• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 4:52 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2025

Kabilang ang kooperasyon hinggil sa pangingisda… Pilipinas at Palau, lumagda ng 3 MOU

Posted on: February 26th, 2025 by Peoples Balita No Comments

TATLONG  MOU ang pinirmahan ng Pilipinas at Palau kasabay ng Official visit sa bansa ni Palau President Surangel Whipps Jr.

Kabilang sa nilagdaang Memorandum of Understanding ay ang tungkol sa fishing cooperation na dito ay itataguyod ang kasunduan hinggil sa pagpapanatili ng pangangalaga sa yamang-dagat gayundin sa mga proyekto at pananaliksik patungkol sa pangisdaan kasama na ang may kinalaman SA pagpigil sa illegal, unreported at regulated fishing.

Kasama din sa nalagdaan ay ang Diplomatic Note para sa study visit o pagbibigay ng technical support sa mga opisyales ng Palau officials at stakeholders na may kinalaman sa gagawing pagbabahagi ng Pilipinas ng best practices ng bansa sa usapin ng pangisdaan.

Kabilang din sa nalagdaang MOU ang Memorandum of Understanding on Policy Consultations.

Ito ay ang MOU na nagtatakda ng isang mekanismo para sa mga kagawaran ng ugnayang panlabas ng Pilipinas at Palau para magpalitan ng pananaw tungkol sa bilateral at regional cooperation. (Daris Jose)

Ads February 26, 2025

Posted on: February 26th, 2025 by Peoples Balita No Comments

Gilas Pilipinas nakakatutok na sa paglahok nito sa FIBA Asia Cup

Posted on: February 25th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAKATUON na ngayon ang atensyon ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone sa FIBA Asia Cup sa buwan na Agosto na magaganap sa Saudi Arabia.

Kasunod ito sa pagkatalo nila sa New Zealand para sa last window ng FIBA Asia Cup Qualifiers sa score na 87-70.

Kahit na nabigo ay nasa pangalawang puwesto sila sa Group B na mayroong apat na panalo at dalawang talo.

Umabot pa sa 28 points ang lamang ng New Zealand hanggang sa napababa nila ito sa 11 points.

Inamin Cone na nabantayan ng Tall Blacks si Justin Brownlee at naging malaking susi rin ang kawalan ng Kai Sotto dahil sa injury.

Giit ni Cone na marami silang mga natutunan sa magkasunod na talo nila sa Chinese Taipei at New Zealand kung saan gagawa sila ng mga adjustments.

17-anyos Russian tennis player Mirra Andreeva nagtala ng record sa tennis

Posted on: February 25th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAGTALA sa kasaysayan ng tennis si rising star Mirra Andreeva.

Siya lang kasi ang pinakabatang manalalro na nagwagi ng WTA 1000 title.

Nakamit ng 17-anyos na Russian player ang titulo matapos na talunin si Clara Tauson sa Dubai Duty Free Tennis Championships.

Nagtapos ang laro ng isang oras at 46 minuto at nakakuha siya ng 7-6(1), 6-1 na panalo sa final.

Sa edad nitong 17 anyos at 299 days old ay umakyat ito sa top 10 ang world ranking.

Pinasalamatan nito ang kanyang pamilya at koponan matapos an makuha ang tagumpay.

Mahigit 70 unibersidad, eskwelahan, nagkansela ng pasok bilang pakikiisa sa 1986 EDSA People Power Revolution

Posted on: February 25th, 2025 by Peoples Balita No Comments

LALO pang dumami ang bilang ng mga eskwelahan na nagkansela ng klase bilang pakikibahagi sa paggunita sa ika-39 na anibersaryo ng 1986 EDSA People Power Revolution.

Ito ay sa kabila ng pagkakadeklara lamang sa naturang araw, Pebrero 25, bilang ‘special working holiday’.

Unang nagdeklara ang tatlong unibersidad nitong nakalipas na lingo ng class suspension – De La Salle University, University of Santo Tomas at University of the Philippines.

Mahigit 70 unibersidad, kolehiyo, at mga high school na ang sumunod at nagdesisyon kakanselahin ang klase upang bigyang-daan ang paggunita sa mahalagang araw.

Ang mga naturang eskwelahan ay mula sa Manila, Quezon City, Mandaluyong City, Marikina City, Parañaque City, Las Piñas, at Makati City dito sa National Capital Region.

Ilang mga unibersidad, college, high school, at elementary school mula sa ibang mga probinsya at syudad sa labas ng Metro Manila ang sunod-sunod ding nagdeklara ng class suspension.

Kinabibilangan ito ng Cebu City, Baguio City, Pampanga, Batangas City, Lucena City, Lucena City, Puerto Princesa, Negros Occidental, Tacloban, Butuan City, Tarlac City, Alitagtag, Antipolo City, Tagbilaran City, Baggao, Cagayan, Davao Oriental, Pasig City, Cauayan City at Cavite.

Samantala, maliban sa class suspension sa Capas, Tarlac, sinuspinde rin ang pasok sa mga government office sa naturang lugar. (Daris Jose)

Panibagong budol kung ituring ng Malakanyang… Tirada ni Digong laban kay PBBM, ‘baseless, ridiculous’- Bersamin

Posted on: February 25th, 2025 by Peoples Balita No Comments

PANIBAGONG ‘BUDOL’ o panlilinlang kung ituring ng Malakanyang ang pinakabagong akusasyon ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

Para kay Chief Executive Lucas Bersamin, isang “tall tale” mula sa “tyrant who did not respect the rights of the people” ang sinabi ni Digong Duterte na hindi umano niya nakikita na bababa sa kanyang posisyon si Pangulong Marcos kapag natapos na ang kaniyang termino bilang Pangulo sa 2028 na siyang hinalintulad ng dating Pangulo sa naging panahon ni Marcos Sr. sa ilalim ng martial law.

 

 

Gaya umano ng kaniyang ama, magpapatupad din aniya ng Martial Law si PBBM at malalagay muli sa sigalot ang bansa dahil ipagbabawal umano sa ilalim nito ang eleksyon.

Dahil dito, giit ni Bersamin, ang mga sinabi ni Digong Duterte ay lumutang mula sa “a one-man fake-news factory.”

“We treat the former president’s baseless and ridiculous statements in the same way that Filipinos are dismissive of them: a tall tale from a man prone to lying and to inventing hoaxes,” ayon kay Bersamin.

 

 

“It is the leader of that troubled past who is depicting us as veering toward a system where anyone can be deprived of life, liberty, and property without due process of law, as many had been on his mere say-so as a tyrant who did not respect the rights of the people,” aniya pa rin.

Sa ulat, ang pasaring ni Digong Duterte ay ‘veering towards a dictatorship’ ang administrasyon ni Pangulong Marcos sa naging mga paunang pahayag nito sa naging Cebu Indignation Rally noong nakaraang Sabado.

 

Pinakiusapan din ng dating opisyal ang mga kapulisan na gumawa umano ang mga ito ng mga moral na desisyon at huwag lamang basta sumunod. Magbigay din umano ng atensyon ang mga ito at alamin palagi kung ano ang tama at mali.

Samantala, ang naging people’s rally sa Cebu ay hindi lamang bahagi ng pangangampaniya ng partido ni Duterte ngunit tumataliwas din sa impeachment ni Vice President Sara Duterte. (Daris Jose)

Ads February 25, 2025

Posted on: February 25th, 2025 by Peoples Balita No Comments

ANG BUMBERO NG PILIPINAS PARTY LIST, UMARIBA NA

Posted on: February 24th, 2025 by Peoples Balita No Comments
UMANGAT na sa  ikalabing- apat na pwesto ang ‘Ang Bumbero ng Pilipinas  (ABP) Party List  batay sa isinagawang survey ng isang market research company  para sa 2025-Pre Election Preferential Survey.
Ayon sa resulta ng survey na  isinagawa ng Tangere mula Pebrero 11 -14, nakakuha ng 1.68 percent ang  Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Partylist na nilahukan ng may 2,400 mobile based repondents na may 196 porsyentong margin of error at 95 porsyentong confidence  level gamit ang Stratified Sampling  Quote.
Prayoridad ng ABP party list  na mabigyan ng Boses sa Kongreso ang  mga bumbero, fire rescuers at volunteers na handang  isakripisyo  at isuong ang kanilang buhay hindi lamang sa panahon ng sunog kundi maging sa pagtataguyod sa kapakanan ng mga mamamayan  na lubos na  naapektuhan ng iba’t ibang kalamidad  na  mabigyan ang mga ito ng pinansyal at at medical assistance sa abot ng kanilang makakaya.
Ninanais din ng ABP party list  na magkaroon   ang mga bumbero ng mga benepisyo, insurance at medical assistance sa panahon ng kanilang pagresponde gayundin ang pagbibigay ng dagdag na  kaalaman at kasanayan para sa mas epektibong  emergency response hindi lamang para sa kanila kundi maging sa mga barangay upang mas higit na  maging handa sila sa panahon ng sunog at iba pang kalamidad.
Hangarin din ng grupo na makapagbigay ng  mga fire trucks at emergency services  upang matiyak na may sapat na transportasyon sa  pag responde lalo na sa mga liblib na lugar.
Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP)  party list  na kumakatawan sa mga bumbero, fire volunteers at rescuers ay pinangungunahan  ni  first nominee Jose Antonio
” Ka Pep’ Goitia” kasama sina  Lenin Bacud, Catleya Cher Goitia, Jose Mari Antonio Goitia, Carl Gene Moreno Plantado at Howie Quimzon Manga. (Gene Adsuara)

Gilas coach Tim Cone inako ang buong pagkatalo nila sa Chinese Taipei

Posted on: February 24th, 2025 by Peoples Balita No Comments

INAKO  na ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone ang nakakabiglang pagkatalo nila sa Chinese Taipei sa last window ng FIBA Asia Cup Qualifiers.

Sinabi nito na dapat ay talagang pinaghandaan nilang mabuti ang nasabing laro.

Ito ang unang pagkatalo ng Gilas Pilipinas sa Chinese Taipei mula noong 2013.

Giit nito na maraming mga pagkakamaling nagawa ang Gilas at walang dapat na sisihin sa pagkatalo nila kung hindi ang coach.

Magugunitang tinalo ng Chinese Taipei ang Gilas Pilipinas 91-84 sa kanilang paghaharap nitong gabi ng Huwebes.

Ilan sa mga maituturing na susi ng panalo ng Chinese Taipei ay ang dalawang naturalized player nila na sina Mohammad Al Bachir Gadiaga at Brandon Gilbeck .

Mayroon ng apat na panalo at isang talo ang Gilas sa Group B kung saan makakaharap nila ang New Zealand sa araw ng Linggo at ang mananalo dito ay tatanghaling group winners.

Gilas Pilipinas, pinataob ng New Zealand sa pagtatapos ng FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers

Posted on: February 24th, 2025 by Peoples Balita No Comments

BUMAWI ang New Zealand laban sa Gilas Pilipinas matapos magpakita ng napakagandang laro at tinalo ang Pilipinas sa 87-70, kaya’t pasok na ang team sa Group B para sa pagtatapos ng kanilang laban sa 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers nitong Linggo na ginanap sa Spark Arena, New Zealand.

Maaalalang nakapagtala ang Tall Blacks nang kanilang kauna-unahang pagkatalo laban sa Pilipinas sa FIBA noong Nobyembre 2024, sumablit pursigido ito mula sa umpisa at hindi na nagpatalo pa at nakakuha ng 5-1 na record.

Sa kabilang banda, nagtapos ang Gilas Pilipinas ng magkasunod na pagkatalo, 4-2, ngunit tiyak na makakapasok sa tournament proper sa Agosto sa Jeddah, Saudi Arabia.

Umarangkada ang New Zealand, kung saan sumaluksok ang mga malalayong tira nina Toho Smith-Milner at Jordan Ngatai, na nakapag ambag ng anim na three-pointers sa unang kwarter pa lang ng laro. Sa pagtatapos ng unang quarter, lamang na ang Tall Blacks, 30-15.

Hindi naman nagpabangko ang Gilas na pinangunahan nina Calvin Oftana at Carl Tamayo, na nagpaiksi ng lamang sa sa kalaban ng walong puntos, 37-29. Subalit, mabilis na nakabawi ang New Zealand sa pamamagitan ng isang 16-4 run, at nagtapos ang unang quarter na may malaking lamang, 53-33, matapos makapagtala ng tatlong sunod na three-pointers ang Tall Blacks.

Bagamat sinikap ng Gilas na makaambag sa second quarter, hindi nila nakayanang habulin pa ang malupit na opensa ng New Zealand.