• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 11:56 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 15th, 2025

2 high-value individuals, tiklo sa halos P.7M droga sa Valenzuela

Posted on: March 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments

UMABOT sa halos P.7 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang tulak na itinuturing bilang high-value individual (HVI) matapos maaresto sa magkahaiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

Ani Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Joan Dorado, sa koordinasyon sa PDEA ang buy bust operation kontra kay alyas “Boss”, 20, ng Brgy. Gen T De Leon nang magpositibo ang natanggap na ulat hinggil sa umanoy illegal drug activities nito.

Nang matanggap ang signal mula sa kanyang kasama na nagpanggap na poseur-buyer na hudyat na nakabili na ito ng droga sa kanilang target, agad lumapit ang back-up na operatiba saka inaresto ang suspek alas-2:40 ng madaling araw sa M. Bernardino St., Brgy. Ugong.

Nakuha sa suspek ang nasa 50 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P340,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill at pitong P1,000 boodle money, P200 cash, cellphone at itim na coin purse.

Sunod na nadakip ng mga operatiba Northern Police District – District Drug Enforcement Unit (NPD-DDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Regie Pobadora, katuwang ang Valenzuela Police Sub-Station 7 si alyas “Iking”, 50, sa buy bust operation sa Pacheco St., Brgy. Punturin dakong alas-5:20 ng madaling araw.

Nakumpiska sa kanya ang nasa 51 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P346,800.00, P500 buy bust money at isang itim sling bag.

Iprinisinta na ang mga suspek sa inquest proceedings sa Valenzuela City Prosecutor’s Office kaugnay sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 na isinampa sa kanila ng pulisya.

Pinapurihan ni P/COL Josefino Ligan, Acting District Director ng NPD ang Valenzuela police at DDEU para sa kanilang matatag na dedikasyon sa pagpapanatili ng isang kapaligirang walang droga at pangangalaga sa kapakanan ng komunidad. (Richard Mesa)

Unang Ginang Liza Marcos nasa Pinas, walang katotohanan na pinigil ng US authorities

Posted on: March 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments

ITINANGGI ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na pinigil ng law enforcers sa Estados Unidos si Unang Ginang Louise ”Liza” Araneta-Marcos.

 

”There is no truth that FL was held by any law enforcers while in LA or and in any other place,” ang sinabi ni Castro.

 

Sinabi ni Castro na dumating ng Maynila ang Unang Ginang, Lunes ng umaga.

 

Ang Unang Ginang ay nagkaroon ng working visit sa Estados Unidos para magpartisipa sa   Meeting of the Minds at Manila International Film Festival. Siya ay nasa  Miami, Florida at Los Angeles, California mula Marso 5 hanggang 8.

 

Nito lamang Marso 11, pinangunahan ni Unang Ginang Marcos ang turnover ng mga  donasyon sa Girl Scouts of the Philippines sa kanyang tanggapan sa Maynila. (Daris Jose)

Discaya tumaas trust rating

Posted on: March 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments

MULING nagkaroon ng pagtaas sa trust rating si Pasig City Mayoral candidate Sarah Discaya sa nakalipas na linggo kung saan karamihan sa mga sumagot sa survey ay naghahangad ng pagbabago sa liderato sa lungsod.

Sa resulta ng independent survey ng Pulso ng Lipunan, si Discaya ay nakakuha ng 44 percent suporta mula sa mga rehistradong botante, habang 46 percent si incumbent Mayor Vico Sotto na nakakuha ng 46 percent. Ayon sa mga taga-Pasig, may kakayahan si Discaya na mapabuti ang serbisyo sa lungsod dahil sa pagiging makatao at karanasan sa public service.

Sa isa pang independent poll survey, tumaas din ng 3% ang rating ni Discaya at nakapagtala ito ng 46%, mas mataas sa 43% ni Sotto.

Ayon sa parehong survey, ang pagtaas ng rating ni Discaya ay bunsod ng kanyang pagsusulong na matulungan ang mga underprivileged, pagkakaloob ng libreng gamutan, pangakong magpatayo ng mga bagong silid-aralan, magbigay ng libreng textbooks sa mga mag-aaral, at magpatayo ng modern hospitals para sa mahihirap na pamilya.

Ang pinakabagong independent survey ay ginawa noong March 4-8 kung saan nakakuha si Discaya ng 46% satisfaction rating habang ang trust ay 46.5 percent.

Lumitaw sa survey na karamihan sa suporta para kay Discaya ay mula sa mga mahihirap na komunidad at ordinaryong residente ng Pasig. (Daris Jose)

Taas singil sa NLEX umanggal na ang mga motorista

Posted on: March 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NARAMDAMAN na ng mga motorista ang taas-singil sa toll sa North Luzon Expressway (NLEX) na sinimulan noong March 2.

 

Ang mga motoristang gagamit ng NLEX ay kailangan magbayad ng karagdagang P5.00 sa open system at P.72 kada kilometro sa closed system na pinayagan ng Toll Regulatory Board (TRB).

 

Ang nasabing taas-singil ay isang consolidated na amount base sa unang tranche ng pinayagang period adjustments ng NLEX noon pang nakaraang 2023.

 

“The adjustments were initially divided into two tranches to ease impact on expressway users. The completion also of new Candaba 3rd Viaduct in late 2024 entails an add-on toll as well,” wika ng TRB.

 

Sa ngayon, ayon sa TRB ay ang mga motorista ay nakakaranas ng isang ligtas at komportableng paglalakbay sa bagong Candaba 3rd Viaduct na isang importanteng link sa pagitan ng Metro Manila, Central, at Northern Luzon na hindi nagbabayad ang isang motorista ng karagdagang toll simula pa ng buksan ito noong August 2024 at nagging fully operational ng nakaraang taon.

 

Ang mga sumusunod na toll fee matrix sa open system: P5 para sa Class 1 sasakyan; P13 sa Class 2 na sasakyan; at P15 naman sa Class 3 na sasakyan. Magbabayad naman ng karagdagang toll fee ang maglalakbay ng end-to-end sa pagitan ng Metro Manila at Mabalacat City: P57 sa Class 1 na sasakyan; P142 sa Class 2 sasakyan; at P171 sa Class 3 na sasakyan.

 

Dahil dito isang grupo ng mga truckers mula sa Central Luzon ang nanawagang suspendihin muna ang toll hike sa NLEX.

 

Sinabi ng grupo na walang nangyaring kunsultasyon sa publiko tungkol sa ginawang taas-singil na ayon sa kanila ay maaaring makaapekto sa presyo ng mga produktong agrikultural at hilaw na materyales mula sa Central Luzon tulad ng gulay.

 

Depensa naman ng TRB na ang taas-singil ay sumailalim sa isang masinsinang pagrerepaso ng petisyon at sinabi naman ng NLEX operator na sila ay committed na patuloy na pagandahin ang serbisyo at sistema sa NLEX.

 

“NLEX Corp. will make motorists feel that the service they receive is worth the toll fees they pay while TRB was allowed the increase as part of a contractual obligation to giver our operators investor to recoup their investment,” wika ni TRB spokesperson Julius Corpus.

 

Dagdag ni Corpus na lahat ng petisyon sa toll hike ay nalathala sa pangunahing diario at wala naman naghain ng oposisyon sa nasabing toll hike. Ang susunod na petisyon sa toll hike na gagawin sa susunod na taon ay sasailalim rin sa isang pag-aaral.

 

Sinabi naman ng NLEX Corp. na kinakailangan din na magkaroon ng pagtaas ng toll rates dahil kakailanganin din yon pangtustos sa pinagpapagawa kasama ang maintenance.

 

“We maintained that the toll increase is much needed for improving its services and operations,” saad ng NLEX. LASACMAR

Banta sa seguridad posible sa ilalim ng connectivity measure — consumer group

Posted on: March 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAGBABALA ang isang consumer group laban sa mga probisyon ng isang nakabinbin na digital connectivity bill, at sinabing walang mga pananggalang na maggagarantiya na magiging ligtas ang bansa mula sa mga banta sa seguridad.

Bagama’t kinikilala ng Senate Bill No. 2699 o Konektadong Pinoy Bill ang pangangailangan ng bansa na maging malawakang konektado, sinabi ni Bantay Konsyumer, Kalsada, Kuryente (BK3) Convenor Atty. Karry Sison na kailangan ding bigyang prayoridad ang pambansang seguridad.

 

“Ngunit sa ating matinding pangangailangan ng mas maayos na koneksiyon, tila hindi natin napagtutuunan ng pansin ang malaking banta sa ating seguridad,” pahayag ni Sison sa isang statement.

 

“Sa kasalukuyang anyo ng panukalang ito, walang matibay na pananggalang upang masigurong ligtas at lehitimo ang mga papasok na telco providers. Walang garantiya na hindi sila may kaugnayan sa mga grupong may masamang hangarin laban sa ating bansa o sa ating mga ordinaryong mamimili,” dagdag pa niya.

Noong Pebrero 5 ay inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang naturang bill, bago ang session break.

Layon ng panukala na maging mas madali para sa mga service provider na makapasok sa merkado, isulong ang kumpetisyon, mag-alok sa mga consumer ng mas marami at abot-kayang opsiyon para sa internet services.

 

Nagpahayag si Sison ng labis na pagkabahala sa mga potensiyal  na panganib sa pagpapahintulot sa anumang service provider na pumasok sa bansa nang walang sapat na regulatory oversight.

 

“Kung walang sapat na proteksiyon, magiging madali para sa mga mapagsamantalang grupo na dayain, nakawan, o manipulahin ang mga gumagamit ng internet, lalo na ang mga hindi pamilyar sa mga panganib ng online transactions.”

Sa pagbiyahe kay dating Pangulong Duterte patungo sa The Hague… Malakanyang, itinanggi ang ‘state kidnapping’ na paratang ni VP Sara

Posted on: March 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments

HAYAGANG itinanggi ng Malakanyang ang paratang ni Vice President Sara Duterte na ‘state kidnapping” ang ginawang pagbiyahe kay dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte patungo sa The Hague na nahaharap sa kasong “crimes against humanity of murder.”

“Unang-una po, paano po magiging kidnapping kung may warrant of arrest? It was issued by an authority, by the court. Kapag ka meron nang issuance ng anumang order from the court, we have to comply,” ang sinabi ni Palace Press Officer a Undersecretary Claire Castro.

 

“Wala po akong nakikitang kidnapping dahil hindi nga po ito pwersahan at lahat po ng elemento na dapat pong gamitin para masabing valid ‘yung warrant of arrest at ‘yung paghingi ng assistance ng Interpol ay nandidiyan na po. Kumpleto po tayo,” aniya pa rin.

 

Si Digong Duterte ay nasa The Hague kasunod ng pag-aresto sa kanya ng International Criminal Court kaugnay sa kanyang kontrobersiyal na paglansag sa ilegal na droga.

Sa ulat, tinawag ni VP Sara na ‘state kidnapping’ ang pagbiyahe kay dating Pangulong Duterte patungo sa The Hague.

 

 

“Sinasabi ko sa inyong lahat Pilipino kayo ‘wag kayong pumayag na ang isang Pinoy ibigay sa sa mga dayuhan lalo na pag labas na sa batas ‘yun. This is actually some sort of state kidnapping. Parang ganyan na nangyayari,” pagbabahagi ni Duterte sa media.

 

“And all because mukhang matatalo sila midterm elections dahil ang lakas ng vote straight sa ating candidate sa PDP Laban,” dagdag ng Bise Presidente.

 

 

Matatandaan na inaresto ang dating Pangulo nitong Martes sa bisa ng warrant na inisyu ng International Criminal Court, na kalaunan ay inilipat mula NAIA patungong Villamor Air Base sa Pasay City.

 

 

Mula doon ay isinakay siya sa isang eroplano na magdadala naman sa kanya patungong The Hague kung nasaan ang ICC.

 

 

Samantala, agad na sumunod sina Vice Pres. Sara Duterte at Davao City Rep. Paolo Duterte sa The Hague sa The Netherlands kung saan dinala ang kanilang ama na si dating Pangulong Duterte.

 

 

Wala namang impormasyon ang Malakanyang kung nakakua ng clearance to travel abroad ang kongresista.

 

 

“Hindi po namin alam kung nakapag-clearance siya, madalas naman po yata siyang umalis nang walang clearance. I’m sorry for that, wala po tayong information on that,” ang sinabi ni Castro. (Daris Jose)

CAR-FREE SUNDAYS SA MARIKINA CITY

Posted on: March 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments

Ang Lungsod ng Marikina ay para sa pamilya, komunidad, kalikasan, at pag-unlad.

Ito ang isinusulong ng programang kamakailan lamang ay inilunsad ni Mayor Marcy Teodoro kasama si Cong. Maan Teodoro — ang Car-Free Sundays sa Lungsod ng Marikina.


Sa Car-Free Sundays, pansamantalang isinasara sa motorista tuwing araw ng Linggo mula 6:00 hanggang 10:00 ng umaga ang tinatayang 650 metrong bahagi ng Gil Fernando Ave. upang mapawi ang polusyon sa hangin at maging isang ligtas at maaliwalas na lugar ito kung saan ang buong pamilya ay maaaring maglakad, magjogging, magbisikleta, magZumba, o kumain.


Sa paglulunsad ng Car-Free Sundays noong Marso 2, 2025, tinatayang may 3,000 joggers, 300 bikers, at 300 zumba participants ang lumahok na kinabibilangan mga pami-pamilya, magkakaibigan, magbabarkada at maging mga alagang hayop tulad ng aso o pusa na hindi lamang mula sa Lungsod ng Marikina bagkus ay mula pa sa mga karatig-lungsod o bayan.

Ang Car-Free Sundays ay isa ring paraan upang suportahan ang mga kainan at negosyo sa Gil Fernando Ave.  sapagkat ipinaglalapit nito ang mga prospective customers na lumalahok at mga restaurants na naghahain ng mga pagkaing pang-almusal, brunch (breakfast+lunch), at iba pang putaheng pasado sa panlasa ng publiko. Sa kasalukuyan, mayroong 42 restaurants ang matatagpuan sa kahabaan ng kalsada para sa Car-Free Sundays.



“Ang Car-Free Sundays ay higit pa sa pagsasara ng kalsada. Ito ay pagbubukas ng mas ligtas, mas maaliwalas, at mas makataong espasyo para sa lahat. Ang Marikina ay isang lungsod na itinatag ng kanyang mga mamamayan. Matatag tayo dahil tayo ay sama-sama, nagmamalasakit, at nagtutulungang lumikha ng mas magandang kinabukasan. Sabay-sabay tayong kumilos. Sabay-sabay din tayong uunlad. Halina’t maging bahagi ng level-up Marikina na para sa lahat. Together, Marikina tayo!” wikang paanyaya ni Mayor Marcy.


Samantala, sa kalapit na kalsada ng Gil Fernando Ave. na Bayan-Bayanan Access Road ay mamamalas naman ang nakamamanghang pinta ng mga artist na pinagsama-sama sa isang Mural na tinatayang may habang 100 metro.

Ang Mural ay nagpapakita ng mga kilalang lugar, karakter at personalidad sa kasaysayan, kultura, at paniniwala ng mga taga-Marikina.

Kabilang sa mga pintor na nagpamalas ng husay sa Mural ay nagmula sa Linangan Art Residency, Art Wednesday, at iba pang mga alagad ng sining na inanyayahang maging bahagi ng proyekto.