• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 3:03 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 22nd, 2025

AYALA MALLS CINEMAS EXCLUSIVELY BRINGS TO PHILIPPINE CINEMAS “THE UNBREAKABLE BOY,” AN INSPIRING FAMILY MOVIE TO WATCH WITH LOVED ONES THIS SEASON

Posted on: March 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

 

Ayala Malls Cinemas, which recently brought exclusively to Philippine cinemas Oscar winners “Anora,” “The Brutalist” and “A Real Pain,” brings to the big screen another new, exclusive and timely must-watch this season. “The Unbreakable Boy,” starring Zachary Levi (“Shazam!”), Meghann Fahy (“The White Lotus”) and Patricia Heaton (“Everybody Loves Raymond”), is based on the book “The Unbreakable Boy: A Father’s Fear, a Son’s Courage, and a Story of Unconditional Love,” which was in turn based on a true story. It opens exclusively in Ayala Malls Cinemas on March 26. Get your tickets now at sureseats.com.

 

When his parents, Scott (Levi) and Teresa (Fahy), learn that Austin (Jacob Laval) is both autistic and has brittle bone disease, they initially worry for their son’s future. But with Scott’s growing faith and Austin’s incredible spirit, they become “unbreakable,” finding joy, gratitude, and courage even in the most trying times – an extraordinary true story about a father and son learning together that every day can be the best day of your life! “The Unbreakable Boy” is directed by Jon Gunn, whose filmography includes beloved feel-good dramas, including faith-based films.

 

Watch the trailer: https://youtu.be/pGbLX3__m60?si=Kzz_4b4F2xzAICKf

 

Meghann Fahy, Zachary Levi and Jacob Laval in “The Unbreakable Boy”

Photo credit: Lionsgate Films

 

From the same studio that brought the best-selling book “Wonder” to the big screen, “The Unbreakable Boy” scored an A Cinemascore from audiences upon its release in the US in February. On Rotten Tomatoes, the audience approval rating is currently an impressive 96%.

 

RogerEbert.com gave “The Unbreakable Boy” 3 out of 4 stars, calling the movie “a very sincere and good-hearted adaptation” and praising the young Laval for being “excellent, and we can see how endearing and exhausting, but mostly endearing, Austin is.”

 

Film Focus Online described the movie as “well-acted with much emotion and heart at its core,” and said that “for a feel-good film with a positive message, it’s undeniably worth checking out.”

 

Gavin Warren and Jacob Laval in “The Unbreakable Boy”

Photo credit: Lionsgate Films

 

In their review, Fandomwire wrote that “The Unbreakable Boy” is “a great family film with a nice message. It’s wholesome.” And to end their review, they said, “It’s important, now more than ever, that charming films like this have a chance to thrive in the theatrical scene… ‘The Unbreakable Boy’ is one of those movies that has a kind outlook on everything.”

 

The Independent Critic was all praises, especially of director Gunn. “‘The Unbreakable Boy’ is yet another winner from Jon Gunn, easily one of the most authentic and gifted faith-based and faith-inspired filmmakers working today,” they said. “With this film, he captures a story worthy of being told and told well. Gunn delivers and my guess is that both faith-based and secular audiences will love it.”

 

Jacob Laval in “The Unbreakable Boy”

Photo credit: Lionsgate Films

 

Watch positive and inspiring stories of courage and faith at Ayala Malls Cinemas this season. Whether you prefer the traditional feel-good family drama that will occasionally make you cry, such as “The Unbreakable Boy,” or a historical drama thriller like “Bonhoeffer: Pastor. Spy. Assassin.,” Ayala Malls Cinemas has something for everyone.

 

With their many exclusive titles, Ayala Malls Cinemas has become the premiere destination for movie fans looking for films that are not easily available elsewhere. Aside from the films themselves, the movie-watching experience in Ayala Malls Cinemas is made unforgettable thanks to the features they offer: plush seating and generous legroom, cutting-edge laser projections for sharper images, and top-notch Dolby Sound and Dolby Atmos technologies to enhance audio depth. And for those looking for something to munch on while watching movies, The Movie Snackbar is loaded with movie-watching snack staples, such as popcorn, sandwiches and ice-cold beverages.

 

Don’t miss “The Unbreakable Boy,” opening exclusively at Ayala Malls Cinemas on March 26. Book your tickets now by visiting www.sureseats.com or any of the participating cinemas. Visit the Ayala Malls Cinemas FB and IG pages for updates!

(ROHN ROMULO)

ADVANCE PASSENGER INFORMATION SYSTEM, INILUNSAD NG BI

Posted on: March 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INILUNSAD ng Bureau of Immigration (BI) ang isang makabagong border security, ang Advance Passenger Information System (APIS).

Ang APIS na kinikilala sa buong mundo na pinapayagan ang mga awtoridad na nagsagawa ng advance screening ng mga pasahero bago ang kanilang pagdating na makakatulong sa risk assesment at streamline immigration procedures.

Ang  United Nations (UN) Office of Counter-Terrorism ang nag-sponsor sa the UN API goTravel software  na ginamit sa nasabing proyekto.

“This system allows us to screen passengers in advance, improving risk assessment and expediting the processing of legitimate travelers,” ayon APIS Operation Center Chief and Deputy Spokesperson Melvin  Mabulac.

At bilang bahagi sa unang implementasyon, sinimulan ito ng Cebu Pacific na siyang unang carrier na nag-integrate ang sistema ng APIS, at susunod ang Philippine Airlines at mga iba pang mga  bilang bahagi ng  trials at napatunayan na nakakatulong  ito sa trend analyst at passenger risk assessment.

Ang BI ay nagsagawa rin ng matagumpay na connectivity test sa Interpol 24/7 data base at magpapatuloy ito kasama ang  airline representatives, at ang  United Nations Office of Counter-Terrorism (UNOCT) upang masiguro ang  seamless integration at operational efficiency.

“This initiative marks a significant milestone in our ongoing efforts to modernize immigration processes,” ayon kay  BI Commissioner Joel Anthony Viado. “With APIS, we are not only strengthening security but also ensuring a more efficient and hassle-free experience for travelers.” dagdag pa nito.

Sinabi pa ni Viado ang paglulunsad ng APIS ay nakahanay sa  Bagong Immigration vision ng ahensiya. (Gene Adsuara).

3 PATAY SA SUNOG SA MAYNILA

Posted on: March 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TATLO ang naiulat na kumpirmadong  patay sa sunog sa residential area sa Tondo,Maynila Huwebes ng hapon.

Sa  imporamsyon mula sa Bureau of Fire Protection(BFP), dalawang senior na mag-asawa at kanilang anak ang na-trap sa loob ng kanilang bahay matapos na hindi na makalabas dahil na rin sa katandaan at hirap nang lumakad.

Bandang ala-1:22 kamakalawa ng hapon nang magimula ang sunog sa dalawang palapag na  residential structure sa R. A.Reyes St., sakop ng Barangay 58, Zone 5 Tondo.

Inakyat sa ikalawang alarma ang sunog at idineklrang fire out alas 2:41 ng hapon.

Ang mag-asawang biktima ay nasa edad 70 at 78 habang 45 anyos naman ang kanilang anak.

Samantala, sugatan naman ang tatlong fire volunteer at isang civilian .

Nasa 18 pamilya ang apektado sa sunog o 54 indibidwal ang nawalan ng bahay habang umaabot sa P800 libong piso ang pinsala sa sunog na nagsimula sa bahay ni Loreta Flores. (Gene Adsuara)

Pangit na serbisyo ng mga electric cooperatives, resulta ng agkalugi at pagsasara ng negosyo

Posted on: March 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAUWI sa pagkalugi at pagsasara ng mga negosyo sa mga tourism hubs ng bansa ang naging epekto dulot ng pangit na serbisyo ng mga electric cooperatives.

Ito ang lumalabas na konklusyon sa isinagawang  focus group discussion (FGD) ng energy  group na ILAW hinggil sa kinakaharap ng mga negosyante sa isla ng Samal, Siargao, Cebu at Puerto Gallera.

Ayon kina ILAW national convenor Beng Garcia at youth convenor Francine Pradez ang palpak na serbisyo ng Northern Davao Electric Cooperative (NORDECO) sa IGACOS, Siargao Electric Cooperative (SIARELCO) sa Siargao, Oriental Mindoro Electric Cooperative (ORMECO) sa Puerto Galera  ay resulta sa pagkalugi at pagsasara ng mga negosyo sa tourism hubs ng bansa  dahil sa madalas na blackout, hindi sapat na supply ng kuryente at mabagal na pagtugon sa mga reklamo.

Nanawagan naman ang ILAW sa mga electric cooperative na pagbutihin ang kanilang serbisyo at tiyaking maaasahan ang suplay ng kuryente, lalo na sa mga tourism hub na nakadepende sa maayos na daloy ng kuryente.

Hinikayat din ng ILAW ang Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) na magpatupad ng mas mahigpit na regulasyon sa mga electric cooperative sa mga tourism hub.Iminungkahi rin ng grupo ang pagpapataw ng parusa para sa kapalpakan sa serbisyo at pagpapatupad ng mandatory compensation policies upang maprotektahan ang mga apektadong negosyo.

Bilang solusyon, Inirekomenda ng ILAW ang pamumuhunan sa renewable energy para sa mas matatag na suplay ng kuryente at pagbuo ng community microgrids at energy storage systems bilang solusyon. (Gene Adsuara)

2 riding-in-tandem na nang-agaw ng motorsiklo, nasabat sa Oplan Sita sa Valenzuela

Posted on: March 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TIMBOG ang dalawang riding-in-tandem na mga suspek na nanutok ng baril sa isang estudyante at tumangay ng kanyang motorsiklo nang masabat ng pulisya sa Oplan Sita sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Sa kanyang ulat kay NPD Acting District Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang mga suspek sina alyas ‘Macmac’, 30, ng Caloocan City, alyas “Tat”, 21, alyas “Gab”, 49, at alyas “Leo”, 47, pawang residente ng Valenzuela City.

Sa pahayag sa pulisya ng biktimang si alyas “Jan”, 22, estudyante, ng Brgy., Maysan, habang sakay siya ng kanyang motorsiklo nang mapansin niya na sinusundan siya ng apat na lalaki na sakay ng dalawang motorsiklo sa West Service Road, Brgy. Parada dakong alas-4:32 ng hapon hanggang tutukan siya ng baril at inagawa ang motorsiklo niya.

Nakapagsumbong naman kaagad ang biktima sa nagpapatrolyang mga tauhan ng Police Sub-Station (SS1) kaya agad ini-report ng mga ito ang insidente sa Station Tactical Operation Center (STOC) ng Valenzuela police.

Kaagad niradyuhan ng STOC ang kapulisan para sa magsagawa ng dragnet operation saka inilarawan ang suot ng mga suspek at deskripsiyon ng gamit nilang mga motorsiklo.

Ayon kay P/Capt. Doddie Aguirre, hepe ng Police Sub-Station (SS6), habang nagsasagawa sila ng Oplan Sita sa Snake Road, Barangay Lingunan, nang marinig nila ang ulat tungkol sa nasabing insidente.

Makalipas ang ilang minuto, namataan nila Capt. Aguirre ang apat na lalaki na sakay ng tatlong motorsiklo at tugma sa iniulat na nang-agaw ng motorsiklo ng estudyante kaya pinara nila ang mga ito.

          Nang hanapan ng driver’s license at mga papeles ng motor ay nagtangka umanong tumakas ang mga suspek kaya inaresto na sila ng mga pulis kung saan nakuha kay alyas Macmac ang isang kalibre .38 revolver na kargado ng limang bala at apat na plastic sachets ng hinihinalaang shabu.

          Nakuha rin kina ‘Gab’ at ‘Leo’ ang dalawang plastic sachets ng umano’y shabu na tumitimbang lahat ng 3.82 gramo at nagkakahalaga ng P25, 976.00, habang positibo namang kinilala ng biktima ang mga suspek nang iharap sa kanya, pati na ang kanyang motorsiklo.

Kasong paglabag sa R.A. 10883 (New Anti-Carnapping Act of 2016, Article 151 of Revised Penal Code (Resistance and Disobedience to a Person in Authority or Their Agents), R.A. 10591 in relation to B.P. 881 (Omnibus Election Code) at Section 11 of R.A. 9165 ang isasampa ng pulisya laban sa mga suspek sa piskalya ng Valenzuela City. (Richard Mesa)

Valenzuela LGU, DTI tinuruan ang market violators  

Posted on: March 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGSAGAWA ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian, kasama ang Department of Trade and Industry ng dayalogo sa mga tindero at market violators para maturuan ang mga lumalabag sa pamilihan tungkol sa kahalagahan ng pagsunod sa mga regulasyong namamahala sa mga timbangan at panukat sa mga wet market.

          Binibigyan-diin nito ang kahalagahan ng lahat ng mga transaksyon sa pamilihan ay dapat patas at malinaw, na kapwa pakikinabangan ng mga mamimili at nagtitinda.

Ipinaliwanag ni Councilor Ghogo Deato Lee na ang mga vendor o establisyimento na makikitang gumagamit ng tampered o non-compliant weighing device o lalabag sa New Market Code Ordinance ng Valenzuela City ay papatawan ng mula ₱5,000 hanggang ₱15,000.

Samantala, binigyang-diin ng DTI Fair Trade Enforcement Bureau na si Mr. Joel Buag ang mga patakaran at batas na may kaugnayan sa proteksyon ng consumer at fair trade practices, partikular ang Timbangan ng Bayan o ang Republic Act 11706 na inakda ni Mayor WES sa kanyang termino bilang Congressman.

Sa kanyang mensahe, pinaalalahanan ni Mayor Wes ang mga nagtitinda sa palengke na sundin ang nasabing pambansang batas,

“Ipinaglaban ko po iyan (Timbangan ng Bayan) hindi lang para sa Valenzuela kundi para sa buong Pilipinas…. Sana po, bilang dito po ako nanunungkulan at nakatira (sa Valenzuela) sana dito natin maging example na maganda sa Valenzuela,“ pahayag niya,

Nasa 74 non-compliant weighing scale ang nakumpiska sa isinagawang Operation Timbangan na isinagawa ng City Treasurer’s Office, LEDIPO, Consumer Welfare Unit noong Marso 17-18 sa iba’t ibang palengke sa lungsod.

Bukod dito, nagsagawa rin ng sorpresang inspeksyon si Mayor Wes sa Marulas Public Market at sinuri kung ang mga retailer ng bigas ay sumusunod sa Administrative Circular No. 05, Series of 2025 ng Department of Agriculture, na nagtatakda ng Maximum Suggested Retail Price (MSRP) para sa imported na bigas (5% broken) sa ₱49.

Bilang suporta sa pambansang direktiba, ang pamahalaang lungsod ay sisimulang magbenta ng NFA rice sa maximum na 10 kilo bawat consumer simula sa susunod na lingo sa mga piling 3S Centers sa Valenzuela. (Richard Mesa)

Umuwi ka na at harapin ang kaso, hamon ng mambabatas kay Roque

Posted on: March 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ITO ang hamon ni House Assistant Majority Leader at Taguig City Rep. Pammy Zamora kay dating presidential spokesperson Harry Roque.

Ayon sa mambabatas, dapat agadnang umuwi ng Pilipinas si Roque at harapin ang mga kasong kinakahatap sa halip na manatili sa ibang bansa sa pagkukunwari umano  na nagbibigay suporta kay dating  Presidente Rodrigo Roa Duterte saInternational Criminal Court (ICC).

Inakusahan pa ni Zamora si Roque na sinasamantala umano ang kaso ni  Duterte para sa pansariling interes.

Mismo aniyang si Vice President Sara Duterte ang nagpahayag sa publiko na hindi bahagi si Roque ng legal defense ng kanyang ama.

“Tutal hindi ka naman pala magiging abogado ng dating Pangulo. Harry, umuwi ka na at harapin mo ang mga kaso mo dito sa ating bansa. Hindi mo matatakasan ang batas sa pamamagitan ng pagpunta sa ibang bansa. Suddenly appearing out of hiding to join the ICC proceedings isn’t heroism—it’s pure political theater,” ani Zamora.

Unang  inihayag ni Roque, na nagpakita sa Netherlands,  na plano niyang mag- apply para sa political asylum, dala na rin sa pagiging bahagi nito ng  defense team ni Duterte sa ICC.

Ngunit, tinuligsa maman ni Zamora ang timing at authenticity ng naturang hakbang, kasabay na rin sa kinakaharap na kaso at isyu ni  Roque sa Pilipinas.

Nasangkot ang dating spokesman sa isyung may kaugnayan sa  Lucky South 99, isang Philippine offshore gaming operator (POGO) na naka-base sa  Porac, Pampanga.

Dagdag pa aniya ang cited for contempt ng House Quad Comm na ipinalabas noong September 2024 dahil sa kabiguan nitong magsumite ng mga  importanteng dokumento sa imbestigasyon sa POGO.

“Harry Roque owes it to the Filipino people to return home and face the music. Only then can justice truly prevail, free from opportunistic grandstanding abroad.” pagtatapos ng mambabatas. (Vina de Guzman)

Abalos, pasok sa Magic 12 ng kabataan

Posted on: March 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KABILANG si dating Interior Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos Jr. sa Magic 12 na iboboto ng mga kabataan na sumagot sa election survey ng Centre for Student Initiatives (CSI).

Nakakuha si Abalos ng 26.92% sa online botohan na isinagawa mula Pebrero 25 – Marso 11, na may 1,200 estudyanteng respondents mula sa Cagayan hanggang sa Lanao del Norte.

Ang CSI ay isang malayang institusyong pinamumunuan ng kabataan at itinutuon sa pananaliksik para sa mga solusyong pangkaunlaran sa edukasyon.

Matatandaan na naging mayor ng Mandaluyong si Abalos kung saan pinangunahan niya ang urban development ng lungsod na nagbunsod sa pagkilala nito bilang “Tiger City of the Philippines.”

Isinulong niya ang mga proyektong pabahay na nagbigay ng land titles sa may 7,700 pamilya. Ipinatupad niya rin ang Project TEACH, isang programa para sa mga batang may ­kapansanan na kinilala ng United Nations Public Service Award.

Bilang dating chairman ng MMDA, naging susi siya sa epektibong pagtugon sa pandemya sa Metro Manila.

Nang maupo bilang Kalihim ng DILG, ipinagpatuloy niya ang kanyang adbokasiya sa mas episyenteng pamamahala at pagpapatibay ng peace and order.

Isa rin siya sa mga nanguna sa matagumpay na pag-aresto kina Pastor Apollo Quiboloy, dating Bamban Mayor ­Alice Guo, at ang notorious child sex trafficker na si Teddy Mejia.

Navotas seniors, nakatanggap ng cash incentive

Posted on: March 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAKATANGGAP ang mga senior ng Navotas City na edad 80, 85, 90, at 95 ng tig-P10,000 cash incentive sa ilalim ng Expanded Centenarians Act.

Ang unang batch na 53 senior citizen, na umabot sa milestone na edad sa pagitan ng Marso 17 at Disyembre 2024, ay nakinabang din sa libreng medical check-up, mga gamot, at basic laboratory tests.

Ayon sa National Commission of Senior Citizens, ang Navotas ang unang local government unit (LGU) sa Metro Manila na namahagi ng insentibo.

Binigyang-diin ni Rep. Toby Tiangco, co-author ng Expanded Centenarian Acts, ang kahalagahan ng pagpaparangal sa mga senior citizen.

“Ang ating mga nakatatanda ay nag-alay ng maraming taon ng kanilang buhay para sa kanilang pamilya at komunidad. Nararapat lang na kilalanin at suportahan sila habang sila ay kapiling natin,” ani Cong.Tiangco.

Nabanggit din niya na ang inisyatiba ay higit pa sa tulong pinansyal.

“Hindi lang ito tungkol sa pera kundi pagpapakita ng pagpapahalaga at respeto sa ating mga lolo at lola. Ang bawat benepisyo ay isang pasasalamat sa kanilang naging papel sa ating lipunan,” dagdag niya.

Muling pinagtibay ni Tiangco ang pangako ng gobyerno sa pagpapabuti ng buhay ng mga senior citizen.

“Patuloy tayong maghahanap ng paraan upang mapabuti ang kanilang buhay at matiyak na sila ay maalagaan sa kanilang katandaan,” pahayag niya.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11982, ang mga nakatatanda na umabot sa edad 80, 85, 90, at 95 ay makakatanggap ng P10,000, bukod pa sa P100,000 na insentibo para sa mga centenarian. (Richard Mesa)

GM ng MRT 3 sinibak

Posted on: March 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINAHAYAG ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon na sinibak ang general manager ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) na si Oscar Bongon sa kanyang puwesto.

 

     Ayon kay Dizon, sinibak si Bongon dahil sa kapabayaan ng pangasiwaan ng MRT 3 na magkaroon ng parating maintenance service ng mga escalators sa mga istasyon ng MRT 3 at dahil dito isang aksidente ang nangyari na may nasaktan na 12 pasahero noong nakaraang Sabado.

 

     Dagdag ni Dizon na ang pamunuan ng MRT 3 ay nabigong rin na ayusin agad ang nasirang escalator na ayon sa kanya ay hindi katanggap-tanggap. Martes pa naayos ang nasirang escalator matapos ang aksidente noong Sabado.

 

     “The management fails to make haste decision to repair the malfunctioned escalator wherein it happened last Saturday. It was only last Tuesday that it was repaired not until I called them. For me, its not acceptable,” wika ni Dizon.

 

     Sinabi ng DOTr na nagbigay na ng rekomendasyon si Dizon sa Malacanang kung sino ang posibleng papalit kay Bongon. Hinihintay na lamang ang official na appointment papers mula sa Malacanang.

 

     Dagdag ni Dizon na ang nasabing aksidente ay isang proof na ang opisyales ng MRT 3 ay may pagkukulang bilang isang operator nito. Naniniwala siya na dapat ay ibigay na sa pribadong sektor ang operasyon at maintenance nito.

 

     Ang Japanese firm na Sumitomo Corporation ang siyang maintenance service provider ng MRT3.

 

     Noong nakaraang Sabado ay nasira ang escalator ng MRT 3 sa Taft Avenue kung saan may nasaktan na mga pasehero at ayon sa report ay anim dito ang nadala sa ospital.

 

     “The CCTV footage showed a line of commuters falling like a stack of dominoes after the upward-moving escalator suddenly stopped and then went in reverse at a faster speed than normal. One of the affected commuters likened the experience to a scene from American horror film Final destination,” saad ni Dizon.

 

     Ayon sa pamunuan ng MRT 3, ang main drive chain ng escalator ay nakitang may damage. Humingi ng paumanhin sa mga pasahero na nasaktan ang pamunuan ng MRT 3 sa pangunguna ni Bongon. Nagpayahag din ng paumanhin si Dizon dahil sa hindi inaasahang pangyayari.

 

     Depense ng pamunuan ng MRT 3 na kanilang binigyan na ng utos ang service provider bago pa man nangyari ang aksidente na magkaron ng extensive maintenance parati upang matiyak ang kaligtasasn ng mga pasahero.

 

     Sinabi rin ng DOTr na ang mga nangangailangan ng tulong ay puwedeng lumapit sa pamunuan ng MRT 3 at sila ay magbibigay ng tulong at assistance.

 

     Dahil sa pangyayari ay sinabi ni Dizon na magkakaron siya ng audit inspection ng lahat ng estasyon at siya mismo ang mag-iikot upang tingnan ang mga pasilidad ng bawat estasyon ng MRT 3.

 

     May kumpiyansa naman si Dizon na ang MRT 3 at ibang pang rail lines sa Metro Manila ay maisasailalim ang operasyon at maintenance sa pribadong sektor bago matapos ang termino ni President Maros. LASACMAR