• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 6:21 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 15th, 2025

Ads March 15, 2025

Posted on: March 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments

Kapag napatunayang nagkasala sa ‘ crimes against humanity’: Dating PDU30, maaaring magbuno ng 30 taon o habambuhay na pagkabilanggo

Posted on: March 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments

MAAARING maharap si dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte sa 30 taon na pagkabilanggo o habambuhay na pagkabilanggo kapag napatunayang nagkasala sa ‘crimes against humanity’ ng International Criminal Court (ICC) na may kinalaman sa kanyang war on drugs.

 

“Based on the law, the penalty could reach up to 30 years imprisonment but it depends upon the defenses that can be availed of by the former president,” ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.

 

Base sa website ng ICC, “the tribunal does not impose the death penalty, but its judges can sentence a person to up to 30 years of imprisonment, and under exceptional circumstances, a life sentence.

 

Verdicts are subject to appeal and judges can also order reparations for the victims.”

 

 

Sinabi ni Castro na “It depends upon the ICC” kung magiging applicable sa dating Pangulo ang makulong ito ng 30 taon o habambuhay na pagkabilanggo kung mapatutunayan na nagkasala sa ‘crimes against humanity.’

 

 

Ang pag-aresto kay Digong Duterte, 80 taong gulang ng International Criminal Police Organization (Interpol) at lokal na pulis ay nag-ugat sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng ICC sa alegasyon na ang anti-drug campaign ng dating Pangulo ay nagresulta ng libo-libong extrajudicial killings nang siya ay isa pa lamang Alkalde ng Davao City at Pangulo ng bansa.

 

 

Sinabi pa ni Castro na haharapin ni Digong Duterte ang lokal na korte sa Netherlands para idetermina kung ang pag-aresto sa kanya ay tama bago pa dalhin sa ICC para harapin ang reklamo laban sa kanya. (Daris Jose)

Bangkay ng babaeng estudyante natagpuan sa nasunog na Laguna State Polytechnic University

Posted on: March 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments

INAALAM pa kung bangkay ng isang estudyante ang natagpuan sa loob ng comfort room ng Laguna State Polytechnic University makaraang lamunin ng apoy sa Sta Cruz, Laguna Huwebes ng hapon.

 

Sa ulat, bandang alas-12:50 kamakalawa ng hapon nang nagsimula ang sunog sa College of Arts and Sciences Bldg., sa loob ng Laguna State Polytechnic University sa Brgy Bubukal, Santa Cruz, Laguna.

 

Ayon kay FO2 Mark Anthony Samia  Bureau of Fire Protection (BFP) Santa Cruz, Laguna, bandang alas-3:09 kamakalawa ng hapon  nang ideklarang fire-out at nadiskubre ang bangkay ng isang babae sa comfort room  na matatagpuan sa ilkalawang palapag ng nasabing gusali.

 

 

Inaalam din kung ano ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang naging pinsala. (Gene Adsuara)      

Notoryus robbery gang member, timbog sa Valenzuela

Posted on: March 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAGWAKAS na ang maliligayang araw ng isang notoryus na miyembro ng kilalang ‘Monsanto Robbery Gang’ nang masakote ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Valenzuela City.

Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan ang presensya ng akusadong si alyas “Jonard”, 32, na kabilang sa listahan ng mga Most Wanted Person sa lungsod.

Inatasan ni Col. Cayaban ang Warrant and Subpoena Section (WSS) na bumuo ng team at kasama ang mga tauhan mula sa Sub-Stations 1, 6, at 7, agad ikinasa ng WSS ang joint operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-5:00 ng hapon sa Brgy. Bagbaguin.

Hindi na nakapalag si alyas Jonard nang isilbi sa kanya ng mga tauhan ni Col. Cayaban ang warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Evangeline M. Francisco, ng RTC Branch 270, Valenzuela City, noong January 31, 2013, para sa kasong Robbery under Article 294, Paragraph 5 of the Revised Penal Code in relation to Republic Act 7610 na may inirekomendang piyansa na P100,000.

Kilala umano sa pagiging mailap si alyas Jonard na matagal din naiiwasan ang tumutugis na mga alagad ng batas subalit, ang pagsisikap at hindi natitinag na dedikasyon ng mga tauhan ng Valenzuela police ang nagsiguro ng matagumpay na operasyon.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela Police habang hinihintay ang pagpapalabs ng commitment order mula sa hukuman.

Pinuri ni P/Col. Josefino Ligan, Acting District Director ng NPD ang Valenzuela City Police Station sa kanilang hindi natitinag na pangako sa batas at kaayusan.

“This arrest sends a clear message to criminals that their actions will not go unpunished. The NPD remains steadfast in its mission to apprehend criminals and maintain peace and security in the CAMANAVA area. We will not rest until our communities are free from the threat of organized crime,’ pahayag niya. (Richard Mesa)

Senado, hindi dapat gamiting taguan mula sa ICC

Posted on: March 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments

SINABI ni Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel na ayon sa 1987 Constitution, Art VI, Sect 11, ay puwede lang protektahan ng senado ang mga miyembro nito mula sa pagkakaaresto habang naka-sesyon.

 

“Eh, di ba ayaw ng Senado na mag-session hanggang June? Besides, di dapat ginagamit ang posisyon bilang shield sa pagharap sa pananagutan,” ani Manuel.

 

Sinabi ng mambabatas na ‘pathetic’ na masaksihan ang isang dating mataas na opisyal ng pulisya na gumamit ng salitang nanlaban ay nanginginig umano ngayon sa pagharap sa international justice.

 

“Bato Dela Rosa’s desperate attempt to hide behind parliamentary immunity exposes the hollowness of the past administration’s bravado. The thousands of victims’ families deserve justice, not this shameful spectacle of powerful men cowering in fear of accountability,” dagdag ni Manuel.

 

Ayon pa sa kongresista, napakaraming Pilipino ang nawalan ng mahal sa buhay dahil sa madugong war on drugs na ito at ngayong may pananagutan na ay biglang naghahanap ng lusot.

 

Sinabi naman ni Gabriela Party List Rep. Arlene Brosas na hindi dapat gawing hideout ng kriminal ang Senado. Isang malaking kahihiyan kung ang isang institusyong dapat nagtataguyod ng hustisya ay gagamitin bilang taguan ng mga umiiwas sa pananagutan.”

 

Sa halip aniya na gamitin ang kanyang political privilege, hinamon ni Brosas si Dela Rosa na harapin ang ICC.

 

“Just a few days ago, he boldly challenged the ICC with ‘bring it on’ and even said he was ready to join and take care of Duterte in jail. But now that accountability is catching up to him, especially after Duterte’s arrest, he’s suddenly trembling in fear and scrambling for Senate protection,” dagdag ni Brosas. (Vina de Guzman)

Mayor Jeannie, bumisita at nagbigay ng tulong sa mga biktima ng sunog sa Malabon

Posted on: March 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments

KAAGAD bumisita si Malabon City Mayor Jeannie Sandoval at nagbigay ng tulong sa 16 mga pamilya o 69 individuals na naapektuhan ng sunog sa Blk 15, Brgy. Longos, kung saan apat ang napaulat na nasawi.

“Agarang tulong po sa mga naapektuhan ng sunog dito sa Barangay Longos ang inihanda at inihatid sa kanila. Inalam din po natin ang kanilang mga pangangailangan matapos ang hindi inaasahang insidenteng ito. Ngunit, sa kabila ng trahedyang ito, ay naririto ang pamahalaang lungsod para umalalay at siguruhing nasa mabuti silang kalagayan. May pag-asa para sa pagbangon ng bawat isa,” pahayag ni Mayor Sandoval.

Namahagi ang pamahalaang lungsod ng mga food packs na naglalaman ng bigas, noodles, kape, tubig, mga de-lata, hygiene kits at iba pang non-food items para sa mga apektadong pamilya na nananatili sa Longos Multi-Purpose Hall at Longos Disaster Building.

Nauna rito, nabigay ang mga tauhan ng City Social Welfare and Development Department (CSWDD) ng maiinit na pagkain sa mga nasunugan bilang bahagi ng paunang ayuda. Nagtayo din ng mga modular na tolda para ma-accommodate ang mga pamilyang lumikas.

Sa ulat ng Malabon City Fire Station (MCFS), itinaas sa unang alarma ang sunog dakong alas-3:45 ng madaling araw na idineklarang under control pasado alas-4:50 ng umaga at ganap na naapula ang apoy alas-6:52 ng umaga.

Apat na ang napaulat na nasawi sa sunog na kinabibilangan ng tatlong magkakapatid at kanilang pamangkin habang nagsagawa na ng rapid needs assessment ang CSWDD para matukoy ang mga kinakailangan ng mga apektadong residente, kabilang ang mga pamilya ng mga nasawing biktima.

“Sa nangyaring insidenteng ito, pagkakaisa ang ating nais ipaalala sa bawat Malabueño. Mayroon mang naapektuhan ng sunog, nawa’y maipadama natin sa bawat biktima ang kalinga at pagtulong. Sa pamumuno ng ating Mayor Jeannie Sandoval, patuloy rin ang ating paalala sa mga mamamayan na mag-ingat lalo na ngayong Fire Prevention Month,” ani City Administrator Dr. Alexander Rosete.

Pinaalalahanan ng pamahalaang lungsod ang mga residente na laging tanggalin sa saksakan ang mga electronic device at appliances bago umalis sa kanilang mga tahanan, iwasan ang mga ilegal na koneksyon ng kuryente at tiyaking hindi maabot ng mga bata ang mga nasusunog na materyales upang maiwasan ang mga insidente ng sunog. (Richard Mesa)

Abalos isinusulong ang pag-amyenda sa local government code para sa mas maayos na serbisyo

Posted on: March 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments

IPINANGAKO ni Senatorial candidate Benjamin “Benhur” Abalos Jr. na aamyendahan ang Local Government Code sa kanyang kampanya sa Cagayan de Oro noong Marso 12, dahil sa paniniwalang may mga lumang probisyon na humahadlang sa epektibong pamamahala.

 

Ayon kay Abalos, may mga bahagi ng Republic Act 7160 na naisabatas noong 1991 na hindi na angkop sa kasalukuyang sitwasyon, kaya’t kailangang baguhin upang mapabuti ang pagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan, lalo na sa antas ng lokal na pamahalaan.

 

Inihalintulad niya ang Local Government Code sa isang lumang bahay na unti-unting nagpapakita ng mga suliranin:“Ginawa ito more than 30 years ago, kung baga sa bahay ay nakikita na ang depekto.”

 

Bilang dating Kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG), sinabi ni Abalos na nakipagpulong siya sa mga matataas na opisyal ng mga lokal na pamahalaan mula sa mga gobernador at alkalde hanggang sa mga kapitan ng barangay upang talakayin ang mga probisyong kailangang amyendahan.

 

Sa ginawang pagsusuri, natuklasan ni Abalos na marami sa mga isyung inilabas ng mga lokal na opisyal ay siya ring mga suliraning kanyang naranasan noong siya ay alkalde pa ng Lungsod ng Mandaluyong. Nagsilbi siya bilang alkalde sa loob ng 15 taon at tumanggap ng iba’t ibang parangal tulad ng Gawad Galing Pook, Apolinario Mabini Award, at ang prestihiyosong United Nations Public Service Award.

 

“Una dito ay yung barangay roads. Sabi sa Local Government Code ay dapat barangay ang magpapagawa nito pero alam naman ng lahat na walang kakayahan ang karamihan ng mga barangay para pondohan ito,” saad ni Abalos.

 

Habang may ilang barangay na pinalad na mapabilang sa mga highly-urbanized cities at mayayamang bayan, sinabi ni Abalos na karamihan sa mga barangay sa bansa ay patuloy na nakararanas ng kakulangan sa pondo.

 

Dagdag pa niya, nakasaad din sa kasalukuyang Local Government Code na ang mga lokal na pamahalaan ang may responsibilidad sa pagpapatayo ng mga ospital at paaralan.

 

“Buti kung lahat ng mga LGU natin ay mayaman, pero hindi so saan ngayon kukuha ng pondo ang mga LGUs para magpatayo ng mga hospital para sa mga maysakit nating kababayan at mga paaaralan para sa ating mga kabataan?” ani ni Abalos.

 

Ayon kay Abalos, nililimitahan ng mga probisyong ito ang maayos na pagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan sa antas ng barangay, dahil walang malinaw na gabay kung aling mga imprastruktura at proyekto ng mga LGU ang dapat suportahan ng pambansang pamahalaan.

 

“Kaya panahon na para baguhin natin ito para maibigay ang tamang serbisyo ng mabilis sa ating mga kababayan,” saad ni Abalos. (PAUL JOHN REYES)

Tatum at Shai, nagpakitang-gilas sa muling paghaharap ng Thunder at Celtics

Posted on: March 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments

MULING nagharap ang dalawang bigating team na Boston Celtics at Oklahoma City Thunder, ilang lingo na lamang bago tuluyang magtapos ang regular season ng 2024-2025.

Ang Boston ang kasalukuyang defending champion sa NBA habang ang OKC ang nananatiling No1. sa Western Conference, hawak ang 54 wins at 12 pagkatalo.

Muling nagpakitang-gilas ang dalawang pinakamagaling na scorer sa NBA na sina Jason Tatum at Shai Gilgeous-Alexander. Kumamada si Tatum ng 33 points at pitong rebounds habang 34 points at pitong assists naman ang ipinamalas ni Shai.

Naging mahigpit ang laban ng dalawa at makailang-beses na nagpalit ang team na may hawak sa lead. Sa pagtatapos ng 3rd quarter naitalbla ng dalawang koponan ang score sa 88.

Lalo pang humigpit ang banggaan ng dalawa sa huling quarter lalo na sa clutch time.

Gayonpaman, gumawa ang OKC ng 7-0 run, dalawang minuto bago matapos ang laro, at ipinoste ang 11 points na kalamangan, 113 – 102.

Pinilit naman ng Boston na habulin ang OKC at gumawa ng 10-5 run hanggang maabot ang 15 secs. bago magtapos ang regulation.

Pinilit pa ng Boston na habulin ang 4-point lead ng OKC sa nalalabing 15 secs sa pamamagitan ng pag-foul kay Shai ngunit hindi na ito nagawa ng koponan.

Natapos ang laro sa score na 118 – 112, pabor sa top Western team.

Sa panalo ng Thunder, 23 points at 15 rebounds ang ambag ng bagitong sentro na si Chet Holmgren habang 18 points at 10 rebounds ang ginawa ni Boston center Al Horford.

Tiger Woods matagal na hindi makakapaglaro dahil sa injury

Posted on: March 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments

Tiger Woods matagal na hindi makakapaglaro dahil sa injury

IBINUNYAG ni American golf player na si Tiger Woods na sumailalim ito sa operasyon para ayusin ang kaniyang napunit na kaliwang Achilles tendon.

Sinabi nito na isinagawa ang medical operations ni Dr. Charlton Stucken ng Hospital for Special Surgery sa West Palm Beach, Florida.

Dahil dito ay pinayuhan siya ng kaniyang doctor na magpahinga hanggang tuluyan na ito ng gumaling.

Hindi naman nagbigay si Woods kung hanggang kailan ito tuluyang magpapagaling ng kaniyang injury.

Mula pa noong Hulyo ng nakaraang taon ay hindi na sumali sa anumang torneo ang 15-time major champion dahil sa injury.

Isang operasyon kasi sa likod ang isinagawa sa kaniya noong Setyembre kung saan matapos ang ilang buwan ay nakasama ang 15-anyos na anak nitong si Charlie na naglaro sa PNC Championship family event sa Florida.

Kelot na nanakit at nanutok ng baril sa lolo, bistado na may arrest warrant

Posted on: March 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments

MATAPOS madakip dahil sa pananapak at panunutok ng baril sa isang lolo, sinilbihan naman ng pulisya ng dalawang warrant of arrest ang isang kelot sa loob sa custodial facility ng Malabon Police Station.

Walang piyansang inirekomenda si Malabon Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Josie N. Rodil ng Branch 293 nang ilabas ang arrest warrant noong Mayo 27, 2022 laban kay alyas “Erron”, 33, dahil sa kasong murder habang may inilaan namang piyansa na P30,000 si Judge Maya Joy Panaga Guiyab-Camposanto ng Metropolitan Trial Court Branch 120 para naman sa kasong paglabag sa PD 1602 o illegal gambling laban sa akusado na inilabas noong Nobyembre 15, 2022.

Nauna rito, dinakip ng mga tauhan ni Malabon Police Chief P/Col. Jay Baybayan si alyas Erron na unang nagpakilala bilang alyas “Jhon”, kasama ang kasabuwat na si alyas “Kym”, matapos sapakin at tutukan ng baril ang 66-anyos na si Lolo “Lauro” na nakiusap lang na ibalik ng dalawa ang inalis na takip ng kanal sa daraanan niyang eskinita.

Nakumpiska ng mga nagrespondeng miyembro ng Special Weapon and Tactics (SWAT) team sa mga suspek ang dalawang kalibre .45 baril na may tig-apat na bala sa magazine nang magreklamo ang biktima.

Nang dalhin sa presinto, itinago ni alyas Erron ang kanyang tunay na pangalan bunga ng pagiging wanted sa batas at nakatala ang kanyang tunay na pangalan bilang No. 2 Top Most Wanted Person sa National Capital Region (NCR). (Richard Mesa)