• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 7:36 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 27th, 2025

Navotas seniors, unang nakinabang sa Expanded Centenarians Act

Posted on: March 27th, 2025 by people's balita No Comments
ANG mga senior ng Navotas City na edad 80, 85, 90, at 95 ang unang nakatanggap ng tig-P10,000 cash incentive sa ilalim ng ipinasang R.A 11982 o ang Expanded Centenarians Act.
Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, maliban sa insentibo ay nakinabang din ang unang batch na 53 senior citizens ng libreng medical check-up, mga gamot, at basic laboratory tests.
Ayon sa National Commission of Senior Citizens, ang Navotas ang unang local government unit (LGU) sa Metro Manila na namahagi ng insentibo.
Binigyang-diin ni Rep. Toby Tiangco, co-author ng Expanded Centenarian Acts, ang kahalagahan ng pagpaparangal sa mga senior citizen na higit pa aniya sa tulong pinansyal.
“Ang ating mga nakatatanda ay nag-alay ng maraming taon ng kanilang buhay para sa kanilang pamilya at komunidad. Nararapat lang na kilalanin at suportahan sila habang sila ay kapiling natin,” ani Cong.Tiangco.
“Hindi lang ito tungkol sa pera kundi pagpapakita ng pagpapahalaga at respeto sa ating mga lolo at lola. Ang bawat benepisyo ay isang pasasalamat sa kanilang naging papel sa ating lipunan,” dagdag niya.
Muling pinagtibay ni Tiangco ang pangako ng gobyerno sa pagpapabuti ng buhay ng mga senior citizen.
Patuloy pa raw sila ni Mayor Tiangco sa npaghahanap ng paraan upang mapabuti ang nalalabi pang buhay ng mga lola at lolo at matiyak na sila ay maalagaan sa kanilang katandaan.
Sa ilalim ng Republic Act No. 11982, ang mga nakatatanda na umabot sa edad 80, 85, 90, at 95 ay makakatanggap ng P10,000, bukod pa sa P100,000 na insentibo para sa mga centenarian. (Richard Mesa)

Malabon LGU, ipinagdiwang ang 426th Tambobong Festival

Posted on: March 27th, 2025 by people's balita No Comments

NAKIISA si Mayor Jeannie Sandoval, kasama ang 42 lovely candidates ng Ginoo at Binibining Malabon 2025 sa Tambobong Festival Float Parade nitong Huwebes bilang bahagi ng pagsisimulan ng pagdiriwang ng lungsod ng ika-426 na Pagkatatag at Ika-24 Anibersaryo ng Lungsod.

“Ating sinimulan ang pagdiriwang ng Tambobong Festival bilang paalala sa ating mga Malabueno sa ating mayamang kasaysayn, tradisyon, at kultura. Nakasama natin ang mga kandidato ng Ginoo at Binibining Malabon mula sa 21 na barangay sa lungsod. Sila ay mga modelo o ehemplo para sa mga kabataan upang maipakita ang kanilang galing, talino, at talento. Ating ipagmalaki ang ating lungsod at ang ating pagiging Malabueno na may pagkakaisa, kagandahang loob tungo sa tunay na pag-unlad,” ani Mayor Sandoval.

Ang float parade ay bahagi ng mga aktibidad para sa pagdiriwang ng 426th Founding Anniversary ng Malabon (Mayo 21) at 24th Charter Day (Abril 21).

Itinampok nito ang 20 detalyadong dinisenyo na mga float na nagdiriwang ng mayamang kasaysayan, kultura, at tradisyon ng Malabon kung saan ipinakikita dito ang pagkamalikhain at pagmamalaki ng komunidad, sabi ng CTCAO.

Sina First Gentleman Ricky Sandoval, City Councilors, Ginoong Malabon 2024 Elishua Balinton at Binibining Malabon 2024 Prima Joy Alamban, ang mga nagwagi sa Tambobong Indakan, habang lumahok naman sa parade ang city government department heads and employees, cultural groups at marching bands.

Ang aktor at basketball player na si Kobe Paras, kasama ang aktres na si Angeli Khang, ay nakiisa rin sa parada upang magsilbing escort at muse nina Mayor Jeannie at First Gentleman Ricky Sandoval.

Nagsimula ang parada sa Malabon National High School, dumaan sa Gen. Luna Avenue, at nagtapos sa Malabon Sports Center.

Pagkatapos ng parada, ang mga kalahok ay binigyan ng masiglang pagtatanghal ng kultura mula sa iba’t ibang grupo sa Hulong Duhat Oval.

“Ngayon pa lang ay atin nang sinumulan ang mga aktibidad na bahagi ng ating pagdiriwang ng anibersaryo ng pagkakatatag ng Malabon. Ito ay mahalaga para sa atin bilang Malabueno dahil dito tayo nagsimula bilang isang bayan, isang komunidad nasi may makulay at mayabong na kultura, tradisyon, at paniniwala. Gayundin ay ating itinatampok ang kakaiba at kamangha-manghang talento ng mga Malabueno. Nawa ay magsilbing inspirasyon ang mga programang ito para sa atin sa ating patuloy na pagsasagawa ng mga serbisyo para sa kapwa Malabueno,” pahayag ni City Administrator Dr. Alexander Rosete. (Richard Mesa)