Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
MAY bagong kanta ang Sparkle artist na si Anthony Rosaldo ang “Batubalani” sa ilalim ng GMA Playlist.
PINARANGAL na ang bagong set of winners na nakapag-uwi ng most coveted Oscar statuette sa 97th Academy Awards last Monday, March 3 (Manila time), na ginanap sa Dolby Theatre at Ovation Hollywood sa Los Angeles, USA.
NAKILALA si Migs Almendras sa paglabas sa mga gay themed series tulad ng ‘Hello Stranger’, ‘Unlocked’, ‘Lonely Connection’, at ‘Memories of a Love Story.’
IWAWAGAYWAY ng Creamline at Petro Gazz ang bandila ng Pilipinas sa AVC Women’s Champions League na idaraos sa Abril 20 hanggang 27 sa Philsports Arena sa Pasig City.
Mismong si Premier Volleyball League (PVL) president at Philippine National Volleyball Federation vice president Ricky Palou ang nagkumpirma ng pagtatalaga sa Cool Smashers at Gazz Angels para sumalang sa AVC event.
Orihinal na plano sana na ang magkakampeon sa ginaganap sa PVL All-Filipino Conference ang sasabak sa AVC tournament.
Subalit dahil kailangan nang isumite ang team sa AVC, nagdesisyon ang PVL na tukuyin na lamang ito base sa standings ng teams matapos ang preliminary round.
Sa pagtatapos ng eliminasyon, nanguna ang Cool Smashers at Gazz Angels kaya’t nakuha ng dalawang teams ang karapatang maging respresentatives ng bansa sa AVC.
Bilang host country, pinahintulutan ang Pilipinas na magpasok ng dalawang teams sa AVC tournament.
Orihinal sanang gaganapin ang AVC event sa South Korea ngunit inilipat ito sa Vietnam bago muling ipasa ang hosting rights sa Pilipinas.
Hawak ng Creamline at Petro Gazz ang parehong 10-1 rekord sa pagtatapos ng eliminasyon.
Ipaparada ng Creamline si team captain Alyssa Valdez habang bibida naman sa Petro Gazz sina Filipino-American standouts Brooke Van Sickle at MJ Phillips.
NATURALIZED player ng Gilas Pilipinas si Justin Brownlee at makailang ulit na itong tumanggap ng iba’t ibang parangal sa PBA bilang import ng Barangay Ginebra.
Hindi na maikakaila na may pusong Pinoy na ito.
Sanay na ito sa kultura ng mga Pilipino, sa sistema ng paglalaro sa Pilipinas, sa lengguwahe ng mga Pinoy at sa masasarap na pagkaing Pinoy.
Kaya naman bilang pasasalamat sa mainit na pagtanggap sa kanya ng buong sambayanan, nais ni Brownlee na masuklian ito.
Sumama na si Brownlee sa mga kapwa basketball stars nito na sina Scottie Thompson at Jayson Castro sa pagsuporta kay Milka Romero at 1Pacman Partylist na malalim ang adbokasiya sa sports at youth development.
“I actually want to give back to basketball. Hopefully I can do some things with younger kids and try to help the development of basketball here in the Philippines,” ani Brownlee.
Pormal nang naging Filipino citizen si Brownlee noong 2023 sa tulong ni outgoing 1Pacman representative Mikee Romero na siyang nagsulong ng bill para sa citizenship nito sa House of Representatives.
“I definitely appreciate that. I understand it wasn’t an easy process but I just appreciate all the senators and politicians who were involved. I can name so many but I’m just gonna say everyone that was involved, I just appreciate them,” ani Brownlee.
Nais ni Brownlee na maging kaakibat ni Milka sa programa ng 1Pacman para sa grassroots.
NASA proseso na si Presidential Communications Office Ad Interim Secretary Jay Ruiz na i-divest o alisin ang kanyang interest at shares sa kanyang kumpanya.
Ito ang tugon ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro nang tanungin hinggil sa may isang media company na co-founded ni Ruiz ang di umano’y nakasungkit ng P206.052 milyong halaga ng kontrata mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa last quarter ng 2024, ilang buwan bago pa siya italaga sa PCO.
Sa ilalim aniya ng batas, si Ruiz ay mayroong 60 days para i- divest o alisin ang kanyang shares o interests.
”Ang batas naman po natin ay allowed po mag-divest ng shares o interest sa anumang kumpanya na pag-aari niya within 60 days from the time na nagassume ng position so ‘yan po ay parating na po at alam naman po niya ang batas at lahat naman po ng gagawin natin dito ay dapat naaayon sa batas,”ayon ay Ruiz.
”Sa pagkakaalam ko ay in the process na po dahil pineprepare na po niya ang kanyang mga papers regarding [that],” dagdag na wika nito.
Sa ulat, opisyal nang nanumpa sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Veteran journalist na si Jay Ruiz bilang bagong Kalihim ng Presidential Communications Office (PCO).
Pinalitan ni Ruiz si dating PCO Acting Secretary Cesar Chavez na nagbitiw sa tungkulin matapos aminin na nagkulang siya sa kung ano ang dapat asahan sa kanya.
Nagsumite si Chavez ng kanyang irrevocable resignation kay Pangulong Marcos Jr. noong nakaraang Pebrero 5, 2025.
Samantala, sa pakikipag-usap sa mga mamamahayag, nangako naman si Ruiz na lalabanan ang disinformation at ipalalaganap sa publiko ang mga proyekto ng administrasyong Marcos.
Samantala, itinalaga at nanumpa naman si Atty. Claire Castro bilang Undersecretary ng PCO na may karagdagang tungkulin bilang Palace Press Officer. (Daris Jose)
PAG-AARALAN ng Malakanyang ang napaulat na donasyon ng di umano’y Chinese spies sa dalawang police forces at isang local government unit (LGU).
”As of now, pag-aaralan po natin ‘yan kung ito po ay naging donasyon in good faith, kailangan po talaga natin malaman dahil hindi naman po masama tumanggap ng donasyon,” ayon kay Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro.
Nabanggit din na sa kasagsagan ng pandemiya, nag-donate din ang Tsina ng ambulansiya sa lokal na pamahalaan ng Davao City.
”Wala pong masama kung tatanggap ng donasyon if it’s done in good faith. Kung ito naman po pala ay ibinigay pero mayroong kakaibang dahilan for that, kailangan po natin imbestigahan ‘yan kung sino man po ‘yung mga tumanggap na mga opisyal na LGU dapat siguro malaman natin para di na po maulit kung sila man po ay nagagamit, kung di man nila alam na nagagamit sila,” ang sinabi ni Castro.
Sa kabilang dako, sa isang ekslusibong report ng Reuters, nakasaad dito na may tatlong Chinese nationals ang inakusahan ng espionage, lider ng socio-civic groups ang nag-donate sa city of Tarlac at sa dalawang police forces.
Sinasabing, may limang Chinese national ang dinitenado ng Philippine investigators nito lamang Enero di umano’y nagtipon ng mga imahe at mapa ng Philippine naval forces malapit sa South China Sea.
Sinabi naman ng mga awtoridad ng Pilipinas na ang exposé ay maaaring mag-trigger ng “closer scrutiny” ng foreign socio-civic groups’ activities sa bansa.
Samantala, tinitingnan ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group ang bagay na ito.
(Daris Jose)
KAGYAT na kikilos ang gobyerno sa matinding epekto ng paparating na dry season o panahon ng tagtuyot.
Tinanong kasi si Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang kung paano poprotektahan ng pamahalaan ang agricultural sector laban sa pinsala na dala ng inaasahang panahon ng tagtuyot partikular pa’t ang “danger” level heat index ay nararanasan na sa ilang parte ng bansa.
“As of now, talaga po ay hindi pa po kami nakakapag-usap patungkol diyan, pero kung ito po talaga ay nakikita po, nababanaag po ang matinding epekto, kikilos po talaga agad ang mga ahensiya para po matugunan kung anuman ang magiging problema sa mga susunod na araw itong napakatinding init na nararamdaman natin,” ang sinabi ni Castro.
Nauna rito, pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa mga sakit na maaaring makuha ngayong nagsisimula ng maramdaman ang mainit na temperatura sa ating bansa.
Ito ay kasunod ng forecast mula sa state weather bureau na ang heat index sa Metro Manila ngayong araw, Marso 3 hanggang bukas, Marso 4 ay aabot sa 46 degrees Celsius.
Gayundin inaasahan ang “danger” heat index sa lalawigan ng Pampanga, Nueva Ecija, Bataan, at Olongapo City.
Ayon kay Health spokesperson ASec. Albert Domingo, ang temperaturang mula 33-41 degrees Celsius ay inuri ng weather bureau bilang “extreme caution” habang 42-51 degrees celsius bilang “danger.”
Ang ganitong mga temperatura aniya ay maaaring humantong sa heat cramps o pamumulikat at heat exhaustion o pagkahapo, na may mga sintomas tulad ng pagkapagod, pagkahilo, sakit ng ulo, pagsusuka, at pagkahilo.
Nagbabala rin ang opisyal na ang matagal na pagkakalantad sa init ay nagpapataas ng posibilidad ng heat stroke na isang seryosong kondisyon na may kaakibat na pagkawala ng malay, pagkalito, o kaya ay seizure/kombulsyon, na maaaring nakamamatay kung hindi ito ginagamot.
Kung sakali mang maramdaman ang nabanggit na mga sintomas, narito ang payo ng DOH para sa paunang lunas.
Samantala, sa isang statement, inihayag ni DOH Secretary Ted Herbosa na maituturing ng mapanganib kapag umabot na sa 42 degree celsius ang healt index kayat nagpaalala ito sa publiko na dalasan ang pag-inom ng malinis na tubig, at umiwas na mabilad sa araw mula alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon. (Daris Jose)
NAKATAKDANG ilunsad ng Bureau of Immigration (BI) ang Philippines’ Advance Passenger Information System (APIS), isang hakbang tungo sa modernisasyon ng border security at a major step in modernizing border security and streamlining immigration processes, kasunod sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na ayusin ang national security sa pamagitan ng digital transformation.
Ang APIS ay kinikilala sa buong mundo na nasasagawa ng advance screening ng mga pasahero bago ang kanilang pagdating.
Ang nasabing sistema ay pinapayagan ang mga awtoridad na ma-identify ang potential security threats at maayos na entry procedures, at pagbabago ng immigration assessments sa bansa.
Sinabi ni BI APIS Operations Center (APOC) Chief and Deputy Spokesperson Melvin Mabulac ang kahalagahan ng APIS sa pagpapalakas ng border security ng bansa.
“This system will enable us to screen passengers in advance, improving risk assessment and expediting the processing of legitimate travelers,” ayon kay Mabulac.
At bilang bahagi ng kanilang preparasyon, isinasagawa ng pilot testing sa mga major airlines kabilang ang Philippine Airlines (PAL) at Cebu Pacific, at sa pakikipagtulungan ng kanilang service providers. Maayos din naisagawa ang connectivity tests sa INTERPOL’s I-24/7 database upang masiguro ang access sa international security watchlist.
Ang BI ay maayos na nakikpag-ugnayan sa mga stakeholders, kabilang ang INTERPOL, airline representatives, at ang United Nations Office of Counter-Terrorism (UN OCT), upag masiguro ang seamless integration sa APIS sa kasalukuyang system.
Ang system ay nakatakdang ilunsad nitong darating na buwan, upang maipakita ang immigration capacities ng BI.
“This initiative marks a significant milestone in our ongoing efforts to modernize immigration processes,” ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado. “With APIS, we are not only strengthening security but also ensuring a more efficient and hassle-free experience for travelers.” (Gene Adsuara)