• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 5:30 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March, 2025

PBBM, itinalaga ang digital technocrat bilang bagong hepe ng DICT

Posted on: March 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si dating UnionDigital Bank president at chief executive officer Henry Rhoel Aguda bilang bagong Kalihim ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Inanunsyo ng Presidential Communications Office (PCO) ang pagkakatalaga kay Aguda, araw ng Huwebes.

“Aguda’s experience spans the banking, technology and telecommunications sectors,” ang sinabi ng PCO sa isang kalatas.

“His specialty is in digital transformation, digital banking and financial crimes,” dagdag na pahayag nito.

Pinalitan ni Aguda si Ivan John Uy na nagbitiw sa puwesto nito lamang unang bahagi ng buwan.

Bago pa ang kanyang bagong appointment, nagsilbi si Aguda bilang Digital Infrastructure Lead sa Private Sector Advisory Council (PSAC), isang konseho na may tungkulin na tulungan ang administrasyong Marcos sa pagpapaunlad ng mga makabagong synergy sa pagitan ng private at public sectors.

Bago naman napasama sa UnionDigital Bank, siya ay board chairperson kapwa ng City Savings Bank at UBX Philippines.

(Daris Jose)

Para sa paggunita ng Eid’l Fitr: Abril 1, 2025, idineklarang regular holiday ni PBBM

Posted on: March 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang regular holiday ang Abril 1, 2025 para sa paggunita ng Eid’l Fitr o Feast of Ramadan.

Nakasaad sa Proclamation No. 839, inilabas nitong Huwebes, na ” Republic Act No. 9177, amending Section 26, Chapter 7, Book I ng Executive Order No. 292′ nagdedeklara sa Eid’l Fitr o FoR bilang regular holiday sa buong bansa.

Sinabi ni Pangulong Marcos, base ito rekomendasyon ng National Commission on Muslim Filipinos na ideklara ang alinman sa Marso 31, 2025 o Abril 1, 2025 bilang isang national holiday.

“In order to bring the religious and cultural significance of the Eid’l Fitr to the fore of national consciousness and to allow the entire Filipino nation to join their Muslim brothers and sisters in peace and harmony in the observance and celebration of Eid’l Fitr, it is necessary to declare April 1, 2025, Tuesday, a regular holiday throughout the country,” ang nakasaad sa proklamasyon. (Daris Jose)

VP Sara, binatikos ang AFP para sa ‘standing idly’ sa panahon ng pag-aresto kay ex-PRRD

Posted on: March 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BINATIKOS ni Vice President Sara Duterte ang Armed Forces of the Philippines (AFP) makaraang pahintulutan na arestuhin ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na ang batayan lamang ay ang foreign tribunal warrant.

Kinuwestiyon ni VP Sara ang ‘constitutionality’ ng pag-aresto sa kanyang ama noong Marso 11 sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Foreign Affairs’ ukol sa hurisdiksyon ng International Criminal Court (ICC), kung saan sinampahan ang dating Pangulo ng crimes against humanity of murder na may kaugnayan sa kanyang madugong ‘war on drugs campaign.’

“Even more disturbing is the silence of the Armed Forces of the Philippines. Why did the AFP stand idly by while a former Commander-in-Chief was taken from a military base under questionable circumstances? How could they allow a foreign tribunal to override on our constitutional guarantees?,” ang sinabi ni VP Sara.

Kinuwestiyon din ni VP Sara kung bakit pinayagan ng Presidential Security Command (PSC), isang unit sa ilalim ng AFP na arestuhin ang kanyang ama. Ang PSC ang ‘in charge’ sa proteksyon ng kanyang ama.

“Because under the law, the Presidential Security Command (a unit under the AFP) is in charge of the security of former presidents. So, bakit nila hinayaan na mangyari ito sa isang dating pangulo ng ating bayan?,” ang balik tanong ni VP Sara.

Kinuwestiyon din ni VP Sara ang “authority” ng Philippine National Police (PNP), na nanguna sa pag-aresto sa kanyang ama base sa ICC warrant sent na ipinadala sa International Criminal Police Organization (Interpol).

“Under whose authority did the PNP act? Why did it enforce a foreign warrant without the Philippine court order? Why didn’t they at least bring PRRD before a judge as required by the Rome Statute itself?,” ang muling tanong ni VP Sara.

May ilang legal experts ang nagpaliwanag na hindi obligado ang gobyerno ng Pilipinas na ipadala ang dating Pangulo sa local court lalo pa’t hindi na miyembro ng ICC ang Pilipinas matapos na kumalas ang dating Pangulo mula sa Rome Statute noong 2019.

Inaasahan naman na uungkatin ng kampo ng dating Pangulo ang proseso ng pag-aresto kay Digong Duterte at ang hurisdiksyon ng ICC para iapela na ibasura ang kaso bago pa ang Sept. 23 hearing sa ICC.

Sumigaw din ng ‘foul’ si VP Sara sa kakulangan ng due process sa pag-aresto sa kanyang ama.

“Even granting for the sake of argument that we have some duty to cooperate with either the ICC or Interpol, does that duty override the fundamental rights of every Filipino enshrined in our Constitution?,” ang tanog ni VP Sara.

“What happened on March 11, 2025, is not just about one man. It is about all of us. It is about the country. If a former president can be taken without due process, what stops them from doing the same to any other Filipino?,” aniya pa rin.

“We have now lost a former president. I pray that we do not lose the country next,” ang sinabi ni VP Sara.

Samantala, sinabi pa ni VP Sara sa Senate hearing na …

“Alam naman natin lahat, at alam nila na mali ang ginawa nila. Ginawa nila iyon just to demolish political opponents. This is all about politics. The administration is using government resources, the ICC, to demolish the opposition.”

“Ang tanong ngayon, ano ang gagawin natin para maibalik ang dating Pangulo sa Pilipinas? Kasi, nag-iisa ako ngayon dito na gumagawa ng paraan para maibalik ang ating dating Pangulo sa ating bayan,” ang diing pahayag ni VP Sara. (Daris Jose)

Red Horse Beer’s Pambansang Muziklaban

Posted on: March 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAKALIPAS ang apat na taon pahinga, muling umakyat sa emtablado ang 12 banda at naglaban-laban sa dalawang magkaibang kategorya ang LAKAS, na nag-banner ng mga hardcore rock band, at AKLAS na nagtampok ng banda na tumutugtog ng alternative rock sa Red Horse Beer’s Pambansang Muziklaban na ginanap sa Paseo de Sta. Rosa, Laguna kung saan kapwa nag-uwi ng P500,000 cash prize mula sa Red Horse Beer ang magkabilang banda. (Richard Mesa)

2 holdaper ng taxi timbog, baril at droga, nasamsam

Posted on: March 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SHOOT sa selda ang dalawang drug suspects na holdaper matapos magpanggap na pasahero at holdapin ang driver ng taxi na kanilang sinakyan sa Caloocan City.

          Sa pahayag ng 47-anyos na taxi driver sa mga tauhan ni Caloocan City Police Station chief P/Col. Col. Edcille Canals, sumakay ang dalawang lalaki sa kanyang taxi sa EDSA malapit sa Monumento.

          Pagsapit sa Talilong St., Brgy. 28 dakong alas-8:30 ng umaga, naglabas ang mga suspek ng baril sabay nagdeklara ng holdap at sapilitang kinuha ang cellphone, sling bag at PhilHealth ID ng biktima bago nagtangkang tumakas.

          Agad namang nagsisigaw na humingi ng saklolo ang biktima na nakatawag pansin sa nagpapatrolyang mga tauhan ni Col. Canals na mabilis rumesponde at hinabol ang mga holdaper na nagresulta sa pagkakaaresto sa 27-anyos na lalaki at 29-anyos na lalaki na positibong kinilala ng biktima na nang holdap sa kanya.

          Nang kapkapan, nakuha sa mga suspek ang isang improvised pen gun na kargado ng isang bala ng kalibre .38, isang replica Glock 18 pistol at dalawang transparent plastic sachets na naglalaman ng nasa 10.5 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P72,600.

          Ayon kay Col. Canals, mahaharap ang mga suspek sa kasong robbery, paglabag sa RA 10591 in relation to BP 881 (Omnibus Election Code) at RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

          Pinapurihan ni P/Col. Josefino Ligan, Acting District Director ng NPD ang Caloocan police para sa kanilang matatag na dedikasyon at walang sawang pagsisikap sa paglaban sa ilegal na droga at pangangalaga sa kapakanan ng komunidad

“This operation demonstrates our commitment to aggressively pursuing criminals and dismantling their networks,” pahayag niya. (Richard Mesa)

Valenzuela LGU, nagturnover ng 40 bagong motorsiklo at 25 bagong sasakyan sa VCPS

Posted on: March 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Mayor WES Gatchalian ang turnover ng mga bagong motorsiklo at sasakyan para sa Valenzuela City Police Station (VCPS) at paglulunsad ng Valenzuela Plaka Express o ValPLEX, isang streamlined license plate release initiative katuwang ang Land Transportation Office (LTO), na ginanap sa ALERT Center Parking Grounds and Multi-purpose Hall.

Ani Mayor Wes, nasa P49 milyon ang inalaan ng pamahalaang lungsod para makakuha ng 40 bagong motorsiklo at 25 bagong sasakyan na magamit ng VCPS sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Nixon Cayaban sa pagpapalakas ng presensya ng mga nagpapatupad ng batas sa mga lansangan at mabilis na aksyon laban sa krimen.

Kasabay nito, ipinakilala ni Mayor Gatchalian ang ValPLEX, isang inisyatiba na idinisenyo upang mapabilis ang pagpapalabas ng mga plaka ng sasakyan sa pakikipag-ugnayan sa opisina ni Councilor Sel Sabino-Sy at sa pakikipagtulungan ng LTO na layuning alisin ang matagal na pagkaantala sa pagbibigay ng mga plaka para sa mga motorista.

Ang unang inisyatiba ay nakatuon sa mga sasakyang pag-aari ng gobyerno at ngayon ay para naman sa Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA) sa lunhsod kung saan 2,761 license plates ang naipamahagi sa mga miyembro ng TODA.

Ibinahagi ni Mayor WES ang adhikain ng pamahalaang lungsod na gawing mas ligtas ang lungsod sa pamamagitan ng Valenzuelife campaign nito. Umaasa siya na ang bawat pamilyang Valenzuela ay magkakaroon ng kapayapaan ng isip sa pamumuhay sa lungsod at mabigyan ng buhay na malaya sa anumang panganib.

“Binibigyan po natin ng prayoridad ang peace and order [sa lungsod ng Valenzuela]. Sana po ay dumating panahon na kapag tinawag na Valenzuelife, ay panatag po ang loob ng ating mga anak na galing sa eskwela at mga asawa na galing sa trabaho na sila’y ligtas–na kapag sila’y naglalakad man sa looban ay hindi sila nangangamba dahil visible ang ating kapulisan,” pahayag niya.

Dagdag pa dito, nagbigay dina ng pamahalaang lungsod ng pitong  Chikiting Food Patrol vehicles sa CSWDO kung saan pinondohan ito mula sa award ng Seal of Good Local Governance (SGLG) ng lungsod noong 2023.

Ipapakalat ito sa iba’t ibang barangay upang suportahan ang K to 6 feeding programs ng lungsod at labanan ang malnutrisyon ng bata sa pamamagitan ng direktang pagdadala ng masustansyang pagkain sa mga batang benepisyaryo. (Richard Mesa)

NHA at DA, lumagda sa kasunduang ilapit ang murang sulay ng pagkain sa mga benepisyaryo

Posted on: March 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

LUMAGDA ang National Housing Authority (NHA) at Department of Agriculture (DA) sa isang Memorandum of Understanding (MOU) nitong Marso 20, 2025, upang matiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng mga produktong agrikultural sa piling resettlement sites ng NHA.

Layunin ng kolaborasyong ito na palakasin ang seguridad sa pagkain at isulong ang sustainability habang tinutugunan ang mga hamon sa sektor ng agrikultura. Ang inisyatibang ito ay bahagi ng KADIWA ng Pangulo (KNP) Program na sumusuporta sa layunin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na matulungan ang mga magsasaka na direktang maibenta ang kanilang produkto sa mga mamimili.

Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng mga magsasaka, mangingisda, maliliit na negosyante, at mamimili, nagbibigay ang KADIWA Program ng sariwa at lokal na ani sa abot-kayang presyo.

Kinatawan ng NHA si General Manager Joeben Tai, habang kinatawan naman ng DA si Kalihim ng Agrikultura Francisco P. Tiu Laurel Jr.

“Bilang General Manager ng National Housing Authority, ipinagmamalaki ko pong patunayan ang dedikasyon ng NHA sa programang ito. Kinikilala namin ang kaginhawaang dulot ng KADIWA sa ating mga komunidad at sa buong bansa,” ani GM Tai.

Pinasalamatan din ni GM Tai ang DA dahil sa suporta nito sa misyon na madala ang serbisyo ng pamahalaan sa mga resettlement site. “Maraming salamat din sa Department of Agriculture sa pakikiisa sa misyon na gawing accessible ang ating serbisyo sa mga benepisyaryo ng pabahay,” dagdag ni GM Tai.

Binigyang-diin din ni GM Tai na ang KADIWA ay naging mahalagang bahagi ng bawat NHA People’s Caravan upang matiyak na direktang nakikinabang ang mga komunidad sa mga inisyatiba ng programa.

Dumalo rin sa pagpirma sina NHA Assistant General Manager Alvin S. Feliciano, Community Support Services Department OIC Donhill V. Alcain, Assistant Secretary for Agribusiness, Marketing, and Consumer Affairs, at KADIWA Program Head Atty. Genevieve Velicaria-Guevarra. (PAUL JOHN REYES)

45-day benefit limit, inalis ng PhilHealth

Posted on: March 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

UPANG higit pang pag­husayin ang kanilang serbisyo sa kanilang mga miyembro, inalis na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang ipinaiiral nilang 45-day benefit limit.

Sinabi ni PhilHealth president at CEO Edwin Mercado na ang natu­rang 45-day benefit limit ay isa nang ‘outdated cost-containment stra­tegy’ kaya’t nagpasya silang alisin na ito.

Kasabay nito, binigyang-diin din niya ang pangangailangan na ikober ang higit sa 45 araw, para sa ilang kondisyon.

“Naiintindihan natin kung bakit ito (benefit limit) inilagay noon, ngunit, sa pagbabago ng ating payment mechanism, napapanahon na rin talagang repormahin ito,” ani Mercado.

Kaugnay nito, nagpasalamat din si Mercado sa PhilHealth Board para sa pag-apruba sa naturang policy update.

Aniya pa, upang matiyak naman ang responsable at epektibong implementasyon ng bagong polisiya, masusing imomonitor ng PhilHealth ang patient admissions, readmissions, at paggamit ng benepisyo na lampas ng 45 days.

Ang health facility­ compliance sa clinical standards at reimbursement rules ay ia-assessed rin sa pamamagitan ng Health Care Providers Performance Assessment System (HCPPAS).

TNT hawak na ang 2-1 na bentahe matapos talunin ang Ginebra 87-85

Posted on: March 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
Hawak na ng TNT Tropang Giga ang 2-1 na kalamangan sa best of seven PBA Season Commissioner’s Cup Finals.
Ito ay matapos na talunin ang Barangay Ginebra 87-85 sa laro na ginanap sa Philsport Arena sa lungsod ng Pasig.
Naging tabla sa 82 ang score sa natitirang isang minuto ng maipasok ni Rey Nambatac ang kaniyang three-points para makamit ang tatlong puntos na kalamangan ng TNT sa natitirang 30-segundo ng laro.
Nagtala ng crucial turnover si RJ Abarrientos ang bola kaya nakuha ni Glen Khonbuntin at mapalawig ng limang puntos ng TNT ang kanilang kalamangan sa natitirang 13 segundo
Nabuhay pa ang tsansa ng Ginebra ng maipasok ni Scottie Thompson ang three-points subalit hindi na nila napigilan ang TNT para tapusin ang laro.
Sinamantala ng TNT ang pagkawala ni Justin Brownlee matapos na magtamo ng injury sa kaniyang kanang kamay.
Nangyari ang injury sa natitirang 6:42 sa third quarter at hindi na bumalik sa laro..

Lakers star LeBron James hindi pa ring makakapaglaro dahil sa injury

Posted on: March 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
Hindi pa pinagpapalaro ni Los Angeles Lakers head coach JJ Redick ang kanilang star na si LeBron James matapos na magtamo ng groin injury.
Sinabi ng Lakers coach na inilagay muna nila sa injury list si James dahil sa kaniyang injury na natamo noon pang Marso 8.
Kasama ring nasa injury list ang forward nila na si Rui Hachimura.
Dagdag pa ni Reddick na kailangan pa ng go-signal mula sa mga doctor nila bago sila tuluyang payagan makapaglaro.
Nasa pangalawang puwesto na ngayon ang Lakers sa Western Conference na mayroong 42 panalo at 25 na talo.