Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
NASA mahigit P7.9 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa tatlong drug suspects na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos malambat ng pulisya sa buy bust operation sa Caloocan City, Huwebes ng madaling araw. Kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Lt Col. Timothy Aniway Jr ang mga suspek na sina alyas “Tomboy”, 24, alyas “Meng”, 31, at alyas “Halem”, 18, estudyante, pawang residente ng lungsod. Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Lt Col. Aniway na ikinasa nila ang buy bust operation, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency – National Capital Region (PDEA RO NCR NDO) at Sub-Station 14 ng Caloocan police nang magawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng isa sa kanyang mga tauhan. Dakong alas-12:10 ng hating gabi nang pasukin ng mga tauhan ng DDEU sa pangunguna ni P/Capt. Regie Pobadora ang isang bahay sa San Lorenzo Ruiz, Brgy. 185 saka inaresto ang mga suspek matapos matanggap ang senyas mula sa isa nilang kasama na nagpanggap na poseur-buyer na hudyat na nakabili na siya ng droga sa kanilang target. Ani Capt. Pobadora, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 1,170 grams ng hinihinalang shabu na may estimated street value na P7,956,000.00 at buy bust money na isang tunay na P1,000 bill at 26-pirasong P1,000 boodle money. Sasampahan ng DDEU ang mga suspek ng kasong paglabag sa Sections 5, 26 at 11 sa ilalim ng Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa Caloocan City Prosecutor’s Office. Pinuri ni PBGEN Anthony Aberin, Acting Regional Director ng National Capital Region Police Office (NCRPO), ang matagumpay na operasyon bilang testamento sa pinaigting na giyera kontra sa iligal na droga. Samantala, binati naman ni COL Ligan, ang DDEU sa kanilang hindi natitinag na dedikasyon sa pagtiyak sa kaligtasan ng mga komunidad. (Richard Mesa)
ACTION, thrills, and a whole lot of dinosaurs await in Jurassic World Rebirth, the newest age in the timeless series. Scarlett Johansson, Jonathan Bailey, and Mahershala Ali form a team on a top-secret mission to secure genetic material from the ancient creatures that may be the key in providing a live-saving drug to mankind.
Watch the trailer: https://tinyurl.com/yc2249kc
Also on TikTok: https://tinyurl.com/589jkd3c
Witness the rise of the dinosaurs as Jurassic World Rebirth open in Philippine cinemas on July 2. Follow Universal Pictures PH (FB), UniversalPicturesPH (IG), and UniversalPicsPH (TikTok) for the latest updates.
About Jurassic World Rebirth
A new era is born. This summer, three years after the Jurassic World trilogy concluded with each film surpassing $1 billion at the global box office, the enduring Jurassic series evolves in an ingenious new direction with Jurassic World Rebirth.
Anchored by iconic action superstar Scarlett Johansson, Emmy and SAG nominee Jonathan Bailey and two-time Oscar® winner Mahershala Ali, this action-packed new chapter sees an extraction team race to the most dangerous place on Earth, an island research facility for the original Jurassic Park, inhabited by the worst of the worst that were left behind. Also starring acclaimed international stars Rupert Friend and Manuel Garcia-Rulfo, the film is directed by dynamic visualist Gareth Edwards (Rogue One: A Star Wars Story) from a script by original Jurassic Park screenwriter David Koepp.
Five years after the events of Jurassic World Dominion, the planet’s ecology has proven largely inhospitable to dinosaurs. Those remaining exist in isolated equatorial environments with climates resembling the one in which they once thrived. The three most colossal creatures across land, sea and air within that tropical biosphere hold, in their DNA, the key to a drug that will bring miraculous life-saving benefits to humankind.
Jurassic World Rebirth is directed by BAFTA winner Edwards from a script by Koepp (War of the Worlds), based on characters created by Michael Crichton. The film is produced by Oscar® nominee Frank Marshall and Patrick Crowley, both longtime Jurassic franchise producers and of last summer’s blockbuster, Twisters. The film is executive produced by Steven Spielberg, Denis L. Stewart and Jim Spencer.
(ROHN ROMULO)
UMAASA pa ang Primera Kontrabida na si Gladys Reyes na matutuloy ang proyektong pagsasamahan nila ng mga kaibigan niyang sina Claudine Barretto, Judy Ann Santos at Angelu De Leon.
SA Facebook, ibinahagi ng VIVA Films ang poster ng pelikulang ‘Mananambal’ (The Healer), na kung saan tampok ang National Artist for Film and Broadcast Arts at Superstar na si Nora Aunor na nasa gitna ng banner.
NAG-PAY tribute din sa pagpanaw ng Taiwanese star na si Barbie Hsu ang singer-turned-doctor na si Josh Santana.
MAGLALARO na sa Golden State Warriors si dating Miami Heat star Jimmy Butler matapos ang matagumpay na trade deal sa pagitan ng dalawang koponan.
Kapalit ni Jimmy si NBA champion Andrew Wiggins at ang bagong-pasok na guard na si Dennis Schröder. Kasama rin sa deal ang bench na si Kyle Anderson at isang protected first-round pick.
Ang matagumpay na trade ay bahagi ng 5-team deal na kinabibilangan ng Utah Jazz, Detroit Pistons, at Toronto Raptors.
Sa kabuuan, mapupunta si Buttler sa GS, habang mapupunta si Wiggins at PJ Tucker sa Miami.
Si Dennis Schroder ay mapupunta sa Utah, habang sa Toronto Raptors naman maglalaro ang bench na si Kyle Anderson. Sa Detroit, mapupunta ang shooter na si Lindy Waters kasama ang Heat bench na si Josh Richardson.
Maliban sa trade, tuluyan ding pumirma si Butler ng 2-year extension sa Golden State na nagkakahalaga ng $121 million. Ito ay magtatagal hanggang sa 2026-2027 season.
Sa loob ng pananatili ni Butler sa Miami, nagawa niyang madala ang kaniyang koponan sa NBA Finals ng dalawang beses.
Sa kabilang dako, naging malaking tulong din sa Golden State ang presensya ni Wiggins, daan upang maibulsa nila ang pinakahuling kampeonato noong 2022. Si Wiggins ang nagsilbing starting forward sa playoff run hanggang sa mismong championship.
NAKATANGGAP ng papuri si senator Christopher “Bong” Go mula sa ilang atleta at sports personalities dahil sa suportang ibinibigay nito sa Philippine sports.
Saludo sina veteran sports journalist Joaquin Henson at Olympian Nesthy Petecio sa programa ni Go kung saan kaakibat ito sa pagpapalakas ng grassroots development, health sector at pagpapalawak sa benepisyo ng mga Pinoy athletes.
“Kay Senator Bong Go, maraming salamat po sa inyong suporta sa mga atleta. Maraming salamat po, lalo na sa grassroots. Patuloy n’yo lang po kaming sinusuportahan, Sir dahil alam ko napakadami pa pong nasa grassroots na gusto maging tulad namin,” ani Petecio.
Nanindigan naman si Go na hindi ito titigil sa pagsuporta sa mga atletang Pinoy na patuloy na nagsusumikap upang mabigyan ng karangalan ang bansa.
Ilan sa mga pinuri ni Go si PSA Athlete of the Year Carlos Yulo na nakasungkit ng dalawang gintong medalya sa Paris Olympics noong nakaraang taon.
“Ang tagumpay ng ating mga atleta ay tagumpay ng buong bansa. Kaya naman, hindi natin sila pababayaan. Patuloy tayong magsusulong ng mga programa na magpapalakas ng Philippine sports,” ani Go.
Bilang senate committee chairman on sports, isa si Go sa nagsusulong upang maaprubahan ang pondo ng sports agency na naging maganda ang resulta dahil sa mga tagumpay ng mga atleta.
Una na rito ang pagkopo ni Hidilyn Diaz ng kauna-unahang gintong medalya sa 2020 Tokyo Olympics.
“Ang ating mga kabataan ay may potensyal na maging world-class athlete’s kung mabibigyan sila ng tamang suporta. Kaya dapat nating siguruhing may sapat na pondo, tamang training facilities, at mga programang magpapalakas sa kanila,” ani Go.
PINALAWIG ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang termino ni Philippine National Police Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil ng apat na buwan, epektibo, Pebrero 7, 2025, araw ng kanyang pagreretiro.
Nakasaad sa memorandum na may petsang Pebrero 4, 2025, nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, na inaprubahan ni Pangulong Marcos ang ekstensyon ng government service ni Marbil ng lampas sa compulsory o sapilitang retirement age na 56.
Ang memorandum ay naka-addressed kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor Remulla.
Si Marbil, pang- 30th PNP chief, ay miyembro ng Philippine Military Academy’s Sambisig Class of 1991. Nakuha niya ang top police post noong Abril 1, 2024.
Si Marbil ay dating pinuno sa PNP Directorate for Comptrollership at nagsilbi bilang regional director ng Police Regional Office 8 (PRO-8) at bilang director ng Highway Patrol Group (HPG).
Ang kanyang panunungkulan bilang police chief ay markado ng inisyatiba ng law enforcement modernization at crime prevention. (Daris Jose)