• March 11, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 1st, 2025

Mambabatas, pinnapurihan ang matagumpay na pagkakaligtas ng 14-anyos Chinese national

Posted on: March 1st, 2025 by Peoples Balita No Comments

PINAPURIHAN ni Surigao del Norte Rep. Ace Barbers, Chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, ang matagumpay na pagkakaligtas sa isang 14-anyos na Chinese national ng Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) matapos dukutin noong nakalipas na linggo.

 

“The dedication and expertise shown by our law enforcement authorities in tracking down the victim and ensuring his safe return—despite the horrific circumstances—deserve the gratitude and full support of the public”, ani Barbers.

 

Ayon sa mambabatas, ang nakakakilabot na detalye sa kaso, kabilang na ang pagputol sa daliri ng biktima para mapilitang magbayad ng ransom ang pamilya nito, ay isang pagpapakita kung gaano ka-brutal at hindi makatao ang taktikang ginagamit ng mga sindikato na nag-ooperate sa bansa.

 

Nakakaalarma aniya ang ginawang pag-ugnay ng otoridad ang krimen sa grupong may kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), na ipinagbawal na mag-operate sa bansa ngunit nananatiling naghahasik ng lagim ang natitirang latak nito sa komunidad.

 

Sinabi pa ng mambabatas na ang POGOs ang siyang pangunahing dahilan ng iba’t ibang krimen sa bansa, mula sa money laundering, espionage, cyber hacking, wiretapping, murder, kidnapping for ransom, rape, prostitution, at torture.

 

“This latest incident, involving the abduction of a minor, is further proof that these criminal networks, will continue to threaten public safety. The government must not stop at rescuing the victim. I urge our law enforcement agencies to pursue all those responsible for this barbaric act and bring the full force of the law upon them. Every individual involved—whether they are directly responsible or part of a larger criminal network—must be held accountable. We cannot afford to wait for another child, another innocent life, to be put in danger”, dagdag niya.

 

Hindi rin niya maintindihan kung bakit hindi pa napapadeport ang karamihan sa mga naarestong personalidad at empleyado na may kaugnayan sa POGO at ang matindi pa ay pinalaya pa umano ang mga ito.

 

“One does not have to be a rocket scientist to conclude that these freed personalities continue to engage in illegal activities including these criminal acts. As long as they are free and remain in our country, these crimes will continue. All law enforcement agencies must work for the apprehensions and immediate deportations of all arrested foreigners involved in POGO operations,” sabi ni Barbers. (Vina de Guzman)

Malakanyang, hindi kukunsintihin ang pang-aabuso sa EDSA busway

Posted on: March 1st, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAGBABALA ang Malakanyang laban sa pag-abuso sa EDSA Busway kasunod ng kontrobersiyal na isyu na ikinabit kay Philippine National Police (PNP) chief General Rommel Marbil na may kinalaman sa paggamit ng EDSA busway dahil sa katuwiran ng emergency meeting.

 

 

Sinabi ni Presidential Communications Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na hindi nila kukunsintihin ang mapang-abusong pag-uugali ng gagamit ng EDSA Busway.

 

 

Pinaalalahanan din nito ang mga opisyal na gagamitin ang busway sa mga pagkakataon ng mga beripikadong emergencies.

 

 

Nilinaw naman ni Castro na hindi kasama sa sinasabing emergency ang “emergency meetings”.

 

 

“Hindi po kasama doon iyong emergency meeting. Kung may emergency meeting, mas maganda po umalis sila nang maaga sa kanilang bahay,” ang pahayag ni Castro.

 

 

Sa ulat, kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Marbil na nagkaroon ng emergency closed-door meeting ang mga senior police officials sa Camp Crame noong Martes ng gabi, dahilan kung bakit ginamit ng kanilang convoy ang EDSA busway.

 

 

Sa isang panayam, sinabi ni Marbil na si Interior Secretary Jonvic Remulla ang mag-aanunsyo ng detalye ng operasyon ng pulisya noong gabing iyon.

 

 

Binigyang-diin niya ang pangangailangan ng presensiya ng mga matataas na opisyal ng pulisya sa nasabing pulong.

 

 

Ang EDSA busway ay isang dedicated lane para sa mga awtorisadong bus at emergency vehicles at limitado lamang sa mga pangunahing opisyal ng gobyerno tulad ng Pangulo, Bise Presidente, at mga pinuno ng lehislatura at hudikatura.

 

 

Muling inulit naman ni Castro na hindi kukunsinihin ang pang-aabuso at mayroon aniyang kaparusahan para sa mga lalabag dito lalo na ang mga public servants.

 

 

“Kung may pang-aabuso, dapat managot,” ayon kay Castro.

PAGASA, nagbukas ng mahigit sa 100 permanent positions sa buong bansa

Posted on: March 1st, 2025 by Peoples Balita No Comments

INANUNSYO ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na may mahigit sa 100 permanent job ang bakante sa kanila ngayon.

 

 

Ang mga posisyong bukas ayon sa PAGASA ay sa Central Office sa Quezon City, Aeronautical Meteorological Services Section sa Pasay City, at regional at field offices sa iba’t ibang bansa, kabilang na ang bagong tatag na istasyon sa Aklan, Antique, Bataan, Camiguin, Isabela, La Union, Northern Samar, Quezon, Quirino, at Siquijor.

 

 

Ang job vacancies mula entry-level hanggang specialized roles, may katumbas na salary grades, ay ang:

 

 

• Salary Grade 17 ( P47,247) 6 Weather Specialist II 3 Weather Facilities Specialist II

 

• Salary Grade 15 (P40,208) 23 Weather Specialist I 2 Weather Observer IV

 

Salary Grade 13 ( P34,421) 2 Weather Facilities Technician III 10 Weather Observer III

 

• Salary Grade 11 (P30,024) 2 Weather Facilities Technician II 26 Weather Observer II

 

• Salary Grade 9 (P23,226) 4 Weather Facilities Technician I 17 Weather Observer I

 

 

Salary Grade 4 (P16,833) 3 Weather Observer Aide

 

• Salary Grade 12 (P32,245) 1 Accountant I

 

• Salary Grade 6 (P18,957) 2 Administrative Aide IV

 

 

Sa kabilang dako, para naman sa posisyon ng Weather Specialist I at II, required ang isang degree sa Engineering o Natural Sciences o kahit na anumang degree na may Math hanggang Integral Calculus at 6 units ng Physics.

 

 

Gradweyt ng anumang Engineering o Information Technology degree ang maaaring mag-apply para sa Weather Facilities Specialist II position.

 

 

Ang aplikante para sa posisyon ay dapat na nakompleto ang Meteorologists o Hydrologist Training Course (MTC/HTC) o isang master’s o doctorate degree sa meteorology o anumang may kaugnayan sa disiplina.

 

 

Isang karagdagang 3-month practicum sa Weather Forecasting Section ang required para sa BS Meteorology graduates at para sa mga master’s o doctorate degrees subalit walang MTC/HTC.

 

 

Ang mga aplikante para sa Weather Observer and  Facilities Technician posts ay dapat na nakompleto na ang Meteorological Technicians Training Course (MTTC). Para sa Observer I at Facilities Technician I, 2 years ng pag-aaral katumbas ng 72 units gaya ng minimum educational requirement habang ang mas mataas na Observer and Facilities Technician positions, isang bachelor’s degree ay kailangan.

 

 

Ang Elementary school graduates ay maaaring mag-apply para sa Weather Observer Aide position habang ang high school graduates o iyong nakapagtapos ng dalawang taon sa kolehiyo ay kuwalipikado para sa Administrative Aide post.

 

 

Ang kompletong listahan ng kuwalipikasyon, requirements, at instructions ay maaaring matagpuan sa PAGASA website (https://www.pagasa.dost.gov.ph/vacancy).

 

 

Ang deadline para sa aplikasyon ay sa Marso 2, 2025. (Daris Jose)

Bagong renovate na Arkong Bato Child Development Center, binuksan na sa publiko

Posted on: March 1st, 2025 by Peoples Balita No Comments

PARA matiyak ang de-kalidad na edukasyon sa pamamagitan ng mga pinahusay na pasilidad, isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang blessing at ribbon-cutting sa bagong renovate na Arkong Bato Child Development Center (CDC), sa Barangay Arkong Bato.

May kabuuang badyet na 2.3 milyon ang inilaan para sa rehabilitasyon ng CD na opisyal na binuksan sa publiko sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian, kasama si CSWDO Chief on Social Welfare Operations, Ms. Dorothy Evangelista, at mga barangay officials ng Arkong Bato.

Sa lot area na 144 sq.m at floor area na 70 sq.m., ang CDC ay binago upang maging mas learning-conducive para sa mga batang Valenzuelano learners na edad na 3 hanggang 5 taong gulang.

Ang pasilidad, ay nilagyan ng maliwanag na mga silid at naka-aircon, play area, palikuran at fixtures para sa mga bata, at iba pang nakalaang espasyo sa silid-aralan para sa sining at sining, pagkukuwento, pagbabasa, at musika at tula.

Ang sentro ay pinalamutian din ng makukulay na likhang sining at iba pang mga pang-edukasyon na tsart na nagbibigay inspirasyon sa pagkamalikhain at nagpapalakas ng pag-aaral sa mga batang mag-aaral. Ang pangkalahatang rehabilitasyon ng mga pasilidad ay idinisenyo alinsunod sa mga pamantayan ng Early Childhood Care and Development (ECCD).

Ani Mayor Wes, ang Arkong Bato Child Development ay kabilang sa 28 fully-renovated Child Development Centers sa Valenzuela City, kasunod ng pagbubukas kamakailan ng mga bagong CDC sa Barangay Gen. T. de Leon at Barangay Malinta (Balubaran I & II).

Sinabi pa ng aklade na kinikilala ng Pamahalaang Lungsod ang kahalagahan ng mga daycare center sa maagang pag-unlad ng mga bata. Sa pananaw na pagyamanin ang mga kabataan sa pagpaunlad ng pag-iisip, ang Lungsod ng Valenzuela ay nakatuon sa mga pagsusumikap nito na higit pang mapabuti ang mga pasilidad sa pag-aaral para maibigay ang bawat pangangailangan ng mag-aaral na mga Valenzuelano. (Richard Mesa)

‘Bloodline Art Exhibit’ sa Bulacan, nagbigay-buhay sa mga kwentong henerasyon

Posted on: March 1st, 2025 by Peoples Balita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Ipinagmalaki ng Provincial History, Arts, Culture, and Tourism Office ang ‘Bloodline: The Art of Family Bonds’, isang eksibit na pansining na sumasalamin sa malalim na ugnayan ng mga pamilya sa pamamagitan ng paglikha ng sining na ginanap sa Guillermo Tolentino Exhibit Hall, Hiyas ng Bulacan Cultural Center, Provincial Capitol Compound sa lungsod na ito noong Pebrero 17, 2025.

Tampok sa nasabing eksibit ang kolesyon ng 42 na magkakamag-anak na Bulakenyong alagad ng sining na nagpapakita ng matibay na koneksyon ng pamilya gamit ang iba’t ibang anyo ng sining mula tradisyunal na pagpipinta, paggawa ng iskultura, at paggamit ng makabagong mixed media. Ipinakita nito ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng pagkakaisa, pagmamahal, at pamana na binibigyang buhay ang emosyon at alaala na nag-uugnay sa bawat henerasyon habang inilalarawan kung paano naipapamana ang kultura, values, at pagkakakilanlan sa paglipas ng panahon.

Binigyang-diin ni Gob. Daniel R. Fernando na ang Bulacan ay hindi lamang duyan ng mga dakilang bayani kundi tahanan din ng mahuhusay na alagad ng sining.

“Palaging nakasuporta ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa kanila. Lagi tayong nakaantabay at nakahanda sa pagbibigay ng tulong upang lalo pang mapagtibay at mabigyan sila ng mataas na pagkilala, sapagkat sila ay tunay na kayamanan ng ating lalawigan na dapat ipagmalaki at pagtuunan ng pansin,” anang gobernador.

Ang ‘Bloodline: The Art of Family Bonds’ ay isang oportunidad para sa mga lokal na alagad ng sining na ipakita ang kanilang mga likhang sining at tradisyong Bulakenyo habang nabibigyan sila ng mas malawak na pagkilala upang matiyak na kanilang mga obra ay makikilala at mapapahalagahan ng publiko.

Bukod dito, magsisilbi rin itong isang makabuluhang edukasyonal na karanasan para sa mga mag-aaral, iba pang alagad ng sinin, at sa mga nais bumisita upang mapalawak ang kanilang pananaw sa kultura, kasaysayan, at makabagong anyo ng sining.

Bukas ang eksibitpara sa publiko hanggang Marso 7, 2025.

 

Chiz: Impeachment trial lalarga sa Hulyo 30

Posted on: March 1st, 2025 by Peoples Balita No Comments

INILATAG na ng Senado ang timetable ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte at posibleng simulan ang paglilitis sa Hulyo 30, 2025.

Mismong si Senate President Francis “Chiz” Escudero ang inisyal na naglabas ng timetable at mga gagawin sa impeachment trial.

Isang liham na may petsang Pebrero 24 ang ipinadala ni Escudero sa kanyang mga kasamahan, kay Duterte, at Speaker Ferdinand Martin Romualdez kung saan iminungkahi ang kalendaryo para sa impeachment trial.

Sa Hunyo 2, sa pagbubukas ng sesyon sa alas-3 ng hapon ipiprisinta ang Articles of Impeachment ng mga prosecutors kung kailan aaprubahan din ang revised Rules of Procedure ng Impeachment Trial.

Itinakda naman sa Hunyo 3 ang pagpupulong ng Impeachment Court at panunumpa ng mga nanunungkulang senator-judges.

Gagawin sa Hunyo 4 ang pagpapalabas ng mga “summons” at sa Hunyo 14 hanggang 24 ang pagtanggap ng mga pleadings.

Ang pre-trial ay gagawin sa Hunyo 24 hanggang sa Hulyo 25.

Sa Hulyo 28 magsisimula ang 20th Congress at Joint Session ng Kongreso kung kailan gaganapin din ang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa Hulyo 29 nakatakdang manumpa ang mga bagong elected senator-judges sa Senado na bubuuin din bilang impeachment court.

Inaasahan namang pormal na magsisimula ang impeachment trial sa Hulyo 30.

Nilinaw ni Escudero na ang nasabing panukalang kalendaryo ng impeachment trial ay pag-uusapan pa at pagde-desisyunan ng Senado sa pagbabalik ng sesyon sa Hunyo 2.

Bukod sa panukalang “calendar for procedures,” kasama rin sa liham ni Escudero sa kanyang mga kasamahan ang Special Order na nagtatakda ng pagtatalaga ng iba’t ibang tanggapan ng Senado bilang administrative support sa impeachment court.

PBBM, pinuri ang patuloy na suporta ng ADB sa Pilipinas

Posted on: March 1st, 2025 by Peoples Balita No Comments

PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang nagpapatuloy na suporta ng Asian Development Bank (ADB) para sa Pilipinas na may mahalagang kontribusyon sa economic development ng bansa.

 

Sa courtesy call ni newly-elected ADB President Masato Kanda sa Palasyo ng Malakanyang, inalala ng Pangulo ang long-standing support ng ADB sa Pilipinas, nagsimula sa administrasyon ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr.

Matatandaang Disyembre 19, 1966, pinasinayaan ang ADB sa Maynila, kung saan mayroon lamang 31 miyembro noong panahon na iyon, nagsilbi sa agricultural region. Si Takeshi Watanabe ang unang Pangulo ng ADB. Sa kasalukuyan, may 69 na miyembro na ito, 49 ay mula sa Asya.

Inilarawan ng Pangulo ang ADB bilang “the most important partner” ng Pilipinas sabay sabing “The partnership between the ADB and the Philippines has been tremendous.”

Sa kabilang dako, ang mga proyekto na pinondohan ng Asian Development Bank (ADB) ay bahagi ng inisytaiba ng kasalukuyang administrasyon. Ito ay ang Bataan-Cavite Interlink Bridge Project, Davao Public Transport Modernization Project, Climate Change Action Program, Build Universal Health Care Program, Health System Enhancement to Address and Limit COVID-19 (HEAL) Project, Competitive and Inclusive Agriculture Development Program, at ang Walang Gutom 2027: Food Stamp Program.

“I mean the development that we have achieved that being assisted by the ADB, which is the most important partner that we have had in the Philippines,” ang sinabi ng Pangulo sa bagong halal na pangulo ng ADB President.

 

 

Samantala, umupo naman si Kanda bilang halal na pangulo ng ADB noong Pebrero 24, 2025, para kumpletuhin ang natitirang termino ng ‘immediate past’ President Masatsugu Asakawa, kung saan ang termino ay mapapaso’ sa November 23, 2026.

“And yet, we find that in the last years, recent years, that has even increased. And so, I think, it is very encouraging, very promising,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)

Kidnappers ng estudyante, dating sangkot sa POGO -Remulla

Posted on: March 1st, 2025 by Peoples Balita No Comments

SINABI ni Interior Secretary Jonvic Remulla na ang sindikatong sangkot at nasa likod ng kidnapping sa isang international student sa Taguig City ay kabilang sa operasyon ng dating Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

 

 

”We are definite na ang sindikato na nasa likod ng kidnapping ay former operators ng POGO rin. We are definite na ang perpetrators ay ginamit ang kanilang former bodyguards na AWOL na ngayon sa serbisyo ng AFP at PNP,” ang sinabi ni Remulla sa press briefing sa Malakanyang.

Sa ulat, nailigtas ng mga awtoridad sa Parañaque City ang isang 14-anyos na Chinese student na dinukot dahil sa kaniyang posibleng kaugnayan sa POGO.

Sinabing sinagip ng mga tauhan ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group ang binatilyong Chinese na nag-aaral sa isang exclusive school.

 

 

Pebrero 20 nang dukutin siya paglabas ng kaniyang paaralan sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Martes ng gabi nang masagip ang estudyante sa Parañaque.

Sinabi Remulla na ang kidnapping incident ay POGO-related.

”Ito ay resulta ng POGO. We suspect na ang biktima ay galing sa pamilya na nag-ooperate ng POGO dati,” ang winika pa rin ni Remulla.

 

 

Tinuran ni Remulla na ang mga perpetrator ng krimen ay nananatili pa rin sa bansa.

”We will make sure that they will be neutralized at the soonest possible time,” ang tinuran pa rin ni Remulla.

Samantala, sinabi ni Remulla na natagpuang patay ang driver ng bata sa ibang sasakyan.

May ilang piraso rin ng ebidensiya ang na-recover sa sasakyan.

 

 

At nang tanungin kung ano ang motibo ng kidnapping, sinabi ni Remulla na ang lahat ng ito ay tungkol sa pera.

Patuloy naman ang ginagawang manhunt operations ng mga awtoridad para sa mga salarin ng krimen. (Daris Jose)

DA, hinikayat ang lokal na tomato farmers na makipag-ugnayan para sa ‘direct market linkage’

Posted on: March 1st, 2025 by Peoples Balita No Comments

HINIKAYAT ng Department of Agriculture (DA) ang lokal na tomato farmers na makipag-ugnayan para sa direct market linkages sa gitna ng harvest season.

Ito’y matapos na ang farmgate price ng kamatis ay napaulat na bumaba sa P4 per kilogram hanggang P5/kg sa ilang lugar.

Sinabi ni DA spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa na maaaring magbigay ang DA sa lokal na magsasaka ng market access sa makatwiran na presyo ng pagbili.

 

 

“Tutulungan namin sila kung saan pwedeng i-market sa malapit na palengke o sa ating Kadiwa sa mga regions,” ayon kay de Mesa.

Winika pa ni De Mesa na maaaring humingi ng tulong ang mga magsasaka mula sa municipal agriculturists o DA regional field offices.

Nanawagan naman ito sa mga mangangalakal na iwasan na magsamantala o mag-agrabyado ng mga lokal na magsasaka.

 

 

Sa kabilang dako, binigyang diin ni De Mesa ang pangangailangan para sa cold storage facilities para tugunan ang pabagu-bagong farmgate at retail prices ikonsidera rito ang ‘seasonality’ ng agricultural commodities gaya ng kamatis at sibuyas. (Daris Jose)

Senior Citizen, tinangay ang E-bike, sinaksak pa

Posted on: March 1st, 2025 by Peoples Balita No Comments

SUGATAN ang isang senior citizen matapos saksakin siya ng suspek nang tumangi itong ibigay ang kanyang minamanehong E bike sa Kawit, Cavite Martes ng gabi.

 

Kinilala ang biktima na si alyas Vicente, may-asawa ng Pinagkaisa Village, Brgy. Toclong, Kawit, Cavite habang naaresto naman ang suspek na si alyas Alfred, 25, binata ng 365 Brgy. Alapan I-B, Imus City, Cavite.

 

Sa ulat, minamaneho ng biktima ang kanyang E-bike habang binabagtas ang kahabaan sa Pinagkaisa Village , Brgey Toclong , Kawit , Cavite bandang alas-11:30 kamakalawa ng gabi  pero pagsapit sa gate ng Village ay biglang isinarado ng suspek ang gate at pinuntahan siya ng suspek at puwersahang kinukuha ang susi ng E-bike ng matanda.

 

Pumalag ang biktima kaya sinaksak siya ng suspek saka tinangay ang kanyang E- bike patungo sa direksiyon ng Alapan main road.

 

Nag-report ang biktima kung saan sa isinagawang follow up operation  ay naaresto ang suspek matapos namataan sa tulay ng Balimbing, Brgy Medecion 1B, Imus City, Cavite. (Gene Adsuara)