• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 5:59 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

 
Home Editorial Classified Ads Contributors Libangan Showbiz Sports
  • Home
  • Editorial
  • Classified Ads
  • Contributors
  • Libangan
  • Showbiz
  • Sports

Archive for March 19th, 2025

Newer Entries »

3 MALAKING ORGANISASYON, SUMUPORTA SA ISKO-ATIENZA TANDEM

Posted on: March 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
TATLONG malalaking organisasyon sa Maynila ang nagsanib puwersa upang suportahan ang  kandidatura nina dating Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ka-tandem na si Chie Atienza, at buong talaan ng“Yorme’s Choice” sa nalalapit na midterm elections.
Kabilang sa mga organisasyon ay ang  Kababaihan ng Maynila, Kabalikat ng Bayan sa Kaunlaran (KABAKA), at Kaagapay ng Manileño na  dinaluhan ng libo-libong mga taga-suporta sa  Ninoy Aquino Stadium.
Kumpiyansa ang dating alkalde na ang suporta ng tatong malalaking organisasyon sa kanilang buong tiket ay malaking tulong upang matiyak ang panalo sa nalalapit na halalan.
“Taos-puso ang aking paniwala, nagawa niyo na dati. Kaya niyong gawin muli,”  ayon sa  dating alkalde.
Nangako naman ang ka-tandem ni Domagoso na si Chie Atienza, anak ni dating Manila Mayor Lito Atienza na na ibubuhos niya ang tulong at suporta sa liderato ni Domagoso upang maging isang mabisang bise-alkalde.
Sinabi naman ni dating 5th District Rep. Amado Bagatsing na siyang founder ng KABAKA na kaisa siya sa hangarin ni Domagoso na ibalik ang disiplina, kalinisan, at kaayusan sa Maynila. (Gene Adsuara)

Beripikasyon ng mga balota, target ng Comelec hanggang sa Abril 20

Posted on: March 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
TARGET ng Commission on Elections (Comelec) na matapos ang isinasagawang beripikasyon ng mga balota hanggang sa Abril 20 o 21.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, uunahin nilang beripikahin ang mga balota para sa malalayong lugar.
Pagsapit naman aniya ng Abril 15 hanggang 20 ay mga balota sa malalapit na lugar, kabilang ang Metro Manila.
Ani Garcia, ang pro­seso ng beripikas­yon ng mga balota ay mayroong dalawang estado, kabilang dito ang manual verification na isinasagawa ng kanilang mga personnel at ang beripikasyon na isinasagawa naman ng mga makina.
Matatandaang sa ngayon ay nakapokus na ang Comelec sa ballot verification matapos na makumpleto ang ballot printing noong nakaraang linggo.
Samantala, sinabi rin ni Garcia na ang distribusyon ng mga balota na natapos nang iberipika ay magsisimula sa ikalawang linggo ng Abril.
Ang distribusyon naman umano ng mga voter information sheets (VIS) sa buong bansa, kung saan nakalagay ang pangalan ng mga botante, detalye ng mga presinto, mga paalala sa halalan at listahan ng mga kandidato para sa national at local elections, ay isasagawa ng poll body mula sa Abril 1 hanggang 30.
News 2
Umawat sa away ng mag-asawa, ka-trabaho, sinaksak
PINAGHAHANAP ngayon ng mga awtoridad ang isang construction worker matapos pagsasaksakin ang kanyang kabaro na umawat sa away nila ng kanyang common-law wife sa Alfonso, Cavite Mates ng madaling araw.
Ginagamot ngayon sa Dr. Poblete Hospital ang biktimang si alyas Jerome dahil sa saksak sa katawan na tinamo mula sa suspek na si alyas Bernie, kapwa mga construction worker, na tumakas matapos ang insidente.
Una dito, nag-inuman ang biktima, suspek at mga kasamahan nila sa trabaho sa Brgy Tua, Magallanes at matapos ang kanilang inuman ay nagsiuwi sa kanilang barracks sa Jacko Builders sa Brgy Kaytitinga 2, Alfonso, Cavite bandang ala-1:30 kahapon ng madaling araw kung saan nagkaroon ng mainitang pgtatalo ang suspek at kanyang common-law wife.
Nang nakitang sinasaktan ng suspek ang kanyang asawa, namagitan ang biktima na kinasama ng suspek kaya pinagsasaksak nito.
Matapos ang insidente, tumakas ang suspek habang isinugod sa ospital ang biktima. (Gene Adsuara)

Malabon LGU, inilabas ang pangalawang ayuda para sa 2025

Posted on: March 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INILABAS ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon nitong Lunes, ang pangalawang bahagi ng tulong pinansyal sa ilalim ng programang Malabon Ahon Blue Card (MABC) para sa taong 2025, sa pangakong magbigay ng agaran at napapanahong tulong sa mga Malabueño.
Ito ang magiging ika-10 tranche ng tulong mula nang ilunsad ang programa ng MABC noong 2022.
Ayon sa Monitoring, Evaluation, Accountability, and Learning (MEAL) Office, may kabuuang 86,674 (MABC) holder ang kwalipikado bilang na bahagi ng unang batch ng mga benepisyaryo na tatanggap ng pangalawang ayuda.
“Good news po para sa mga Malabueño! Matapos ang pamamahagi ng unang ayuda noong nakaraamg buwan ay pwede niyo pong i-claim ang ikalawang ayuda para sa taong 2025. Ito po ay bahagi ng ating pagpapatupad ng ating mga pangako at layunin. Marami na tayong naipatupad at nailapit na mga programang para sa pagbabago at pag-unlad. Ipagpapatuloy po natin ang mga ito at mas pagbubitihin para sa mas maayos at mas magandang buhay para sa bawat Malabueño,” pahayag ni Mayor Jeannie Sandoval.
Sinabi ng MEAL na ang mga may hawak ng MABC ay makakatanggap ng text message mula sa Universal Storefront Services Corporation (USSC) bago nila i-claim ang kanilang cash assistance. Ang link na may listahan ng mga kwalipikadong benepisyaryo ay naka-post din sa MABC Facebook page.
Ang mga residente ay maaaring mag-withdraw ng kanilang cash aid sa anumang BancNet-powered ATM o sa alinmang sangay ng USSC sa buong bansa simula Marso 17.
Hinikayat din ng pamahalaang lungsod ang mga Malabueño na direktang gamitin ang kanilang MABC bilang mga debit card kapag bumibili ng pagkain, groceries, o iba pang mga bagay sa mga tindahan na may point-of-sale (POS) device para sa kanilang kaginhawahan.
Pinaalalahanan din nito ang mga residente na alagaan ang kanilang mga MABC at agad na i-report kung sakaling nawala o nasira ang card sa USSC o sa opisina ng MABC sa ika-4 na palapag ng Malabon City Hall.
“Ikalawang ayuda na para sa taong ito ang ating nasimulang ipamahagi at dapat abangang ng mga Malabueño ang mga susunod pa. Dahil ang pagkakaisa, bayanihan, at pagtulong ay buhay sa ating puso at diwa bilang mga Malabueño. Naririto lamang po ang pamahalaang lungsod upang tumulong sa inyo,” sabi ni City Administrator Dr. Alexander Rosete. (Richard Mesa)

Posted on: March 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGPALABAS ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ng guidelines o mga alituntunin para sa pagtatatag at rehistrasyon ng pharmaceutical economic zones (pharmazones) para gawing simple ang regulatory processes, bawasan ang presyo ng gamot, at akitin ang global pharmaceutical investors sa bansa.

Ang guidelines ay inaprubahan ng PEZA Board, si Trade Secretary Ma. Cristina Roque ang tumayong chairman sa isinagawang pagpupulong nitong Pebrero.

Binalangkas ng mga alituntunin ang mga available na insentibo sa ‘pharmazone developers, operators at registered business enterprises (RBEs), layon nito na hikayatin ang investment sa sektor.

Ang Pharmazones ay magsisilbi bilang ‘hubs for firms engaged in various aspects of medical and drug manufacturing-related activities, most specially in research and development, clinical testing and trials.’

“These zones are expected to attract substantial pharma, medical, and healthcare-related investments, advance technology, and increase local production and research, creating numerous jobs and enhancing the country’s export potential, and positioning the Philippines as a competitive player in the global pharmaceutical market,” ang sinabi ni PEZA Director General Tereso Panga.

Sa ilalim ng bagong inaprubahang guidelines, ang pharmazones matatagpuan sa National Capital Region at iba pang metropolitan areas ay dapat na sumaklaw sa 10,000 square meters, habang iyong mga non-metropolitan regions ay dapat na mayroong minimum land area na 50,000 square meters.

Ang mga developers at operators ng nasabing ecozones ay magiging karapat-dapat sa fiscal incentives na nakasaad sa ilalim ng Title XII of the amended Tax Code.

Idagdag pa rito, kabilang sa enterprises sa pagsuporta sa export activities, ay ang ‘ecozone developers, utilities at facility operators’ paglalaan ng 70% ng kanilang ‘leasable o saleable areas’ sa mga exporters, ay ika- classify bilang “Activities in Support to Exporters.”

Ie-enjoy naman ng mga entity na ito ang kahalintulad na insentibo gaya ng Export Enterprises, nakahanay sa PEZA Memorandum Circular No. 2023-033.

“As investors come in using the Philippines as a manufacturing hub in Southeast Asia for dependable medicines and bring in their cutting-edge technologies, I am sure that higher quality of medicines and medical supplies will be developed for the whole region and ultimately increase the availability and lower the price of medicines for the Filipino people,” ang pahayag ni Panga. (Daris Jose)

Ads March 19, 2025

Posted on: March 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Answered prayer dahil matagal nang walang regular work: JOHN, nagbabalik sa pag-arte sa entablado na first love niya

Posted on: March 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGBABALIK si John “Sweet” Lapus sa pag-arte sa entablado after 15 years via ‘Delia D.: A Musical Featuring The Songs of Jonathan Manalo.’
First love ni Sweet ang teatro dahil dito raw niya nadiskubre ang talento niya sa pagganap sa iba’t ibang roles na naging daan para magkaroon siya ng career sa pelikula at telebisyon.
“Answered prayer ito. Mag-isang taon na ako na walang regular work. Then one time, we had a meeting with Jonathan Manalo for ‘Here Comes The Bride: The Musical.’ 
“Nabanggit niya na gagawa nga raw ang Newport Performing Arts Theater ng original musical featuring his songs. Sabi pa niya baka may role sa akin kasi “baklaan” ang theme. Then bigla na lang ako nakatanggap ng invitation to audition. Ayun na!“
Dahil nasanay sa straight drama at comedy plays, first time ni Sweet ang paglabas sa musical theater, kaya big effort daw sa part niya ang kumanta at sumayaw.
Gagampanan ni Sweet ang role na Mama Eme sa Delia D.  Siya ang may-ari ng drag bar kunsaan nagpe-perform si Delia D., played by Phi Palmos.
Kabilang si Sweet sa mga celebrities na nagbabalik sa teatro tulad nila Lea Salonga, Eugene Domingo, Nikki Valdez, Sam Concepcion at Pinky Amador. May mga baguhan din na sumusubok tulad ni Martin del Rosario.
“Ang subukan ng isang artista ang lumabas sa entablado ay para na rin sa experience. Nakaka-enhance ng self- confidence ang teatro. Napaka-worth it. At iba ang discipline sa teatro,” sey ni Sweet na miyembro ng Teatro Tomasino noong college days niya sa UST.
Delia D. opens on April 25 and runs until June 8 at the Newport Performing Arts Theater.
***
BLESSED ang Kapuso hunk na si Derrick Monasterio dahil sa character niya iikot ang kuwento ng bagong murder-mystery series na SLAY.
Isang blessing para sa aktor ang bagong proyekto dahil hand-picked pala siya ng GMA at Viu Original para sa role na Zach, isang fitness influencer na misteryosong nasunog at namatay habang live ito sa social media.
“I worked hard. Inaral ko talaga ‘yung role ko and kinausap ko talaga silang lahat. Hinanap ko talaga ‘yung similarities and differences ko with other characters. Mayroon siyang baggage na kine-carry. And, sobrang creepy kung ano ‘yung backstory niya,” sey ni Derrick na ang matuturong may kinalaman sa krimen ay apat na babaeng naugnay sa kanya played by Gabbi Garcia, Mikee Quintos, Ysabel Ortega and Julie Anne San Jose.
Kakagaling lang ni Derrick sa bakasyon nito sa Europe kasama ang girlfriend niya, ang Sparkle actress na si Elle Villanueva na huli niyang nakatrabaho sa teleserye na ‘Makilling.’
***
NILABAS ng Forbes Magazine ang list ng Top 10 highest-paid actors in Hollywood.
Base ito sa mga naging projects nila on film, be it on the big screen or streaming platform, endorsements, social media presence, business etc.
Nanguna sa list ay si Dwayne “The Rock” Johnson na may net earning na $88 million nung 2024 dahil sa holiday movie na ‘The Red One.’
Pangalawa si Ryan Reynolds with $85 million dahil sa hit Marvel film na ‘Deadpool’ & ‘Wolverine.’
Pangatlo si Kevin Hart with $81 million dahil sa kanyang comedy tour na ‘Acting My Age.’
Pang-apat si Jerry Seinfeld with $60 million dahil sa comeback film niya na ‘Unfrosted.’
At pang-lima si Hugh Jackman with $50 million para sa ‘Deadpool’ & ‘Wolverine’ film.
Ang iba pang pasok sa top 10 ay sina Brad Pitt ($32 million), George Clooney ($31 million), Nicole Kidman ($31 million), Adam Sandler ($26 million) and Will Smith ($26 million).
(RUEL J. MENDOZA)

Hati ang taga-showbiz sa pag-aresto kay ex-Pres. Duterte: ROBIN, sasamahan si Bato kapag hinuli rin ng ICC

Posted on: March 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PATI ang mga taga-showbiz ay hati sa ginawang pag-aresto sa dating Pangulong Rodrigo Duterte.
May mga against pero marami rin naman ang pabor.
Siyempre, ganun na lang ang pagkagulat ng mga masugid na tagasuporta ni Duterte at nabahala sa naturang pagkakaaresto.
Pero marami pa rin namang ang naging positibo ang naging reaksiyon dahil sa wakas daw ay mapagbabayaran na ni FPRRD ang mga kasalanan nito noong siya pa ang nakaupo sa Malacañang.
Kasama na rito ang hindi makakalimutang ginawang pagpapasara ni Duterte sa numero unong TV station noon na ABS-CBN 2.
Kabilang sa talagang vocal na nagpahayag ng kanyang saloobin sa pagkaaresto sa ama ni VP Sara Duterte ay ang aktor na si Jake Ejercito.
Sa Facebook account ni Jake last Tuesday ay ibinahagi ng aktor ang huling salitang binitawan ni Kian Delos Santos bago ito patayin sa gitna ng anti-drug campaign sa Caloocan City, last 2017.
Walang hindi nakakaalam na isa si Kian sa mga menor-de-edad na walang-awang pinaslang ng mga awtoridad kaugnay ng malawakang kampanya ng administrasyong Duterte kontra-droga.
17 years old si Kian nang walang awang pagbabarilin ng pulisya matapos mapagkamalang pusher ng ipinagbabawalang gamot.
Mababasa sa quote card ni Jake na may picture pa ni Kian ang mga katagang…
“Tama na po! Tama na po! May test pa ako bukas…”
May caption pa si Jake sa kanyang post:
“Ang mali ay may bayad, at ngayon na ang singilan.”
Well, knows naman natin na si Jake ay anak ni dating Pangulong Joseph Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez.
May mga naantig din tiyak sa post naman ng beteranong GMA newscaster na kapwa namin taga-Tondo na si Arnold Clavio.
Sa caption, sinabi ni Arnold na hindi katanggap-tanggap na gawing dahilan ang edad ni Duterte na 79, para kaawaan.
Paano naman daw ang mga menor-de-edad daw na napaslang daw noon sa administrasyon niya na hindi naman nagawang kaawaan ng mga awtoridad.
“EHEM : Sabi nila , “HINDI NA SILA NAAWA KAY DUTERTE , MATANDA NA! “
“Teka , noong WALANG AWA nilang pinatay sina si Kian , 17 yrs. old , si Joshua , 17 yrs. old , si Jemboy , 17 yrs. old , NAAWA ba sila sa mga menor de edad ?” bahagi pa ng post ni premyadong newscaster, huh!
“Sa araw na ito , simula ninyo nang makamit ang katarungan,” dagdag pa niya.
Nais namang mapanagot ni John Lapus si Duterte sa madugo nitong kampanya kontra-droga
Bukod kina Jake, John at Arnold ay marami pa ang nagpahayag ng kanilang suporta sa libu-libong pamilyang humihingi ng katarungan sa pagkamatay ng mga mahal sa buhay noong panahon ng administrasyong Duterte.
***
PINAG-UUSAPAN noon sa mga mga netizens ang naging pahayag noon ni Sen. Robin Padilla na kapag inaresto ang kapwa niya senador na si Ronald “Bato” dela Rosa sakaling isyuhan din ito ng arrest warrant ng International Criminal Court.
Isa ang action star sa mga senador na kilalang kakampi ng dating Pangulong Rodrigo Duterte na nasa Netherlands na ngayon para para sa kasong isinampa sa kanya ng ICC.
Bilang kilalang numero unong taga-pagtanggol ng dating pangulo ay inaabangan ng mga netizens kung anong gagawing hakbang ng asawa ni Mariel Rodriguez.
Bilang lantarang kakampi  ng mga Duterte ay inaasahan ng lahat na hindi mananahimik si Robin sa ginawang pag-aresto sa dating pangulo na malaki ang nagawa kung bakit naging number one senator siya.
“Kung huhulihin nila si Bato, isama niyo na ako dahil ako, isa ako sa sumuporta kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte diyan sa drug war.
“Walang iwanan nga, e. Sasamahan ko sila kung saan sila, tutal sanay naman tayo sa kulungan. Sa abroad pa, naku, masarap pagkain doon. Okay ‘yon,” ang viral statement ng aktor at public servant!
(JIMI C. ESCALA)

Naging emosyonal sa naitulong ng musika sa buhay niya: GLAIZA, nananalig kay Lord kung kailan sila magkaka-anak ni DAVID

Posted on: March 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
BIGLANG naging emosyonal ang Kapuso award-winning actress na si Glaiza de Castro sa mediacon ng “Sinagtala: The Movie.”
Iikot ang kuwento sa isang banda na kung saan ang bawat miyembro ng grupo ay may kanya-kanyang pinagdaraanan buhay. Isa rin siya sa natanong kung ano ang naitulong ng musika sa kanyang buhay. “Bukod sa prayers, isa sa mga talagang masasabi kong nagsalba sa akin sa kalungkutan ay musika,” panimula niya. Sandaling napatigil si Glaiza hanggang sa tuluyan nang mapaiyak.
“Bakit ako naiiyak? Sorry, guys, feeling ko lang may PMS (Premenstrual syndrome) ako, so medyo emotional ako. “Kapag pinag-uusapan yung music kasi very significant siya sa akin. Para sa akin, gift talaga yun ni Lord sa akin, sa pamilya ko. Kasi, ano kami, musically-driven na family. “Every time na may struggle, talagang music yung nagpapasaya. Kaya itong pelikula na ito, noong nakita ko…akala ko nga ‘di ko na magagawa, e. Pero in-allow ni Lord na mapasama ako rito,” pahayag ng aktres. Dagdag pa niya, “Noong nagsu-shooting pa lang kami ng pelikula, nag-iiyakan na kami. Hindi ko talaga alam kung ano ang mayroon sa pelikulang ito at bakit ako emosyonal. Ayun nga, dahil siguro maraming elements ang movie na ito na talagang nakaka-relate ako. “Kasi tulad ni Rhian, yung music din talaga is outlet din sa akin. Kumbaga, sobrang grateful ako na sa industriyang ito, talagang nakakagawa ako ng kanta and nase-share ko rin sa followers ko. “Pero hindi talaga ako yung tipo ng tao na bumibirit, e. Ang dami ko ring insecurities pagdating sa boses ko, sa kaya kong gawin. “Pero dahil nga mahilig kami sa pamilyang kumanta, bata pa lang ako ay na-train na akong kumanta, parang feeling ko lang dumating ako sa age na niyakap ko rin yung boses ko.” Say pa ng aktres, “Again, through this film, parang nagkaroon ako ng bagong purpose sa life as a band leader. Wow! Ha-hahaha!” Happy rin si Glaiza sa “Sinagtala” dahil nakatrabaho niya uli ang mga kapwa Kapuso stars na sina Rhian Ramos, Rayver Cruz, at Matt Lozano, pati na rin ang StarStruck alumna na si Arci Muñoz na first time niyang nakakasama. Inamin din ni Glaiza na dream come true na makatrabaho si Direk Mike Sandejas, “Matagal ko nang gustong makatrabaho. Noong napanood ko yung ‘Tulad ng Dati’ sa Cinemalaya, sabi ko, ‘Uy, astig ‘to, gumawa ng pelikula tungkol sa The Dawn, ‘tapos, musical, may original songs. “Dito, isa sa mga ikina-proud ko rin, mga original song po yung kinanta namin at kami po talaga ang kumanta doon. It’s such a pleasure and a blessing to work with talented musicians who deserve na marinig yung message ng kanta nila,” kuwento pa ni Glaiza. Sure rin daw ang aktres na makaka-relate ang may tropa o barkada sa “Sinagtala”, “Hindi lang doon sa pangarap pati rin sa purpose. Hindi naman natatapos ‘yung mga pangarap natin. “Nu’ng mga bata tayo, gusto lang natin maging artista or astronaut o doktor. Nu’ng naging artista ka na, iba na ‘yung pangarap. Nu’ng nag-asawa ka, nag-iba ulit ‘yung pangarap mo. “Pero ‘yung pangarap na ‘yun ay kaakibat ng purpose. Kung ang pangarap mo ay pangsarili lang, walang fulfillment,” paliwanag ni Glaiza.
Samantala, nananalig naman si Glaiza na kapag gusto na ni Lord na bigyan sila ng anak ni David Rainey ay Siya lang nakakaalam kung kailan darating ang kanilang ‘order’. Kaya patuloy nila itong ipinagdarasal pero sa ngayon ay I-enjoy na muna nila ang isa’t-isa.
Showing na sa lahat ng sinehan ang “Sinagtala” simula sa April 2, 2025, under Sinagtala Productions.
***

MTRCB at NCCT, muling lumagda ng kasunduan para sa pagsusulong ng Responsableng Panonood at Makabatang Programa sa Telebisyon

MULING pinagtibay ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at National Council for Children’s Television (NCCT) ang kanilang pagtutulungan nitong Miyerkules, Marso 12, matapos nilang lagdaan ang panibagong Memorandum of Agreement (MOA) na magsusulong sa responsableng panonood at makabatang programa sa telebisyon.

Layunin ng MOA na makapagbalangkas ng kooperasyon at kolaborasyon sa pagitan ng MTRCB at NCCT upang mai-angkla sa mga programa ng dalawang ahensya gaya ng Responsableng Panonood (RP) ng MTRCB at Media and Information Literacy Education services (MILES) ng NCCT para maprotektahan ang kabataang Pilipino laban sa mga mapanganib na palabas.

Sa kanyang mensahe, nagpasasalamat si MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio sa NCCT sa patuloy nitong “pagsuporta sa mga programa ng ahensya.”

“Ang MTRCB at NCCT ay matagal nang nagtutulungan para sa parehong layunin–ang maprotektahan ang kabataang Pilipino laban sa mga mapanganib na content,” sabi ni Sotto-Antonio. “Ang kasunduang ito ay sumasalamin sa ating dedikasyon na maisulong ang responsableng panonood at ligtas na panoorin.”

Sinabi naman ni NCCT Executive Director III Desideria Atienza na ang MOA ay hindi lamang pormalidad kundi isang pangako tungo sa pagbuo ng ligtas na media para sa Pilipino.

“Kasama ang MTRCB, tayo ay kikilos upang maiangat ang kalidad ng mga pambatang palabas at matiyak na ang mga napapanood ng bawat bata ay nakakatulong sa paglinang ng kanilang kakayahan,” sabi ni Atienza. “Kami sa NCCT ay naniniwala na sa pamamagitan ng tama at angkop na palabas, mahuhubog natin nang tama ang kaisipan ng bawat bata na may malaking benepisyo hindi lang sa susunod na henerasyon kundi sa ating lipunan.”

Ang kolaborasyon ng dalawang ahensya ay nagpapakita sa matibay na misyon ng gobyerno na mapalakas ang kampanya sa responsableng panonood at ligtas na paggamit ng media.

(ROHN ROMULO)

Balik-GMA para sa pelikulang ‘Penthouse 77’: ROSANNA, in demand pa rin sa rami ng offers

Posted on: March 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
IBA ang staying power ng career ng friend naming si Rosanna Roces.
Hanggang ngayon ay in demand pa rin siya sa rami ng offers. Hindi lang sa TV ang alok kay Osang, meron sa movie, out of town show and show sa abroad.
Dahil kilalang mahusay na performer ang Kapamilya actress. Pero may mga hindi siya matanggap na show, dahil conflict ito sa thrice a week taping niya sa “Batang Quiapo” kung saan gumaganap siya bilang Boss Divina na kakampi ni Tanggol (Coco Martin). Na nagbigay payo kay Tanggol, na ipaglaban nito ang karapatan niya bilang anak ni Ramon Montenegro played by Christopher de Leon.
Sa movies, lima namang pelikula ang nilagare ni Osang. Kasama siya sa most controversial film na ‘The Rapists of Pepsi Paloma’ as Divina Valencia, ‘Ikalawang Ina at Ikatatlong Ina Mo; both directed by her awarded director friend Neal “Buboy” Tan.
At balik-GMA si Osang para są “Penthouse 77” at co-stars niya sa film sina Barbie Forteza, Famas Best Child Actor Euween Mikaell, Gina Pareño and many more. Produced ito ng GMA Pictures and Clever Minds, Inc. at si Derick Cabrido ang director nito.
Yung isa pang movie ng mahusay na actress na “Abner” ni Enzo Pineda ay naipalabas na sa mga sinehan.
Basta ang laging sinasabi ni Osang, ay trabaho ang kanyang priority. At apat sa nga taong gusto niyang pasalamatan sa muling pagbubukas ng pinto niya sa showbiz ay si Direk Ruel S. Bayani, the late Sir Deo Endrinal, Coco Martin at ang ABS-CBN.
“Pare-parehong malaki ang utang na loob ko sa kanila. At nagpapasalamat ako sa kanilang lahat. Hindi ko sila bibiguin sa tiwala at suportang ibinibigay nila sa akin.
“At higit sa lahat sa Diyos, na lahat ng mga hiniling ko ay ibinigay niya, at sobra-sobra pa sa mga ipinagdasal ko sa kanya.” Say pa ni Osang, nang amin siyang maka-chat.
***
AFTER ng ilang taon na pamamahinga ni Efren Reyes, Jr. dahil mas pinili nitong mag-concentrate sa negosyo nila ng wife na si Madam Marynette Gamboa ay balik sa pag-arte na siya.
Muli nga siyang nakapag-direk ng movie via the life story of April Boy Regino na produced ng Premiere Water Plus Productions nila ni Madam Marynette.
Yes, mapapanood naang agaw pansin na character ni Direk Efren bilang si Lt. Col. Salvador Romero sa number one action-drama series nationwide na “FPJ’s Batang Quiapo.”
Ang tanong ng madlang people bida ba o kontravida rito si Direk Efren? At ano kaya ang magiging papel niya sa buhay ni Tanggol played by Coco?
Actually, matagal nang gusto siyang kunin ng Batang Quiapo, pero ngayon lang ito natuloy. Naging parte rin siya ng super hit na ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ noong 2016.  Well good luck my only favorite and best director!
(PETER S. LEDESMA)

Sa mismong branch ng bakery na ini-endorse: KIM, pinag-iinitan kaya tinakpan ang mukha sa tarpaulin

Posted on: March 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HALA! 

 

May koneksiyon pa rin ba sa ipinaliwanag naman na ni Kim Chiu na binasa lang niya ang spiel niya sa It’s Showtime na nabanggit do’n ang salitang “deserved” o “dasurv” na tila ipinagpuputok na ng butse ng mga supporters ni dating Pangulo Rodrigo Duterte.

 

Nakakulong na ngayon under ICC sa Hague, Netherlands si FPRRD.

 

So yun na nga, si Kim na celebrity endorser ng isang bakeshop, sa isang branch nito sa Indangan, Davao City kunsaan, alam naman ng lahat na baluwarte ni FPRRD, ang mukha ni Kim sa tarpaulin ay tinakpan.  Ang masaklap, sa mismong branch pa ng bakery ha.

 

Sey ni @ALTA2ZChannel11, “KIM CHIU, BINASTOS NG JULIE’S BAKESHOP NG INDANGAN, DAVAO CITY BRANCH. Sana i-pull out ng Julie’s Bakeshop ang mga branch nila sa Davao. 
 
“Alam ng mga tao dito na hindi ako fan ni Kim pero endorser yan na nagpasok ng pera sa establishment niyo. Nakakahiya kayo!”

 

Ine-encourage naman si Kim ng mga supporters niya at ilang netizens na magsampa na ito ng kaso. Simulan daw ni Kim do’n sa DDS na binigyan ng ibang kahulugan ang spiel niya.
***

 

UMIYAK si Charlie Flemming pagkatapos siyang kausapin ni Ivana Alawi. 
 
Ito ang pinag-uusapan ngayon na tagpo sa loob ng PBB house. May kutob naman kami na posibleng task ito ni Kuya kay Ivana na kausapin si Charlie.
 
Ang isyu raw kasi, parang hindi nabibigyan ng tamang respect ni Charlie ang ilang housemates na ‘di-hamak na mas matanda sa kanya. Isa na rito si Klarisse de Guzman. 

 

Ayon naman kay Charlie, wala naman daw siyang gano’ng intension at naaaliw nga raw siya kay Klarisse na kung i-address niya pa ay “Ate Klang.”

 

Binasa naman namin ang comment ng ilang netizens at kung ano ang take nila sa naging pag-iyak o reaction ni Charlie. Narito ang ilan sa mga comment as is; 

 

“Gets ko silang pareho esp charlie na may strong and matured personality and si Ivana na talagang ate kung ate kita naman natin yan kay mona.

 

“Naging problem lang talaga is yung way of communicating sa isat isa, kumbaga yung isa akala is comfy na sa ginagawa nya and yung isa hindi.”

 

“Iba din tlga feel ko kay charlie nung una palang, tama nmn kasi sila na strong personality nya kahit nga tayong nanonood, and klarise also said na nakakalimutam nya minsan na mas matanda kausap ni charlie the way how she talks, inooveranalyze lang niya ung sitwasyon.”

 

“Dapat next time kuya ihiwalay niyo ang matatanda sa mga bata haha char joke.”

 

Sa isang banda, dahil guest housemate lang naman talaga si Ivana, feeling ko, malaking kawalan siya sa show kapag kailangan na niyang mag-goodbye sa mga housemates.

 

 

 

(ROSE GARCIA) 
Newer Entries »

Archives

  • October 2025
  • September 2025
  • August 2025
  • July 2025
  • June 2025
  • May 2025
  • April 2025
  • March 2025
  • February 2025
  • January 2025
  • December 2024
  • November 2024
  • October 2024
  • September 2024
  • August 2024
  • July 2024
  • June 2024
  • May 2024
  • April 2024
  • March 2024
  • February 2024
  • January 2024
  • December 2023
  • November 2023
  • October 2023
  • September 2023
  • August 2023
  • July 2023
  • June 2023
  • May 2023
  • April 2023
  • March 2023
  • February 2023
  • January 2023
  • December 2022
  • November 2022
  • October 2022
  • September 2022
  • August 2022
  • July 2022
  • June 2022
  • May 2022
  • April 2022
  • March 2022
  • February 2022
  • January 2022
  • December 2021
  • November 2021
  • October 2021
  • September 2021
  • August 2021
  • July 2021
  • June 2021
  • May 2021
  • April 2021
  • March 2021
  • February 2021
  • January 2021
  • December 2020
  • November 2020
  • October 2020
  • September 2020
  • August 2020
  • July 2020
  • June 2020
  • March 2020
  • February 2020
  • January 2020

Recent Posts

  • Para sa mas convenient na paggamit ng Luzon Expressways PBBM, inilunsad ang ONE RFID, ALL TOLLWAYS SYSTEM
  • Nagpasalamat sa mga sumuporta lalo na kay Alden: WILL, certified concert star na dahil nag-sold out at nangakong mauulit pa
  • May big screen debut sa MMFF entry na ‘I’mPerfect: MATTHEW, happy na sumunod sa yapak niya ang anak na si BEA
  • PBBM, determinado na linisin ang hanay ng pamahalaan
  • Panukalang Abogado Para Sa Bayan’ Act, ipasa para punan ang kakulangan ng public attorneys na nagsisilbi sa mahihirap

Recent Comments

    People's Balita.
    All rights reserved. © Copyright 2025.
    • Home
    • Rates
    • About
    • Contact