• March 12, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2025

Reso hinggil sa vote buying

Posted on: February 5th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAGLABAS  ng resolusyon ang Commission on Elections (Comelec) na nagpapahintulot sa mga law enforement na arestuhin ang mga vote buyers  at sellers na walang warrant kapag sila ay naaktuhan.

 

Ang Resolution No.11104 ay magpapalawak ng awtorodad ng Committee on Kontra-Bigay ng poll body na subaybayan ang pagbili at pagbebenta ng boto sa Eleksyon 2025.

 

Ang resolusyon ay nagpapahintulot sa isang tagapagpatupad ng batas na gumawa ng walang warrant na pag-aresto kung siya ay nakasaksi ng isang pagtatangkang gumawa o nagawa na  mga pagkakasala sa halalan.

 

“Any law enforcement officer may, without a warrant, arrest a person when, in his or her presence, the person to be arrested has committed, is actually committing, or is attempting to commit the election offense of vote-buying and vote-selling or act constituting ASR (abuse of state resources),”ayon sa resulusyon.

 

Samantala, ang materyales na ginamit sa vote buying o selling ay sasailalim sa kustodiya ng pulisya.

 

Sa kabilang banda, nakapag-imprenta na ng siyam na milyong balota ang poll body sa loob ng isang linggo.

 

Ayon ka Comelec Chairman George garcia, sa 500 na makina para sa machine verification ay 250 pa lamang ang nagagamit  kaya plano ring gamitin ang 250 pa na makina mula ngayong araw.

 

Isinasaalang-alang din ng Comelec  na kumuha ng mas malaking espasyo sa punong-tanggapan ng National Irrigation Administration at sa Amoranto Sports Complex bilang venue para sa verification ng mga balota.

 

Dagdag pa, hiniling ng poll body kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magtalaga ng mga bagong komisyoner batay sa kasalukuyang listahan ng mga opisyal sa Comelec kasunod ng pagreretiro nina Commissioners Soccorro Inting at Marlon Casquejo. (Gene Adsuara)

3 drug suspects, laglag sa higit P.4M shabu sa Caloocan

Posted on: February 5th, 2025 by Peoples Balita No Comments

KALABOSO ang tatlong drug suspects matapos makuhanan ng mahigit P.4 milyong halaga ng shabu sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City.

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals, nagpapatrolya ang mga tauhan ng Cadena De Amor Police Sub-Station 11 sa Robes1, Brgy., 175, Camarin nang matiyempuhan nila ang dalawang lalaki na nag-aabutan umano ng droga dakong alas-11:20 ng gabi.

Subalit, nang mapansin ng mga suspek ang kanilang presensya, kumaripas ng takbo ang isa sa kanila at nakatakas habang nagawang madakma ng mga pulis si alyas “Dem”, 27, at nakuha sa kanya ang isang medium pastic sachet na naglalaman ng nasa 50 grams hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P340,000.

Nauna rito, alas-3:10 ng madaling araw nang masita naman ng mga tauhan ni Col. Canals ang dalawang lalaking pasaway city ordinance dahil walang damit habang gumagala.

Nang lapitan ng mga tauhan ng Police Sub-Stion 3 para isyuhan ng Ordinance Violation Reciept (OVR), pumalag umano ang mga suspek saka tumakbo subalit, makalipas ang maikling habulan ay nakorner at naaresto sila ng mga pulis.

Nakumpiska sa mga suspek na edad 43 at 37-anyos ang dalawang transparent plastic sachets na naglalaman ng nasa 13 grams ng umano’y shabu na may street value na P88,400.00.

Pinuri naman ni NPD Acting District Director P/Col. Josefino Ligan si Col. Canals at kanyang mga tauhan sa kanilang pagbabantay sa kaligtasan ng komunidad. (Richard Mesa)

BSP, nagbabala sa mga bangko ukol sa security risks

Posted on: February 5th, 2025 by Peoples Balita No Comments

HINIKAYAT ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga bangko na i-upgrade ang kanilang security systems, dahil ang one-time passwords (OTPs) sa huli ay maging ‘obsolete’ para sa banking transaction authentication.

 

 

“What we are saying is that we are encouraging the banks to go to a higher level of protection,” ang sinabi ni Elmore O. Capule, BSP deputy governor for corporate services sector.

 

 

Ang paliwanag ni Capule, habang ang OTPs at iba pang kasalukuyang security measures ay maaaring mukhang sapat para labanan ang scams at iba pang banking threats, hinikayat pa rin ng BSP ang mga bangko na patuloy na i-upgrade ang kanilang security systems.

 

 

“Our objective is to make our regulations future-proof,” ang sinabi ni Capule. Binigyang diin ang mabilis na pagbabago sa technological landscape.

 

 

“If you say that what we have right now is sufficient, then by next week or next year, it may no longer be,” ang sinabi ni Capule.

 

 

Winika pa ni Capule na ang security expectations ay dapat na base sa “sophistication” ng bangko.

 

 

“Rural and thrift banks might still rely on OTPs, but digital banks should implement more robust systems,” ayon sa ulat.

 

 

Nilinaw ni Capule na habang ang rural at thrift banks ay maaaring i-maintain ang kanilang kasalukuyang security schemes, ang digital banks naman aniya ay dapat na mag-install ng mas maraming advanced security systems. Ang ‘urgency’ ng tuloy-tuloy na pag-upgrade ay depende sa ‘level of sophistication’ ng bangko

 

 

Samantala, muling isinatinig ni Mamerto E. Tangonan, BSP deputy governor for payments and currency management ang mga naging pahayag ni Capule. Sinabi nito na ang OTPs ay magiging ‘obsolete’ sa kabila ng malaganap na paggamit sa banking sector.

 

 

Pinagtibay naman ni Tangonan ang layunin ng BSP, unti-unting i-aadopt ang mas advanced methods, sinabi pa nito na ang “that a transition period will accompany this shift.”

 

 

“We are looking at the banks having more sophisticated [security systems],” ang pahayag ni Tongonan. (Daris Jose)

Bigas, ibebenta sa P35/kilo sa ilalim ng food security emergency

Posted on: February 5th, 2025 by Peoples Balita No Comments

PUWEDE nang bumili ang mga consumers ng bigas sa halagang P35 kada kilo kasunod ng deklarasyon ng food emergency sa bigas.

 

Iyon nga lamang, ito ay magdudulot ng pagkalugi sa National Food Authority (NFA) ng hanggang  P2.25 billion dahil ipagbibili ito sa mas mababang presyo kaysa  sa presyo nang pagkakabili ng suplay.

 

Ayon kay NFA Department Manager Roy Untiveros, ipalalabas ng ahensiya ang stocks nito, well-milled rice ng hanggang tatlong buwan sa local government units (LGUs), government-owned and -controlled corporations (GOCCs), at Kadiwa ng Pangulo (KNP) sites sa halagang P33 per kilo.

 

Kumpara sa actual buying price ng NFA noong  2024, ipinagpapalagay NFA na ang pagkalugi kada kilogram ay P12 hanggang P15. Nakatakda namang magpalabas ang ahensiya ng 150,000 metric tons sa loob ng anim na buwan, ito ay magta-translate sa kabuuang pagkalugi na P2.25 billion.

 

Sinabi ni Untiveros na nagpadala na ng liham ang NFA  sa LGUs para itatag ang demand, magiging basehan ng monthly allocation sa mga lugar, subalit hindi pa nakatatanggap ng tugon.

 

Ito’y matapos na ideklara ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., araw ng Lunes ang food security emergency sa bigas base sa rekomendasyon mula sa National Price Coordinating Council (NPCC), tinukoy ang mataas na presyo kahit pagkatapos na bumaba ang  ‘cost of production’at mas mababang taripa sa imported rice.

 

Ang  stocks ay ipalalabas sa pamamagitan ng Food Terminal Inc. (FTI), at pagkatapos ay ibebenta sa publiko sa halagang P35 kada kilo, kabilang sa “cheapest available” habang hangad ng pamahalaan na mas mababa ang presyo ng bigas sa level na nakitang pagsirit na naitala noong Hunyo at Hulyo 2023.

 

“Ito po ay suggested to be sold to the public by the LGUs at P35 (per kilogram). Hopefully ito po ay magkaroon ng epekto sa pagbaba ng presyo ng bigas sa ngayon,” ang sinabi ni Untiveros sa  briefing sa Quezon City.

 

Base sa pinakabagong  data na  available mula price monitoring  ng DA, makikita na ang presyo sa Metro Manila markets ay mula P41.24 hanggang P59.14 per kilo “as of February 1,” habang ang  Kadiwa prices ay P38.00 per kilo.

 

Kinukumpara ito sa  P36.00 hanggang P60.00 per kilogram range na naitala noong May 31, 2023, bago pa ang pagtaas na naitala noong  Hunyo at Hulyo 2023. (Daris Jose)

LTO, pinalakas ang alyansa sa sektor ng edukasyon para sa kaligtasan sa kalsada

Posted on: February 5th, 2025 by Peoples Balita No Comments

PINALAKAS ng Land Transportation Office (LTO) ang pakikipag-ugnayan nito sa sektor ng edukasyon upang isulong ang adbokasiya para sa kaligtasan sa kalsada sa pamamagitan ng kampanyang “Stop Road Crash.”

 

Sa Davao Region, nakipagkasundo ang LTO-Region XI sa Legacy College of Compostela sa Davao de Oro upang sanayin at bigyang-kaalaman ang mga estudyante nito tungkol sa mga alituntunin at regulasyon sa trapiko sa ilalim ng programang S.A.F.E. (Strengthening Advocacy for Future Educators and Drivers) Schools Initiative ng ahensya.

 

Binigyang-diin ni LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II ang kahalagahan ng pagpapalawak ng saklaw ng programa sa edukasyon at pagsasanay sa kaligtasan sa kalsada upang mahubog ang disiplina at responsableng pag-uugali ng mga kabataan bilang mga gumagamit ng kalsada.

 

“Ang pakikipagtulungan sa pagitan ng LTO at ng mga paaralan ay isang kapuri-puring inisyatiba upang mapalakas ang adbokasiya para sa kaligtasan sa kalsada at mailapit ang mahahalagang serbisyo ng LTO sa mga institusyong pang-edukasyon,” ani Asec. Mendoza. Dagdag pa niya, ito ay alinsunod sa kampanya ng DOTr Secretary Jaime J. Bautista para sa kaligtasan sa kalsada.

 

Batay sa kasunduan sa pagitan ng Legacy College of Compostela sa pangunguna ni Atty. Joji Bernadette R. Ancog Casidsid at ng LTO-Davao de Oro District Office sa ilalim ng pamumuno ni LTO XI Regional Director Atty. Ernesto Raphael V. Robillo, magbibigay ang ahensya ng mga pangunahing serbisyo ng LTO sa mga estudyante at guro ng paaralan.

 

Kabilang dito ang libreng Theoretical Driving Course (TDC), pagkuha ng Student Permit, pag-renew ng Driver’s License, at pag-renew ng Motor Vehicle Registration.

 

Samantala, inatasan naman ang IT Department ng Legacy College of Compostela na bumuo ng isang digital system upang masubaybayan at mapabuti ang epekto ng programa.

 

“Ito ang nais maisakatuparan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa ilalim ng Bagong Pilipinas ang mailapit sa publiko ang maraming serbisyo ng pamahalaan,” ani Asec. Mendoza.

 

“Patuloy kaming nagsusulong ng mga programa at proyekto upang gawing mabilis at maginhawa ang aming transaksyon para sa milyun-milyong kliyente. Nais din naming palawakin ang programa ng pagpapatibay ng alyansa sa sektor ng edukasyon sa usaping ito,” dagdag niya. (PAUL JOHN REYES)

Libong Pinay tinatamaan kada taon, Breast Cancer Center itatayo- Solon

Posted on: February 5th, 2025 by Peoples Balita No Comments

DETERMINADO  si ­Quezon City District V Rep. Patrick Michael “PM” Vargas sa kaniyang commitment na isulong ang programa para sa pagtatayo ng Breast Cancer Center para sa kalusugan ng mga kababaihan  sa  lungsod at mga karatig nitong lugar.

Sa data, tinata­yang libong Pinay ang tinatamaan ng sakit nqa kanser kada taon  kung saan karaniwan na dito ang breast cancer kaya umapela si Vargas sa kanyang mga kasamahang mambabatas para sa agarang pag-aapruba sa House Bill (HB) 3500 o ang pagtatayo ng Mammography and Breast Cancer sa Novaliches  ng lungsod.

Ang panukalang batas ay kasalukuyang nakabimbin sa House Committee on Health. Ayon kay Vargas sa pamamagitan ng  HB 3500 o ang “An Act Establishing a Mammography and Breast Cancer Center in Novaliches “ ay naglalayong magkaloob ng accessible, abot kaya at de-kalidad na breast cancer screening, diagnosis at treatment services sa mga kababaihan nangangailangan ng serbisyo medikal.

Inihayag ng solon na ang itatayong Mammography and Breast Cancer Center ay may state-of -the-art na pasilidad para sa  breast cancer screening, maagang diagnosis, at patient support programs.

Samantalang magkakaloob din ito ng subsidiya sa mammograms para sa mahihirap na pasyente at magsasagawa ng awareness campaign para sa maagang pagtuloy ng nasabing karamdaman at maagapan ito bago pa man lumala.

Nabatid na ang laban kontra kanser ay personal para kay Vargas dahilan siya at ang kaniyang kapatid na dating Kongresista at ngayon ay Quezon City Councilor Alfred Vargas ay namatay ang ina sa nasabing karamdaman.

Did you miss her? Watch the teaser for “M3GAN 2.0,” in PH cinemas on June 25

Posted on: February 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments

The bitch is back. Blumhouse shares a teaser trailer of “M3GAN 2.0,” the sequel to the hit 2023 horror film about a humanoid child-sized robot turned murderous.

Watch the teaser on Facebook: https://tinyurl.com/aeu44yb2

Also on TikTok: https://tinyurl.com/n36hybad

A brand new “M3GAN 2.0” launches in Philippine cinemas on June 25.  Follow Universal Pictures PH (FB), UniversalPicturesPH (IG), and UniversalPicsPH (TikTok) for the latest updates.

About “M3GAN 2.0”

The murderous doll who captivated pop culture in 2023 is back. And this time she’s not alone.

The original creative team behind that phenomenon—led by horror titans James Wan for Atomic Monster, Jason Blum for Blumhouse and director Gerard Johnstone—reboot an all-new wild chapter in A.I. mayhem with M3GAN 2.0.

Directed by acclaimed returning filmmaker Gerard Johnstone, the film co-stars returning cast members Brian Jordan Alvarez and Jen Van Epps as Gemma’s loyal tech teammates, Cole and Tess, and new characters played by Aristotle Athari (Saturday Night Live, Hacks), Timm Sharp (Apples Never Fall, Percy Jackson and the Olympians) and Grammy winner and 11-time Emmy nominee Jemaine Clement (Avatar: The Way of Water, What We Do in the Shadows).

Produced by James Wan, Jason Blum and Allison Williams, the film is executive produced by Gerard Johnstone, Adam Hendricks, Greg Gilreath, Michael Clear, Judson Scott and Mark D. Katchur.

(ROHN ROMULO) 

Priority ang mas malusog, mas masayang pamumuhay: VICE, ipagdarasal na humaba pa ang buhay ng pinakamamahal na ina

Posted on: February 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments
PORMAL na sinalubong ng Santé International, isang global lider ng mga organic health at wellness products, si Vice Ganda bilang pinaka-bagong mukha ng Santé Barley.
Binuo ng Santé International ang reputasyon nito bilang isang pinagkakatiwalaan na pangalan sa larangan ng health and wellness. Handog ng Santé ang mga dekalidad na barley-based na mga produkto na certified organic ng BioGro New Zealand.
Sa misyon nitong makatulong sa mga tao na mamuhay ng mas maganda, naghahain ang Santé ng mga natural na health solutions na pinag-sasama ang siyensya at nature. Ang flagship product nito, ang Santé Barley, ay mula sa bukirin ng Canterbury region ng New Zealand, kaya naman tiyak ang mataas na kalidad nito at puno ng nutrients.
Ang iba pang nga produkto ng kumpanya ay ang Santé Pure Barley Juice, Santé Pure Barley Capsules, Santé Fusion Coffee,  at iba pang mga inumin at wellness products para sa iba’t-ibang mga lifestyles.
Dahil sa magandang reputasyon nito, tama lang na makipag-sanib puwersa ang Santé International kay Vice Ganda upang i-endorso ang Santé Barley.
Dahil sa kanyang tagumpay sa live concerts at comedy; pelikula; musika; telebisyon; at sa kanyang mga adbokasiya, patuloy na namamayagpag si Vice sa pag-inspire sa mga Pinoy na unahin ang kalusugan  — sapagkat ito ang kanyang sikreto kung bakit siya nasa tugatog ng kasikatan ay tagumpay.
Talaga namang ibang klase ang paglipad ng karera ng Unkabogable Box-Office Superstar, lalo na sa mga nakaraan niyang accomplishments na pinapakita ang kanyang pagmamahal sa kanyang trabaho.
Last year, ginampanan ni Vice ang mapanghamon na first dramatic role sa “And the Breadwinner Is…,” na dinirek ng award-winning filmmaker na si Jun Lana. Kakaiba ito sa mga comedy movies na nagawa niya na kung saan nakuha niya ang Special Jury Citation sa 50th Metro Manila Film Festival.
Tagumpay din ang pelikula sa takilya dahil P400 million na ang kinita nito nuong Enero 2025, patunay sa lakas ni Vice takilya.
Di lang ito patunay sa talento ni Vice dahil patunay din ito na kailangan din ang malusog na katawan at pagiisip upang maging matagumpay.
Sa lahat ng ito, aminado si Vice na kailangan niya ang kanyang lakas upang maalagaan niya ang sarili niya. Seryoso para sa kanya ang mga regular na health check-ups, self-care, at ang pag-maintain ng positibong pagiisip, at katuwang niya dito ang Sante Barley.
Hitik sa mga essential vitamins, minerals, amino acids, at antioxidants, mahalaga ang Santé Barley sa pang-araw araw na buhay ni Vice, at tinutulungan siya nitong maging malakas kahit sobra siyang busy.
“Kinakatawan ni Vice Ganda kung ano ang Santé Barley: to live life to the fullest while staying proactive about your health,” sabi ng Santé International CEO na si Joey Marcelo.
 “His ability to thrive in all aspects of his career while inspiring others at the same time makes him the perfect partner for our mission of helping Filipinos #LiveForMore.”
Excited din si Vice sa partnership: “Ang magandang kalusugan ang pundasyon ng lahat. I stay active and energized because I take care of my body, and Santé Barley has been a big part of that. I’m so excited to share with everyone how Santé Barley has helped me live for more — di lang sa aking career pero pati na rin sa ibang aspeto ng aking buhay.”
Bilang pinakabagong ambassador ng Santé, mangunguna si Vice sa kampanya na turuan ang mga Pinoy ukol sa transformative power ng mga produkto gaya ng Santé Barley. Mula sa pag-improve ng digestion hanggang sa pag-boost ng immunity at overall vitality, handog ng Santé Barley ang simple ngunit epektibong paraan upang mapagibayo ang kalusugan.
Sa tulong ni Vice, layunin ng Santé na ma-inspire ang mga tao na gamitin ang kanikang full potential at mabuhayy ng mas masaya.

Samantala, natanong si Vice tungkol sa health and well-being ng pinakamamahal na na si Rosario Viceral, na 79 years old na.

Na kung saan na-introduce na niya ang pag-inom ng Santé barley sa pamilya.

“Even nanay ko nagsa-Sante barley na. Even ate ko na doktor, dahil tinanong ko kung okay ba ito gamitin.

“At sabi nga sa campaign nng Santé na live for more, kaya kung meron at meron mang tao sa buong mundo na ipagdarasal ko na for her to be able to live more yun yung nanay ko.

” At ang pagpapakilala ko sa kanya nito ang nagbibigay sa akin ng paniniwala na mas hahaba pa ang pagkakataon namin magkasama at mas magiging maligaya pa kaming dalawa,” pagbabahagi niya.

Para sa karagdagang impormasyon sa Santé Barley at kung paano ang #LiveForMore, bisitahin ang mysante.com o sundan ang Santé sa social media: @santeofficialph sa Instagram at @OfficialSanteInternational sa Facebook.
(ROHN ROMULO) 

Nagulat na nag-viral at dedma na lang sa bashers: MARK, ‘di ikinahihiya ang pagsasayaw sa isang gay bar

Posted on: February 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments
SA Instagram post ng kapamilyang aktres na si Kim Chiu ay isini share niya sa mga netizen kung paano niya ipinagdiwang ang 2025 Chinese New Year.
Kasama ni Kim ang kanyang pamilya at mga malalapit na kaibigan.
Isiniwalat ni Kim na lumaki siya na kung saan ang Chinese New Year ay palaging isang malaking selebrasyon sa pamilya nila na hindi nila pinalalampas.
“Growing up, Chinese New Year was always a celebration my family never missed. It was a time of joy, tradition, and togetherness, where we welcomed another year with hope, prosperity, and gratitude.
“Now that I am older, I continue to uphold these traditions at home, not just for myself but to share them with the people close to me. As a Filipino-Chinese, I take pride in embracing our rich culture, from preparing lucky dishes to following customs that have been passed down through generations,” banggit pa ni Kim .
Dagdag pa rin ni Kim na lalong naging memorable at special ang Chinese New Year sa pamilya nila dahil naipamana nila sa mga younger generation ng psmilya,
“What makes this celebration even more special is being able to introduce it to my family and friends, allowing them to experience the beauty of our traditions.
Seeing them join me in welcoming the new year, trying new customs, and appreciating the beliefs that have shaped who I am fills my heart with so much gratitude. After all, we all have different beliefs, and there is no harm in celebrating something that brings positivity, abundance, and hope,” sey pa ng kapamilyang aktres.
“Surrounded by my loved ones and the people I work with behind the scenes, I am reminded that the true essence of this celebration is not just in the traditions but in the people we share it with. It’s a night of fun, gratitude, and prosperity, and I couldn’t be more thankful. Here’s to another year of blessings, good fortune, and love! Kung Hei Fat Choi! #CNY #2025.”
Kasabay din naman ng okasyon ay namimigay si Kim ng cash sa mga dumalo sa nasabing celebration.
Dinudukot niya sa bag ang cash na ipinamigay sa kanyang mga bisita.
Pero ang ikinalungkot lang ng mga KimPau ay hindi kasama sa selebrasyon ng CNY ni Kim ang ka-partner niyang si Paulo Avelino.
***
HINDI raw ikinahiya ni Mark Herras ang pagpe-perform niya sa isang gaybar.
Na kung saan muli siyang bumalik at nag-perform.
Pero bago pa bumalik si Mark sa naturang gay bar, lumabas naman ang interview ni Toni Gonzaga sa Kapuso actor sa You tube channel na Toni Talks.
Ipinagkibit-balikat na lamang ni Mark ang mga nagko-comment sa kanyang pag-perform sa Apollo Male Entertainment Bar.
“Grabe ang mga Pilipino na mag-judge ng tao e. Parang akala nila meron silang karapatan mag-judge sa buhay ng ibang tao,” pailing iling pang banggit ni Mark.
Pagkatapos mag-perform ni Mark last Jan. 10, kaagad na nag-viral agad siya at pinag-usapan sa lahat ng social media.
“And then after, like a day or two ‘yun nag-trending na siya, na parang, ‘Mark Herras, Sumayaw.’ Tapos, dumikit na ‘yung, ‘wala na kasing career kaya sumayaw sa gay bar.’
“Tas, si Manay (Lolit Solis) pa nagbitaw na ah nalulungkot daw siya kasi hindi ko raw pinipili ‘yung mga trabaho ko,” saad ni Mark.
“Siyempre nagulat ako na nag-viral siya, tapos natuwa kasi may nagde-defend. May ibang mga press na alam mo na tatawa-tawa pa habang kinukuwento. Talaga ba? Pinagtatawanan n’yo pa ako? Parang hindi naman ako humihingi ng awa, pero nasa stage ako ng buhay ko na wala akong pakialam sa mga sinasabi nila,” tuloy tuloy pang pahayag ng aktor.
Humanga at ganun na lang ang pagpuri ni Toni kay Mark na parang hindi  raw nagpaapekto ang aktor sa mga sinasabi sa kanya ng mga tao.
Pero alam ni Mark na mas apektado raw ay ang kanyang asawang si Nicole Donesa.
Kaya ang ginawa raw ni Mark ay sinabihan ang asawang huwag nang magbabasa ng mga hindi maganda tungkol sa kanya.
“Lagi kong sinasabi sa kanya na stop reading things na alam mong hindi maganda ‘yung magiging kalalabasan. Kasi, kami mostly nag-aaway kaming mag-asawa kapag tinatanong niya ako paulit-ulit. Ayoko kasing paulit-ulit e.” Sey pa ni Mark, na muling nag-perform sa naturang gay bar last January 31.
(JIMI C. ESCALA) 

Maraming fans ang nagulat at nagluluksa: BARBIE HSU, pumanaw na sa edad na 48 dahil sa pneumonia

Posted on: February 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments
IKINALUNGKOT ng mga Pinoy fans at sa iba pang panig ng mundo ang biglaang pagpanaw ng Taiwanese actress na si Barbie Hsu sa edad 48.
Nakilala siya bilang original na gumanap bilang “San Chai” ng hit drama na “Meteor Garden” kasama ang F4 na kinabibilangan nina Jerry Yan, Vic Chou, Ken Chu, and Vanness Wu na ipinalabas noong 2001.
Nagluluksa ngayon ang maraming fans sa nakagugulat na balita na inilathala ng national news agency ng China na “Focus Taiwan” kahapon, February 3.
Ayon sa lumabas na ulat, kinumpirma ng kapatid niya na ang naging sanhi ng pagkamatay ay dahil sa pneumonia matapos magkaroon ng influenza habang nagsi-celebrate ng Lunar New Year.
“Our whole family came to Japan for a trip, and my dearest and most kindhearted sister Barbie Hsu died of influenza-induced pneumonia and unfortunately left us,” ayon sa naging pahayag ng kapatid ni Barbie.
“I was grateful to be her sister in this life and that we got to care for and spend time with each other.
“I will always be grateful to her and miss her!” dagdag pa niya.
Ang mga naulila ng aktres ay ang South Korean husband na singer at DJ na si Koo Jun-yup at ang 10-year-old daughter nila, pati na rin ang 8-year-old son ng “Meteor Garden” star na anak niya sa dating asawa na Chinese businessman na si Wang Xiaofei.
Matatandaan na ilan pa sa mga pinagbidahan na proyekto ni Barbie Hsu ay ang “Eternity: A Chinese Ghost Story,” “Corner With Love,” “Mars,” “On His Majesty’s Secret Service,” “Future X-Cops,” at marami pang iba. (ROHN ROMULO)