• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 2:14 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2025

POGO ban, gawing permanente sa pamamagitan ng absolute pogo ban law, PAGCOR charter overhaul

Posted on: February 24th, 2025 by Peoples Balita No Comments

MATAPOS ipagbawal ni Pangulong Marcos ang POGO sa buong bansa ay hindi umano kumpleto ito dahil lumipat at nagkalat sila sa mga probinsiya o kaya ay naging mas maliit na operasyon o nagpalit ng taktika.

 

Ayon kay Bohol Rep. Kristine Alexie Tutor, ang kailangan ngayon ay isang batas na permanente at magpapalawig pa sa pagbabawal o ban ng POGO, pag-overhaul sa PAGCOR Charter, at pagpapatupad ng mas mahigpit na batas sa pagbibigay ng LGU permits.

 

Sinabi nito na ang inisyung Executive Order No. 74, series of 2024, ng pangulo ay madaling mabawi ng ibang pangulo kaya kailangan na magkaroon ng batas para sa absolute at permanent ban sa POGO.

 

Ang panukala para sa POGO ban ay nakapaloobsa HB 10987 habang ang panukala para sa pagbasura at pagpalit sa PAGCOR Charter ay nakapaloob naman sa HB 3559. (Vina de Guzman)

OFW, hinampas ng alon, nalunod, patay

Posted on: February 24th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NABAHIRAN ng lungkot ang masayang outing ng mga magkakaibigan nang nalunod ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa isang resort sa Calatagan, Batangas Linggo ng hapon.

 

Isinugod pa sa Calatagan Medicare Hospital ang biktimang si Diosdado Plonera Catanay, 43 binata ng Brgy Pantalan, Nasugbu Batangas subait idineklarang dead on arrival.

 

Sa ulat, nagkayayaan ang mga magkakaibigan kabilang ang biktima na magtungo sa PASSY Beach Resort na matatagpuan sa Brgy Bagong Silang, Calatagan, Batangas.

 

Habang naliligo sa mababaw na tubig sa harapan ng resort nang tangayin sila nang malakas na alon at dalhin sa malalim na bahagi ng dagat na nagresulta sa pagkakalunod ng biktima bandang alas-2:30 kamakalawa ng hapon.

 

Humingi ng saklolo sa lifeguard ng resort kung saan naiahon ang biktima at agad na dinala sas ospital subalit wala ng buhay bago pa man idating. (Gene Adsuara)

Makabayan Bloc nanawagan sa Pangulo para magpatawag ng special session para sa impeachment trial

Posted on: February 24th, 2025 by Peoples Balita No Comments

HINIKAYAT ng Makabayan bloc si Presidente Bongbong Marcos na agad magpatawag ng special session ang Kongreso para sa senado na mag-convene bilang impeachment court para sa pagdinig ng reklamo laban kay Vice President Sara Duterte.

 

“Kung talagang bukas ang Pangulo sa special session, dapat ay tahasang gawin na niya ito. Hindi na dapat maghintay pa ng kahilingan mula sa Senate President o House Speaker. The people demand accountability now,” ayon kina ACT Teachers Rep. France Castro, Gabriela Party Rep. Arlene Brosas at Kabataan Rep. Raoul Manuel.

 

Sinabi ng mga mambabatas na ang mga ginagawang legal maneuvers ng kampo ni Duterte para mabinbin at madiskaril ang impeachment process ang dahilan upang mas maging agaran ang panawagan.

 

“We cannot allow narrow political interests and electoral considerations to obstruct justice and constitutional processes. Nakakabahala ang patuloy na pagpapaliban sa impeachment trial. Ang bawat araw na dumadaan ay isang araw na pinapatagal ang hustisya para sa mamamayan,” giit pa ng mga ito.

 

Idinagdag pa ng mga mambabatas na hindi maaaring patuloy na gawing hostage ng mga pulitikong may makitid umanong interes ang impeachment process.

 

“Kailangang magkaisa at kumilos ang mamamayan upang isulong ang tunay na pagbabago at pananagutan,” pahayag pa. (Vina de Guzman)

Kumakalat na Corona Virus sa SocMed, fake news

Posted on: February 24th, 2025 by Peoples Balita No Comments

FALSE ALARM ang  kumakalat ngayon sa social media na bagong umuusbong na virus na mula na naman sa China.

 

Kasabay nito, mariing pinabulaanan ng Department of Health (DOH)  ang HKU5-Cov-2  na bagong corona virus variant .

 

Ito ay isang uri ng false alarm ayon sa DOH na layon lamang na makalikha ng takot o pangamba sa publiko.

 

Ayon sa DOH, walang notipikasyon mula sa World Health Organization (WHO) tungkol sa nasabing bagong virus.

 

Giit ng ahensya, bumabatay lamang sila sa datos ibinibigay ng WHO.

 

Dagdag pa ng DOH,  kailangan suriing mabuti ang mga impormasyon na nakikita sa mga social media site.(Gene Adsuara)

Holdaper na wanted sa Valenzuela, natunton sa Antipolo

Posted on: February 24th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NATUNTON ng tumutugis na mga tauhan ng Valenzuela City police sa Antipolo City Jail ang kilabot na holdaper na kabilang sa “Most Wanted Person” ng Northern Police District (NPD), Sabado ng hapon.

Ani Valenzuela Police Chief P/Col. Nixon Cayaban, nakatanggap sila ng impormasyon na naaresto ng Antipolo Police ang 44-anyos na si alyas “ Mando” dahil din sa mga kasong panghoholdap kaya inatasan niya ang kanyang mga tauhan na puntahan ang akusado upang kilalanin at doon isilbi ang warrant of arrest na inilabas ng hukuman laban sa kanya.

Dakong alas-5:30 ng hapon nang maisilbi ng Warrant and Subpoena Section ng Valenzuela police sa pangunguna ni P/Lt. Jaime Abarrientos sa pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Antipolo City ang warrant of arrest na inilabas ni Valenzuela Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Emma C. Mattamu ng Branch 269 laban sa akusado  na residente ng Dulong Tangke St. Brgy. Malina para sa kasong robbery na may kaukulang piyansang P24,000.

Ayon kay Col. Cayaban, mananatili pa rin sa Antipolo City Jail ang akusado habang ipino-proseso ang pagsasauli ng warrant of arrest sa Valenzuela RTC matapos itong maisilbi sa kanya.

Pinapurihan naman ni NPD Acting District Director P/Col. Josefino Ligan ang Valenzuela Police Station sa kanilang masigasig na pagtugis sa mga wanted na kriminal na naghahasik ng kilabot sa tahimik na pamumuhay ng mamamayan ng lungsod. (Richard Mesa)

2 nasita sa pagyoyosi sa Caloocan, laglag sa P100K droga

Posted on: February 24th, 2025 by Peoples Balita No Comments

SA halip na titiketan lang, sa kulungan binitbit ng pulisya ang dalawang durugista nang mabisto ang dala nilang mahigit P100k halaga ng shabu sa Caloocan City, Linggo ng madaling araw.

Sa report ng Tuna Police Sub-Station (SS1) kay Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals, habang nagsasagawa ng anti-criminality operation sa Kawal St., Brgy., 28, nang maaktuhan nila ang dalawang lalaki na nagyoyosi sa pampublikong lugar dakong alas-3:00 ng madaling araw.

Nang lapitan nila para isyuhan ng Ordinance Violation Receipt (OVR), pumalag ang mga suspek at kumaripas ng takbo para tumakas kaya hinabol sila ng mga pulis hanggang sa magawang makorner at maaresto.

Nang kapkapan ang 27-anyos na mason at 32-anyos na electrician na kapwa residente ng lungsod, nakuha sa kanila ang tig-isang plastic sachets na naglalaman ng 15 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P102,000.

Kasong paglabag sa Article 151 of the Revised Penal Code (Resistance and Disobedience to a Person in Authority), at RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) isinampa ng mga tauhan ni Col. Canals laban sa mga suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

Binati ni PCOL Josefino Ligan, Acting District Director ng NPD, ang Caloocan police sa kanilang mabilis at estratehikong pagsasagawa ng operasyon.

Aniya, ang NPD ay nanatiling nakatuon sa misyon nito na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa pamamagitan ng pagpapaigting ng mga operasyon laban sa droga at pagpapalakas ng ugnayan sa komunidad. (Richard Mesa)

Nationwide Simultaneous Linis BEAT dengue campaign

Posted on: February 24th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAKIISA si Mayor Jeannie Sandoval, kasama ang mga volunteer ng Philippine Red Cross (PRC) Malabon Chapter sa pangunguna ni Chairman Ricky Sandoval sa isinagawang Nationwide Simultaneous Linis BEAT dengue campaign ng PRC para tanggalin ang mga basura sa creek sa Barangay Longos, Malabon City at sa iba pang mga lugar na posibleng pag-iitlogan ng mga lamok na nagdadala ng nakakamatay na sakit na dengue. (Richard Mesa)

DA, aprubado ang 25,000 MT ng fish, seafood imports

Posted on: February 24th, 2025 by Peoples Balita No Comments

PINAHINTULUTAN ng Department of Agriculture (DA) ang importasyon ng 25,000 metric tons (MT) ng iba’t ibang frozen fish at seafood sa susunod na tatlong buwan upang maiwasan ang anumang potensiyal na pagsirit ng presyo lalo na sa food service industry.

 

 

Sa katunayan, nilagdaan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang Memorandum Order No. 12 binalangkas ang guidelines para sa pag-aangkat ng 40 na isda at fishery o aquatic products mula March 1 hanggang May 30, 2025.

“This will also add variety in the market, especially for food service industry, since fish and marine species covered by this importation are mostly fish and marine products not caught locally,” ang sinabi ni Tiu Laurel sa isang kalatas, isang araw matapos ang paglagda sa memo.

 

 

“This should not affect local fishermen and should help in the ease of doing business,” ayon pa rin kay Tiu Laurel na hindi na nagbigay pa ng ibang detalye.

Kabilang naman sa food service industry ay ang restaurants, bars, fast food outlets, caterers at iba pang nagbebenta o nagsisilbi ng pagkain o inumin sa pangkalahatang publiko.

Ang ‘mga isda at seafood’ na saklaw ng DA memo ay ang Alaskan pollock, barramundi, bluefin tuna, capelin, Chilean Seabass, clams, cobia, cod/black cod, croaker, eel, emperor, fish meat, flounder, gindara, grouper, hake, halibut, hamachi, hoki at lobster.

Kabilang din ang marlin, moonfish, mussels (black, green-lipped, blue), mullet, octopus, oilfish, oyster, pangasius, red snapper, salmon, sardines, scallops, sea bream, silverfish/silver sillago, smelt, soft at hardshell crabs, squid, swordfish, tuna by-products at yellowtail sole.

Maglaaan ang ahensiya ng paunang 28 MT sa bawat each accredited o registered importer, habang ang natitirang dami ay ipamamahagi sa kuwalipikadong qualified importers sa first-come, first-served basis.

 

 

“The allocation for subsequent importations shall be based on the actual number of qualified importers who complied within the seven working days period,” ang nakasaad sa DA.

Hindi na tinukoy ng memo ang mga hakbang at kaparusahan upang matiyak na ang mga inangkat na marine products ay hindi makikipag-paligsahan sa local seafood industry, partikular na sa mga isda na ordinaryong natatagpuuan sa mga wet market.

 

 

Ang lahat ng sanitary and phytosanitary import clearances (SPSICs) na ipalalabas sa ilalim ng kautusan ay dapat na balido para sa 45 na araw mula sa issuance date.

Ang anumang hindi nagamit na SPSICs ay awtomatikong ituturing na kanselado at isinuko sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Ang mga imported fish o seafood ay dapat na nakalagay sa BFAR-accredited cold storage facilities.

 

 

Ito ay bukas sa mga importers na accredited para sa hindi bababa sa isang taon bago pa ipalabas ang kautusan at iyong nagpartisipa s mga naunang importasyon.

“Those with pending cases or under investigation for violating food safety or importation rules, incomplete documentary requirements or without Bureau of Customs accreditation at the start of the importation period are excluded,” ayon sa kautusan.

Sinabi naman ng DA, na ang policymaking body sa fisheries sector na nagtakda ang National Fisheries and Aquatic Resources Management Council ng import ceiling nito lamang huling bahagi ng nakaraang taon, naglalayon na tugunan ang inflation concerns at paghusayin ang alokasyon ng import volume para sa institutional buyers at wet markets. (Daris Jose)

DOH, Quezon City LGU sanib puwersa sa ayuda sa kalusugan ng mga residente

Posted on: February 24th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAGTULUNGAN ang ­Quezon City LGU at Department of Health (DOH) sa pagkakaloob ng libreng health at wellness assessment services para sa mga residente ng Barangay Loyola Heights sa pamamagitan ng programang PuroKalusugan bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Heart Month at National Cancer Awareness Month ngayong Pebrero.

Sa ilalim ng PuroKalusugan tinitiyak nitong ang bawat residente ay makakatanggap ng mahusay na healthcare services na kanilang kailangan.

Nakapaloob sa  Health risk assessments ang blood pressure (BP) monitoring, body mass index (BMI) calculation, fasting blood sugar (FBS) testing, cholesterol scree­ning, at persona­lized health check-ups na pangangasiwaan ng mga healthcare professionals.

Samantalang,libre ring ipinagkaloob ang  maternal health, early cancer screening  upang mai-promote ang isang komprehensibong approach para mapangalagaan ang kalusugan ng mamamayan.

“A healthier city starts with residents that are aware, educated, and have access to essential health services. Through programs like PuroKalusugan and our calorie labeling ordinance, we are empowering our citizens to make informed food choices that support a healthier lifestyle and their long-term well-being”sabi naman ni Mayor Joy Belmonte.

High-capacity mass transit, susi para resolbahin ang matinding daloy ng trapiko- Dizon

Posted on: February 24th, 2025 by Peoples Balita No Comments

KUMBINSIDO si Transportation Secretary Vivencio “Vince” Dizon na ang prayoridad ng pamahalaan na i-develop ang high-capacity mass transit systems—gaya ng Metro Manila Subway ay North-South Commuter Railway—ay solusyon para sa traffic congestion sa Kalakhang Maynila at kalapit lalawigan.

 

 

“The ultimate solution to traffic is really mass transit… high-capacity mass transit,” ayon kay Dizon sabay sabing “[Pag may] high capacity [mass transit], hindi na kailangan mag kotse. Kasi ang kotse, dalawa lang o apat ang kasya. [Kapag] high capacity, daan-daan ang kasya doon.”

Ibinahagi naman ni Dizon ang naging kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bilisan ang infrastructure projects gaya ng Metro Manila Subway.

 

 

“I spoke at length with the President about this, and the first thing he said, all these [high-capacity mass transit] projects have to be fast-tracked. Ang sinabi niya, unang-una, the ongoing [construction of the] Metro Manila Subway, kailangan bilisan. That is a game changer for all of us,” aniya pa rin.

Umaasa naman si Dizon para sa isang world-class subway system sa bansa.

“Ako talaga, [ang] wish ko lang [eh] na tayong lahat dito sa kwartong to at mga kababayan natin, in our lifetime, ma-experience natin may subway tayo sa Pilipinas na maayos, world class, like those in Tokyo, Hong Kong, Singapore. Iyon ang unang unang priority ng Presidente, kailangan bilisan ‘yan. Pangalawa, iyong North-South Commuter Railway,” ang sinabi ni Dizon.

Ikinalungkot naman ni Dizon ang pagkaantala ng infrastructure development sa bansa sa kabila ng pagiging una sa Asia na nakapagtayo ng light rapid transit system kasama ang Light Rail Transit (LRT) 1.

“It is very depressing na tayong unang-unang nagkaroon ng rail [system] sa Asia tapos ngayon, nagkukumahog tayo rito,” aniya pa rin.

 

 

Binigyang diin nito na madaliin ang pagkompleto sa subway, sabay sabing “[Kaya] itong subway, kailangan matapos nang mabilis. ‘Yun ang critical dyan. Pero, kung ang subway natin will take 15 years, eh, matagal naman masyado yun. [Dapat] bilisan natin.”

Binigyang diin naman ni Dizon ang epekto ng proyekto para pagaanin ang trapiko sa Metro Manila at mabawasan ang paghihirap ng araw-araw na pag-commute para sa mga mangggawa na bumi-biyahe mula sa mga kalapit-lalawigan.

 

 

“If we have the connectivity, if you live in Bulacan or Pampanga, you won’t even need to rent an apartment in Metro Manila because your travel time will just be at one hour for one way,” ang paliwanag ni Dizon.

Maliban sa mass transit, nais din aniya ng Pangulo na ayusin ang regional airports para palakasin ang turismo.

“Our regional airports… we need them to be well maintained, especially in tourist attractions like Siargao, Palawan. That is very important,” aniya pa rin.

Pag-alis ng Pilipinas sa FATF dirty money ‘grey list,’ pagkumpirma sa  global trust sa ekonomiya ng bansa.

Kasabay nito, pinapurihan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa tagumpay ni Presidente Bongbong Marcos na maalis ang Pilipinas mula sa  Paris-based Financial Action Task Force (FATF) dirty money grey list.

Ayon sa speaker, maganda rin ang epekto nito sa  overseas Filipino workers (OFWs) sa pamamagitan ng maayos, mabilis at episyenteng  remittance ng kanilang pera sa mababang fees

“By restoring our standing in the global financial community, we are removing burdensome restrictions, reducing transaction costs, and allowing financial flows to move more efficiently. This is particularly good news for our OFWs, whose hard-earned remittances will now be processed faster and with lower fees,” ani Romualdez.

Naisama ang Pilipinas sa FATF grey list noong June 2021 o sa panahon ng dating administrasyon.

“We in the House worked closely with the Executive Branch, the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), the Anti-Money Laundering Council (AMLC), and other key institutions to pass and implement crucial financial measures that paved the way for this success,” pahayag ni Romualdez. (Vina de Guzman)