NAKIISA si Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa pagkikiramay sa pagkamatay ng dalawang piloto ng Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos bumagsak ang eroplanong sinasakyan ng mga ito sa Bukidnon.
“Nakikiisa ako sa pagdadalamhati ng ating Sandatahang Lakas at ng mga pamilya ng dalawang piloto ng Philippine Air Force na nag-alay ng kanilang buhay para sa bayan. Sila ay hindi lamang mga sundalo; sila ay mga anak, kapatid, at ama na iniwan ang kanilang mga mahal sa buhay upang gampanan ang isang dakilang misyon. Sa kanilang huling paglipad, dala nila ang pangarap ng bawat Pilipino para sa isang ligtas, payapa, at maunlad na bansa,” anang Speaker.
Ayon kay Speaker Romualdez, ang naging sakripisyo ng dalawang piloto ay isang paalala sa ating lahat kung gaano kahalaga ang patuloy nating pagkakaisa bilang isang bansa.
Hindi lamang aniya ito laban ng mga sundalo kundi ito ay laban ng bawat Pilipino laban sa takot, karahasan, at pang-aabuso.
“Sinisiguro namin sa Kongreso na hindi masasayang ang kanilang dugo at pawis. Patuloy nating palalakasin ang ating Sandatahang Lakas, titiyakin ang sapat na suporta para sa ating mga sundalo, at ipaglalaban ang isang bansa kung saan ang kapayapaan ang mananaig,” dagdag nito.
“Sa lahat ng sundalong Pilipino – sa himpapawid, sa lupa, sa dagat – saludo kami sa inyo. Ang inyong tapang at dedikasyon ang dahilan kung bakit patuloy tayong namumuhay nang malaya. Maraming salamat sa inyong serbisyo at malasakit,” pagtatapos ni Romualdez. (Vina de Guzman)
MAKALIPAS ang mahigit 14-taon, makakamit na ang hustisya ng naging biktima ng 74-anyos na lolo na wanted sa kaso ng panggagahasa sa probinsya ng Masbate, matapos siyang madakma ng pulisya sa Valenzuela City, Huwebes ng tanghali.
NAGWAKAS na ang maligayang araw ng isang lalaki na wanted sa kaso ng kidnapping sa Lalawigan ng Quezon matapos masukol ng pulisya sa kanyang pinagtataguan sa Caloocan City.
IPINAG-UTOS ni Bureau of Immigration (BI), Commissioner Joel Viado ang pagkakasibak sa kanilang tungkulin ang mga empleyado ng BI na may kinalaman sa pagkakatakas ng isang high profile na puganteng Korean naional.
AABOT sa 816 gramo ng shabu o nasa kabuuang halaga na P5,548,800 ang nasabat ng Bureau of Customs sa pamamagitan ng Port of Clark sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforement Agency (PDEA) .
ASAHAN nang pangungunahan ni Oscar Orbos ang state-run television network People’s Television Network (PTV) bilang officer-in-charge nito.