IKINATUWA ng Malakanyang ang pagbaba ng budget deficit ng bansa noong nakaraang taon at iniuugnay ang pagkabawas sa epektibong pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at pagsisikap ng economic team ng administrasyon.
“Magandang balita ang ibinahagi ng Department of Budget and Management. Dahil sa epektibong pamumuno ni Pangulong Marcos Jr., bumaba sa 5.7 percent o 1.5 trillion pesos ang budget deficit ng bansa nitong 2024,” ang sinabi ni PCO Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro sa press briefing.
“Pinakamababa ito mula noong taong 2020. Nagpakita ng mabuting pagtatrabaho ang economic team ng administrasyon. Umabot naman sa 16.72 percent ng GDP (gross domestic product) or 4.4 trillion pesos ang government revenues sa nakaraang taon,” dagdag na wika nito.
Nangyari ang budget deficit nang malampasan ng government expenditures ang kinikita nito.
Ito ay pangunahing indicator ng financial health ng bansa, higit sa lahat tungkol sa ‘government spending at income.’
Kamakailan lamang ay napaulat na bumaba ang budget deficit ng bansa noong 2024 sa ₱1.5 trillion ayon sa Bureau of Treasury (BTr).
Sa inilabas na datos ng BTr, bumaba sa 5.70% ng gross domestic product (GDP) ang fiscal deficit noong 2024 mula sa 6.22% noong 2023.
Samantala, umabot sa ₱4.419 trilyon ang kabuuang kita ng gobyerno noong 2024, mas mataas kaysa sa target na ₱4.270 trilyon. Katumbas ito ng 16.72% ng GDP, ang pinakamataas sa nakalipas na 27 taon mula 1997.
Ang paglago ng kita ay dahil sa mas mataas na non-tax revenue collections.
Sa buwan ng Disyembre, lumago ng 20.99% ang koleksyon ng gobyerno sa ₱314.7 billion, bunsod ng mas malakas na non-tax revenue performance.
Sa kabuuang koleksyon, 86.01% o ₱3.801 trilyon ay mula sa buwis, habang ang natitirang 13.99% o ₱618.3 billion ay mula sa non-tax sources.
Lumago ng 13.29% ang koleksyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa ₱2.852 trillion habang, umabot sa ₱916.7 billion ang koleksyon ng Bureau of Customs (BOC). (Daris Jose)
GANITO ituring ni Presidential Communications Secretary Jay Ruiz ang paratang sa kanya na nakasungkit siya ng P206-million deal sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa page-ere ng lotto draws sa state-run IBC 13.
MAAARING bumaba ang maximum suggested retail price (MSRP) para sa bigas bunsod ng patuloy na pagbaba ng global rice prices at paglakas ng piso.
ITO ang apela ni House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union sa mga botante.
KINONDENA ni House Committee on Foreign Affairs Chairperson Rachel Arenas ang walang basehang pag-aangkin ng Tsina sa Palawan Island, na lumabas at kumalat sa iba’t ibang social media platforms
KINUMPIRMA ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Joel Anthony Viado base sa resulta ng inisyal na imbestigasyon na walang personnel sa kanilang ahensiya ang sangkot sa illegal na paglabas ni Guo.
NASAMSAM sa tatlong drug suspects, kabilang ang isang band member na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) ang mahigit P1.6 milyong halaga ng droga matapos matimbog sa buy bust operation sa Caloocan City, Lunes ng umaga.
MULING nagtala ng mataas at positibong net trust rating si Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan bago ang 2025 Local Elections sa darating na Mayo, ayon sa pinakabagong survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS).
PINAGHAHANAP ng pulisya ang apat na kalalakihan na magkakangkas sa dalawang motorsiklo na nangholdap sa isang Samgyupsal Restaurant at tumangay ng P5,000.00 cash at mga cellphone sa Bacoor City, Cavite Lunes ng gabi.
INIUTOS ni Transportation Secretary Vince Dizon ang agarang pagpapatanggal sa limang tauhan ng Land Transportation Office (LTO) na sangkot sa hindi makatarungang pagtrato sa isang motorcycle rider sa Panglao, Bohol noong Biyernes.