• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 2:55 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

 
Home Editorial Classified Ads Contributors Libangan Showbiz Sports
  • Home
  • Editorial
  • Classified Ads
  • Contributors
  • Libangan
  • Showbiz
  • Sports

Archive for March 30th, 2025

Alex Eala, hawak na ang No. 75 sa Live WTA ranking kasunod ng panalo sa mga dating Grand Slam champion

Posted on: March 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
Hawak na ni Pinay tennis star Alex Eala ang No. 75 sa Live Women’s Tennis Association ranking, kasunod ng impresibong performance sa mga nakalipas na laban sa 2025 Miami Open.
Bago ang pagsabak ni Eala sa naturang turneyo, hawak nito ang pang-140 na pwesto sa WTA.
Agad siyang umakyat sa ranking at nilagpasan ang mahigit dalawampung player na dating mas mataas kaysa sa kaniya.
Ang bagong rank ay batay sa ATP Rankings, isang merit-based system na ginagamit ng Association of Tennis Professionals (ATP).
Kung maipapanalo ni Eala ang mga susunod na laban, tiyak ang lalo pa niyang pag-akyat sa pwesto, kapag ilabas na ng WTA ang opisyal na ranking mga babaeng tennis player sa buong mundo.
Bagaman hindi opisyal ang live ranking, ito ay nagpapakita ng real-time projection sa standing ng isang player, batay sa pinakahuling resulta ng kanilang performance.
Samantala, sa isang panayam kay Eala matapos ang impresibong performance laban kay Iga Swiatek, iginiit niyang dati na niyang inasam na makakaharap din ang World No. 2 at iba pang kilalang tennis player ngunit hindi umano niya ito inaasahang mangyayari sa maikling panahon.
Si Eala ay nagtapos sa Rafa Academy kung saan sa kaniyang graduation ay magkasama sina 22-Grand Slam champion Rafael Nadal at Swiatek na naggawad sa certificate ng tennis star.

P65-M nabawi mula sa mga eskuwelahan na nasa voucher program anomaly

Posted on: March 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NABAWI ng Department of Education (DepEd) ang P65 milyon mula sa 54 pribadong eskuwelahan na nasa Senior High School voucher program
Ito’y habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa nasabing anomalya.
Sinabi ng DepEd na ang 54 private schools na may tanda ng iregularidad, 38 ang “fully refunded the government,” habang dalawa naman ang nagsagawa ng partial refunds.
“However, 14 schools have yet to return the funds, and final demand letters will be issued to ensure compliance,” ang sinabi ng DepEd.
“DepEd noted that further investigation is needed to determine whether these financial irregularities constitute fraud,” ayon pa rin sa departamento ukol sa nabawing pondo.
Tinatayang may 12 eskuwelahan sa senior high school voucher program nito sa gitna ng alegasyon na “ghost students.”
Kadalasan, ang mga nagpapartisipang eskuwelahan ay mayroong 100 hanggang 1,000 benepisaryo kada isa. ang voucher ay nagkakahalaga ng P14,000 hanggang P22,500 depende sa lokasyon ng estudyante.
Noong nakaraang buwan, sinabi ng Coordinating Council of Private Educational Association na suportado nito ang imbestigasyon ng DepEd hinggil sa di umano’y “ghost students”.
Binigyang diin nito ang “more efficient” na pagtarget sa mga benepisaryo na makatutulong sa voucher program na mas ligtas mula sa potential fraud. ( Daris Jose)

Estados Unidos, muling pinagtibay ang ‘ironclad’ commitment sa PH-US defense, economic alliance

Posted on: March 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NANANATILING “ironclad” ang commitment ng Estados Unidos sa ‘economic at defense alliance’ nito sa Pilipinas.
Sa courtesy call sa Palasyo ng Malakanyang, tiniyak ni US Defense Secretary Pete Hegseth kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na “very committed” si US President Donald Trump na mas palalimin pa ang alyansa ng Washington, pagkakaibigan at partnership sa Pilipinas.
“I had a chance to speak just a few minutes ago to our president, President Trump, who sends his regards to you as well (and) thinks very fondly of this great country,” ang sinabi ni Hegseth kay Pangulong Marcos.
“And he and I both want to express the ironclad commitment we have to the Mutual Defense Treaty (MDT) and to the partnership, economically, militarily, which our staffs have worked on diligently for weeks and weeks and months,” lahad pa rin nito.
Winika pa ni Hegseth na ang Estados Unidos ay mayroong “great interest” sa pagpapawak ng military cooperation nito at kasama ang Pilipinas, sabay sabing ito ay “mutually beneficial” at “critically important” para sa dalawang bansa.
Nagpahayag naman ng kumpiyansa si Hegseth na magkakaroon sya ng malalim na pakikipag-usap ukol sa partnership ng dalawang bansa sa kanyang pananatili sa Pilipinas.
“And thank you for your leadership in being a friend to the United States. We look forward to many more opportunities to work together,” ang sinabi ni Hegseth.
Sinabi naman ng Pangulo, sa pagiging magkaibigan nila ng Estados Unidos ay “inherent with most Filipinos,” ikonsidera pa ang relasyon ng dalawang bansa na nabuo sa loob ng ilang daang taon sa iba’t ibang aspeto.
Itinatag ng Pilipinas at Estados Unidos ang formal diplomatic relations noong July 4, 1946.
Ang Estados Unidos din ang ‘oldest and only treaty ally’ ng Pilipinas. ( Daris Jose)

implementasyon ng advance passenger info system, magiging ‘mandatory’- Malakanyang

Posted on: March 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
OBLIGADO ang mga kumpanyang panghimpapawid na isama ang Advance Passenger Information System (APIS) sa kanilang sistema sa oras na maging matagumpay ang ‘phased implementation.’
Nauna rito, inilunsad ng Bureau of Immigration (BI) ang isang makabagong border security, APIS.
Ang APIS na kinikilala sa buong mundo na pinapayagan ang mga awtoridad na nagsagawa ng advance screening ng mga pasahero bago ang kanilang pagdating na makakatulong sa risk assesment at streamline immigration procedures.
Ang  United Nations (UN) Office of Counter-Terrorism ang nag-sponsor sa the UN API goTravel software  na ginamit sa nasabing proyekto.
“Once everything is smooth, lahat na po ng airlines ay ima-mandatory na po na magsagawa na rin po ng APIS,” ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Maakanyang.
Sa ulat, bilang bahagi ng unang implementasyon, sinimulan ito ng Cebu Pacific na siyang unang carrier na nag-integrate ang sistema ng APIS, at susunod ang Philippine Airlines at mga iba pang mga  bilang bahagi ng  trials at napatunayan na nakakatulong  ito sa trend analyst at passenger risk assessment.
“As part of its phased implementation, the BI has begun pilot testing with major airlines, with Cebu Pacific becoming the first carrier to fully integrate its system with APIS,” ang sinabi ni Castro.
Tiniyak ni Castro na ang Philippine Airlines (PAL) at iba pang air carriers ay nakatakda namang sumunod, bilang bahagi ng nagpapatuloy na trials.
Ang BI ay nagsagawa rin ng matagumpay na connectivity test sa Interpol 24/7 data base at magpapatuloy ito kasama ang  airline representatives, at ang  United Nations Office of Counter-Terrorism (UNOCT) upang masiguro ang  seamless integration at operational efficiency. ( Daris Jose)

Paalala ng Malakanyang sa mga lokal na kandidato: huwag lumabag sa batas

Posted on: March 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PINAALALAHANAN ng Malakanyang ang mga lokal na kandidato na huwag lumabag sa batas.
Ang katuwiran ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang ay “Unang-una, kasi kayo po iyong magsisilbing leader eh, so dapat kayo po iyong manguna na sumusunod sa batas, so iyon lang po iyong paalala natin.”
Pinaalalahanan din niya ang security forces na manatiling ‘apolitical’ ngayong panahon ng eleksyon.
”Huwag magpagamit sa politiko, huwag magpagamit sa damdamin. Alam nila, tandaan nila na ang kanilang trabaho ay manatiling loyal sa bansa, loyal sa Konstitusyon, iyon lang po,” diing pahayag ni Castro.
Samantala, opisyal nang nagsimula ngayong araw ng Biyernes, Marso 28, ang campaign period para sa mga lokal na kandidato mula sa pagkagobernador hanggang sa miyembro ng Sangguniang Bayan.
Paalala ng sa mga lokal na kandidato, sumunod sa mga regulasyon sa pangangampanya gaya ng tamang sukat para sa mga campaign materials at ang tamang pagpapaskil nito sa mga piling lugar na pinahihintulutan ng komisyon.
2ft by 3ft ang pinapayagan sa mga posters at standee habang 3ft by 8ft naman sa mga streamers.
Pinaalalahanan din ang mga lokal na kandidato sa pangangampanya gamit ang TV at radyo, kung saan pinapayagan lamang sila na magkaroon ng 60-minute airtime sa mga TV stations habang 90 minutes naman sa mga radyo.
Papasok na rin ngayong araw ang regulasyon ng COMELEC sa mga lokal na kandidato laban sa vote buying at paggamit ng state resources sa pangangampanya.
Ang mga lalabag sa panuntunan ng COMELEC ay maaaring maharap sa diskwalipikasyon.
Una nang sinabi ni Comelec Chief George Garcia na mas mainit ang kampanya pagdating sa lokal na posisyon. ( Daris Jose)

SRV Multipurpose Building

Posted on: March 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SA pangunguna nina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco, pinasinayaan ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang bagong bukas na San Rafael Village Multipurpose Building na matatagpuan sa Taliba St., San Rafael Village, Barangay SRV noong Lunes bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap nitong mapahusay ang pampublikong imprastraktura. Ang tatlong palapag na SRV MPB ay mayroong basketball court, mga function rooms, at parking spaces. (Richard Mesa)

Dahil wala siyang maisip na sagot:  DAVID, buong ningning na sinabi na walang kasalanan

Posted on: March 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
BUONG ningning na sinabi ni David Licauco na wala siyang kasalanan.
Kaya wala siyang maisip na isagot nang tanungin namin kung ano ang tingin niyang kasalanan niya.
Nanggagaling ito dahil sa movie niyang “Samahan ng mga Makasalanan.” Si David ay isang deacon na magpa-pari sa movie. Pero bago ito, mapapadpad siya sa lugar na — either mako-convert niya mula sa mga kasalanan ang ibang cast o magagaya siya sa mga ito.
Under GMA Pictures and directed by Benedict Mique.
“Wala kasi akong maisip na kasalanan ko,” sey niya.
Nang sabihin namin na bilang isang lalaki, lalo na kung may needs siya.
“Eh, lalaki naman, pero hindi rin, alam ko ibig mong sabihin, pero ‘di ko rin ginagawa ‘yon.”
Huwow! Natatawang hirit naman namin sa kanya. Pero, pinanindigan niyang talaga na wala raw talaga.
Sa isang banda, sila ni Sanya Lopez ang may love angle sa movie, pero hindi naman daw sila as loveteam. Kaya pagdating sa loveteam, solid Barda or Barbie Forteza at David pa rin.
Showing na sa Black Saturday, April 19 ang ‘Samahan ng mga Makasalanan.’
(ROSE GARCIA)

Nang makitang sobrang cute ni Maria; MAJA, game na game na mabuntis kahit sobrang nahirapan

Posted on: March 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ANIM na buwan namalagi si Maja Salvador sa Canada before, during and after niyang maipanganak ang baby nila ng Mister na si Rambo Nuñez na si Maria Reanna.
Sobrang nahirapan si Maja sa panganganak kaya parang payag si Rambo kung hindi na siya mabuntis muli. Pero sey ni Maja, nang makita raw niya ang anak na ang cute, game pa siya.
Pero malabo itong mangyari ngayon dahil balik sa pagiging host at actress si Maja sa mga pinirmahan niyang per project contract sa TV5.
“Gusto ko na sundan, kasi 37. Eh, pumirma ako ng kontrata, bawal pa pala. Siyempre magwo-work muna ako.
“So, kahit gusto kong sundan kaagad, e, magwo-work na lang muna ako kasi na-miss ko din naman po.”
Posibleng middle of 2026 na raw nila susundan si Maria, pagkatapos ng mga natanguan niyang commitments sa MediaQuest at TV5.
Gagawin ni Maja ang Season 5 ng Emojination na si Chad Kinis na ang co-host niya, dance show na Isayaw Mo, isang teleserye, at posieng isang pelikula.
At ang pasabog ni Maja, ang pagbabalik ng kaseksihan niya nang i-welcome siyang muli ng Beautéderm President and C.E.O. na si Ms. Rhea Anicoche-Tan. Limang taon na siya mabuntis muli Maja na ambassador ng Beautéderm as Blancpro face.
At muli nga siyang nag-renew. Hindi nakapagtataka dahil ibang level na rin ang closeness nilang dalawa.
Sabi nga ni Ms. Rei na “manang” kung tawagin ni Maja at madalas tawagan kahit noong nakapanganak na, ang kabutihan daw ng puso nito ang pinakagusto niya.
“Yung pagiging pure ng heart niya ang pinakagusto ko sa kanya. I consider myself fortunate to have made genuine friends in the entertainment industry. Outside of work, ang pinag-uusapan namin ang anak niya, si Maria. Proud ako na isa ako sa unang nakakita.
“She deserves a good family life, and I believe she is an encouragement to any woman who wish to start a family.”
Para kay Maja naman, malaki raw ang nahuhugot niya kay Ma. Rei sa tuwing kausap niya ito.
(ROSE GARCIA)

This date is going to be killer: “Drop” keeps you at the edge of your seat as it arrives in PH cinemas

Posted on: March 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

First dates are nerve-wracking enough. Going on a first date while an unnamed, unseen troll pings you personal memes that escalate from annoying to homicidal? Blood-chilling. From director Christopher Landon (Happy Death Day) comes Drop, a mystery-thriller starring Meghann Fahy (White Lotus S3) and Brandon Sklenar (It Ends with Us).

Watch the trailer: https://tinyurl.com/36tvjpk9

When widowed mother Violet (Meghann Fahy) finally takes the plunge and steps out on her first date in years, she starts receiving innocuous but annoying media drops on her phone. Things begin to take a turn for the nightmarish as the pesky drops turn into threats to her son’s life. She is directed to kill her date (Brandon Sklenar) or risk losing her son. Time is ticking as she races to unveil the tormentor hiding in plain sight at the restaurant her date is taking place.

The idea for the film came from real life circumstances when producer Cameron Fuller and executive producer were on an overseas vacation. “We’re at a beautiful dinner and we start receiving drops from someone in the restaurant,” Fuller says. “Over the course of the meal, they are getting progressively scarier. By the end, we thought we had figured out who it was, but we were never able to confirm it. That was the scariest part. We never knew who the sender of these drops was. And then we said, ‘maybe this should be a movie.’”

Director Christopher Landon was excited to work with the material and Jason Blum, having helmed many of Blumhouse’s hits like Freaky and Happy Death Day. “I think the reason I’ve had such a lasting relationship with Blumhouse, and specifically Jason, is the amount of creative freedom they give their filmmakers,” Landon says. “If you can make your movie within a certain budget parameter, you have control. It is an empowering situation, and that is why a lot of filmmakers keep going back.”

Landon also felt like he had a personal connection to the film, which deals with abuse and trauma. “I’ve had people very close to me who have been victims of abuse, specifically domestic abuse,” says Landon. “This was very personal to me, and something I wanted to handle delicately. But I also wanted to show that there is a path for people, a way out.”

Drop delivers thrills to Philippine theaters starting April 9. Follow Universal Pictures PH (FB), UniversalPicturesPH (IG), and UniversalPicsPH (TikTok) for the latest updates.

(ROHN, ROMULO)

Mas makakatulong pag konsehal na: ARA, nagbebenta na ng mga gamit noon para may pantulong

Posted on: March 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SI Sarah Discaya na mas kilala na Ate Sarah ang sinusuportahan ni Ara Mina sa kandidatura bilang alkalde ng Pasig habang siya naman ay tumatakbong konsehala sa ikalawang distrito ng nabanggit na lungsod.
Pahayag ni Ara, “Hindi ako basta-basta nagdedesisyon dahil hindi naman… alam naman natin sa showbiz industry magulo na rin.
“Pero nasanay na tayo, pero kahit magulo  at the end of the day pamily tayo, e.
“So, ganun din sa public service.  Ang public service kasi iba din yung saya at nadudulot na na nararamdaman mo pag nakakatulong ka.
“So I think, yeah, ito na yung calling ko, ahhh… pasukin yung public service. Hindi ko na dadayain yung edad ko.
“I’m already forty-five and I want to help more people, para mas lalong maraming matulungan.
“And iyon nga lagi tayong nagbo-volunteer and sumasali, nakiki-cooperate sa mga foundations, nakasama na rin ako sa St. Gerrard Foundation and doon kami nagkakilala ni ate Sarah.”
Ang St. Gerrard Foundation na tumutulong sa mga Pasigueño ay pinamumununan ni Sarah.
Patuloy pang pahayag ni Ara tungkol sa rason ng kanyang pagtakbo sa nalalapit na May 2025 elections, “Ako katulad ng sinasabi ko, aside sa calling, I prayed for it, I prayed for it.
“Mga three months akong nagdasal kung itutuloy ko. Kasi lumabas na yung sign. Aside sa sign I prayed for it non-stop.
“Kasi siyempre may pamilya din tayo, alam nating politics is magulo.
“But I think if you are… if you have a pure heart really to help… alam niyo gusto ko kasing magpabago ng buhay.
“Marami na akong nakitaan and hindi lang sa mga nakakasalamuha ko, even sa showbiz industry, sa atin, merong mga artista, merong mga kapwa press, na nahihirapan.
“Ambigat kasi hindi mo matulungan, ambigat sa loob e, pag hindi mo natutulungan.
“So I think pag pinasok mo na yung public service parang mas magkakaroon ka na lalo ng authority at tsaka power to help people.
“Kasi ang ginagawa ko before pag hindi ko kaya, di ba nagbebenta ako ng mga gamit ko pantulong? And siyempre may mga personal needs tayo tapos may mga foundation na susulatan ka or mga politicians para makahingi ka ng tulong para dito sa taong tutulungan mo, minsan hindi ka nababalikan agad.
“Sumusulat ako para… kasi hindi ko naman kayang matulungan lahat, so I also went to PCSO para matulungan itong tao na ito.
“Yung hinihingi kong tulong hindi para sa akin, ha? Para sa ibang tao.
“So parang inisip ko, pina-flashback ko lahat ng mga… ‘Bakit hindi na lang ako tumakbo para mas lalo akong maraming matulungan?“
“And mas may ano na, ‘Ah konsehal siya.
“Mas may influence kahit papaano, baka mas pansinin ka.
“Kasi siyempre pag artista hindi masyadong, oo papansinin ka pero pag nasa public service, may mga law kasi e, mga program may mga ganun na para sa mga politicians.
“So I think I can help more people so let’s start talagang… eto I think yung pagiging councilor feeling ko marami akong matutulungan dito sa Pasig lalo na nung bumaba ako.”
Agosto pa lamang raw ng nakaraang taon ay nag-iikot na si Ara sa Pasig upang tumulong sa mga nangangailangan.
***
MEDYO political ang pelikulang ‘Fatherland’ ni direk Joel Lamangan pero may paliwanag siya…
“Hindi naman ito nag-e-endorse ng sinumang kandidato,
 “Nagsasabi lang ito ng totoo, ng kalagayan ng bayan natin sa pamamagitan ng paghahanap ng isang anak sa kanyang ama.
“Kasi tatlo ang personalidad ng kanyang ama. Sa journey na iyon, sa paghahanap, nakita niya ang problema ng bansa. In the process.
“Walang ineendorso, walang binabanatan. Wala, nothing. It’s just an exposure of what’s going on in the country.
“In every time that I do a film, I would like to say something. I am not a director who does a film that does not say anything.
“Every film that I did would like to say something. At this particular point, I would like to say something.
“The son looking for the dad, at the same time looking for the love, at the same time exposing the ailment of the society. That’s what I would like to say.
“I think, I have achieved that.”
Bida sa Fatherland sina  Allen Dizon at Iñigo Pascual at sina Cherry Pie Picache, Mercedes Cabral, Richard Yap, Angel Aquino, Jeric Gonzales, Jim Pebanco, Ara Davao, Abed Green, Rico Barrera, Max Eigenmann, Kazel Kinouchi, at Bo Bautista.
Showing ang Fatherland sa April 19, mula sa Bentria Productions at Heaven’s Best Entertainment.
(ROMMEL L. GONZALES) 

Archives

  • October 2025
  • September 2025
  • August 2025
  • July 2025
  • June 2025
  • May 2025
  • April 2025
  • March 2025
  • February 2025
  • January 2025
  • December 2024
  • November 2024
  • October 2024
  • September 2024
  • August 2024
  • July 2024
  • June 2024
  • May 2024
  • April 2024
  • March 2024
  • February 2024
  • January 2024
  • December 2023
  • November 2023
  • October 2023
  • September 2023
  • August 2023
  • July 2023
  • June 2023
  • May 2023
  • April 2023
  • March 2023
  • February 2023
  • January 2023
  • December 2022
  • November 2022
  • October 2022
  • September 2022
  • August 2022
  • July 2022
  • June 2022
  • May 2022
  • April 2022
  • March 2022
  • February 2022
  • January 2022
  • December 2021
  • November 2021
  • October 2021
  • September 2021
  • August 2021
  • July 2021
  • June 2021
  • May 2021
  • April 2021
  • March 2021
  • February 2021
  • January 2021
  • December 2020
  • November 2020
  • October 2020
  • September 2020
  • August 2020
  • July 2020
  • June 2020
  • March 2020
  • February 2020
  • January 2020

Recent Posts

  • Ads October 20, 2025
  • Sa gitna ng pagkalat ng influenza-like illnesses (ILI) LOCKDOWN, FAKE NEWS AYON SA DOH
  • Bago tuluyang malugmok ang ating bansa: Mayor VICO, huling baraha na ng Pilipinas ayon kay GARDO
  • Paulit-ulit nang nabibiktima ng death hoax: KRIS, pinatulan ang ’sick post’ at tinawag na sinungaling
  • “PRIMATE” excites horror fans at Fantastic Fest with gnarly kills and practical effects, official trailer, out now!

Recent Comments

    People's Balita.
    All rights reserved. © Copyright 2025.
    • Home
    • Rates
    • About
    • Contact