• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 11th, 2025

Pinas, mga kapanalig gagawa nang hakbang kung hihigpitan ng Tsina ang flight sa SCS

Posted on: March 11th, 2025 by Peoples Balita No Comments
NAKAHANDA ang Pilipinas at mga kapanalig na gumawa ng hakbang kung susubukan ng Tsina na higpitan ang ‘freedom of flights’ sa South China Sea (SCS).
Ito ang sinabi ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa Associated Press (AP) report.
Itinuring naman ng Kalihim, ang lumalagong agresyon ng Beijing bilang “the greatest external threat” sa national security ng bansa.
“The greatest external threat actually is Chinese aggression, Chinese expansionism and the attempt by China to change the international law through the use of force or acquiescence…or its attempt to reshape the world order to one that it controls,” ang sinabi ni Teodoro sa AP report.
Ang pahayag ni Teodoro ay matapos ang komprontasyon sa pagitan ng aircraft ng Tsina laban sa mga galing sa Pilipinas, Australia, at Estados Unidos.
Tinuran ni Teodoro na ang hakbang ay “a very serious transgression of international law, which will demand our response.”
Sinabi pa ng Kalihim sa AP report na “the Philippines will take a combination of measures singularly and with like-minded nations to counteract” gaya ng pagmamaniobra mula sa Tsina.
Idinagdag pa nito na bumuo na ang Pilipinas at mga kapanalig ng contingency measure para tugunan ang kahalintulad na insidente.
Nauna rito, ikinumpara naman ng Tsina ang South China Sea (SCS) dispute kasama ang Pilipinas sa isang “shadow play” at nagbabala na “those acting as others’ chess pieces are bound to be discarded.”
Sinabi naman ng China’s Ministry of Foreign Affairs na tinalakay ni Chinese Foreign Minister Wang Yi sa isang press conference ang usapin sa pagitan ng Tsina at Pilipinas.
“Wang Yi noted, at an international forum a few weeks ago, an official from a regional country noted that the frictions are like ‘shadow play,’ which is a vivid analogy,” ang sinabi pa rin ng Chinese foreign affairs ministry.
“For every move on the sea by the Philippines, there is a screenplay written by external forces, the show is livestreamed by Western media, and the plot is invariably to smear China. People are not interested in watching the same performance again and again,” dagdag na wika nito.
Samantala, nagpalabas naman ng kalatas ang tagapagsalita ng Chinese Embassy in the Philippines na nagsasabing ang Beijing “will continue to safeguard its territorial sovereignty and maritime rights and interests in accordance with law.”
“The Philippine side should stop misleading the international community, using the South China Sea issue to instigate disputes, and counting on external forces to undermine peace and stability in the South China Sea region,” ang sinabi pa rin nito. ( Daris Jose)

Mister, kalaboso sa baril sa Caloocan

Posted on: March 11th, 2025 by Peoples Balita No Comments
LAGLAG sa selda ang 39-anyos na mister nang makuhanan ng hindi lisensyadong baril sa ipinatupad na search warrant ng pulisya sa Caloocan City.
Nakatanggap ang mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals, na nag-iingat umano ng hindi lisensyadong baril ang suspek kaya nag-aplay sila ng search warrant sa korte.
Nang makakuha sila ng kopya ng search warrant na inisyu ni Executive Judge Glenda K. Cabello-Marin, ng National Capital Region, Regional Trial Court, Branch 124, Caloocan City, agad sinalakay ng mga tauhan ni Col. Canals ang bahay ng suspek.
Dakong alas-12:00 ng tanghali nang halughugin ng mga tauhan ng Bagong Barrio Sub-Station 5 sa bisa ng naturang search warrant ang bahay ng suspek sa Brgy. 149, Bagong Barrio at nasamsam ng mga ito ang isang Ingram Uzi 9mm kargado ng isang magazine na may siyam na bala.
Nang wala siyang maipakitang mga dokumento na nagpapahintulot sa kanya na mag may-ari siya ng baril ay pinosasan ng mga pulis ang suspek saka binitbit.
Kasong paglabag sa Section 28 ng R.A 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang isinampa ng pulisya laban sa suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office.
Pinuri ni Col. Josefino Ligan, Acting District Director ng NPD ang Caloocan police para sa kanilang mabilis na aksyon at pagsunod sa legal procedures.
“This operation reflects our continuous commitment to enforcing the law and ensuring public safety in our communities,” pahayag niya. (Richard Mesa)

Obrero na humataw ng tubo sa ulo ng katrabaho, kalaboso

Posted on: March 11th, 2025 by Peoples Balita No Comments
HIMAS-REHAS ang 37-anyos na construction worker nang hatawin ng tubo sa ulo kasamahan sa trabaho matapos ang mainitang pagtatalo habang nag-iinuman sa Malabon City.
Ani Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, nahaharap sa kasong frustrated homicide at threat ang suspek na si alyas “Cesar”, stay-in sa construction site sa Estanio St. Brgy. Tugatog.
Sa kanyang ulat kay NPD Acting District Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Col. Baybayan na habang nag-iinuman ang biktimang si alyas “Ronie”, 45, ng Bicol Area St. Brgy. Tanza 2, Navotas at suspek, kasama ang isa pa nilang kasamahan na si alyas “Maximo”, 26, sa construction site dakong alas-11:30 ng gabi nang mauwi sila sa pagtatalo.
Sa kainitan ng pagtatalo, biglang dumampot ng bakal na tubo ang suspek at hinataw sa ulo si alyas Ronie na duguang napahandusay at isusunod sanang hatawin si alyas Maximo subalit, nakatakbong palabas para humingi ng saklolo.
Nagkataong nagpapatrulya sa lugar ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station-2 na agad namang rumesponde sa lugar na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek at pagkakakumpiska sa ginamit niyang bakal na tubo habang isinugod naman ang biktima sa Tondo Medical Center para magamot tinamong sugat sa ulo. (Richard Mesa)

Caloocan LGU, pinangunahan ang Tangguyob 2025 1st quarter meeting

Posted on: March 11th, 2025 by Peoples Balita No Comments
MATAPOS kilalanin bilang Number One City for Disaster Risk Response and Management (DRRM) programs sa buong bansa, pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ang idinaos na 1st Quarter Meeting ng Tangguyob ngayong taon, kung saan dumalo ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang local government units sa Metro Manila.
Ang Tangguyob, ay hinango mula sa pangalan ng tunog ng trumpeta ng mga katutubong tribo upang tumawag ng isang pagpupulong, isang kumperensya na inorganisa ng Department of the Interior and Local Government – National Capital Region (DILG-NCR) upang mapadali ang mga talakayan sa pagitan ng mga LGU tungkol sa disaster preparedness at mitigation measures gayundin ang posibleng recovery at rehabilitation plans.
Ipinagmamalaki ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang kanyang hindi natitinag na priyoridad sa mga hakbangin ng DRRM mula pa noong unang araw, nang isalin sa isang nangungunang programa na ginagarantiyahan upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa panahon ng emergency situations.
“Bago pa man po tayo maupo bilang Punong Lungsod, ipinangako ko na sa mga Batang Kankaloo na sisikapin natin na maging numero uno ang lungsod pagdating sa mga programang tutugon sa mga sakuna, dahil batid po natin na marami pa ring lugar sa Caloocan ang high-risk sa mga negatibong epekto ng mga kalamidad na dumarating sa ating bansa,” ani Mayor Along.
“Siniguro natin na bente-kwatro oras, kayang umaksyon ng ating mga Alert and Monitoring Stations sa iba’t-ibang bahagi ng lungsod. Hindi tayo tumigil sa pagdadagdag ng mga emergency vehicle upang mas mabilis ang pagresponde sa mga komunidad. At siyempre, tiniyak nating malinis ang ating kapaligiran lalo na ang mga estero at kanal upang mas maibsan ang pagbaha,” dagdag niya.
Nanawagan din siya sa kanyang mga counterpart na matuto mula sa pinakamahusay na gawi ng isa’t isa upang matiyak na ang mga programang ipinapatupad sa bawat lungsod ay magkakaroon ng patuloy na pag-unlad at pagpapabuti.
“Isang malaking oportunidad po ang Tangguyob para sa ating mga lingkod-bayan. Ibahagi po natin ang ating mga bagong kaalaman at matuto tayo mula sa isa’t-isa nang sa gayon, panatag tayo at ang ating mga kababayan na talagang handa at epektibo ang ating mga programang harapin ang anumang hindi natin inaasahan,” pahayag ng alkalde. (Richard Mesa)

NHA GM TAI, DUMALO SA GROUNDBREAKING NG NLEX-C5 NORTHLINK

Posted on: March 11th, 2025 by Peoples Balita No Comments
DUMALO si National Housing Authority (NHA) General Manager (GM) Joeben A. Tai sa groundbreaking ng NLEX-C5 Northlink Segment 8.2, Seksyon 1A sa Quezon City.
Ang NHA, na kasama sa mandato nitong suportahan ang pambansang pag-unlad, ay nagpapanatili ng matatag na pakikipagtulungan sa iba pang ahensya ng gobyerno at sa pribadong sektor sa mga proyektong pang-imprastraktura.
Ang dedikasyon nito sa kolaborasyon ay isang pundasyon ng mga pagsisikap ng Awtoridad upang tulungan ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa pagtupad sa pangako nito ng isang Bagong Pilipinas.
“Hindi lang po pabahay at maunlad na komunidad ang ating handog sa ating mga kababayan, nakikipagtulungan din po tayo sa iba pang ahensya ng gobyerno at sa pribadong sektor para sa mga inisyatiba at proyektong lubos na pakikinabangan ng nakararaming Pilipino,” ang pagbibigay diin ni GM Tai.
Layunin ng proyekto na lubos na mapahusay ang koneksyon sa North Luzon Expressway (NLEX) mula sa lahat ng panig ng Metro Manila, partikular ang kanluran, silangan, hilaga, at timog na bahagi nito, na hahantong sa pagbawas ng oras ng paglalakbay at pagbawas sa pagsisikip ng trapiko sa mga pangunahing daanan tulad ng EDSA, Commonwealth Avenue, Quirino Highway, at Mindanao Avenue.
Ang Segment 8.2, Seksyon 1A ay may haba na 11.3 kilometro at inaasahang matatapos sa unang bahagi ng 2026.
Dumalo rin sa kaganapan sina Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) president at CEO Jose Ma. Lim, NLEX Corporation OIC at Chief Finance Officer Maria Theresa Wells, Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian, Quezon City Mayor Joy Belmonte, at mga kinatawan mula sa Department of Transportation-Toll Regulatory Board (DOTr-TRB), Department of Public Works and Highways (DPWH), at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD). (PAUL JOHN REYES)

Walang krisis sa tubig buong 2025 – MWSS

Posted on: March 11th, 2025 by Peoples Balita No Comments
TINIYAK ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na walang magaganap na kakapusan sa suplay ng tubig para sa buong taong 2025 kahit na nagsisimula nang pumasok ang hot dry season.
Ayon kay MWSS Acting Deputy Administrator Patrick James Dizon, tuwing summer season mula buwan ng Marso hanggang Mayo ay tumataas ng 10%-15% ang paggamit ng tubig ng mga tao upang maalis ang epekto sa kanila ng maalinsangang panahon.
“Pero mga nakaraang buwan, dahil may mga shearline at Amihan, nakapag-ipon ng tubig sa mga dam. Naabot natin target elevation sa mga water reservoirs sa end ng 2024, para ‘di tayo magka-water shortage… ‘di lang this summer pero hanggang katapusan ng 2025, eh ‘di natin nakikita ang water shortage,” ayon kay Dizon.
Tiniyak din ni Dizon na walang magaganap na pagtaas sa singil sa tubig bagama’t tataas ang demand sa suplay ngayong tag-init.
Hinikayat din nito ang mamamayan na gamitin ng wasto ang suplay ng tubig lalo na sa panahon ng summer na walang mga pag-ulan.

FDNY-MOVEMENT, MAKABAYAN GROUP, nagkilos-protesta kontra fake news sa Embahada ng Tsina

Posted on: March 11th, 2025 by people's balita No Comments

NAGSAGAWA ng protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY-Movement) at iba pang makabayang Pilipino sa harap ng Embahada ng Tsina sa Makati upang tutulan ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon upang maangkin ang isla ng Palawan.

 

Sa pamumuno ni Dr. Jose Antonio “Ka  Pep” Goitia, first nominee ng ANG BUMBERO NG PILIPINAS (ABP) party list,  ang ginawa nilang protesta ay pagpapakita  ng kanilang pagmamahal sa bayan at makabayang  pagtindig laban sa  agresibong  pagpapalawak ng teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

 

“Dapat  nang wakasan ang kalokohang ito. Hindi namin papayagan na   agawin ang aming   mga teritoryo  at mga karapatan sa loob ng  ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas  alinsunod sa United  Nations Convention of the Law  of the Sea (UNCLOS) at maging sa naging desisyon ng Permannet Court of Arbitration sa  The Hague  noong Hulyo 12, 2016 na walang basehan  ang “historical rights na iginigiit ng  Tsina pahayag” ayon kay  Goitia.

 

Hinikayat din ni Goitia na panahon  na upang tumindig  at magkaisa ang mga Piipino dahil ito ay usapin ng bansa at pag-agaw ng  ating sariling lupa at teritoryo.

 

“Ito at lantarang pagyurak at pag-alipusta sa ating mga Pilipino.  Ang pagbaluktot sa katotohanan ay hindi makatuwiran ayon pa kay Goitia.

 

Sinabi ni Goitia na Goitia na Chairman Emeritus din ng koalisyon iba  pang malalaking grupo na kinabibilangan ng  Peoples Alliance for Democracy and Reform (PADER), the Alliance of Filipino Kabalikat sa Demokrasya (ABKD) at Liga ng Independencia ng  Pilipinas ( LIPI ) at ( KAMPIL ) Kalipunan ng Masang Pilipino na   masusundan pa ng mga pagkilos  ang naunang protesta hangga’t  hindi kikilalanin  at irerespeto ng Tsina   ang international marital   laws. (Gene Adsuara)

Ads March 11, 2025

Posted on: March 11th, 2025 by Peoples Balita No Comments