“WALANG PAGSISISI.”
Ito ang naging tugon ni Presidential Communications Secretary Jay Ruiz nang tanungin sa isang press briefing sa Malakanyang kung nagsisisi na ba ito ngayon na tinanggap ang nasabing posisyon matapos na paratangan na nakasungkit siya ng P206-million deal sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa page-ere ng lotto draws sa state-run IBC 13.
Ang usaping ito kasi ayon kay Ruiz na malinaw na ‘demolition job’ ay nagdulot ng epekto sa kanyang pamilya.
“Walang pagsisisi. Ako po ay nandito para magsilbi, to serve our people, iyon lang,” aniya pa rin na ang tinutukoy ay pagtanggap niya ng posisyon bilang PCO Secretary sabay sabing “totoo po iyan, wala naman akong—ano ang makukuha ko dito? Pagpasok ko dito ang unang gagawin, reform, streamline, eh di magkakaroon ka ng maraming kaaway, iyong mga mawawalan ng posisyon. Iyong mga maapektuhan, mahirap. Tinanong nga ako, kaya mo ba, Jay? Inisip ko, gusto ko ba ito? Nanahimik ako eh, I live a stress-free life already, then I was focus on the business.”
Sa kabilang dako, tiniyak naman ni Ruiz hindi na nakarating sa kaalaman pa ni Pangulong Marcos ang isyung ito. Iyon nga lamang ay nakarating ito sa kaalaman ng kanyang nanay na 78 taong gulang, may heart disease at na-high blood pa at sa kanyang pamilya.
“Ito lang po, nakarating lang sa nanay ko, nakarating sa asawa ko at nakarating sa anak ko, iyon iyong mahalaga. Kaya ginagawa ko ito, para sa kanila, I owe it to them to explain. Kasi ang hirap naman, baka ma-bully sa school eh ‘di ba? Kasi, wala naman silang kinalaman dito, kaya please lang ha, ito na talaga, kapag pinakita iyong mga mukha ng anak ko, please huwag isasama iyon ha, okay lang ako, walang problema. Pero not my family, please lang, hindi sila kasama dito,” ang pahayag ni Ruiz.
“Kasi iyon nga iyong security concern ko lang, iyong security concern, huwag na iyon, hindi pupuwede iyon,” ang diing pahayag ni Ruiz. (Daris Jose)
“BASELESS and revisionist.”
IBINASURA na ng Commission on Elections (Comelec) ang disqualification case na inihain laban sa ilang miyembro ng pamilya Tulfo, na kumakandidato sa nalalapit na 2025 National and Local Elections, sa pangunguna ng senatorial candidates na sina ACT CIS party list Rep. Erwin Tulfo at broadcaster na si Ben Tulfo.
KALABOSO ang 42-anyos na lalaki na hinihinalang gumagamit ng ilegal na droga nang bentahan ng hindi lisensiyadong baril ang pulis na nagpanggap na buyer sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
SHOOT sa selda ang isang construction worker na may kinakaharap na kasong murder nang maispatan ng tumutugis na pulisya malapit sa kanilang lugar sa Navotas City.
KALABOSO ang 39-anyos na lalaki na sangkot umano sa pagbebenta ng ilegal na droga nang pagbintahan umano ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa Valenzuela City.
MAHIGIT P700K halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang drug suspects na kapwa itinuturing bilang High Value Inidividual (HVI) matapos magbinta ng shabu sa isang pulis na nagpanggap na buyer sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.
NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa pagkamatay ng isang guro sa Emilio Aguinaldo College (EAC) na umano’y natagpuang nakalutang sa gilid ng ilog sa Dasmarinas City, Cavite Lunes ng umaga.
LUNGSOD NG MALOLOS – Sa layuning makapagbigay ng agaran at episyenteng pangangalaga sa mga pasyenteng hinihinalang may Dengue fever, naglabas ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Health Office-Public Health ng pabatid hinggil sa pagtatalaga ng Dengue fast lanes sa lahat ng pampublikong ospital sa lalawigan.
TINIYAK ng Pinoy Ako Partylist na isusulong ang karapatan ng mga “indigenous people”.