• March 9, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 12th, 2025

Ads March 13, 2025

Posted on: March 12th, 2025 by Peoples Balita No Comments

Sunod-sunod ang mga parangal na natatanggap: VILMA, ginawaran ng MIFF Lifetime Achievement Award

Posted on: March 12th, 2025 by Peoples Balita No Comments
SUNOD sunod na naman ang mga parangal na tinanggap ng Star for all Seasons Vilma Santos- Recto.
Pagkatapos magwaging “Best Actress Award” for her role sa 2024 MMFF movie “UNINVITED “.
Ang parangal ay mula sa 10th Platinum Stallion National Media Awards.
Sa katatapos naman na Manila International Film Festival na ginanap sa America ay si Ate Vi ang ginawaran ng MIFF Lifetime Achievement Award.
Parehong hindi personal na tinanggap ng nagbabalik gobernadora ng Batangas dahil sa kaliwat  kanang pag-iikot sa buong probinsiya.
Pero nagpadala naman ng kanyang video message si Ate Vi.
Samantala almost everyday ay umiikot si Gov. Vi sa mga nasasakupan ng probinsiya ng Batangas . Kahit wala pang opisyal na campaign period ay bising bisi ang aktres sa pangungumusta sa mga constituents niya.
And in fairness dinudumog lahat ng mga Batangueño ang mga pagtitipon ni Ate Vi.
Parang walang kapagurang nakikipag kamay, beso beso at nakikipag tsikahan si Gov. Vi.
Sabi nga ng isang taga Batangas  na nakausap namin ay hjndi na raw naman dapat nagpakahirap si Gov. Vi para mangampanya.. very sure naman daw na landslide winner si Gov. Vi.
Sa latest survey more than 50 percent angat ang comebacking governor over sa mga katunggali niya, huh!
Kaya raw naman ganun na lang kasipag mag iikot si Ate Vi ay para na rin daw makkasiguro ang anak niyang si Luis Manzano na manalo bilang bise gobernador ng Batangas na kung saan ang incumbent governor ang kalaban.
Psro sa inilabas na latest survey ay malaki rin ang kalamangan ni Luis sa mga kalaban niya.
Sure win din naman ang bunsong anak ni Ate Vi na si Ryan Christian Recto.
***
SPEAKING of MIFF,  very supportive ang First Lady madam Liza Araneta Marcos sa naturang pestibal.
Dumating ang asawa ng presidente sa MIFF na ginanap sa Los Angeles, USA.
Suportado ng Unang Ginang ang pagpapalabas ng mga pelikulang Tagalog sa ginanap na MIFF.
Sabi ni FL Liza sa kanyang post : “Participation in the Manila International Film Festival [MIFF]: Thanksgiving dinner in honor of Filipino film industry ta­lents.”
Kasama sa mga dumating sa nasabing thanksgiving dinner sina Piolo Pascual, Boots Anson-Roa, Roselle Monteverde (Regal Entertainment) at marami pang iba.
May nakapag tsika pa sa amin na andun din daw si si Alexa Miro ang sinasabing kasintahan daw ng anak ni FL Liza na si Cong. Sandro Marcos.
Si Alexa ang isa sa mga bida ng pelikulang Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital na nakuha pa raw magpa selfie sa unang ginang.
Hindi naging exclusive for Metro Manila Film Festival entries ang nasabing event dahil may mga pelikulang ipinalabas na walang koneksyon sa MMFF 2025.
Pero sa totoo lang, ang daming artista nagsidalo sa MIFF this year kahit ang daming nagsasabi na hindi ito organisado.
(JIMI C. ESCALA) 

3 NAIA employees sibak sa ‘tanim-bala’

Posted on: March 12th, 2025 by Peoples Balita No Comments

SINIBAK na sa trabaho ng Department of Transportation (DOTr) ang tatlong empleyado ng Office of Transportation Security (OTS) na sangkot sa insidente ng umano’y ‘tanim-bala’ sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa mag-iinang patungo ng Vietnam.

Mismong si DOTr Secretary Vince Dizon ang nag-utos ng terminasyon ng tatlong empleyado gayundin ang  pagsasampa ng kaso laban sa kanila. Hindi  na rin nito ng ibinunyag ang mga pangalan ng  tatlong empleyado.

“Appropriate investigations will be conducted and the proper administrative charges will be filed after the investigation has been conducted. But now we are termina­ting them already today. I’ve already instructed Ge­neral [OTS administrator Arthur Velasco] Bisnar to issue that order today,” ayon kay Dizon.

Binigyan-diin din ni Dizon na hindi nila maaaring palampasin ang pang-aabusong tulad nito.

“We will not stand for any abuse. Any abuse will be dealt with the same result and the same swift action from us, as mandated and as ordered to us by the President himself. We will not allow this to happen,” dagdag pa ng DOTr chief.

Kaagad din namang inatasan ni Dizon ang mga opisyal ng OTS na rebyuhin ang procedures ng screening at security protocols sa airport.  Maglalagay na rin umano ang DOTr ng hotline kung saan maaaring i-report ng mga pasahero ang kanilang karanasan sa NAIA.

Nauna rito, inakusahan umano ng mga empleyado ang isang 69-taong gulang na babae, na bibiyahe patu­ngong Vietnam, kasama ang kanyang pamilya, na may dalang anting-an­ting, sanhi upang muntik na silang maiwanan ng kanilang flight noong Marso 6.

Ayon sa security personnel ng NAIA, mayroon silang X-ray image ng anting-anting sa luggage ng pasahero ngunit hindi naman ito nakita sa isinagawang physical inspection. (Daris Jose)

Buwan ng Setyembre, idineklarang ‘Social Protection Month’

Posted on: March 12th, 2025 by Peoples Balita No Comments

IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang buwan ng Setyembr ng bawat taon bilang Social Protection Month.

Layon nito na itaas ang kamalayan ng publiko ukol sa kahalagahan nito.

Sa katunayan, nagpalabas si Pangulong Marcos ng Proclamation 820, nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Marso 6, at isinapubliko, araw ng Martes, inatasan ang Social Development Committee (SDC) – Sub-Committee on Social Protection (SCSP) na pangunahan ang taunang paggunita ng Social Protection Month.

Ipinalabas ang proklamasyon sa layuning itaas ang kamalayan hinggil sa social protection bilang isang “critical development strategy for poverty reduction, equality, and social inclusion, and highlight its importance in ensuring the resilience, health, and, well-being of all Filipinos in today’s evolving social and economical landscape.”

Ang SDC-SCSCP ay may tungkulin na tukuyin ang mga programa, aktibidad at mga proyekto para sa taunang pagdiriwang.

Ang lahat naman ng opisyal ng gobyerno ay inatasan na makiisa at magbigay ng kinakailangang suporta at tulong sa SDC-SCSP.

Ang local government units (LGUs) at pribadong sektor ay hinihikayat naman na makiisa sa pagdiriwang habang inatasan naman ang Presidential Communications Office (PCO) na magpatupad ng epektibong hakbang para ipabatid at hikayatin ang publiko na suportahan ang mga programa, aktibidad at proyekto para sa Social Protection Month celebration. (Daris Jose)

Long-overdue at well-deserved ang pag-aresto kay PRRD- Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel

Posted on: March 12th, 2025 by Peoples Balita No Comments

ITO ang reaksyon ni Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel kaugnay sa pagkaka-aresto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ng para sa krimen laban sa sangkatauhan sa pamamagitan ng arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC).

Kinumpirma ng Presidential Communications Office (PCO) na natanggap ng International Criminal Police Organization (Interpol) Manila ang arrest warrant ng ICC ngayong Martes ng umaga.

 

Dumating si Duterte sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula sa kanyang Hong Kong trip, na sinalubong ng pulis at media

Ayon kay Manuel, mabuti pa si Digong na pinagkakaguluhan pa bago makulong na malayo sa sinapit ng mga biktima ng peke umanong niyang war on drugs at madugong war on dissent.

 

“Hindi rin dapat patagalin pa ni Marcos Jr. ang proseso ng pagpapanagot kay Digong. Naniningil ang taumbayan ng hustisya, at hindi magdadalawang-isip ang mga kabataan na ipaglaban ito,” ani Manuel. (Vina de Guzman)

Sigaw ni Panelo sa pag-aresto kay dating PRRD: Unlawful arrest

Posted on: March 12th, 2025 by Peoples Balita No Comments

“IT’S unlawful arrest.”

 

 

Ganito kung ilarawan ni dating presidential spokesman Salvador Panelo ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte para sa sinasabing krimen laban sa sangkatauhan.

 

Ang katwiran ni Panelo, hindi man lamang kasi pinayagan ng Philippine National Police (PNP) ang sa isa mga abogado ni Digong Duterte na makita at makausap ito sa airport at kuwestiyunin ang legal na basehan para sa pag-aresto sa dating Pangulo.

 

 

Pinagkaitan din aniya ng legal representation si Digong Duterte nang arestuhin ito.

 

“The PNP could not have a hard copy if the warrant arrest. By not allowing one of his lawyers to meet him, the arresting could avoid being asked if they have the hard copy of the arrest warrant,” ayon kay Panelo.

“It is an illegal arrest because the ICC arrest warrant comes from a spurious source, the ICC, which has no jurisdiction over the Philippines,” aniya pa rin.

 

 

Ang naging pagkilos ng gobyerno ang magiging dahilan naman upang ang arresting team at ang mga public officials na nag-utos ng pag-aresto ay maging ‘criminally liable.’

 

Nauna rito, sinalubong ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) si dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte para sa krimen laban sa sangkatauhan.

 

 

Sa kalatas na ipinalabas ng Presidential Communications Office (PCO) sinabi nito na kaninang madaling araw pa natanggap ng INTERPOL Manila ang opisyal na kopya ng warrant of arrest mula sa ICC.

 

“Ika-9:20ng umaga ngayong araw, 11Marso 2025, ang

dating Pangulong Rodrigo Duterte at ang kanyang grupo ay dumating sa Maynila mula Hong Kong sakay ng Cathay Pacific CX 907.

 

 

Sa kanyang pagdating, inihain ng Prosecutor General ang ICC notification para sa isang arrest warrant sa dating Pangulo para sa krimen laban sa sangkatauhan,” ang nakasaad sa kalatas ng PCO.

Ang dating Pangulo at ang kanyang grupo ay nasa mabuting kalusugan at sinuri ng mga doctor ng gobyerno.

Sinigurado na ang dating Pangulo ay nasa maayos na kalagayan.

Sa kabilang dako, ang mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) na nagpatupad ng warrant ay tiniyak na may suot na body camera.

 

 

Sa ngayon ayon sa PCO ay nasa kustodiya na ng mga kinauukulan ang dating Pangulong Duterte.

 

Sa ngayon, ang Pangulo ay dinala sa 250th Presidential Airlift Wing sa loob ng Villamor Airbase.

 

Sa kabilang dako, nagpunta naman si Senator Bong Go sa NAIA para salubungin si Digong Duterte  para masiguro na maayos ang kalusugan ng dating Pangulo na may iskedyul ng check- up bukas, Marso12.

Kasama ni Go ang personal physician ni Digong Duterte.

“Sisiguraduhin lang namin na maayos ang kalusugan ni dating Pangulong Duterte. Actually, scheduled po siya bukas ng medical check -up. May gagawing procedure sa kanya bukas dito sa ospital sa Cardinal kaya po siya tumuloy at kailangan niyang magpa-check up talaga. Regular check -up,” ang sinabi ng senador sa kanyang Facebook live.

 

 

Samantala, bumalik ng bansa si Digong Duterte sa gitna ng bulong-bulungan na nagpalabas na ang International Criminal Court ng warrant of arrest laban sa kanya para sa kanyang kontrobersiyal na war on drugs. (Daris Jose)

Bago pa ang inihaing arrest warrant na may kinalaman sa kanyang war on drugs: Dating PRRD, walang ginawang mali, walang maalalang kasalanan

Posted on: March 12th, 2025 by Peoples Balita No Comments

HAYAGANG itinanggi ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte na may ginawa siyang mali o kasalanan nang ikasa niya ang kanyang kampanya hinggil sa war on drugs.

Sa naging panayam ng Sonshine Media Network International (SMNI), isang broadcast media arm ng Kingdom of Jesus Christ na pinangunahan ng Filipino televangelist Apollo Quiboloy, ang ibig niyang sabihin sa wala siyang kasalanan ay “Wala akong maalala na ginawa kong kasalanan. Marami akong ginawa na hindi nagustuhan ng iba or maybe lahat but I did it for my country.”

 

Kaya nga aniya hindi siya nangangamba sa mga naririnig niyang balita lalo na ang sinasabing arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban sa kanya.

“No. Im old for that actually. Even you kill me now, totoo talaga, truly it does not scare me a bit. Hindi naman ako magpasalamat pero ikaligaya ko na lang na magpahinga na,” ang sinabi nito sa nasabing panayam.

 

 

Sa kabilang dako, tila nag-joke naman si Digong Duterte nang sabihin nito na nakahihiya na may 7,000 ang pulis ang ipinakalat upang magsilbi ng warrant of arrest laban sa kanya.

 

“Nakakahiya naman iyan. Pakisabi naman sa kanila na dagdagan nila ng few more. Mag-recruit sila sa probinsiya. Come to think of it, bakit gawain nila sa bayan ko at sa akin mismo? Am I worth the toil of the police? At ako presidente noon may gagawin akong kalokohan? If they want to arrest me, I will go to them. Hindi na ako kailangan. Nag-presidente ako, naging prosecutor ako. Ano bang nakain nila? All they have to do is to call me and say, ‘Come here because there’s a complaint against you or there’s a valid summons whatsoever from the court.’ Bakit mo pa dramahin sa akin ‘yung ganun?,” ang pahayag ni Mr. Duterte.

“Matanong nga. Sometimes ito nangyayari talaga. what would be ….. reason for marshalling 5000 or 7000? Bakit pagurin mo ‘yung Pilipino? Na isa lang man ang kailangan ko na maski isang patrolman diyan sa airport mag-abang. Hindi ako ganu’n maglaro nang patago-tago diyan. Naging presidente ako. So, sinong taguan ko? Pulis? Army? Sino? ICC?,” ang pahayag pa rin nito.

 

 

Sinabi pa ng Pangulo na matagal na niyang hinihintay ang aksyon ng ICC.

Sa katunayan nga aniya ay vice-mayor pa lamang siya ng Davao ay aware na siya sa usapin ng ICC.

“Ngayon ICC na iyan. Pabaliktad. hindi ko kayo hinahamon pero you have been doing it…. on it for so long a time. Can you just please try once more this time with the action and candor? So, magkita tayo. Crimes against humanity man kaya? Pati ‘yung hindi ninyo nasali na pinatay ni Hitler.. Idagdag mo na sa akin. “yung nakalimutan ninyo na listahan ko. or the unsolved massacre around the world. Charge it on me because isang impyerno lang ito, walang anuman ‘to,” ang diing pahayag ng dating Pangulo. (Daris Jose)

Bong Go, nanawagan sa taumbayan na ipagdasal ang kalagayan ni Duterte

Posted on: March 12th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NANAWAGAN si Senador Christopher “Bong” Go sa taumbayan na ipagdasal ang kalagayan ngayon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kinumpirma ng Malacañang na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay inaresto batay sa warrant for crimes against humanity ng international criminal court.

Hiniling ni Go sa mga Pilipino na ipagdasal ang dating Pangulo na maayos ang kanyang kalagayan at kalusugan.

Ayon pa sa senador, hindi na rin na-check-up ang dating pangulo ng kanyang mga doktor matapos na dalhin si Duterte sa Villamor Airbase.

Sa katunayan aniya ay kagabi ay iniinda na ni Duterte ang masakit niyang likod dahilan kaya ang senador at ang personal physician ng dating pangulo ang nagpunta kanina sa NAIA terminal 3 upang masuri ang kalagayan nito.

Kinumpirma ng senador na bukas ay may regular check-up si Duterte sa Cardinal Santos Hospital.

Gayunpaman, hindi pinapasok ng mga nagbabantay na security personnel ng paliparan sina Go at ang doktor sa Terminal 3 para sana ma-check si Duterte.

Ayon pa kay Go, kasama ni dating Pangulo Duterte ngayon ang kanyang common-law-wife na si Honeylet, ang anak na Kitty, dating Executive Secretary Salvador Medialdea at isang nurse ng dating Pangulo. (Daris Jose)

Matapos matanggap ng INTERPOL Manila ang official copy ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC)… Malakanyang kinumpirma pag-aresto kay ex-PRRD

Posted on: March 12th, 2025 by Peoples Balita No Comments

KINUMPIRMA ng Palasyo ng Malakanyang ang pag-aresto kay dating Pangulo Rodrigo Duterte kahapon ng umaga, Martes.

Ito ay matapos matanggap ng INTERPOL Manila ang official copy ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC).

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), bandang alas-9:20 ng umaga, Martes, March 11, 2025, nang dumating sa bansa ang dating Pangulong Rodrigo Duterte at ang kanyang grupo mula sa Hong Kong sakay ng isang commercial flight.

 

Sa kanyang pagdating, inihain ng Prosecutor General ang ICC notification para sa isang arrest warrant sa dating Pangulo para sa krimen laban sa sangkatauhan o crime against humanity.

Pagtiyak ng PCO na ang dating Pangulo at ang kanyang grupo ay nasa mabuting kalusugan at sinuri ng mga doctor ng gobyerno upang masigurado na siya ay nasa maayos na kalagayan.

Ang mga opisyal ng PNP na nagpatupad ng warrant ay tiniyak na may suot na body camera upang mapatunayan  ang transparency sa pagsilbi ng warrant of arrest.

Sa ngayon, nasa kustodiya na siya ng mga kinauukulan. (Daris Jose)

Mga magulang, nais na mayroong warning labels sa Food Information

Posted on: March 12th, 2025 by Peoples Balita No Comments

LUMABAS sa isinagawang nationwide focus group discussions (FGDs) na karamihan sa mga magulang na pinoy at household decision-makers ang pabor sa paglalagay ng front-of-pack warning labels, dahil nakakatulong ito na mas maintindihan ang nutritional information sa isang produkto.

Sa isinagawang FGDs ng ImagineLaw, isang public interest law organization, sa Luzon, Visayas, at Mindanao, nabatid na karamihan sa mga parent-consumers ay nagnanais na mayroong food warning labels bilang pinakamabilis na paraan upang matukoy ang iiwasang pagkain.

“The FGDs show that consumers need accessible and straightforward information when it comes to food,” ayon kay Atty. Sophia San Luis, Executive Director ng ImagineLaw.

Ang mga participants ay pinakitaan ng pre-packaged food products na may back-of-pack nutrition labeling, at yaong may front-of-pack labeling (FOPL).

Nang tanungin ukol sa readability ng kasalukuyang nutrition labels, marami ang nagsabing nahihirapang idetermina kung sapat o lagpas ang nutrient levels sa recommended daily intake, Kadalasan na pinagtutuunan nila ng pansin ang presyo at expiration date sa pagpili ng produktong pagkain.

“This proves that the current nutrition labeling does not work. We need FOPL as an intervention to provide clear and accessible food information for all,” dagdag ni San Luis.

Nabatid na mas preferred ng mga magulang ang front-of-pack warning labels dahil sa direktang mensahe at madaling intindihin.

Naniniwala rin ang mga respondents na sa pamamagitan ng babala ukol sa posibleng health harms ng food products, ay makakatulong sa kanila ang labels kung bibilhin ang produkto o hindi.

Suportado rin ng mga respondents ang pagkakaroon ng isang national policy para sa paglalagay ng warning labels sa pagkaintulad ng panukalang Front-of-Pack Warning Label Bill (FOPWL Bill).

Layon ng FOPWL Bill na makurbahan ang tumataas na kaso ng diet-related non-communicable diseases (NCDs) sa pamamagitan nang paglalaan ng choice sa mga Pinoy sa pagpili ng mas masustansiyang pagkain.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang mataas na intake ng unhealthy food high in fats, sugar, and sodium, ay nagtataas sa panganib ng pagkakaroon ng non-communicable diseases tulad ng diabetes, heart disease, at ilang uri ng cancer. (Vina de Guzman)