NAGTALAGA na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng bagong Presidente at Chief Executive Office (CEO) ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).
Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
NAGTALAGA na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng bagong Presidente at Chief Executive Office (CEO) ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).
A Cobra Kai star has addressed the possibility of their character returning in Karate Kid: Legends ahead of the Netflix series’ last episodes.
Cobra Kai season 6 part 3 will mark the end of an era for The Karate Kid franchise, as the series following Daniel (Ralph Macchio) and Johnny (William Zabka) training young students at Miyagi-Do comes to a close. However, it will usher in a new age for the franchise with Karate Kid: Legends, which will feature Macchio reprising his role as Daniel, who joins Mr. Han (Jackie Chan) in training a new prodigy, Li (Ben Wang).
Speaking with ScreenRant at the Saturn Awards, Cobra Kai‘s Xolo Maridueña, who portrays Miguel Diaz, explained that Karate Kid: Legends is mostly focused on the events that happen after the Netflix TV show. While he didn’t directly state he wouldn’t be showing up, he did indicate Macchio is the only major thread between both projects that keeps them connected. However, he didn’t rule out the idea that he could make an appearance, even though it’s probably unlikely. Check out what Maridueña had to say below:Maybe if you catch me at the local theater, maybe you’ll get a double showing. But no, I think that whole world is post-Cobra Kai. So, I know that Ralph is kind of our connection to that world, but you’ll just have to go out and see.
Miguel has been an important character in Cobra Kai since the show began, acting as its primary protagonist after he begins training with Johnny. He’s maintained his role as the central figure within the lead cast, especially as he’s grown even better at karate with each season. However, his story will be coming to a close once the Netflix series ends, making way for Li when Karate Kid: Legends arrives in theaters. The actor doesn’t seem to be in the upcoming movie, though, as it’s clear the spotlight is going to be shifting away from him.
Maridueña’s statement indicating Miguel probably won’t show up in the next Karate Kid movie means the upcoming episodes of Cobra Kai will mark the end of his story. While a cameo appearance is possible, nothing has been confirmed for other actors from the series either, making it less likely it’s going to happen. However, Karate Kid: Legends‘ storywill acknowledge the series, with director Jonathan Entwistle previously confirming nods to the show. This could still come in the form of surprise characters, honoring the franchise’s latest history.
There’s a strong chance Karate Kid: Legends doesn’t include characters like Miguel, despite probably having references to the events of Cobra Kai. The actor’s statement, while keeping the door open for his potential appearance, indicates it’s not likely, considering the events are moving on from those of the TV series. Still, with the franchise’s vast number of characters and any possible stories that could arrive in the future, it doesn’t necessarily mean Maridueña’s character is gone forever. (Source: ScreenRant.comm)
(ROHN ROMULO)
Si Jamela Villanuevea ang ex-girlfriend ng male star na si Anthony Jennings na pinag-usapan ng husto nitong nakaraang Disyembre dahil sa mga naging rebelasyon niya tungkol sa sitwasyon nilang tatlo nina Anthony at Maris Racal.
Kaya natanong kay Jam kung paano niya ilalarawan ang kanyang self-worth, matapos ang mga isyung kinasangkutan?
“Ang self-worth ko po ay non-negotiable,” ang tumatawang tugon ni Jam.
“Never lose yourself po in the process, kung ano man yung nangyayari sa buhay mo kailangan kilala mo pa rin talaga yung sarili mo, alam mo yung values and principles ng sarili mo so hindi ka talaga mawawala.”
At base rin sa mga nangyari, kumusta ang koneksyon niya sa mga tao sa paligid niya, lalo na sa mga taong may naging matinding impact sa buhay niya?
“Ako po, as much as possible talaga is pinipili ko yung mga taong nakapaligid lang sa akin, yung talagang solid support system na ipupunta ka talaga sa tama.
“Sasabihin talaga kung mali yung ginagawa mo and sobrang laki rin po ng naging impact nila sa akin kasi nga hindi ako nadala dun sa path na ikakawala.”
Sumunod na tanong kay Jam, masasabi ba niya na nakapagpatawad na siya sa mga taong nakapanakit sa kanya?
“I’m still on the process po,” seryosong sagot ni Jam.
Tinanong naman namin si Jam kung kumusta ang puso niya ngayon.
“Oh, very contented naman po and moving forward,” bulalas ni Jam.
Ano ang nagtulak kay Jam upang ihayag niya noong Disyembre ang mga nangyari sa kanila nina Anthony at Maris?
“Ang nagtulak sa akin is… ah siguro po na-push lang din talaga ako kasi andaming nangyari.
“I’m just a normal person po. So I don’t have anyone to defend me so ayun po.
“And ang hirap din po kasi pagka like parang you’re constantly judged by the people kahit alam mo naman na nasa iyo yung truth, parang ganun.”
Samantala, tatlong bagay raw ang kinonsidera upang kunin ng Ampong Dental Essentials/Clinic bilang endorser ang kontrobersyal na personalidad na si Jam.
Ayon sa marketing director ng Ampong Dental Essentials/Clinic na si Gayle Oblea, pinili nila si Jam dahil sa tatlong factors: isang tao na makakapag-embody ng new beginning; isang tao na makakapagpakita ng self-worth; at pangatlo, isang tao na may koneksyon sa mga tao sa kanyang paligid.
Kaya tinanong si Jam kung paano niya maikokonek ang kanyang sarili sa tatlong mga katangiang nabanggit, una muna sa new beginning.
Lahad ni Jam, “Ang buhay ko po ngayon, ito po yung new beginnings ko, iyon po.”
Maganda ba ang new beginning ng buhay niya ngayon?
“Ay opo naman”, ang tumatawang bulalas ni Jam.
“Nandito po tayong lahat, nandito po ako sa harap niyo so very very ano, maganda.”
(ROMMEL L. GONZALES)
Wagi ng Album of the Year para sa ‘Cowboy Carter’…
HINDI nga matutuloy ang showing ng pelikulang “The Rapists of Pepsi Paloma“ sa February 5 dahil hindi pa nakukumpleto ni Direk Darryl Yap ang mga dokumentong hinihingi ng Movie and Television Review and Classification Board.
SEOUL, Korea – Bumida ngayon ang Pilipinong basketball player na si Kevin Quiambao matapos magpakitang gilas sa isang liga sa labas ng bansa na Korean Basketball League (KBL).
Umarangkada kasi ang paggawa nito ng puntos sa ginanap na laro ng kanyang team na Goyang kontra sa koponan ng Wonju.
Kung saan, nakapagtala ang naturang player ng kanyang career high na 36 points sa pagtatapos ng laro sa iskor na 86-82 pabor sa kanyang grupo.
Ang ginawa niyang paghataw sa laro ay sinabayan pa ng pagkuha ng 12 rebounds, 3 assists at 2 steals sa pag-abante ng koponan na habulin ang kalamangan na 22 points ng kalaban.
Ito ang unang pagkapanalo ni Kevin Quiambao sa Goyang dahil sa pagkatalo naman ito noong nakaraang laban sa team ng Anyang.
Dahil dito, umaasa ang kanilang mga taga-suporta na magpapatuloy ang kanilang pag-angat sa kasalukuyang rekord na 11 na pagkapanalo habang 24 na pagkatalo naman.
Bukod pa rito, si Kevin Quiambao ay inaasahan ding makapag-bibigay ng magandang laro sa Gilas sa pag-andar ng kanilang preparasyon sa nalalapit na FIBA Asia Cup 2025.
NAKATAKDANG magsagawa ng dalawang araw ng kanilang kasal ni volleyball star Michelle Gumabao at nobyong si Aldo Panlilio.
Ayon sa kaniya na plano nilang ikasal sa buwan ng Pebrero at sa Marso ngayong taon.
Labis siyang nasasabik dahil sa hamon ng paghahanda lalo na at kasabay pa ng volleyball season.
Dagdagd pa ng Creamline Coolsmasher star na magiging pribado ang mga detalye ng kanilang pag-iisang dibdib.
Naging-engaged ang dalawa noong nakaraang taon kung saan plano pa rin nitong ituloy ang kaniyang career.
NAKATAKDANG umalis ngayon patungong Harbin, China ang 20 atleta ng bansa na sasabak sa 9th Asian Winter Games.
Gaganapin ang opening ceremony sa araw ng Biyernes sa Harbin International Convention Exhibition and Sports Center at magtatapos ito ng hanggang Pebrereo 14.
Sinabi ni Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino, na kayang makipagsabayan ang ating atleta.
Bukod kasi sa kaya nilang makakamit ng medalya ay isa rin itong exposure at karanasan para magkaroon ng pangalan ang bansa sa Winter Olympics.
Ang nasabing bilang na 20-atleta ay siyang pinakamalaking delegasyon na ng bansa sa nasabing torneo.
Pangungunahan ito nina Francis Ceccarelli atTallulah Proulx para sa slalom ng Alpine Skiing; Laetaz Amihan Rabe sa free ski slopestyle, big air at halfpipe ng snowboarding.
Short-track speed skater Peter Gorseclose; kasama rin sina Isabella Gamez at Alexander Korovin ng figure skaters paer; at mga figure skaters na sina Sofia Frank, Paolo Borromeo, Cathryn Limketkai.
Binubuo naman ng men’s curling team nina Benjo Delarmente, Alan Frei, Christian Haller, Enrico Pfister at Marc Pfister.
Habang sa womens’ curling team ay binubuo nina Anne Bonache, Kathleen Dubberstein, Leilani Dubberstein, Sheila Mariano at Jessica Pfister.
Hindi naman makakasama si Pinoyo snowboarder Adrian Lee Tongko matapos na magtamo ng knee injury habang ito ay nagsasanay sa Hakuba, Japan.
NANAWAGAN si Speaker Ferdinand Martin Romualdez nang mas malakas na regional cooperation, economic resilience at responsible technology governance upang tugunan ang hamon sa seguridad at ekonomiya sa Indo-Pacific region.
Sa kanyang pananalita sa harap ng mga incumbent at dating mga international lawmakers, diplomats, security experts at technology experts sa Parliamentary Intelligence-Security Forum (PI-SF) sa Manila, inihayag ni Speaker Romualdez na ang geopolitical tensions, economic vulnerabilities at technological disruptions sa rehiyon ay nangangailangan ng isang coordinated global response.
“We gather at a critical moment when the Indo-Pacific—home to 4.7 billion people, or 60% of the global population, and a driving force of global trade and innovation—is both a region of immense opportunity and unprecedented challenges,” ani Romualdez.
Ang PI-SF, isang global platform na dinadaluhan ng mga mambabatas upang talakayin ang isyu ng intelligence, security at economic threats, ay may mahalagang papel sa pagpapalakas ng multilateral cooperation laban sa iba’t ibang hamon.
Sa ginanap na forum, nakatuon ang diskusyon sa isyu ng Indo-Pacific, rehiyon na kinabibilangan ng bansang China, Japan, India at South Korea.
Muli rin nitong kinumpirma ang commitment ng bansa sa pagsunod sa international law lalo na sa sovereign rights sa West Philippine Sea.
Binanggit nito ang He 2016 Arbitral Tribunal ruling sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS, na nagbasura sa pinalawak na maritime claims sa rehiyon.
“For the Philippines, the situation in the West Philippine Sea remains a direct and urgent concern. This is not just a matter of territorial integrity—it is a test of the international community’s commitment to upholding international law and ensuring freedom of navigation,” pahayag nito.
Nagbabala si Romualdez sa gray-zone tactics, coercive actions at militarization ng artificial islands, na nagbibigay pagbabanta sa kapayapaan at stability sa tehiyon.
“The West Philippine Sea issue underscores the importance of preserving a rules-based international order. For smaller nations like the Philippines, this order serves as a safeguard against the arbitrary use of power and ensures that disputes are resolved peacefully, through dialogue and diplomacy, rather than coercion or intimidation,” aniya.
Hinikayat niya ang mga kapwa mambabatas na gamitin ang kanilang legislative influence para maipatupad ang alyansa at to international agreements na magbibigay katatagan sa region. (Vina de Guzman)