kanya? Sino ang mananagot?” Nanawagan din si Go ng panalangin at pagkakaisa para sa ating bansa(Daris Jose)

Malakanyang, binatikos si Bato sa pagsasabing ‘magtatago na lang, ‘di susuko sa ICC’

Posted on: March 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BINATIKOS ng Malakanyang si Senator Ronald ”Bato” dela Rosa nang sabihin nito na kinokonsidera niya na magtago na lamang kaysa sa sumuko sa International Criminal Court (ICC) sa oras na magpalabas na ng warrant of arrest laban sa kanya.

“Hindi po natin sinasang-ayunan ang ganoong klase pong paniniwala at kaniyang nais gawin,” ang sinabi ni Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.

“Hindi po ito makakabuti sa mga kababayan natin na mismong lider natin ay hindi haharapin ang anumang kaso o complaint na naisampa o maisasampa laban sa kaniya,” ang sinabi pa rin ni Castro.

“Nakakapagtaka lamang po na siya ay dati pang PNP Chief, iyan po ba ang gusto niya ring ipahiwatig sa taumbayan na kapag may warrant of arrest ay dapat magtago. Hindi po talaga tayo magtataka kung bakit natagalan sumuko or nahuli ang dating si Pastor Quiboloy,” ang pahayag pa rin ni Castro.

Sa ulat, sinabi ni Senator Bato na wala siyang balak na sumuko o magpahuli at sa halip ay magtatago na lamang sakaling ­magpalabas na ng warrant of arrest ang ICC laban sa kanya.

Ipinunto ni dela Rosa ang kawalan ng hustisya sa bansa kaya walang dahilan para isuko ang sarili.

“Well, kung wala tayong makita na hustisya dito sa ating bansa, bakit ka susuko? ‘Di ba?” ani dela Rosa sa mga mamamahayag.

Nang tanungin kung balak niyang magtago sa mga awtoridad, ­inamin ni dela Rosa na kasama ito sa kanyang plano.

“Kasama ‘yan, kasama ‘yan. Kasama ‘yan sa courses of action natin,” ani dela Rosa.

Nauna rito, inihayag ni dela Rosa na handa siyang magpaaresto upang madala rin sa The Hague, Netherlands at maalagaan sa detention facility ng ICC si dating Pangulong Rodrigo Duterte na nahaharap sa kasong “crimes against humanity”.

“I am ready to join the old man hoping that they would allow me to take care of him,” wika niya isang araw matapos maaresto si Duterte. Si dela Rosa ang dating hepe ng PNP noong ipatupad ang madugong war on drugs ni Duterte.

Kabilang din sa ­balak ni dela Rosa ang magpakupkop sa Senado lalo pa’t tiniyak sa kanya ni Senate President Francis Escudero na hindi siya maaaring arestuhin sa loob ng Senado habang may sesyon. (Daris Jose)