Ito ang sinabi ni Presidential Communications Office Ad Interim Secretary Jay Ruiz hinggil sa memorandum na nag-uutos sa lahat ng presidential appointees sa mga ahensya, tanggapan at burukrasya sa ilalim ng PCO na magsumite ng kanilang ‘unqualified courtesy resignations.’
”Usually ganoon naman talaga considering all presidential appointees here, di ba… para lang kumbaga siyempre free hand sa pagpili ng ating mga kasama… Mahirap din po kasi siyempre dapat pagkakatiwalaan mo kasi kung di mo kasama, di mo naman sila kakilala, of course, as secretary dapat dalhin mo rin ‘yung sarili mong tao,” ang sinabi ni Ruiz sa isang ambush interview, araw ng Lunes.
”Sa akin lang siyempre, walang personalan, marami po kasing tatamaan… maraming posibleng tamaan… siyempre aassess natin kung ano ‘yung ginawa nila, ng bawat opisina, proper evaluation,” aniya pa rin.
Sinabi ni Ruiz na tatagal ng dalawa hanggang tatlong linggo para tapusin ang assessment ng mga departamento sa ilalim ng PCO.
Matatandaang, si Executive Secretary Lucas Bersamin ang nagpalabas ng memorandum, sabay sabing ang hakbang ay naglalayon na pahintulutan at bigyan ang bagong itinalagang PCO secretary ng ‘free hand’ sa pagtupad sa kanyang mga tungkulin at pagpapatupad ng kanyang mga patakaran.
Ayon sa memorandum, ang lahat ng mga apektadong appointees ay dapat na magsumite ng kanilang resignation letter sa PCO secretary hindi lalampas sa Pebrero 28, 2025
Nanumpa naman si Ruiz bilang bagong hepe ng PCO noong nakaraang linggo. Mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang nangasiwa ng panunumpa sa tungkulin ni Ruiz.
Samantala, pinalitan ni Ruiz si Cesar Chavez, nagbitiw sa tungkulin matapos na aminin na “fallen short of what was expected of him.” (Daris Jose)
PAG-AARALANG mabuti ng Presidential Communications Office (PCO) ang posibilidad na magtatag ng isang regulatory body para i- monitor at suriin ang social media content sa layuning tugunan ang lumalagong problema ng fake news.
SINABI ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na ang mga kidnapper ng Chinese student ay di umano’y nabibilang sa “muscle group” ng illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
IIMBITAHAN ng Commission on Election (Comelec) ang isang beauty contestanat sa isang noontime show na umaming walang halos kamalayan sa Comelec.
UMABOT na sa mahigit 53 milyon ang naimprentang balota para sa May 2025 elections, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
NAGPAHAYAG nang pagkabahala si House Assistant Majority Leader Jay Khonghun ng Zambales sa kakulangan o kawalan ng tugon mula sa ilang mga senatorial candidates kaugnay sa lumalaking banta ng Chinese espionage sa Pilipinas.
PINANGUNAHAN nina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco, kasama ang iba pang mga opisyal ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pagbabasbas at pagpapasinaya sa Milflores Bombastik Station sa Brgy. Tanza 2, at Taganahan Bombastik Station sa Brgy. Bagumbayan South, bilang karagdagang pasilidad na panlaban sa baha. (Richard Mesa)
KALABOSO ang 27-anyos na lalaki matapos pagsasaksakin ang isang binatilyong estudyante bago tinangay pa ang motorsiklo at iba pang gamit ng biktima sa Valenzuela City.