• March 12, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2025

2 bagong multipurpose buildings, pinasinayaan sa Navotas

Posted on: February 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments
PATULOY na pinapalawak ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang kanilang pampublikong imprastraktura, kasunod ng pagbabasbas at pagpapasinaya sa dalawang bagong itinayong tatlong palapag na multipurpose buildings sa Tumana, Barangay NBBS Dagat-dagatan, at Phase 1C, Barangay NBBS Kaunlaran.
Nagtatampok ang bawat multipurpose building ng basketball court, mga office space, function room, at parking slots upang tiyakin na ang mga residente ay may access sa mahahalagang pasilidad para sa parehong mga serbisyo ng gobyerno at pakikipag-ugnayan sa komunidad.
Ang Tumana multipurpose building ay pangunahing gagamitin para sa mga aktibidad ng kabataan at sports, habang ang Phase 1C na pasilidad ay ilalaan sa AI at robotics programs, na nagbibigay ng makabagong espasyo para sa pagsulong ng teknolohiya.
Binigyang-diin ni Mayor John Rey Tiangco ang kahalagahan ng mga bagong pasilidad na ito sa pagpapaunlad ng komunidad.
“Ang mga gusaling ito ay sumasalamin sa ating pangako na mabigyan ang bawat Navoteño ng maayos, ligtas, at maaasahang pasilidad. Nais nating matiyak na may sapat na espasyo ang ating mga mamamayan para sa kanilang pangangailangan at para mas mapaunlad ang kalidad ng kanilang buhay,” ani Mayor JRT.
Samantala, binigyang-diin din ni Cong. Toby Tiangco ang pangako ng lungsod sa patuloy na pag-unlad.
“Patuloy nating pagsisikapan na mapalawak ang ating imprastruktura upang matugunan ang lumalaking pangangailangan ng ating mga kababayan. Ang mga bagong multipurpose buildings na ito ay patunay na ang pamahalaang lungsod ay patuloy na naglilingkod nang tapat at may dedikasyon,” pahayag ng kongresista.
Ang inagurasyon ng Tumana at Phase 1C multipurpose buildings ay kasunod ng matagumpay na pagbubukas ng mga kaparehong pasilidad sa Phase 1A at Phase 1B noong Nobyembre.
Ang mga istrukturang ito ay sumasalamin sa dedikasyon ng pamahalaang lungsod sa pagpapahusay ng paghahatid ng serbisyo publiko at pagpapaunlad ng isang mas malakas, at mas konektadong komunidad.
 (Richard Mesa)
News 4
Ilang bangko, humirit ng dalawang taon para ma-adapt na alisin ang transfer fees
HUMIRIT ang ilang bangko sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na bigyan sila ng two-year period na kanilang gagamitin bilang ‘soft landing’ para magawa ang panukalang alisin ang interbank transfer fees.
Sinabi ni BSP deputy governor Mamerto Tangonan, na may iba’t ibang feedback mula sa bangko ukol sa pagtanggal ng transfer fees, ang InstaPay fees mula P8 hanggang P75 sa bawat transaksyon at mula P8 hanggang P600 kada PESONet consumers.
“May mga sumuporta, pero may ibang nagpahayag na it will affect their business. And also another large number said that ‘Yes, we know that it’s gonna come, but provide us a soft landing… Two years daw so they could adapt,” ayon kay Tangonan.
Ani Tangonan, kailangan pa ring magdesisyon ng Monetary Board kung katanggap-tanggap ang two-year period.
Noong nakaraang taon, ipinalabas ng BSP ang draft circular na mag-aalis sa halaga o magiging gastos sa person-to-person electronic money transfers, at kung magkano ang babayaran sa micro, small, and medium enterprises (MSMEs). Bingyan ng draft circularIt ang BSP-supervised financial institutions (BSFIs) ng hanggang Oktubre 11 para sa feedback.
Nakasaad sa draft circular na ang transfers o paglilipat ay ‘free of charge’ para sa personal transactions kung nasa loob ng threshold na itatakda ng BSP gaya ng bilang remittances o para sa pagpapautang na hindi naman kasama sa paraan ng pagnenegosyo at ito’y hindi regular na lumalampas ng 10 beses sa isang linggo.
Ang transaction fees ay kokolektahin para sa transaksyon sa kabila ng itinakdang mga thresholds.
“There’s a segment that says that either ‘Our business model is not so conducive of that’, or they said that ‘Okay, we soo it coming, but we’re not ready yet. Give us a bit more time’,” ayon kay Tangonan.
“We’re trying to see a balance where as much as possible, we can bring most of the industry participants towards that, so that’s what we are discussing with them. That’s what we are figuring out,” aniya pa rin.
Matatandaang, Setyembre ng nakaraang taon ng ihayag ng BSP na nakikipag-ugnayan na ito sa ibang mga bangko na alisin ang interbank transaction fees, kasama si governor Eli Remolona Jr. sinabi nito na ang reserve requirement ratio (RRR), o halaga ng cash na kailangan ng bangko na nasa reserves kontra deposito na ginawa nito, maaaring bawasan ng 0% sa panahon ng kanyang termino.
“With a 0% reserve requirement ratio, banks could utilize the reserves instead of parking them with the central bank without any interest earned, which could then offset the costs incurred by banks for interbank transfers,” ayon sa ulat.
Kasalukuyang nakatakda sa 7%, sinasabing kabilang sa pinakamataas sa buong mundo, nagpahiwatig si Remolona na maaaring bumaba ito ng kasing baba ng 5% ngayong taon.
Winika pa ni Tangonan na dapat na magkaroon ng polisya ang BSP para sa pagtanggal ng interbank transfer fees ngayong taon, posibleng magkaroon ito ng transitory provision para sa bangko para magawa ang unti-unting pagbalanse.
“It’s hard to give a deadline, pero [but] we seem to be, we see convergence where it’s acceptable to most industry participants, so mahirap lang magbigay ng [it is difficult to give a] timeline,” ang sinabi ni Tangonan.
“Maybe if ever within the year, it’s a policy [that] maybe we’ll provide maybe for a reasonable transitory provision,” aniya pa rin. ( Daris Jose)

NFA, nakahanda sa food security emergency

Posted on: February 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments
NAKAHANDA ang National Food Authority (NFA) para sa napipintong deklarasyon ng food security emergency sa bigas.
Kinumpirma ni NFA Administrator Larry Lacson na may ilang local government units (LGUs) ang nagpahayag ng interest na bumili ng NFA rice para sa distirbusyon sa oras na ideklara na ang emergency.
“We are ready. As we speak, ‘yung ating mga karatig na mga rehiyon… ay nagde-deliver ng mga bigas papunta ng NCR, aside ‘yung imbak natin diyan na marami na rin. Pinaghahandaan natin ito,” ang sinabi ni Lacson sa isang panayam.
“We are ready in the NFA to release the stocks, but we have to wait a little bit, tingin ko, bago maging available ito sa LGU na ibebenta na talaga sa publiko,” aniya pa rin.
Nauna rito, sinabi ng Department of Agriculture (DA) na maaaring ilabas ang NFA rice, araw ng Martes, Pebfero 4, subalit bahala naman na ang lokal na pamahalaan sa distribution timeline nito.
Kinumpirma naman ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na natanggap na ng kanyang tanggapan ang National Price Coordinating Council resolution na nagrerekumenda ng ’emergency declaration.’
Sa oras na maaprubahan, pahihintulutan ang NFA na magpalabas ng buffer stocks at simulan ang pagbili ng bigas mula sa mga magsasaka sa nalalapit na harvest season.
Sinabi ni Lacson na ang ‘initial release’ ay 300,000 sako ng bigas, may posibilidad na tumaas sa 450,000–500,000, depende sa demand ng LGU at Kadiwa store.
Aniya pa, mabibili ang NFA rice sa LGUs sa P36 per kilo at sa mga consumers naman na P38 per kilo, na may mahigpit na regulasyon para pigilan ang mga retailers na sobrahan ang nasabing presyo.
“Sa totoo lang, malaki sanang tulong ‘yun, ‘yung napakaganda na mabilis ang distribution. Pero sa ngayon, medyo hindi pa ‘yan pupuwede. Wala pa ‘yung channel natin directly sa mga retailers,” ang wika ni Lacson. ( Daris Jose)

287 ektarya ng lupain apektado ng Ilocos Norte grass fire

Posted on: February 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments
MAY kabuuang 287 ektarya ng lupain ang apektado ng tinamaan na grass fire sa kabundukang lugar ng Carasi, Ilocos Norte .
Ayon sa Office of Civil Defense (OCD), 50 ektarya ng kabuuang lupain na apektado ay bahagi ng National Greening Program na pinamamahalaanan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Ang grass fire sa Barangay Barbaquezo ay iniulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Carasi noong Enero 30, ng alas- 2:30 ng gabi.
Nang sumunod na araw, idineklara ng Bureau of Fire Protection (BFP) Ilocos Norte na ‘fire under control’ na ang nasabing lugar.
Opisyal naman na dineklara ng BFP na fire out ng alas-2 ng hapon, subalit nagpapatuloy naman ang operasyon sa lugar upang matiyak na ligtas ang bisinidad.
Ang dahilan ng sunog ay patuloy na iniimbestigahan.
Sa kabilang dako, ang MDRRMO Carasi, sa pakikipagtulungan sa BFP at forest rangers, nagsanib-puwersa upang maapula ang grass fire, mapigilan ito sa pagkalat at mabawasan ang lakas.
Ang Carasi Municipal Police Station, kasama ang 1st at 2nd Philippine Marine Force Companies (PMFC), nagbigay ng seguridad at tulong sa firefighting efforts.
Samantala, ang Philippine Air Force Tactical Operations Group 1, dumating sa Ilocos Norte, araw ng Biyernes para magsagawa ng heli-bucket operations.
Nagpadala naman ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng dalawang aerial assets, kabilang na ang Black Hawk helicopter at Huey helicopter, para palakasin ang ‘firefighting efforts.’
Samantala, sinabi ng OCD na ang aerial reconnaissance ay isinagawa, Sabado ng umaga para i-assess ang situwasyon sa lugar.
Sa isang pagpupulong, sinabi ng OCD na pinag-usapan nila ang paglikha ng fire lines para mapigilan ang ‘future spread’ ng grass fire, at patuloy na i-monitor ng DENR forest rangers ang natitirang usok, bukod sa iba pa.
( Daris Jose)

VP Sara seryoso na sa 2028 presidential elections

Posted on: February 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments
KINUMPIRMA ni Vice President Sara Duterte na seryoso na niyang ikinukonsidera ang pagtakbo sa 2028 presidential elections matapos na makitang napag-iiwanan na ang Pilipinas ng buong mundo.
Unang sinabi ni Duterte na pinag-aaralan niya ang pagtakbo sa pagkapangulo nang bisitahin ang mga OFW sa Japan kamakailan.
Sa isang panayam naman sa News5 nitong Sabado, muli itong binanggit ng bise presidente.
“Tinanong nila (OFWs) ako kung tatakbo ba raw ako (sa presidential elections) ngayong 2028, at sinabi ko sa kanilang I’m seriously considering running in the 2028 presidential elections. Dahil sa mga nakikita natin sa bayan natin na dapat ayusin, dapat baguhin,” ani VP Sara.
Dagdag pa niya, “Kailangan maging competitive tayo sa mga kapitbahay natin dito sa ating region, at hindi lang sa region kundi sa buong mundo. Napag-iiwanan na ang Pilipinas, at ayaw natin ‘yun.”
Samantala, sinabi rin ni Dutere na inaalam pa niya kung ano ang magiging partisipasyon niya sa darating na halalan sa Mayo 12. Pinag-iisipan pa rin umano niya sa ngayon kung makabubuti o makasasama sa mga kandidato sa 2025 midterm elections ang pag-endorso niya sa mga ito.
“Kung ang hindi pag-endorso ay makakatulong sa isang kandidato, gagawin ko ‘yun,” aniya pa.
Si Duterte ay nahaharap sa tatlong impeachment complaints sa Kamara, kaugnay ng confidential funds ng kanyang tanggapan, habang patuloy rin sa paglagapak ang kanyang trust at ­satisfaction ratings sa mga naglalabasang surveys. ( Daris Jose)

Ads February 4, 2025

Posted on: February 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments

Sa PMPC’s 38th Star Awards for Television: KimPau at BarDa, pararangalan ng German Moreno Power Tandem

Posted on: February 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments
ANG KimPau (Kim Chiu at Paulo Avelino) at BarDa (Barbie Forteza at David Licauco) ang dalawang tambalan na pararangalan bilang German Moreno Power Tandem Award sa idaraos na 38th PMPC Star Awards for Television na gaganapin sa March 23, 2025.
Ihahatid ito ng Airtime Marketing ni Ms. Tess Celestino-Howard at mula sa direksyon ni Eric Quizon.
Kasabay nito, sa pamumuno ni 2025 President Mell Navarro at Overall Chairman na si Rodel Fernando,  inilabas na rin ang kumpletong listahan ng mga nominado sa iba’t ibang kategorya na nagpakita ng natatanging husay sa pagganap sa telebisyon.
Iniluklok naman bilang Hall of Fame  Awardee sa pagwawagi ng 15 beses o mahigit pa ang  documentary program na I-Witness ng GMA7.
Sa panalong yan, kahilera na ng I Witness bilang Hall of Fame ang Eat Bulaga, ASAP, Maalaala Mo Kaya, Bubble Gang, at si Boy Abunda.
Samantala, ang mahusay at beteranang aktres na si Janice de Belen na nakilala at sumikat sa pagganap bilang Flordeluna noong siya ay batang aktres pa lang, ang gagawaran ng pagkilala bilang Ading Fernando Lifetime Achievement Award.
Hindi na matatawaran ang mga nagawang pelikula at teleserye ni Janice na nagluklok sa kanya bilang isang mahusay na aktres.
Gayundin, si Julius Babao  na nagsimulang maging TV anchor sa Bandila sa ABS-CBN ay masuwerteng nakatawid sa TV5 nang mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN at naging male broadcaster ng Frontline Pilipinas.
Si Julius ay ginawaran ng pagkilala sa kategoryang Excellence in Broadcasting Lifetime Achievement Award.
Samantala, ang cut off sa pagpili ng mga nominado ay isinagawa mula Enero-Disyembre ng taong 2024.
Narito na ang mga nominado sa iba’t ibang kategorya:
BEST TV STATION
A2Z, ALIW CHANNEL 23, ALLTV, BILYONARYO  NEWS CHANNEL, GMA-7, GTV, IBC 13, INCTV, KNOWLEDGE POWER, NET25, PTV 4, RPTV, TV 5, UNTV 37
BEST DRAMA ACTRESS
Andrea Brillantes (Senior High / A2Z,TV 5)
Barbie Forteza (Pulang Araw/ GMA 7)
Bea Alonzo (Widows War/ GMA 7)
Belle Mariano (Can’t Buy Me Love/A2Z,TV 5)
Jennylyn Mercado (Love.Die.Repeat/ GMA 7)
Jodi Sta.Maria (Lavender Fields/ A2Z,TV5)
Kim Chiu (Linlang/ A2Z/TV 5)
Marian Rivera (My Guardian Alien/ GMA 7)
Best Drama Actor
Alden Richards (Pulang Araw/ GMA 7)
Coco Martin (FPJ’s Batang Quiapo/ A2Z/TV 5)
David Licauco (Pulang Araw/ GMA 7)
Donny Pangilinan (Can’t Buy Me Love/ ABS-CBN, A2Z)
Jericho Rosales (Lavender Fields/ A2Z/TV5)
Piolo Pascual (Pamilya Sagrado/A2Z/TV 5)
Paulo Avelino (Linlang/A2Z/TV5)
Ruru Madrid (Black Rider/GMA 7)
BEST DRAMA SUPPORTING ACTRESS
Aiko Melendez (Pamilya Sagrado /TV5, A2Z)
Cherry Pie Picache (FPJ’s Batang Quiapo / TV5, A2Z)
Glenda Garcia (Lilet Matias: Attorney-at-Law/GMA 7)
Janine Gutierrez (Lavender Fields /TV5, A2Z)
Kaila Estrada (Linlang/ A2Z/TV 5)
Maricel Soriano (Lavender Fields /TV5, A2Z)
Pinky Amador  (Abot-Kamay Na Pangarap/ GMA 7)
Rochelle Pangilinan (Pulang Araw/ GMA 7)
BEST DRAMA SUPPORTING ACTOR
Arnold Reyes (My Guardian Alien/GMA 7)
Christopher de Leon (FPJ’s Batang Quiapo /TV5, A2Z)
Dennis Trillo (Pulang Araw/GMA 7)
Elijah Canlas (FPJ’s Batang Quiapo/ TV5,A2Z)
Joel Lamangan (FPJ’s Batang Quiapo/ TV5,A2Z)
John Estrada (FPJ’s Batang Quiapo/ TV5,A2Z)
Jon Lucas  (Black Rider/GMA 7)
Zaijian Jaranilla (Senior High /TV5, A2Z)
 6. BEST PRIMETIME TV SERIES
Black Rider (GMA 7)
Can’t Buy Me Love (TV5, A2Z)
FPJ’s Batang Quiapo (A2Z, TV5)
Lavender Fields (TV5, A2Z)
Linlang (TV5, A2Z)
Pamilya Sagrado (A2Z,TV5)
Pulang Araw (GMA7)
Widows War (GMA 7)
BEST DAYTIME DRAMA SERIES
Abot- Kamay Na Pangarap (GMA 7)
Ang Himala Ni Nino  (TV5)
Lilet Matias: Attorney-at-Law  (GMA 7)
Makiling (GMA 7)
Nag-aapoy Na Damdamin (A2Z,TV5)
Padyak Princess (TV5)
Pira-Pirasong Paraiso (TV5, A2Z)
Stolen Life (GMA 7)
BEST  MINI SERIES
MAKA (GMA 7)
Sparkle U  (GMA 7)
Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis  (GMA 7)
Zoomers  (A2Z ,TV5)
Daig Kayo ng Lola Ko (GMA 7)
BEST DRAMA ANTHOLOGY
Landas ng Buhay (INCTV)
Love, Bosleng & Tali (Net 25)
Magpakailanman (GMA 7)
Regal Studio Presents (GMA 7)
Tadhana (GMA 7)
Best Single Performance by an Actress
Ai Ai delas Alas (Magpakailanman: Inang Walang Pamilya/GMA 7)
Andrea Torres (Magpakailanman: Kung Mawawala Ka/GMA 7)
Ara Mina (Tadhana: Sugar Daddy/GMA 7)
Bea Alonzo (Magpakailanman: Always In My Mind (The Kath Basa Story)/GMA 7)
Gladys Reyes (Magpakailanman: Inaanak, Inanakan/GMA 7)
Michelle Dee (Magpakailanman: Wanted :Sperm Donor/GMA 7)
Mylene Dizon (Magpakailanman: A  Christmas Miracle (The Madrid Family Story)/GMA 7)
Rhian Ramos (Magpakailanman: Wanted: Sperm Donor/GMA 7)
Best Single Performance by an Actor
Boobay (Magpakailanman : “Taylor Made Success” (The John MacLane Coronel Story) / GMA 7)
Edgar Allan Guzman (Magpakailanman: The Rejected Son (The Darwin Chong Story) / GMA 7)
Gabby Eigenmann (Magpakailanman: A  Christmas Miracle (The Madrid Family Story)/GMA 7)
Martin del Rosario for “Magpakailanman: Hostage In Israel (The Jimmy Pacheco Story),” GMA-7
Miguel Tanfelix for “Magpakailanman: Kung Mawawala Ka,” GMA-7
Mon Confiado for “Tadhana: Sino Si Alice,” GMA-7
Paolo Contis for “Magpakailanman: A Son’s Karma (The Wilbert Tolentino Story),” GMA-7
Ricky Davao for “Magpakailanman: Papa’s Boy The Arnulfo and Alfritz Blanche Story,” GMA-7.
 
Best Child Performer
Argus Aspiras for “High Street,” TV5 and A2Z
Brianna Advincula for “Pulang Araw,” GMA-7
Cassy Lavarias for “Pulang Araw,” GMA-7
Jeremiah Cruz for “Can’t Buy Me Love,” TV5 and A2Z
Natalia Espejo for “Lavander Fields,” TV5 and A2Z
Raphael Landicho for “My Guardian Alien,” GMA-7
Tyro Dylusan for “Pulang Araw,” GMA-Zion Cruz for “Himala Ni Niño,” TV5
Best New Male TV Personality
Andres Muhlach for “Da Pers Family,” TV5
Drei Arias for “May For Ever,” NET25
Dylan Menor for “Maka,” GMA-7
Jarren Garcia for “Pinoy Big Brother Gen 11 Big 4Ever,” TV5 and A2Z
Jay Ortega for “Pulang Araw,” GMA-7
Jeremiah Cruz for “Goin’ Bulilit,” A2Z and AllTJM Ibarra for “Pinoy Big Brother Gen 11 Big 4Ever,” TV5 and A2Z
Mathew Uy for “Widow’s War,” GMA-7
Ralph De Leon for “High Street,”TV5 and A2Z
Sean John Bialoglovski for “Goin’ Bulilit,” A2Z and AllTV

Best New Female TV Personality
Angeli Khang for “Black Rider,” GMA-7
Ara Davao for “FPJ’s Batang Quiapo,” TV5 and A2Z
Bo Bautista for “StarKada,” NET25
Chastity Dizon for “Goin’ Bulilit,” AllTV and A2Z
Fyang Smith for “Pinoy Big Brother Gen 11 Big 4Ever,” TV5 and A2Z
Kolette Madelo for “Pinoy Big Brother Gen 11 Big 4Ever,” TV5 and A2Z
Quinn Carrillo for “Asawa ng Asawa Ko,” GMA-7
Salome Salvi for “Black Rider,” GMA-7
Shira Tweg for “3 In 1,” NET25
Tali Sotto for “Love, Bosleng & Tali,” NET25

Best Comedy Show
“Pepito Manaloto (Tuloy ang Kuwento),” GMA-7
“Goin’ Bulilit,” TV5 and A2Z
“Da Pers Family, TV5
“3 in 1,” NET25
“OH NO! It’s B.O.,” NET25
“GoodWill,” NET25
“May For Ever,” NET25

Best Comedy Actor
Aga Muhlach for “Da Pers Family,” TV5
Bayani Agbayani for “Da Pers Family,” TV5
Empoy Marquez for “May For Ever,” NET25
Eric Quizon for “3 in 1,” NET25
Michael V for “BBLGANG,” GMA-7
Paolo Contis for “BBLGANG,” GMA-7
Roderick Paulate for “Pers Family,” TV5

Best Comedy Actress
Alessandra De Rossi for “May For Ever,” NET25
Chariz Solomon for “BBLGANG,” GMA-7
Manilyn Reynes for “Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento,” GMA-7
Maricel Soriano for “3 in 1,” NET25
Nova Villa for “Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento,” GMA-7
Princess Kathrine ‘Kulot’ Caponpon for “Goin’ Bulilit,” A2Z and AllTV
Vangie Labalan for “May For Ever,” NET25

(JIMI C. ESCALA) 

At 49, sexy at walang pagbabago: DAVID BECKHAM, kinuha pa ring endorser ng underwear

Posted on: February 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments

AT 49, tila walang nababago sa pangangatawan ni David Beckham kaya siya ang kinuhang endorser for Boss One Bodywear campaign.

Makikita sa campaign ad ang hindi kumukupas na sexy body ni Beckham. Akala nga raw niya ay tapos na siya sa pag-model ng underwear dahil sa kanyang edad.

“I once said that my bodywear modelling days had come to an end, but when BOSS shared their ambition for the range and brought in my good friends Mert and Marcus to shoot the campaign with their brilliant creative ideas I simply couldn’t refuse.

“The new BOSS One collection is beautifully made. I’m proud to support BOSS in our long-term strategic partnership with this campaign,” sey ni David.

(RUEL J., MENDOZA) 

Ads February 3, 2025

Posted on: February 3rd, 2025 by Peoples Balita No Comments

Na-starstruck at ‘di makapaniwala na nakaeksena ang aktor: DINGDONG, tinupad ang wish ni JO na makasama sa teleserye

Posted on: February 3rd, 2025 by Peoples Balita No Comments

TINUPAD ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang wish ni Jo Berry na nakasama ito sa teleserye.

Bago magtapos ang pinagbibidahan ni Jo na ‘Lilet Matias: Attorney-At-Law’, nakunan na ang pag-guest ni Dong na ikinakilig ni Jo.

Sey ni Dong: “Matagal ko nang pangarap makatrabaho siyempre si Jo. Napakaganda ng naging run ng ‘Lilet Matias.’ This is my simple way of showing my support sa programang ito.”

Sobrang starstruck si Jo kay Dingdong at di makapaniwala na nakaeksena niya ito.

“Kasi ang tagal na nga po na ‘pag nagkakaroon po ng pagkakataon na nag-uusap kami, lagi kong sinasabi, ‘Sana po magka-work tayo.’

“Tapos binigay nga po ngayon kahit na mabilis lang. Hopefully, masundan. Kasi hindi mo mararamdaman na Dingdong Dantes na ‘yung kaharap mo kasi ipapa-feel niya sa ‘yo na puwede kang maging komportable,” sey ni Jo.

(RUEL J., MENDOZA) 

Kelot, kalaboso sa pagpapaputok ng baril sa Malabon

Posted on: February 2nd, 2025 by Peoples Balita No Comments

SHOOT sa selda ang isang lalaki na naghasik ng takot sa kanilang lugar makaraang magpaputok ng baril habang gumagawa ng eskandalo at nagsisigaw sa Malabon City, Biyernes ng umaga.

Kinilala ni Malabin police chief P/Col. Jay Baybayan ang suspek na si alyas ‘Meisyon’, 33, na nahaharap sa kasong pagpabag sa RA 11926 (Willful Indiscriminate Discharge of Firearms) at R.A. 10591 in relation to B.P. 881 (Omnibus Election Code).

Sa kanyang report kay kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Col. Baybayan na ni-report ng isang concerned citizen sa Malabon Police Sub-Station 5 ang hinggil sa pagpaputok ng suspeik ng baril sa kanilang lugar sa Block 17, Lot 68, Phase 2, Area 3, Barangay Longos dakong alas-6:00 ng umaga.

Agad namang rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng SS5 at naabutan nila ang suspek na gumagawa ng eskandalo at nagsisigaw habang may hawak nga baril kaya maingat nila itong nilapitan saka dinamba.

Nakumpiska sa suspek ang isang kalibre .45 pistol na kargado ng isang magazine at tatlong bala habang nakuha ng mga pulis sa scene ang isang basyo ng bala mula sa cal. 45.

Ayon kina police investigators PMSg Ernie Baroy at PMSg Michael Oben, walang naipakita ang suspek na kaukulang mga papeles hinggil sa ligaledad ng nakuha sa kanya na baril kaya isinelda siya ng mga pulis.

Pinuri naman ni Col. Ligan ang mga tauhan ni Col. Baybayan sa kanilang mabilis na pagresponde para maprotektahan ang mga mamamayan ng lungsod. (Richard Mesa)