• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 10:00 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2025

Plataporma at hindi paninira, hamon ng mambabatas sa mga nangungulelat sa senatorial candidates

Posted on: February 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

PLATAPORMA at hindi paninira, ito ang hamon ni House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V (La Union) sa mga ‘nangungulelat’ na senatorial candidates na gumagamit sa mga kontrobersiya at pag-atake sa administrasyong Marcos para makakuha ng media mileage.

 

“Plataporma kaya ilatag nila at hindi paninira? Tingnan natin baka umangat ng konti sa survey mas maganda. Kasi ang tao naghahanap ng resulta ‘yan, naghahanap ng magandang plataporma yan. Yung iba, yung mga pambibira sa Presidente, sa House of Representatives, sila yung mga number 50, number 40. Kumbaga sinasakyan nila ‘yung kasikatan ng Presidente saka ng nagagawa niya,” ani Ortega.

 

Giit nito, ang pagiging lider ay ukol sa pagbibigay ng solusyon at hindi pag-iingay lamang kapat nalalapit na ang eleksyon.

 

“Parang wala lang, sumasakay sila, naninira sila, hindi naman sila umaangat sa survey. Feeling ko nga pag tumakbo ako baka mas mataas pa ako sa kanila. Feeling ko mas sıkat ako ng konti sa kanila,” dagdag nito.

 

Inakusahan pa nito ang ilang kandidato a gumagamit ng smear tactics a alip na magpresenta ng kongkretong programa na mabebenipisyuhan ang sambayanan.

 

“Sasakyan natin ito para sumikat tayo. Ang problema, puro paninira,” aniya. (Vina de Guzman)

Mga kandidatong may asosasyon sa POGO, huwag iboto

Posted on: February 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

HINIKAYAT ni House Assistant Majority Leader Ernix Dionisio Jr. ng Manila ang mga botante na huwag iboto ang mga kandidato sa halalan sa Mayo na may kaugnayan sa ipinagbawal na Philippine offshore gambling operators (POGOs).

 

“Ang problema natin naman ngayon na hinaharap natin, same individuals involved in illegal gambling in POGOs. They’re trying to get in government. If you would see, ang daming tumatakbo. Gusto makapasok sa pamahalaan para proteksyunan na naman ‘yung mga illegal na gawain nila,” ani Dionisio.

 

Kung kaya pinapurihan at pinasalamatan nito si Pangulong Marcos sa ginawa nitong pagba-banned sa POGO ngunit dapat aniyang tulungan ng mga botante ang presidente na huwag hayaang mapasok sa pamahalaan ang mga ito.

 

Naniniwala ang mambabatas na ang naging desisyon ni Marcos na i-ban ang POGO ang isa sa dahilan kung bakit natanggal ang bansa sa money laundering watchlist ng Financial Action Task Force (FATF). (Vina de Guzman)

Ginang na wanted sa droga sa Caloocan, tiklo

Posted on: February 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

LAGLAG sa selda ang isang top most wanted drug offender matapos maaresto ng pulisya sa manhunt operation sa Caloocan City.

Ikinasa ng mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals ang pagtugis sa 46-anyos na ginang na nakatala bilang Top 9 ‘Most Wanted Person’ sa lungsod.

Dakong alas-11:45 ng gabi nang madakip ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Caloocan police ang akusado na residente ng lungsod sa Samson Road, Barangay 80.

Dinakip ang akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa paglabag sa Section 11 ng Article II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na inisyu ni Presiding Judge Rodrigo Flores Pascua Jr., Caloocan City RTC Branch 122.

Ayon kay Col. Canalas, may inirekomendang piyansa ang korte na P200,000 para sa pansamantalang paglaya ng akusado.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa IDMS-WSS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte.

Pinuri ni PCOL Josefino Ligan, Acting District Director ng Northern Police District (NPD) ang Caloocan City Police Station sa kanilang dedikasyon at pangako sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad. (Richard Mesa)

Move it driver, kasabwat laglag sa P680K shabu sa Caloocan

Posted on: February 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NASAMSAM sa isang move it driver na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) at kanyang kasabwat na bebot ang halos P.7 milyong halaga shabu nang maaresto ng pulisya sa buy bust operation sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals ang naarestong mga suspek na sina alyas “John”, 26, at alyas “Claris”, 36, office staff, kapwa residente ng Brgy. Potrero, Malabon City.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Col. Canals na ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Uni (SDEU) ang buy bust operation nang magpositibo ang natanggap nilang impormasyon hinggil sa pagtutulak umano ng droga ni alyas John.

Dakong alas-4:03 ng madaling araw nang arestuhin ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Restie Mables ang mga suspek nang magsabwatan umano na bintahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa Reparo Road, Brgy. 149, Bagong Barrio.

Ayon kay Col. Canals, nakuha sa mga suspek ang nasa 100 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P680,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill at limang P1,000 boodle money, dalawang cellphones, sling bag at P200 cash.

Kasong paglabag sa Sections 5, 11, at 26 sa ilalim ng Article II ng R.A. 9165 “Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002” ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

Pinapurihan ni Col. Ligan, ang Caloocan police sa kanilang walang humpay na pagsisikap at estratehikong pagpapatupad ng operasyon sa paglaban sa iligal na droga.. (Richard Mesa)

3 wanted persons, nadakma sa Valenzuela

Posted on: February 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

TATLONG wanted persons, kabilang ang isang most wanted ang arestado sa magkahiwalay na manhunt operation ng pulisya sa Valenzuela City.

Dakong alas-9:15 ng Martes ng umaga nang dakpin ng mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban si alyas “Robert”, 48, ng Northville 1, Brgy. Bignay sa kahabaan ng Mc-Arthur Hi-way, Karuhatan.

Inaresto siya ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Attempted Homicide na inisyu ng Valenzuela City Regional Trial Court RTC) Branch 172, noong November 26, 2024 na may inirekomendang piyansa na P2,500.00.

Ani Col. Cayaban, alas-4:45 ng Lunes ng hapon nang arestuhin din ng mga tauhan ng WSS sa pangunguna ni P/Lt. Jaime Abarientos Jr si alyas ‘Nato”, 34, ng Brgy. Canumay East na nakapiit sa loob ng Bureau of Jail Management and Penology Valenzuela City Jail sa hindi nabanggit na kaso.

Isinilbi kay alyas Nato na kabilang sa mga MWP sa lungsod ang warrant of arrest para sa kasong Acts Lasciviousness under Art. 336 of the RPC in rel. to sec. 5(b) of R.A. 7610 na inisyu ng Valenzuela City RTC Branch 172, noong February 20, 2025 na may inirekomendang piyansa na P180,000.

Ala-una ng madaling araw nang dakpin din ng mga tauhan ni Lt. Abarientos si alyas “Joseph”, 23, construction worker, sa Serano St. Brgy. Marulas sa bisa ng ng warrant of arrest na inisyu rin ng Valenzuela RTC Branch 172 noong February 20, 2025 para sa paglabag sa Section 5 (a) ng RA 9262 na may inirekomendang piyansa na P2,000.

Binati ni PCOL Josefino Ligan, Acting District Director ng Northern Police District (NPD) ang mga tauhan ni Col. Cayaban sa kanilang dedikasyon at mabilis na aksyon sa pagtataguyod ng batas at kaayusan. (Richard Mesa)

Dallas, dumanas ng 24-point loss sa kamay ng Warriors

Posted on: February 26th, 2025 by Peoples Balita No Comments

TINAMBAKAN ng Golden State Warriors ang Dallas Mavericks ng 24 big points, sa tulong ng 30-point performance ni NBA superstar Stephen Curry.

Hindi pinaporma ng GS ang Dallas kung saan sa unang quarter pa lamang ang nagbuhos na ang koponan ng 33 points kontra sa 18 points ng Mavs.

Lalo pa itong tumaas hanggang sa naabot ang 25-point deficit sa pagtatapos ng 3rd quarter. Dahil dito, pinagpahinga na ng Warriors ang mga superstar nito sa 4th quarter.

Sa loob ng 29 mins na paglalaro ay nagawa ni Curry na magpasok ng 30 points at magbulsa ng pitong assists habang 18 points naman ang ambag ng bagong Warriors forward na si Jimmy Butler.

Gumawa naman ng career-high na 13 rebounds ang sophomore na si Brandin Podziemski, kasama ang 17 points sa loob ng 30 mins na kaniyang paglalaro.

Walang nagawa ang tandem nina Kyrie Irving at Klay Thompson para pigilan ang Warriors na kumamada ng kabuuang 47 shots mula sa 98 na pinakawalan.

Sa depensa ng Warriors, gumawa ito ng sampung steal at walong blocks habang binabantayan ang paint area kung saan kumamada ang koponan ng 60 points sa ilalim nito.

Tanging 46 points ang naibulsa ng Mavs sa ilalim nito.

Kapwa hawak ng koponan ang 27 na pagkatalo ngayong season at nag-aagawan sa ika-walong pwesto sa Western Conference.

Sunod na makakaharap ng Warriors ang Charlotte Hornets habang ang Los Angeles Lakers naman ang makakatapat ng Mavs. Kapwa nakatakda ang mga ito sa Pebrero-26.

Winning streak ni Mark “Machete” Bernaldez, nagtapos na sa kamay ni Cain Sandoval

Posted on: February 26th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAGTAPOS na ang winning streak ni Filipino road warrior Mark “Machete” Bernaldez matapos matalo sa pamamagitan ng fourth-round knockout kay unbeaten American prospect Cain Sandoval noong Sabado, Pebrero 22, sa Chumash Casino sa Santa Ynez, California.

Sa record ni Bernaldez, mayroon itong magkasunod na panalo noong 2022.

Sa laban ni Bernalez nakakuha ito sa umpisa ng magandang galaw ngunit hindi nakayanan ang kamao ni Sandoval na may rekord na 15-0; 13 knockouts, ay nagamit ang momentum at nagbigay ng malupit na body shot na nagpahina kay Bernaldez.

Samantala sa pagsisikap ni Bernaldez na manatiling nakatayo, mabilis na sinundan siya ni Sandoval ng matalim na right overhand, na nagpadapa sa Filipino veteran. Sinubukan ni Bernaldez na bumangon ngunit hindi nakaya ang count, kaya’t inihinto ng referee na si Rudy Barragan ang laban sa ika-34 segundo sa ikaapat na round.

Ang pagkatalo ay nagbigay kay Bernaldez ng rekord na 25-6 na may 14 knockouts.

Ito na ang kanyang ika-10 laban sa Estados Unidos at ang kanyang unang laban mula noong 2022. Bagamat nakapuntos ng solidong mga suntok sa mga unang round, tila ang matagal na paghinto sa laban ay nagdulot ng kahinaan, na naging sanhi ng kanyang pagkatalo kay Sandoval.

Pinas, looking forward na itaas ang labor deals sa Palau

Posted on: February 26th, 2025 by Peoples Balita No Comments

LOOKING forward ang gobyerno ng Pilipinas para pag-usapan ang mga hakbang sa Palau upang itaas ang labor agreements sa pagitan ng dalawang bansa.

 

 

“‘Our long history of mutual support has remained a cornerstone of our bilateral relationship to this day. With Filipinos making up a significant percentage – I understand it’s now 25 percent. We are a good Catholic country. You know, we believe in multiplying. Their contributions to Palau’s economy and society highlight the benefits of our long-standing people-to-people ties,” ayon kay Pangulong Marcos sa isinagawang bilateral talk kasama si Palau President Surangel Whipps Jr.

 

 

”So, in this regard, the Philippines looks forward to discussing concrete steps to advance our negotiations on bilateral labor agreements and the social security agreement with the hope that both agreements will be concluded within the year,” ang sinabi naman ni Whipps.

Si Whipps ay nasa Pilipinas para sa kanyang two-day official visit.

Sa kabilang dako, binanggit naman ni Pangulong Marcos na naglunsad ang kanyang administrasyon ng Philippine Pacific Initiative para patatagin ang nakatutok na kooperasyon kasama ang pasipiko sa larangan ng kalusugan, food security, labor mobility, at disaster risk resilience mitigation at management.

Ito aniya ang mahalagang hakbang tungo sa ‘greater collaboration’ sa tinatawag na ‘Pacific kin’ ng Maynila.

”With bilateral health agreements on the horizon with various Pacific island countries including, of course, Palau, we are positive that they will yield more exchanges between our healthcare workers and ultimately greater health resilience in our region,” ang tinuran ni Pangulong Marcos.

 

 

Umaasa naman ang Chief Executive mapalalawak pa ang mga pakikipag-ugnayan sa ‘practical and impactful ways’ mula sa agrikultura at pangisdaan tungo sa ‘development at technical cooperation.’

Para naman kay Whipps, sinabi nito na masaya siya sa presensiya ng mga Filipino sa para sa kanilang kontribusyon sa bansa.

”We are grateful for all that they do in the development of our young nation, from engineers to doctors to accountants to nurses, and helping us in the tourism sector, and of course, most importantly, construction and helping us build our bridges and our hotels and everything else,” ayon kay Whipps.

Samantala, pinuri naman ni Whipps ang Pilipinas para sa pagho-host ng Loss and Damage Fund para tugunan ang epekto ng climate change.  (Daris Jose)

Makabayan Bloc nanawagan sa pangulo para magpatawag ng special session para sa impeachment trial

Posted on: February 26th, 2025 by Peoples Balita No Comments

HINIKAYAT ng Makabayan bloc si Presidente Bongbong Marcos na agad magpatawag ng special session ang Kongreso para sa senado na mag-convene bilang impeachment court para sa pagdinig ng reklamo laban kay Vice President Sara Duterte.

 

“Kung talagang bukas ang Pangulo sa special session, dapat ay tahasang gawin na niya ito. Hindi na dapat maghintay pa ng kahilingan mula sa Senate President o House Speaker. The people demand accountability now,” ayon kina ACT Teachers Rep. France Castro, Gabriela Party Rep. Arlene Brosas at Kabataan Rep. Raoul Manuel.

 

Sinabi ng mga mambabatas na ang mga ginagawang legal maneuvers ng kampo ni Duterte para mabinbin at madiskaril ang impeachment process ang dahilan upang mas maging agaran ang panawagan.

 

“We cannot allow narrow political interests and electoral considerations to obstruct justice and constitutional processes. Nakakabahala ang patuloy na pagpapaliban sa impeachment trial. Ang bawat araw na dumadaan ay isang araw na pinapatagal ang hustisya para sa mamamayan,” giit pa ng mga ito.

 

Idinagdag pa ng mga mambabatas na hindi maaaring patuloy na gawing hostage ng mga pulitikong may makitid umanong interes ang impeachment process.

 

“Kailangang magkaisa at kumilos ang mamamayan upang isulong ang tunay na pagbabago at pananagutan,” pahayag pa. (Vina de Guzman)

Guidelines sa Poll Debate, inilabas ng COMELEC

Posted on: February 26th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAGLABAS  ang Commission on Elections (Comelec) ng guidelines kaugnay sa pagsasagawa ng poll debate sa telebisyon at radyo para matiyak ang pagiging patas at neutralidad.

 

Binabalangkas ng Resolusyon Blg. 11115 ang mga pamantayan para sa pagsasagawa ng mga debate sa telebisyon at radyo, na binibigyang-diin na ang mga naturang kaganapan ay nagsisilbing essential tools para sa kaalaman ng mga botante.

 

Sinabi ng Comelec na nais nitong masiguro na ang mga debate ay maisasagawa sa parehong pamantayan ng pagiging patas, neutralidad at walang kinikilingan.

 

Sa ilalim ng mga alituntunin, dapat tiyakin ng mga debate  organizer na ang lahat ng mga kandidato  ay iniimbitahan, tinatanggap, mahusay na kinatawan, tinatrato nang pantay, patas at walang kinikilingan.

 

Ang mga tagasuporta at miyembro ng pamilya ay dapat tanggapin sa pantay na bilang.

Ang venue arrangements at moderator attre ay dapat maiwasan ang political bias o favoritism.

Ang debate, forum o serye ng panayam ay dapat na isagawa o isapelikula sa isang ligtas at kontroladong kapaligiran upang ipakita ang isang pakiramdam ng propesyonalismo at ang pagsunod sa wastong kagandahang-asal para sa parehong kalahok-kandidato at madla at mga tanong at paksang tatalakayin sa debate ay hindi dapat maging maliit.

 

Sinabi ng Comelec na ang pagharap ng mga kandidato sa mga debate, forum o serye ng panayam ay hindi iko-compute laban sa kanilang pinapayagang airtime.

Kinakailangan din ng mga organizer na ipaalam, sa pamamagitan ng sulat, sa kinauukulang tanggapan ng Comelec ang pagsasagawa ng nasabing debate, forum o serye ng panayam kahit isang linggo bago ang pagsasagawa ng naturang aktibidad.

Sinabi ng Comelec  na ang pakikilahok nito, kung iniimbitahan, ay bilang tagamasid/panauhin lamang, na nangangahulugang hindi ito mananagot sa anumang pinsala, injuries o losses na maaaring mangyari sa panahon ng kaganapan at ang pagsasagawa ng debate, forum, o serye ng panayam ay dapat na walang gastos sa poll body.

(Gene Adsuara)