• March 12, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2025

Rep. Edcel Lagman, pumanaw na, 82

Posted on: February 1st, 2025 by Peoples Balita No Comments

INANUNSYO ni Tabaco City Mayor Krisel Lagman ang pagpanaw ng kaniyang amang si Albay 1st District Rep. Edcel Lagman sa edad na 82.

Sinasabing atake sa puso ang ikinamatay ng mambabatas, bandang alas-5:01 nitong Huwebes.

Si Lagman ay ipinanganak noong May 1, 1942.

Siya ay nagsilbing minority leader at iba pang posisyon sa Kamara.

Naging bahagi rin siya ng iba’t ibang political party:

Liberal Party (2012–2025)
UNIDO (1980–1988)
LDP (1988–2001)
LAMMP (1998–2001)
Lakas–CMD (2001–2012)

Siya ang presidente ng LP hanggang sa panahon ng kaniyang pagpanaw.

“It is with profound sadness that we announce the passing of our beloved father, Albay First District Representative and Liberal Party President Edcel C. Lagman. He left this world the way he lived his life – with integrity, compassion, and fearlessness. He fought until the end with the dogged determination, tenacity, and unshakable hopefulness that defined all that he stood for,” wika ni Mayor Krisel Lagman. (Daris Jose)

Across-the-board para sa mga manggagawa sa pribadong sektor… P200 umento sa sahod lusot na sa House panel

Posted on: February 1st, 2025 by Peoples Balita No Comments

INAPRUBAHAN na ng House Committee on Labor and Employment ang panukalang P200 across-the-board na umento sa sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor.

Kung mapagtibay bilang batas, oobligahin ang lahat ng mga pribadong negosyo, gaano man kalaki ang industriya, na magpatupad ng P200 arawang umento sa suweldo ng kanilang mga manggagawa.

“The House of the People is working tirelessly to craft a wage increase measure that meets the needs of our workers while ensuring that businesses, particularly MSMEs (micro, small, and medium enterprises), are supported during this transition,” ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Sinabi ni Romualdez na habang patuloy na tumataas ang inflation ay sumisirit din ang presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo kaya lubhang kailangan ng makatwirang wage hike.

Binanggit niya ang huling batas na naipasa para itaas ang sahod— ang Wage Rationalization Act of 1989, ay ginawa mahigit tatlong dekada na ang nakakaraan at napatunayan na hindi ito nagresulta sa lubhang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at pagsasara ng maraming negosyo.

“Let’s make history together, and hopefully, after 36 years, this will finally be passed. We are now closer than ever to passing the first-ever legislated P200 daily across-the-board wage increase under the leadership of Speaker Martin Romualdez,” sabi ni TUCP Partylist Rep. Democrito Raymond Mendoza. (Daris Jose)

Opisina ng MIAA ililipat sa dating 88 Airport Lounge sa Pasay

Posted on: February 1st, 2025 by Peoples Balita No Comments

ILILIPAT ang operasyon ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa dating hotel na malapit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

 

Kailangan ilipat ang operasyon ng MIAA dahil gagamitin ng bagong operaytor, ang New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC), ang ngayon ay opisina ng MIAA.

 

Magakakaroon ang MIAA ng bidding para sa 88 Airport Lounge sa lungsod ng Pasay upang sumailalim sa isang renobasyon na nagkakahalaga ng P6.54 million.

 

Nagkaroon ng pre-bid conference noong January 23 at bubuksan ang mga bids sa darating na February 6.

 

Ang nasabing proyekto ay gagawin ang renobasyon ng civil, electrical at mechanical na pasilidad dito kung saan dapat ay matapos ito ng 60 working days. Kailangan maging isang fully functional na opisina ang nasabing 88 Airport Lounge.

 

“We will transfer offices in compliance with the P170.6 billion concession signed by the government with the New Infrastructure Corp. (NNIC) led by San Miguel Corp. The deal turns over the operations and maintenance of NAIA from MIAA to NNIC,” wika ng MIAA.

 

Ililipat ang 15 opisina ng MIAA na kasama sa nilagdaan na concession na kailangan mailipat ito sa dating 88 Airport Lounge.

 

Sa ngayon, ang MIAA ay siyang may regulasyon sa NNIC at siyang rin namamahala sa NAIA habang ang ibang mga empleyado nito ay nilipat na sa NNIC upang maiwasan ang job losses. Ang MIAA ay kasama pa rin sa decision-making body ng Manila Slot Coordination Committee na siyang namamahala sa mga airline slots sa NAIA.

 

Samantala, nagkaroon ng isang kasunduan sa pagitan ng NNIC at Meralco kung saan lumagda sila Meralco chairman Manuel V. Pangilinan at NNIC president Ramon S. Ang na naglalayon na magkaroon ng isang innovative at reliable energy solutions upang mabigyan ng tamang power facilities ang NAIA na tugma sa tumataas na power needs nito ng sa ganon ay makayanan ang demands ng isang modernong aviation sektor.

 

“By enhancing power reliability for the new NAIA, we are going to help impower the tourism and travel industry, support economic growth, and enrich the travel experience for countless travelers,” wika ni MVP.

 

Nagsabi naman si Ang na ang ganitong pagtutulungan ng parehong kumpanya ay makakatulong upang mas gumanda ang functionality, safety at passenger experience sa pamamagitan ng pagkakaron ng isang world-class airport kung saan ang lahat ng mga Filipino ay maipagmamalaki ang ganitong klaseng paliparan sa ating bansa.

 

Kasama sa nasabing proyekto ang paggawa ng bagong state-of-the-art substation na siyang magbibigay ng isang reliable power sa apat na terminals ng NAIA; isang underground power distribution master plan na magiging reliable at upang mabawasan ang disruption risks; at uninterrupted power supply system na susuportahan ang critical airport operations.

 

Ang mga nasabing pagbabago at upgrading ay magbibigay na maraming economic benefits na positibo lalo na sa mga manglalakbay, investors, at sa buong sektor ng ating ekonomiya.

 

“A world-class NAIA will not only bolster the Philippines’ progress but also position the country as a premier logistics and aviation hub in Southeast Asia, a crucial step toward achieving long-term competitiveness and meeting international standards,” dagdag ni Ang. LASACMAR

Practical test sa motorcycle riders, hihigpitan ng LTO

Posted on: February 1st, 2025 by Peoples Balita No Comments

HIHIGPITAN  na ngayon ng Land Transportation Office (LTO) ang pagsasalang sa practical test para sa motorcycle riders bago maisyuhan ng driver’s license ng LTO.

 

Pahayag ito ni LTO chief Vigor Mendoza kasunod ng aksidente kahabaan ng Marikina-Rizal-Laguna-Quezon (Marilaque) Highway na isa patay at may sugatan.

 

Sinabi ni LTO Chief Vigor Mendoza, hindi na ngayon maaari ang pag- atras abante lamang ang gagawin ng rider bago makakuha ng lisensya.

 

Aniya may identified areas na silang nakita para sa pagsasailalim sa practical driving courses nationwide ng mga riders.

 

“We’ll try to target the major cities immediately. Siguro in the next 45 days, ma-set up na ‘yung facilities. So next time, yung mga kumukuha ng lisensya after 45 days, they will really pass through practical driving first.