• March 11, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 1st, 2025

Dapat lamang na maging transparent: PBBM, ipinakikita lamang na hindi siya “weak leader”- Castro

Posted on: March 1st, 2025 by Peoples Balita No Comments

DAPAT lamang na maging transparent si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ipakita sa publiko na hindi siya isang “weak leader.”

Pahayag ito ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro nang tanungin ang pamamaraan ng pangangampanya ni Pangulong Marcos para sa senatorial slate ng administrasyon para sa Eleksyon 2025.

Matatandaan na kapansin-pansin na tila gumaganti si Pangulong Marcos ng mga birada at pambabatikos gamit ang kanyang mga talumpati sa mga campaign sorties.

 

”Sa lahat po ng campaign rallies napuntahan po ng Pangulo, ang mga kandidato niya po mismo, ang kanyang mga sinusuportahang kandidato ang nagsasabi kung ano ang kanilang magiging program, ang kanilang magiging proyekto para sa ikauunlad ng bayan at sa ikauunlad ng taumbayan,” ayon kay Castro.

”Siguro po, kailangan lang po talaga paminsan-minsan ang ating Pangulo ay maging transparent din siya sa kanyang na saloobin at para po maipahatid din sa mga tao na he is not and will never be a weak leader,” dagdag na wika nito.

Taong 2021, tinawag ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte si Pangulong Marcos, noon ay isa pa lamang na presidential aspirant na isang “spoiled” at “weak leader”.

Ito ang naging sagot ni Duterte nang tanungin ng local Mindoro lider kung may alyansa sa pagitan ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ng Lakas-CMD party at PDP-Laban at PDDS na kung siya ay miyembro nito.

 

 

“No. I cannot because nand’yan si Marcos. Hindi ako bilib sa kaniya. He’s really a weak leader,” wika ni Duterte.

Si Marcos Jr., na kapangalan ng yumaong ­dating pangulong Ferdinand Marcos, ay running mate ni Duterte-Carpio.

“Hindi ako naninira ng tao, talagang weak kasi spoiled child, only son. Of course he can talk, he deli­vers English articulate[ly], ang aral kasi kung saan-saan sa labas. Pero kung sabihin mo na may crisis, he’s a weak leader at saka may bagahe siya,” dagdag pa ni Duterte.

(Daris Jose)

Nangako na ipagpapatuloy ang suporta ng gobyerno… PBBM, pinangunahan ang cash gifts payout para sa mga lolo’t lola

Posted on: March 1st, 2025 by Peoples Balita No Comments

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang inaugural distribution ng cash gifts para sa mga benepisaryo ng Expanded Centenarians Act of 2024.

 

 

Nangako rin ang Pangulo na ipagpapatuloy ng administrasyon na iprayoridad ang kapakanan ng mga lolo’t lola.

Tinintahan ang batas noong nakaraang taon, ang Republic Act 11982 ay nagkakaloob ng P10,000 sa mga senior citizens na umabot na sa edad na 80, 85, 90, at 95. Pinanatili naman ng batas ang P 100,000 cash gift para sa mga centenarians, gaya ng nakasaad sa ilalim ng Centenarians Act of 2016 (Republic Act 10868).

 

 

Iniabot ng Pangulo ang cash gifts sa 14 na senior citizens sa Palasyo ng Malakanyang, tanda ng pagsisimula ng isang nationwide distribution effort ng sabay-sabay na payouts sa lahat ng rehiyon.

 

May kabuuang 1,079 senior citizens ang makatatanggap ng cash gifts sa pamamagitan ng nationwide distribution effort na ito.

Ipagkakaloob din ang medical at legal assistance sa payout centers sa pamamagitan ng pagsisikap ng National Commission of Senior Citizens (NCSC).

 

 

Sa kabilang dako, sa naging talumpati ni Pangulong Marcos, binigyang diin nito ang kahalagahan na tiyakin ang kapakanan ng mga lolo’t lola, binigyang diin na marami pang dapat gawin para sa mga matatanda sa bansa.

Biniyang diin nito ang mga pakikibaka sa pananalapi na kinahaharap ng maraming matatanda, sinasabi na 73% ng mga senior citizens ang nakadepende sa suporta mula sa kanilang mga anak, at 55% naman ng kanilang healthcare expenses ay paid out ng kanilang sariling bulsa.

Sa pagtugon sa mga alalahanin na ito, binigyang diin ng Pangulo ang ilang inisyatiba para paghusayin ang buhay ng mga senior citizens, kabilang na ang mga benepisyo sa ilalim ng Expanded Senior Citizens Act gaya ng 5% hanggang 20% discount sa iba’t ibang serbisyo; 5% discount para sa utilities gaya ng water at electricity consumption hanggang sa ‘specified limits’; at 20% discount sa transportasyon, medikasyon, healthcare services, at maging recreational activities.

 

 

Idagdag pa rito, nagbibigay din ang batas ng free healthcare services para sa mga lolo’t lola sa government health facilities, tinitiyak na makatatanggap ang mga ito ng kinakailangang medical care ng walang financial burden.

 

 

“Sa ating mga seniors, nawa’y magkaroon kayo ng marami pang panahon ng kagalakan kasama ang inyong mga minamahal sa buhay. Hiling ko rin na magkaroon po kayo ng mga mas matatamis na kuwento na ibabahagi sa susunod na henerasyon,” ang sinabi pa ni Pangulong Marcos.

 

 

Samantala, sa pamamagitan ng NCSC, layon ng pamahalaan na magbigay ng P2.9 billion na cash gifts ngayong taon para sa mahigit na 275,000 senior citizens sa buong bansa. (Daris Jose)

PBBM sa DILG, PNP: Habulin lahat ng KFR groups

Posted on: March 1st, 2025 by Peoples Balita No Comments

INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Philippine National Police (PNP) at Department of Interior and Local Government (DILG) na habulin ang Kidnap for Ransom (KFR) groups sa bansa.

Sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na inatasan siya ng Presidente na palakasin ang kampanya laban sa KFR groups at lansagin ang mga ito sa lalong madaling panahon.

Kilala na rin aniya ng PNP Anti-Kidnapping Group ang mga grupo at miyembro ng mga ito, maging ang kanilang safehouses at kung saan nakatira ang mga ito.

Dahil dito kaya aasahan na aniya ang mas pinaigting na ­operasyon sa mga susunod na araw.

Sinabi naman ni NCRPO Chief Pol. Brigadier General Anthony Aberin na dahil sa mga naitalang insidente ng kidnapping nitong taon kaya pinalakas na ang police visibility sa mga lugar na posibleng target ng mga kidnapper.

Pinalakas na rin nila ang  presensiya sa social media sa pamamagitan nang pag-post ng mga tips kung paano makaiwas sa kidnapping.  (Daris Jose)

Ayala Malls Cinemas continues to celebrate the awards season with multi-award winning film, “The Brutalist”

Posted on: March 1st, 2025 by Peoples Balita No Comments

DON’T miss checking off another multi-award winning film off your list just in time for the 2025 Academy Awards, as Ayala Malls Cinemas exclusively brings The Brutalist to the Philippines on March 5. The film has bagged a significant number of awards and nominations, including Best Picture, Best Actor, Best Supporting Actress, Best Supporting Actor, and more for the upcoming Academy Awards..

Watch the trailer:  https://youtu.be/GdRXPAHIEW4?si=_h8jm1FWW7YYxgNn

The Brutalist follows Hungarian architect László Toth(Adrien Brody), who escapes a war-torn Europe and arrives in America to rebuild his life and career. His unique and compelling work catches the attention of wealthy industrialist Harrison Lee Van Buren(Guy Pearce). So unfolds a story of László navigating his way in a strange new country, gaining prominence which comes at a heavy price.

The film has already won Best Picture from the Critics’ Choice Awards and The Golden Globes.  Adrien Brody has received Best Actor awards from the BAFTAs, Critics’ Choice Awards, and Golden Globes

The Guardian praised The Brutalist and its impactfulness, mentioning its superb cinematography and design. They write, “It is an electrifying piece of work, stunningly shot by cinematographer Lol Crawley and superbly designed by Judy Becker. I emerged from this movie light-headed and euphoric, dizzy with rubbernecking at its monumental vastness.”

The Hollywood Reporter calls Adrien Brody’s performance as László Toth his best in years, writing, “Brody has seldom been better, bringing tremendous gravitas but also a pain that gnaws at László’s prideful sense of self, one of purpose and destiny.”

The Brutalist is part of the roster of 2025 Academy Award nominated films exclusively showing in Ayala Malls cinemas this awards season, along with Anora and A Room Next Door. Ayala Malls Cinemas is committed to bringing internationally acclaimed films to the country, pairing the experience with world-class cinema technology.

Luxurious seats ensure a comfortable watch, and Dolby Atmos sound technology takes cinema experience to greater heights. Elevate your movie-going experience with delicious treats and beverages for The Movie Snackbar, and have your Academy Awards film day exclusively at Ayala Malls Cinemas.

Keep updated with The Brutalist and all the latest cinema experiences from Ayala Malls Cinemas by following the official Ayala Malls Cinemas FB and IG pages


(ROHN ROMULO) 

Bukambibig na ngayon ang salitang ‘okay na ’to!’: MIGUEL, iniintrigang mas sikat pa ang kanyang Mommy GRACE

Posted on: March 1st, 2025 by Peoples Balita No Comments

BUKAMBIBIG ngayon ng karamihan ang salitang “Okay na ‘to!” 

At saka nila sasabihin na, “Grace Tanfelix?”. Isa lang ang ibig sabihin, marami na talaga ang nanonood sa mga vlogs ng mommy ni Miguel Tanfelix.

Kaya may mga humihirit na, “Mas sikat na nanay ni Miguel kesa sa kanya!”. 

Pero in fairness to Miguel, nakausap na namin siya tungkol sa pagiging vlogger ng nanay niya at isa siya sa unang-unang natutuwa na marami ang nakakapanood.

Maging ang mga co-stars nga raw niya, masaya kapag pinapabaunan siya ng mommy niya ng luto nito at sini-share niya sa taping.

Kaya para kay Miguel, okay lang na bukod sa kanya, sumisikat na rin ang ina at nagiging word of mouth na ng karamihan ang “okay na ‘to!”  

Nakakaloka lang ang ilang mga bashers siguro ni Miguel o ng network o ng kanyang primetime series na “Mga Batang Riles” na kesyo mas nauna pa raw napasikat ng Tiktok ang nanay kesa napasikat ng Sparkle ang anak. 

Grabe naman, e, isa kami sa mga unang follower rin ng nanay ni Miguel na isa rin sa ikinaaliw namin sa kanya, yung malamang nanay siya ni Miguel at may mga instances na nakakasama pa sa video niya ang Kapuso actor.

Pero dahil nga marami na ang gumagamit ng “Okay na ‘to,” aba, mag-special guest na rin ang nanay ni Miguel sa sariling serye. 

Kung may mga namba-bash, ang dami rin naming nababasang comment na natutuwa sa mag-ina.

***

MAKIKITA ang art exhibit na kung tawagin ni Manila Vice Mayor Yul Servo na metal artwork sa arrival ng Terminal 3 sa NAIA, malapit sa may VIP parking.

Na-impress kami dahil kakaiba ang art form niya at talagang matiyaga niyang pinag-aralan, ginuhit ang mapa ng iba’t-ibang lugar sa Manila sa pamamagitan ng mga scrap na metal o stainless steel.

Matagal na itong ginagawa ni Yul, pero ang 13 pieces na makikita sa NAIA ay plano niyang iikot sa buong bansa. Isang paraan na rin niya ito para maipakita pa raw ang legacy ng Manila kunsaan siya pinanganak, lumaki at naninilbihan.

Sa ngayon, tumatakbo pa rin siya sa pagka-Vice Mayor ng Manila at sabi nga namin, kahit nasa partido siya ng incumbent Mayor, nakasama niya rin sa termino noong Congressman siya si Isko Moreno na kalaban nilang partido at kung hindi ba siya naiipit?

“Parehas ko silang mga naging lider. May time na pwede ka talagang maipit. May time na pwede ka talagang pumunta sa isang panig lang, sa isang prinsipyo.”

Although, nalulungkot daw siya na silang magkapatid ay nasa magkalaban na partido.

“Nakakalungkot pero hindi kami magka-away. Pero, pagdating sa pulitika, magkahiwalay kami. Hindi kami nag-uusap pagdating sa pulitika. Alam mo na, gusto kong lumaban na may respeto, may pagmamahal, patas. Magkahiwalay tayo, pero lumaban tayo ng patas.”

Sa isang banda, aminado si Yul na nami-miss niya ang pag-arte, pero ang huli naman daw niya ang “Black Rider” pero kahit na naka-focus siya sa pulitika, hindi raw mawawala na sa dugo niya ang pag-arte, pero sa ngayon, ang metal art ang isa sa napagtutuunan niya ng pansin.

 

(ROSE GARCIA)

Dahil sa executive order ni US Pres. Donald Trump: HUNTER SCHAFER, nagsalita na sa pagpapalit ng gender sa kanyang passport

Posted on: March 1st, 2025 by Peoples Balita No Comments
NAGSALITA na ang transgender actress na si Hunter Schafer tungkol sa pagpalit ng gender niyang “female” to “male” sa kanyang passport dahil sa executive order ni US President Donald Trump.
Ayon sa 26-year old Euphoria actress: “My initial reaction to this, because our president is  lot of talk, I was like, ‘I’ll believe it when I see it. And I saw it on my new passport. I was shocked and I want to acknowledge my privilege, not only as a famous celebrity trans woman who is white and thin and can adhere to contemporary beauty standards and I can participate in all of that. I pass and it still happened.”
Dagdag pa niya: “Trans people are beautiful. We are never going to stop existing. I’m never going to stop being trans. A letter and a passport can’t change that. And f–k this administration. I don’t really have an answer on what to do about this but I feel it was important to share. This is real.”
Nag-out bilang transgender si Hunter at Grade 9 as a young teen. Lumabas siya sa mga pelikulang The Hunger Games: The Ballad of Songbirds & Snakes and Cuckoo.
***
PUNO ng saya at good vibes ang recent birthday get-together para sa mga Sparkle artist na ang kaarawan ay January, February, at March.
Kabilang na rito ang StarStruck Season 7 First Princess na si Lexi Gonzales, na mapapanood sa upcoming GMA drama series na ‘Cruz vs. Cruz.’ 
Matatandaan na ipinagdiwang ni Lexi ang kanyang kaarawan noong February 23.
Grateful ang aktres na napagsasabay ang kanyang pag-aaral at trabaho bilang artista.
“Iba rin ang may degree, iba ‘yung talagang may pinag-aralan, kaya tinataguyod natin.  Ako pinipilit kong makapagtapos alongside with working.  I’m really grateful na nagagawa ko ito, also with the help of Sparkle,” sey ni Lexi.
Kasalukuyang college student si Lexi na kumukuha ng degree in communication.
(RUEL J. MENDOZA)

Para sa turismo at maliliit na negosyo ang bagong show: RHIAN, pakakasalan ni SAM sa Quiapo Church dahil sa pagiging deboto

Posted on: March 1st, 2025 by Peoples Balita No Comments

INAMIN ni Rep. Sam Verzosa na kinonsider nila ang girlfriend at Kapuso actress na si Rhian Ramos na maging host ng “Dear SV” na magpapaalam na sa ere ngayong Sabado, March 1 dahil sa kanyang pagtakbo bilang Mayor ng Maynila.  

Ayon kay SV, “pinag-isipan ko sana baka puwede siyang pumalit pero alam ko naman kung ano ang forte ni Rhian eh.

“Kasi she’s been hosting a lot of lifestyle and travel shows sa GMA.  So, sabi ko why not featured Manila.

“Kasi lagi kong kinukuwento sa  kanya, tuwing umiikot ako, ‘alam mo Boo, maraming magagandang lugar sa Maynila, hindi lang napo-promote, hindi napupuntahan.

“Kahit kami mismo, taga doon na, hindi namin alam na they exist.  Actually, kulang talaga ng promotion sa turismo ng Maynila.

“Napakaraming magagandang lugar, na kulang ang isang linggo para maikot mo at mapuntahan.  At yun ang layunin ng show na maipakita ang kagandahan ng Maynila, para hindi na lumayo ang mga kababayan natin at ipagmalaki ang lugar natin.”

Ang tinutukoy na bagong show na papalit sa timeslot ng “Dear SV” sa GMA ang “Where In Manila” na si Rhian nga ang host, na nagkaroon ng media launch sa Winford Hotel sa Sta. Cruz, Manila nitong Huwebes.

Pagkukuwento ng actress/host tungkol sa Maynila, “Siguro iniisip lang nila na it’s just a regular city, but actually, a very deserving tourist spot.  Ako, I would gladly take friends or visitors around Manila, to really experience the city.

“I believe that Manila in itself is an experience.  It’s not just a place but also an experience.  It has its own personality na dapat nating ipagmalaki.

“Ipi-feature namin sa show ang masasarap na pagkain, a bit of adventure, at magagandang tanawin.  Pupuntahan talaga namin lahat ‘yan.  Marami na akong nakita at nakilala na small business owners na dapat talagang bigyan ng pansin. 

“Yung pino-promote nilang parts ng Manila.  I believe that the people is really what makes the city so colorful.  ‘Yung mga original nilang ideas sa ginagawa nilang negosyo at produkto na puwede talagang ipagmalaki sa buong Pilipinas.”

At sa pagsisimula ng “Where In Manila” sa March 8 (11:30 p.m.), natanong si Sam kung ano ang mangyayari na sa “Dear SV” na sa dalawang taon sa ere, ay marami na talagang natulungan.

“Magpapatuloy pa rin naman ang ‘Dear SV’, pero sa online dahil hindi lang talaga ako puwede sa telebisyon dahil sa aking pagtakbo.

“Kaya si Rhian muna ang magpapatuloy.  At titingnan natin sa mga susunod na buwan at kung ano man ang kalalabasan, kasi malapit po na ang eleksyon.  Pag tayo ay pinalapad po na manalo bilang mayor ng Manila ay doon natin mapag-iiisipan kung puwede naming maging partner ang ‘Where In Manila’ sa pagpo-promote po ng aming lungsod.

“Para mas lalong matulungan ang turismo at ang mga maliliit na negosyante para ma-promote ang kanilang negosyo.”

Samantala, natanong din si Sam kung magpapakasal na sila ni Rhian, saang simbahan kaya ito sa Manila magaganap? 

“‘Pag nangyari ‘yun, sa Maynila po kami ikakasal,” tugon ni SV.

“Minsan pinag-uusapan namin, may pinupuntahan kaming mga lugar, na baka puwede dito.

“Pero dahil deboto ako ng Mahal na Nazareno, kaya lagi kong binabanggit kay Rhian na, okey ba sa ‘yo na if ever, dito tayo (Quiapo Church)?’”

Na sinagot naman ni Rhian ng, “bahala ka, kung saan mo gusto?”

Ang lifestyle and travel show na “Where In Manila” ay hatid ng TV8 Media at base sa napanood naming teaser sa pilot episode ngayong March 8 at 11:30 p.m. sa GMA, punum-puno masasarap na pagkain, magagandang tanawin at higit sa lahat ang nakakakilig na lambingan nina Sam at Rhian.

Kaya ‘wag palagpasin lalo na ang mga kapwa Manilenyo!

(ROHN ROMULO)