• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 6:15 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 22nd, 2025

Red Horse Beer’s Pambansang Muziklaban

Posted on: March 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAKALIPAS ang apat na taon pahinga, muling umakyat sa emtablado ang 12 banda at naglaban-laban sa dalawang magkaibang kategorya ang LAKAS, na nag-banner ng mga hardcore rock band, at AKLAS na nagtampok ng banda na tumutugtog ng alternative rock sa Red Horse Beer’s Pambansang Muziklaban na ginanap sa Paseo de Sta. Rosa, Laguna kung saan kapwa nag-uwi ng P500,000 cash prize mula sa Red Horse Beer ang magkabilang banda. (Richard Mesa)

2 holdaper ng taxi timbog, baril at droga, nasamsam

Posted on: March 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SHOOT sa selda ang dalawang drug suspects na holdaper matapos magpanggap na pasahero at holdapin ang driver ng taxi na kanilang sinakyan sa Caloocan City.

          Sa pahayag ng 47-anyos na taxi driver sa mga tauhan ni Caloocan City Police Station chief P/Col. Col. Edcille Canals, sumakay ang dalawang lalaki sa kanyang taxi sa EDSA malapit sa Monumento.

          Pagsapit sa Talilong St., Brgy. 28 dakong alas-8:30 ng umaga, naglabas ang mga suspek ng baril sabay nagdeklara ng holdap at sapilitang kinuha ang cellphone, sling bag at PhilHealth ID ng biktima bago nagtangkang tumakas.

          Agad namang nagsisigaw na humingi ng saklolo ang biktima na nakatawag pansin sa nagpapatrolyang mga tauhan ni Col. Canals na mabilis rumesponde at hinabol ang mga holdaper na nagresulta sa pagkakaaresto sa 27-anyos na lalaki at 29-anyos na lalaki na positibong kinilala ng biktima na nang holdap sa kanya.

          Nang kapkapan, nakuha sa mga suspek ang isang improvised pen gun na kargado ng isang bala ng kalibre .38, isang replica Glock 18 pistol at dalawang transparent plastic sachets na naglalaman ng nasa 10.5 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P72,600.

          Ayon kay Col. Canals, mahaharap ang mga suspek sa kasong robbery, paglabag sa RA 10591 in relation to BP 881 (Omnibus Election Code) at RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

          Pinapurihan ni P/Col. Josefino Ligan, Acting District Director ng NPD ang Caloocan police para sa kanilang matatag na dedikasyon at walang sawang pagsisikap sa paglaban sa ilegal na droga at pangangalaga sa kapakanan ng komunidad

“This operation demonstrates our commitment to aggressively pursuing criminals and dismantling their networks,” pahayag niya. (Richard Mesa)

Valenzuela LGU, nagturnover ng 40 bagong motorsiklo at 25 bagong sasakyan sa VCPS

Posted on: March 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Mayor WES Gatchalian ang turnover ng mga bagong motorsiklo at sasakyan para sa Valenzuela City Police Station (VCPS) at paglulunsad ng Valenzuela Plaka Express o ValPLEX, isang streamlined license plate release initiative katuwang ang Land Transportation Office (LTO), na ginanap sa ALERT Center Parking Grounds and Multi-purpose Hall.

Ani Mayor Wes, nasa P49 milyon ang inalaan ng pamahalaang lungsod para makakuha ng 40 bagong motorsiklo at 25 bagong sasakyan na magamit ng VCPS sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Nixon Cayaban sa pagpapalakas ng presensya ng mga nagpapatupad ng batas sa mga lansangan at mabilis na aksyon laban sa krimen.

Kasabay nito, ipinakilala ni Mayor Gatchalian ang ValPLEX, isang inisyatiba na idinisenyo upang mapabilis ang pagpapalabas ng mga plaka ng sasakyan sa pakikipag-ugnayan sa opisina ni Councilor Sel Sabino-Sy at sa pakikipagtulungan ng LTO na layuning alisin ang matagal na pagkaantala sa pagbibigay ng mga plaka para sa mga motorista.

Ang unang inisyatiba ay nakatuon sa mga sasakyang pag-aari ng gobyerno at ngayon ay para naman sa Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA) sa lunhsod kung saan 2,761 license plates ang naipamahagi sa mga miyembro ng TODA.

Ibinahagi ni Mayor WES ang adhikain ng pamahalaang lungsod na gawing mas ligtas ang lungsod sa pamamagitan ng Valenzuelife campaign nito. Umaasa siya na ang bawat pamilyang Valenzuela ay magkakaroon ng kapayapaan ng isip sa pamumuhay sa lungsod at mabigyan ng buhay na malaya sa anumang panganib.

“Binibigyan po natin ng prayoridad ang peace and order [sa lungsod ng Valenzuela]. Sana po ay dumating panahon na kapag tinawag na Valenzuelife, ay panatag po ang loob ng ating mga anak na galing sa eskwela at mga asawa na galing sa trabaho na sila’y ligtas–na kapag sila’y naglalakad man sa looban ay hindi sila nangangamba dahil visible ang ating kapulisan,” pahayag niya.

Dagdag pa dito, nagbigay dina ng pamahalaang lungsod ng pitong  Chikiting Food Patrol vehicles sa CSWDO kung saan pinondohan ito mula sa award ng Seal of Good Local Governance (SGLG) ng lungsod noong 2023.

Ipapakalat ito sa iba’t ibang barangay upang suportahan ang K to 6 feeding programs ng lungsod at labanan ang malnutrisyon ng bata sa pamamagitan ng direktang pagdadala ng masustansyang pagkain sa mga batang benepisyaryo. (Richard Mesa)

NHA at DA, lumagda sa kasunduang ilapit ang murang sulay ng pagkain sa mga benepisyaryo

Posted on: March 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

LUMAGDA ang National Housing Authority (NHA) at Department of Agriculture (DA) sa isang Memorandum of Understanding (MOU) nitong Marso 20, 2025, upang matiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng mga produktong agrikultural sa piling resettlement sites ng NHA.

Layunin ng kolaborasyong ito na palakasin ang seguridad sa pagkain at isulong ang sustainability habang tinutugunan ang mga hamon sa sektor ng agrikultura. Ang inisyatibang ito ay bahagi ng KADIWA ng Pangulo (KNP) Program na sumusuporta sa layunin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na matulungan ang mga magsasaka na direktang maibenta ang kanilang produkto sa mga mamimili.

Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng mga magsasaka, mangingisda, maliliit na negosyante, at mamimili, nagbibigay ang KADIWA Program ng sariwa at lokal na ani sa abot-kayang presyo.

Kinatawan ng NHA si General Manager Joeben Tai, habang kinatawan naman ng DA si Kalihim ng Agrikultura Francisco P. Tiu Laurel Jr.

“Bilang General Manager ng National Housing Authority, ipinagmamalaki ko pong patunayan ang dedikasyon ng NHA sa programang ito. Kinikilala namin ang kaginhawaang dulot ng KADIWA sa ating mga komunidad at sa buong bansa,” ani GM Tai.

Pinasalamatan din ni GM Tai ang DA dahil sa suporta nito sa misyon na madala ang serbisyo ng pamahalaan sa mga resettlement site. “Maraming salamat din sa Department of Agriculture sa pakikiisa sa misyon na gawing accessible ang ating serbisyo sa mga benepisyaryo ng pabahay,” dagdag ni GM Tai.

Binigyang-diin din ni GM Tai na ang KADIWA ay naging mahalagang bahagi ng bawat NHA People’s Caravan upang matiyak na direktang nakikinabang ang mga komunidad sa mga inisyatiba ng programa.

Dumalo rin sa pagpirma sina NHA Assistant General Manager Alvin S. Feliciano, Community Support Services Department OIC Donhill V. Alcain, Assistant Secretary for Agribusiness, Marketing, and Consumer Affairs, at KADIWA Program Head Atty. Genevieve Velicaria-Guevarra. (PAUL JOHN REYES)

45-day benefit limit, inalis ng PhilHealth

Posted on: March 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

UPANG higit pang pag­husayin ang kanilang serbisyo sa kanilang mga miyembro, inalis na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang ipinaiiral nilang 45-day benefit limit.

Sinabi ni PhilHealth president at CEO Edwin Mercado na ang natu­rang 45-day benefit limit ay isa nang ‘outdated cost-containment stra­tegy’ kaya’t nagpasya silang alisin na ito.

Kasabay nito, binigyang-diin din niya ang pangangailangan na ikober ang higit sa 45 araw, para sa ilang kondisyon.

“Naiintindihan natin kung bakit ito (benefit limit) inilagay noon, ngunit, sa pagbabago ng ating payment mechanism, napapanahon na rin talagang repormahin ito,” ani Mercado.

Kaugnay nito, nagpasalamat din si Mercado sa PhilHealth Board para sa pag-apruba sa naturang policy update.

Aniya pa, upang matiyak naman ang responsable at epektibong implementasyon ng bagong polisiya, masusing imomonitor ng PhilHealth ang patient admissions, readmissions, at paggamit ng benepisyo na lampas ng 45 days.

Ang health facility­ compliance sa clinical standards at reimbursement rules ay ia-assessed rin sa pamamagitan ng Health Care Providers Performance Assessment System (HCPPAS).

TNT hawak na ang 2-1 na bentahe matapos talunin ang Ginebra 87-85

Posted on: March 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
Hawak na ng TNT Tropang Giga ang 2-1 na kalamangan sa best of seven PBA Season Commissioner’s Cup Finals.
Ito ay matapos na talunin ang Barangay Ginebra 87-85 sa laro na ginanap sa Philsport Arena sa lungsod ng Pasig.
Naging tabla sa 82 ang score sa natitirang isang minuto ng maipasok ni Rey Nambatac ang kaniyang three-points para makamit ang tatlong puntos na kalamangan ng TNT sa natitirang 30-segundo ng laro.
Nagtala ng crucial turnover si RJ Abarrientos ang bola kaya nakuha ni Glen Khonbuntin at mapalawig ng limang puntos ng TNT ang kanilang kalamangan sa natitirang 13 segundo
Nabuhay pa ang tsansa ng Ginebra ng maipasok ni Scottie Thompson ang three-points subalit hindi na nila napigilan ang TNT para tapusin ang laro.
Sinamantala ng TNT ang pagkawala ni Justin Brownlee matapos na magtamo ng injury sa kaniyang kanang kamay.
Nangyari ang injury sa natitirang 6:42 sa third quarter at hindi na bumalik sa laro..

Lakers star LeBron James hindi pa ring makakapaglaro dahil sa injury

Posted on: March 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
Hindi pa pinagpapalaro ni Los Angeles Lakers head coach JJ Redick ang kanilang star na si LeBron James matapos na magtamo ng groin injury.
Sinabi ng Lakers coach na inilagay muna nila sa injury list si James dahil sa kaniyang injury na natamo noon pang Marso 8.
Kasama ring nasa injury list ang forward nila na si Rui Hachimura.
Dagdag pa ni Reddick na kailangan pa ng go-signal mula sa mga doctor nila bago sila tuluyang payagan makapaglaro.
Nasa pangalawang puwesto na ngayon ang Lakers sa Western Conference na mayroong 42 panalo at 25 na talo.

Engage na at malapit nang ikasal:  KIM, binalikan pa rin si JERALD kahit tatlong beses nang naghiwalay

Posted on: March 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PARA sa marami ay tila napaka-perfect na ng relasyon ng magkasintahang Kim Molina at Jerald Napoles.

Pero lingid sa kaalaman ng marami ay tatlong beses na silang naghiwalay noon.

Lahad ni kim, “We broke up three times already. The first time, Rak of Aegis, tapos nagkabalikan kami.

“The second time, after three months, sabi may three-month rule, puwede nang mag-date uli? Siya uli ang date ko.

“Yung third time, it was the shoot of Ikaw At Ako At Ang Ending.”

Pelikula ito ng KimErald noong 2021.

“During the shooting,” pagpapatuloy ni Kim, “nag-break kami kasi may problema kami noon. Tapos kinabukasan, may bed scene, nagkabalikan kami.

“Nag-shoot kami parang pandemic.

“So during the pandemic, nung time na yun nag-a-adjust kami as mag-live-in.

“So ang daming adjustments, plus we always work together.

“E hindi naman po kasi talaga kami technically ilo-launch as a loveteam. Nagkataon lang that we live together so kailangan na magawan ng paraan na makapag-work.

“So during those times, I think it was just a serious type, yung break up na yun.

“Just to make it clear, nag-usap kami. Nag-break kami but at the same time, we realized na yung mga iniisip namin na issues noon, ang liliit compared to kung gaano na kalaki yung samahan naming dalawa.

“Kaya nagkabalikan kami.

“Bonus lang po yung bed scenes.”

Bakit niya binabalikan si Jerald?

“Kasi malaki yung ano… puso niya,” at tumawa si Kim.

“So siyempre, babalikan mo kapag malaki yung puso. But seriously, hindi ko alam, e.

“With Je, we’re friends talaga from Rak of Aegis pa.

“Tropa kami lahat and he knows me more than I know myself.”

Ang Rak of Aegis ay stage musical nila noong 2014.

”He’s just like me and parang may time na kapag hindi ko nahahanap kung sino ako, saan ako, he would always be there to look for me kaya siguro ako bumabalik.”

Engaged na ngayon ang dalawa, at sinabi kaya ni Kim na ang’ Un-Ex You’ ang huling pelikula niya na hindi pa siya Kim Molina-Napoles ay hudyat na anytime this year ay ikakasal na sila?

Abangan natin iyan.

Samantala, showing sa mga sinehan ang ‘Un-Ex You’, simula sa Abril 9, 2025, mula sa Viva Films.

Sa direksyon ni RC delos Reyes, kasama nila sa movie sina Kyosu Guinto as Bry, Vladia Disuanco as Beybeh, kung saan gumaganap sina Kim as Zuri, Jerald as Andy at si Candy Pangilinan as Mameng.

(ROMMEL L. GONZALES) 

Puring-puri rin sina Angeli, Christy at Denise: VICTOR, thinking actor at willing mag-frontal sa stage play ayon kay Direk ROMAN

Posted on: March 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NATANONG namin si Direk Roman S. Perez Jr. kung sinu-sino sa mga artista ng VMX(dating Vivamax) ang nakaaangat ngayon?
“Sa ngayon, ha, yung new breed, malakas yung Christy Imperial, yung cousin ni Meg Imperial,” pahayag ni Direk Roman.
“Malakas yon. Tapos abangan nila yung Aliya Raymundo. Ay! Iba siya! Iba rin siya, iba rin siya.
“Yung Denise! Denise Esteban siyempre. Si Denise Esteban, parang nakakatawid na ngayon.”
Si Denise ay understudy ni Elora Españo sa dulang ‘Anino sa Likod ng Buwan’ na napapanood sa PETA.
“May dalawang horror movies si Denise. At meron siyang ‘Pihit’ sa production namin. Pole dancer naman siya, napakagandang kuwento.
“Saka napakagaling niyang dancer pala. Hindi siya marunong ng pole dancing, natuto! Ang galing niya, napakahusay.
“Ayun, umiikot, nag-e-evolve yung VMX. Napupunta sila sa iba’t ibang sectors.
“Abangan din nila yung Angeli Khang, meron nang GMA show.”
Sa mga lalaki, sino naman ang nangingibabaw para sa kanya?
“Sa mga ngayon siguro, ang nakikita ko, yung nag-aaral, si Victor Relosa. Magaling si VR,” sagot ni Direk Roman.
“Lagi niya akong binibigyan ng bagong akting. Nag-aaral, e. Kasama siya sa stage project na siya yung lead, saka si Denise Esteban.
“Magpo-frontal daw si VR. Willing.”
Sa VMX film na ‘Kabit’ directed by Lawrence Fajardo, naka-prosthetic penis si VR, ganoon din si Josef Elizalde.
“Dito sa stage play, he’s willing to do frontal. Walang problema sa kanya,” kuwento pa ng direktor.
“Meaning ganun siya katapang saka ganun niya pinaghahandaan.”
Ano ba ang dapat gawin ng isang artista sa VMX upang magtagal siya sa industriya?
“Siyempre, yung akting, importante. Saka yung thinking actors. Dapat nag-iisip,” sagot ni Direk Roman.
“Hindi naman puwedeng laging naghuhubad. Hindi ka naman laging maganda ang katawan mo, at guwapo ka. Tumatanda!
“Tumatanda sila. Tumatanda na, walang nangyayari. Sa akin, isa si VR Relosa sa magtatagal.
“Si Gold Aceron, napakahusay.
“Abangan din ninyo yung ginawa namin with Gold Aceron. Ngayon, may stage play siya, yung ‘Para Kay B.’
“Artista ko si Gold sa gagawin kong ‘Kalakal.’ Isasali rin namin sa festival. Napakahusay niya.
“Kasama rin siya sa Lilim. Yun nga, iba rin, nada-divert yung galing ng mga tao talaga.”
Dagdag pa niya,  “Sobra! Sobra, napakarami na nila sa VMX. Kaya dapat, galingan mo, e. Pag hindi ka magaling talaga, hindi ka magtatagal.
“Hindi ka makakakuha ng another project. Kung nagloko ka sa isang project, alam mo yun, hindi ka magtatagal.
“Ngayon actually, masusukat natin, e, yung tumatagal. Sila naman yung nalilipat ng ibang platform.
“Nakakatawid ng TV. Nakakatawid ng independent film. Nakakatawid ng pelikula. Nakakatawid ng stage. Nagkakaroon ng ibang platform.”
Wish pa ni Direk Roman…
“Gusto ko sana, makabalik uli si Tito Albert, e. Tito Albert Martinez. Lumabas sa The Housemaid [2021]. Gusto ko siyang bumalik ulit.
“Sana makabalik siya sa isang pang-award na material.”
Gusto rin niyang mag-VMX sina Leandro Baldemor at Cesar Montano.
“Parang homage din sa dati nilang movies. Si Leandro, magpapapayat lang daw siya, sabi niya.
“What if, kunwari, si Kuya Cesar. Hindi naman love scene pero si Kuya Cesar Montano, baka gusto niyang gumawa ng pelikula na pang-award.
“Na may isang love scene na may butt exposure siya, yung mga ganun. Yung di natin inaasahan, gagawin pala nila. Nakakatuwa din,” pagtatapos pa ng mahusay na direktor.
(ROHN ROMULO) 

Sa pagpanig sa matinding kalaban ni Vico: ARA, naniniwala na hindi siya pepersonalin ni VIC

Posted on: March 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
KAHIT na tumatakbo bilang Konsehal ngayon sa Pasig City si Ara Mina, naniniwala siyang hindi siya pepersonalin ni Vic Sotto.
Magkaiba kasi ng partido sina Ara at ang incumbent Mayor ng Pasig na si Vico Sotto. At si Ara ay pumanig sa maituturing na kalaban ni Vico ngayon.
Dahil nagkasama na in the past, naniniwala si Ara na hindi siya pepersonalin ni Vic.
Ayon dito, “Si Bossing, hindi naman siya ano e, matalinong tao si Bossing. Hindi para magkaroon ng gano’ng problema. Kasi, may kanya-kanya naman tayong preference. May kanya-kanya tayong mga journey.
“So, I don’t think na sasama ang loob ni Bossing.”
Last year pa raw na nag-iikot si Ara sa Pasig. At pwedeng ikagulat ng ilan na, taga-Pasig pala siya dahil mas known na Quezon City ang actress.
Ayon kay Ara, “My mom and daddy Romy Reyes ang mga legit na Pasigueño… and to clear lang po, we have a house in Santolan, Pasig and dun ako nag-i-stay ngayon…”
Same neighborhood nga raw sila ni John Lloyd Cruz at nag-aral din dito si Ara. Bukod pa ang mga nanay nila ay mga magkababata.
Aminado si Ara na kahit ang kanyang mister na si Dave Almarinez ay nagulat daw sa naging desisyon niya. Although, matagal din daw pinag-isipan ni Ara kung papasukin nga ba niya ang pulitika.
Tatlong buwan din daw naghintay ang kanyang Ate Sarah Discaya na tumatakbong alkalde sa ‘oo’ niya.
At sa pagpasok ni Ara sa pulitika, inamin nitong ang medyo maiisantabi muna ay ang plano nilang magkaroon ng anak ni Dave.
***
CHARLENE, proud sa kanyang unica hija na si ATASHA
IPINAKILALA na ang cast ng bagong series ng VIVA One, ang “Bad Genius.” Ang Bad Genius ay adaptation mula sa isang Thai Film.
At pinangungunahan ito ni Atasha Muhlach. Kasama rin sina Hyacinth Callado, Gab Lagman at Jairus Aquino.
Ito ang unang series ni Atasha, bilang sitcom namam ang una niyang ginawa kasama ang buong pamilya niya.
Siyempre, kung ang pagbabasehan ay ang tagumpay ng unang series ng kanyang kakambal, si Andres Muhlach sa VIVA One rin, ang “Ang Mutya ng Section E,” pwedeng-pwedeng sabihin na malaki ang pressure kay Atasha.
Pero sinagot niya ito agad na wala siyang pressure dahil una sa lahat, si Andres has been her best friend at suportahan silang dalawa.
Ayon pa kay Atasha, masayang-masaya siya sa success ng Section E… hindi lang kay Andres kung hindi sa buong cast.
At kung si Andres ay may ka-loveteam, sa ‘Bad Genius’, hindi loveteam focused ang kuwento.
Proud naman si Charlene Gonzales sa kanyang unica hija.
Sa Instagram post nga niya, “@atashamuhlach_ so happy to see your dreams come true. Excited for your upcoming series, Bad Genius. Such an excellent cast, director, producer. Can’t wait to see you transform into Lin and watch you on @vivaoneph.”
(ROSE GARCIA)