• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 12:32 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 20th, 2025

Senado, Kamara ikinasa preparasyon sa impeach trial

Posted on: March 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ININSPEKSYON ni House Secretary Reginald Velasco ang session hall ng Senado na pagdarausan ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sinamahan ni Senate Secretary Renato Bantug Jr. si Velasco sa pag-inspeksiyon sa setup sa session hall ng Senado bilang paghahanda sa paglilitis.

Ayon kay Bantug, nais ng Kamara na tingnan ang ginagawang paghahanda upang matiyak na magiging maayos ang lahat ng kinakailangang logistical at procedure requirements.

Inihayag naman ni Velasco na layon ng kanilang pagbisita na tingnan ang pasilidad na ilalaan para sa House prosecution panel at kanilang support staff. (Daris Jose)

Obrero na wanted sa robbery sa Caloocan, bagsak sa parak

Posted on: March 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TIMBOG ang isang construction worker na wanted sa kasong robbery sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Caloocan City.

Sa ulat, ikinasa ng mga operatiba ng District Special Operations Unit (DSOU) at ng Northern Police District (NPD) ang pinaigting na manhunt laban sa 24-anyos na akusado na kabilang sa mga Most Wanted Person sa lungsod.

Dakong alas-11:15 ng umaga nang matiyempuhan ng tumutugis na pinagsamang mga tauhan ng DSOU at District Intelligence Division (DID) ang akusado sa Sabalo Street, Barangay 12.

Binitbit ang akusado sa bisa ng isang bench warrant of arrest inisyu ni Presiding Judge Rhoda Magdalene L. Mapile-Osinada, ng Regional Trial Court, Branch 170, Malabon City noong March 10, 2025, para sa kasong robbery na inirekomendang piyansa na P100,000.00.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa NPD Custodial Facility Unit sa Kaunlaran Village, Caloocan City habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman.

Pinuri ni Col. Josefino Ligan, Acting District Director ng NPD ang mga operatiba sa kanilang hindi natitinag na pangako sa pagbibigay ng hustisya at seguridad at muli niyang pinagtibay ang walang humpay na pagtugis ng NPD sa mga criminal. (Richard Mesa)

Abalos, isinusulong ang ‘Super Health Centers’ sa kanayunan

Posted on: March 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ISINUSULONG ni dating DILG secretary at kandidato sa pagka-senador na si Benhur Abalos Jr. ang pagtatatag ng Super Health Centers sa buong bansa upang mapabuti ang serbisyong medikal, lalo na sa mga liblib at kulang sa pasilidad na lugar.

Sa isang panayam sa Tacloban City, binigyang-diin ni Abalos ang pangangailangan ng isang sistematikong imbentaryo ng mga ospital sa buong bansa upang matukoy kung aling hospital facilities ang epektibong pinamamahalaan ng mga pamahalaang panlalawigan at kung alin ang dapat suportahan o pangasiwaan ng pambansang pamahalaan.

“Kailangang i-inventory ang mga ospital. Ilan ang pinapatakbo ng probinsya? Ano ang estado ng mga ito? Kung nahihirapan, dapat pumasok ang pambansang pamahalaan,” aniya.

“May mga probinsya na may ospital pero walang doktor at kagamitan. May mga lugar naman na talagang walang ospital,” dagdag ni Abalos, na binanggit na ito ay bunga ng Local Government Code of 1991 (RA 7160), na naglipat ng pamamahala ng mga secondary at tertiary hospitals sa mga local government unit (LGU), kaya’t sila ang may responsibilidad sa pagpopondo at pagpapatakbo ng mga ito.

“Hindi lahat ng probinsya ay may sapat na pondo para suportahan ang kanilang mga ospital,” aniya, habang binibigyang-diin ang kanyang adbokasiya na amyendahan ang Local Government Code upang matugunan ang mga kakulangan sa pondo at pamamahala ng serbisyong pangkalusugan, pati na rin ang iba pang isyung pumipigil sa epektibong paghahatid ng mahahalagang serbisyong medikal at panlipunan.

Batay sa kanyang karanasan bilang alkalde ng Mandaluyong, iginiit ni Abalos na dapat palawakin ang Super Health Centers upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangang medikal at mapagaan ang bigat sa mga malalaking ospital.

Ipinaliwanag niya na ang Super Health Centers ay pinalakas na bersyon ng barangay health stations na may emergency services, X-ray machines, at diagnostic tools upang maibsan ang pagsisikip sa mas malalaking ospital.

“Ito ang ginawa namin sa Mandaluyong Super Health Centers na kayang tugunan ang mga simpleng kaso upang ang mga ospital ay makapagpokus sa mas malalang kondisyon,” aniya.

Dahil sa geography ng Pilipinas, iminungkahi ni Abalos ang sttategic na pagtatayo ng mga Super Health Centers upang mapalapit ang serbisyong medikal sa mga komunidad na malayo sa mga pangunahing ospital.

“Kung maayos ang Super Health Centers, hindi na kailangang dumagsa ang mga pasyente sa mga ospital. Mas magiging epektibo ang sistema, at mas maraming buhay ang maliligtas,” dagdag niya.

Binigyang-diin din ni Abalos ang papel ng PhilHealth sa pagsuporta sa mga LGU sa pamamagitan ng subsidy sa gastusing medikal, ngunit iginiit niya na mas mahalaga ang pagbibigay-priyoridad sa preventive care kaysa sa gamutan.

“Mahalaga ang PhilHealth dahil nire-reimburse nito ang LGUs, pero mas mahalaga ang pagpigil kaysa paggagamutan once of prevention is better than a pound of cure,” aniya, kung saan tinutukoy niya ang Konsulta Program ng PhilHealth, na nag-aalok ng libreng taunang check-up, diagnostic services, at maintenance medication.

“Kailangang malaman ito ng tao,” dagdag niya. “Maraming buhay ang maaaring mailigtas sa pamamagitan ng maagang pagsusuri at preventive care.” (PAUL JOHN REYES)

LTFRB: Pinahinto pansamantala ang implementasyon ng road safety training ng PUV drivers    

Posted on: March 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HINDI muna ipatutupad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang implementasyon ng programa sa malawakan road training seminar para sa mga public utility vehicle (PUV) drivers at conductors.

 

     Ayon sa LTFRB ang kanilang desisyon na suspendihin muna ang implementasyon ay dahil sa kahilingan ng hanay ng mga drivers at conductors ng PUV na magkaron muna ng isang malawakang kunsultasyon sa kanilang grupo.

 

     Nagkaroon na ng walong (8) kunsultasyon ang ginawa ng LTFRB subalit ayon sa grupo ay hindi pa ito sapat kung kayat pinagbigayan ng LTFRB ang kanilang kahilingan upang marepaso ng mabuti ang programa.

 

     Dahil dito, magkakaron ang LTFRB ng sunod-sunod na konsultasyon sa hanay ng industriya ng transportasyon at ibang pang stakeholders sa kanilang sektor

 

     “We recognize the need for road safety measures, but we also acknowledge the concerns of our stakeholders. We will revise the policy to make it more inclusive, effective and practical for those who will be affected,” wika ni LTFRB chairman Teofilo Guadiz.

 

     Habang ang programa ay suspendido, tiniyak naman ni Guadiz na patuloy pa rin ang kanilang ahensiya na magiging committed sa pagpapabuti ng ibang programa sa road safety standards ng panglupang transportasyon at sisuguraduhin din ng LTFRB na magbibigay pa rin sila ng mas magandang serbisyo sa publiko.

 

     Kamakailan lamang ay nagbigay ng anunsyo ang LTFRB na kanilang ipapatupad ang implementasyon ng road safety training para sa mga PUV drivers, conductors kasama rin ang mga bus at truck drivers.

 

     Ang nasabing kurso ay nagkakahalaga ng P2,000 kada isang tao na lalahok sa nasabing road safety training na sana ay sisimulan sa isang trial run na gagawin ngayon darating na May na tatagal ng tatlong (3) buwan sa Metro Manila.

 

     Kung magtatagumpay ang nasabing programa ay gagawin din ng LTFRB ito sa ibang lugar ng bansa tulad ng Cebu at Davao. Kapag nagtagumpay, gagawin na itong isang malawakan programa sa buong bansa. Sa trial run at unang taon, ang truck at buses muna ang unang sasailalim sa road safety training.

 

     Habang ang mga PUJ drivers ay sa ikalawang taon naman sasailalim sa programa. Sa taong 2026, ang mga jeeps at UV mula sa Metro Manila, Cebu, at Davao ay kailangan ng kumuha ng nasabing kurso. Sasailalim din ang iba pang PUV sa mga susunod na taon.

 

     Pagkatapos ng mga PUJ, ang susunod naman ay ang mga drivers ng motorcycle taxis at transport network vehicle service (TNVS).

 

     Ang nasabing programa ay gagawin ng dalawang araw na hahatiin sa tatlong bahagi. Ang unang bahagi ay isang lecture tungkol sa road safety kasunod ay ang psychological exam at ang huling bahagi ay tungkol sa first aid at life support kung may aksidente.

 

     Ang bayad na P2,000 ay isa lamang recommended na presyo mula sa mga driving schools habang ang mga kooperatiba at kumpanya ay maaaring pumili na magkaroon sila ng sariling training subalit kailangan accredited ang mga teachers ng LTRFB. Kailangan din na mayroon silang sariling psychologist na mag assess ng psychological capacity ng driver.

 

     Dagdag ni Guadiz na ang mga aksidente sa daan at lansangan ay nagaganap dahil sa kakulangan ng road safety standards kasama na rin ang engine failure. Mababawasan ang ganitong aksidente kung ang mga drivers ay sasailalim sa ganitong klaseng training, ayon pa rin kay Guadiz.

 

     “Once the program is running, the LTFRB will employ means to monitor the compliance to the program. Operators will be mandated to only hire PUV drivers who have passed this road safety training,” saad ni Guadiz.  LASACMAR

162 iskul sa Quezon City, tinututukan  

Posted on: March 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ni Quezon City Police District (QCPD) District Director, PCol. Melecio M Buslig, Jr, na may kabuuang 162 na paaralan ang kanilang mahigpit na minomonitor upang matiyak na ligtas ang mga mag-aaral sa anumang kriminalidad.

Sa ilalim ng Project Ligtas Eskwela, nagtatag ang QCPD ng 151 Police Assistance Desk (PADS) malapit sa mga pasukan ng paaralan upang magbigay ng agarang suporta sa mga mag-aaral, guro, at mga magulang.

Bukod dito, 157 aktibidad din ang isinagawa, kabilang ang flag-raising ceremonies, pagsasagawa ng foot patrol, at pakikipag-usap sa mga administrador ng paaralan, mga magulang, at mga mag-aaral.

Ito ay upang matiyak din na hindi na mauulit pa ang mga nangyayaring krimen sa mga paaralan na kinasasangkutan ng mga mag-aaral.

“Ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral ay isa sa pangunahin ng ating mga pulis. Sa pamamagitan ng Project Ligtas Eskwela, napapanatili natin ang pakikipag-ugnayan sa ating mga mag-aaral at mga guro,” pahayag ng QCPD chief.

Ads March 20, 2025

Posted on: March 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments