NAGBIGAY ng pahayag and Department of Public Works and Highways (DPWH) -National Capital Region (NCR) sa gagawin ng rehabilitasyon ng EDSA bus lane kung kaya’t pansamantalang isasara ang EDSA bus lane.
Patuloy ang pag-uusap ng Department of Transportation (DOTr) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) tungkol sa gagawin rehabilitasyon ng Edsa bus lane.
“We are having continuous meeting because we are just fixing the traffic management with the MMDA and with DOTr. We will start the rehabilitation of EDSA with the bus lane,” wika ni Malaluan.
Uunahin ang EDSA bus lane isara na siyang napagusapan kasama ang MMDA at magkakaroon ng 24/7 na trabaho kaya kailangan talagang ihinto muna ang operasyon ng EDSA Carousel sa lane na ito. Sisimulan na ngayon March ang nasabing rehabilitasyon upang matapos bago ang idadaos na ASEAN Summit na gaganapin sa bansa sa darating na 2026.
Dahil dito, ang mga buses kasama ang EDSA Carousel ay pansamantalang dadaan sa mga linya ng EDSA habang ginagawa ang rehabilitasyon
Masusing pinag-aaralan na ng DOTr ang mungkahi ng DPWH sa balak na pagkakaroon ng shared bus lane sa kahabaan ng EDSA.
“The rehabilitation will be done on one northbound and 15 South bound segments upang maging maayos ang road-riding surface, pavement durability at ang overall the kaligtasan ng mga riding public,” sabi ni Malaluan.
Hinihintay na lamang ang release ng allotments mula sa Department of Budget ang Management (DBM) para sa pondo. Ang nasabing rehabilitasyon ay nagkakahalaga ng P300 milyon para sa northbound segment habang ang 15 South bound segments ay nagkakahalaga naman ng P7 bilyon.
Ang gagawing pag-aayos sa North bound lane ay magsisimula sa Balintawak habang ang parehas na trabaho sa southbound lane naman ay mula sa Monumento hanggang Roxas Boulevard
Kasama rin sa ayusin ay ang pagpapatibay ng EDSA’s concrete pavement, asphalt overlaying na lalagyan ng anti-rutting modifiers.
Ang programa ito ay bahagi ng tinatawag na Comprehensive Traffic Management Plan (CTMP) para sa kalakhang Maynila at karatig na mga probinsya.
Sinabi rin ni MMDA chairman Romando Artes na kasama sa rehabilitasyon ay ang pag-aayos rin ng drainage system na uunahin ang mga ruta sa EDSA na mas kukonti ang alternate na ruta.
“The challenge we are seeing is it will coincide with the rehabilitation of drainage system in EDSA to avoid flooding. We raised the concern because the drainage is in the outer lane, there are lot of utilities there,” wika ni Artes.
Dagdag naman ni DPWH secretary Manny Bonoan na magsasagawa talaga ang pamahalaan ng malawakan infrastructure projects sa taong ito at kasama na dito ang kumpletong rehabilitasyon ng EDSA.
“The rehabilitation project aims to address long-standing issues with the highway as well as enhance the overall commuting experience for millions of Filipinos,” saad ni Bonoan.
Dahil sa rehabilitasyon kung kayat inaasahan na ang trapiko na idudulot nito. “We are working with the MMDA, our LGUs, and stakeholders to mitigate the impact of the traffic during the construction. However, there will still be some inconvenience,” ayon kay Malaluan. LASACMAR
BINALAAN (DOH) ang publiko laban sa mga heat-related illnesses nitong Lunes, kasunod na rin nang unti-unti nang pag-init ng temperatura sa bansa dahil sa papalapit na summer season.
NANINDIGAN ang Chairman Emeritus ng People’s Alliance for Democracy and Reform (PADER) na maituturing na paglapastagan sa soberanya ng Pilipinas ang pangangamkam ng Tsina sa Palawan na maituturing na bahagi ng Pilipinas batay sa pandaigdigang batas na pinapairal sa ilalim ng International Maritime Law o Law of the Sea.