• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2025

TNT pasok na rin sa semis matapos talunin ang Eastern 109-93

Posted on: February 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments

PINAUWI na ng TNT Tropang Giga ang guest team na Eastern Hong Kong 109-93.

Dahil sa panalo ay nag-martsa na ang TNT sa semifinals ng PBA Commissioners cup sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium sa Lungsod ng Maynila.

Pinangunahan ni Rondae Hollis-Jefferson ang Tropang Giga na mayroong 31 points, 15 rebounds, apat na assists at tatlong steals.

Habang mayroong 18 points, apat na rebounds si Rey Nambatac at 15 points naman si Poy Erram.

Nagtabla pa sa 70-all ang laro sa third quarter hanggang tuluyang nakaabanse ang TNT at nakuha ang kalamangan.

Hindi naman umubra ang 24 points ni Hayden Blankley at 16 points, walong rebounds naman ni Cameron Clark para sa Eastern.

Trump tuluyan ng pinagbawalan ang mga atletang transgender na sumali sa mga sports ng mga kababaihan

Posted on: February 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments

PIRMADO na ni US President Donald Trump ang executive order sa pagbabawal sa mga transgender athletes na sumali sa mga pang-babaeng sports.

Sinabi nito na ang giyera sa sports na pambabae ay tapos na dahil ito ay para lamang sa mga tunay na kababaihan.

Dagdag pa nito na kanilang ipagtatangol ang tradition ng mga babaeng atleta kung saan hindi nila papayagan ang mga kalalakihan na talunin, sugatan o dayain ang mga babae sa kanilang sports.

Inatasan din nito ang kaniyang gobyerno na hindi nila bibigyan ng pondo ang paaralan na pinapayagan ang mga transgender athltetes na sumali sa womens team.

DILG Remulla, binalaan ang mga BFP personnel na nagbebenta ng fire extinguishers

Posted on: February 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments

BINALAAN ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) na nagbebenta ng fire extinguishers sa mga business owners na kumukuha ng fire safety clearances.

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ni Remulla na nakahanda niyang sibakin ang mga BFP personnel na mapapatunayang may ginagawa at sangkot sa corrupt practices.

 

 

“Bawal magbenta ng fire extinguisher ang mga fire marshal at kung may ganon ireport n’yo kaagad sa akin at tatanggalin ko ‘yan on the spot,” ang sinabi ni Remulla.

 

 

“Galit na galit ako doon…Kalokohan ‘yan e. Bakit mo papahirapan ang negosyo? Nagbibigay ng trabaho ‘yan tapos gusto mo pagkakitaan lang,” dagdag na wika nito.

 

 

Sinabi pa ni Remulla na noong siya ay isang gobernador ng Cavite, pinagalitan niya ang mga fire personnel na sangkot sa illegal practices kabilang na ang pag-endorso ng mga kontratista para sa fire sprinklers.

 

 

Base sa BFP Memorandum Circular 2016-016, ang mga fire personnel ay pinagbabawalan na maugnay sa pagbebenta ng fire extinguishers at pag-endorso ng ‘manufacturers, dealers, o suppliers’ ng fire fighting equipment.

 

 

Nanawagan naman si Remulla sa mga local chief executive na hikayatin ang mga business owners na maghain ng reklamo laban sa mga pasaway at tiwaling BFP personnel.

 

 

“Mayors, please encourage business owners to file an ARTA complaint. Kung ma-delay pa more than one week, mag-file ng ARTA complaint, and I will personally see to it na ma-discipline sila,” aniya pa rin.

 

 

Sa ilalim ng Republic Act No. 11032 o Ease of Doing Business Law, dapat na ipalabas ng BFP ang Fire Safety Evaluation Clearance (FSEC) at Fire Safety Inspection Certificate (FSIC) sa mga negosyo sa loob ng pitong araw ng trabaho. (Daris Jose)

PBBM, nagtalaga ng bagong hepe ng Dangerous Drugs Board

Posted on: February 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si dating Interior and Local Government Undersecretary for Peace and Order Oscar Valenzuela bilang bagong pinuno ng Dangerous Drugs Board (DDB).

 

Ang appointment ni Valenzuela ay inanunsyo ng Presidential Communications Office (PCO) sa isang Facebook post, araw ng Biyernes.

Base sa listahan ng mga bagong presidential appointees na ipinalabas ng PCO, si Valenzuela ay magsisilbi bilang chairperson at permanenteng miyembro ng DDB.

 

 

Pinalitan ni Valenzuela si Catalino Cuy na naupo bilang DDB chair mula pa noong 2018.

Sa bisa ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang DDB ay nagsisilbi bilang policy-making and strategy-formulating body sa drug prevention and control.

Ang mandato ng DDB ay i-develop at i- adopt ang isang komprehensibo, integrated, unified at balanseng national drug abuse prevention at control strategy.

 

 

Si Valenzuela ay miyembro ng Philippine Military Academy “Marangal” Class of 1974.

Nahawakan din niya ang mga pangunahing tungkulin bilang isang dating police officer, nagsilbi bilang Police Assistant Regional Director for Operations ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at Police Provincial Director sa Ilocos Norte.

 

 

Nang magretiro mula sa Philippine National Police, si Valenzuela ay naging pinuno ng National Terrorism Prevention Office of the Anti-Terrorism Council Program Management Center at chairperson ng Asia Pacific Economic Conference Counter-Terrorism Working Group.

Pinangunahan din niya ang Philippine Delegation sa White House Summit on Countering Violent Extremism sa Washington D.C. noong 2015.

 

 

Bilang dating Local Government Undersecretary for Peace and Order, sinuportahan ni Valenzuela ang iba’t ibang programa ng National Anti-Drug Strategy, kabilang na ang Philippine Drug Enforcement Agency’s Anti-Drug Advocacy Program. (Daris Jose)

VP Sara, tiniyak na “okay” siya matapos ang impeachment: Ipinaubaya na sa mga abogado ang impeachment complaint

Posted on: February 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments

TINIYAK ni Vice President Sara Duterte, araw ng Biyernes na “okay” siya matapos ihain ang impeachment complaint laban sa kanya.

Sa ngayon ay kinonsulta na niya ang kanyang mga abogado sa bagay na ito.

 

 

“Ang tanging masasabi ko na lamang sa puntong ito ay God save the Philippines.” ang sinabi ni VP Sara.

“Bukod dito, nais ko na lang ipaabot ang aking taos pusong pasasalamat sa mga kababayan na patuloy nagdarasal, sumusuporta, nagtitiwala at patuloy na nagmamahal sa akin. Manalig kayo dahil sa taong bayan ang tagumpay,” ang sinabi pa rin ni VP Sara.

Sinabi pa ni VP Sara na nagsimula na siyang maghanda para sa impeachment proceedings simula pa noong November 2023, nang ilantad ni House Deputy Minority Leader and ACT Teachers party-list Rep. France Castro ang planong sampahan siya ng reklamo.

“So, November of 2023, there were already lawyers doing their work for the impeachment. We leave it to the lawyers,” ang sinabi ni VP Duterte.

“I’m okay,” diing pagtiyak ni VP Sara.

Si Duterte ay in-impeach ng Mababang Kapulungan ng Kongreso araw ng Miyerkules para sa “violation of the constitution, betrayal of public trust, graft and corruption, and other high crimes”.

 

 

Kailangan na magpulong ng Senado para litisin si VP Sara. Kapag napatunayang nagkasala, aalisin siya mula sa puwesto at pagbabawalan na tumakbo sa anumang public office.

“I have not talked to my friends in the Senate,” ang sinabi ni VP Sara.

Nauna rito, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na walang papel ang Ehekutibong sangay ng pamahalaan sa 4th impeachment complaint na isinampa laban kay Vice-President Sara Duterte.

 

 

Sa press conference ni Pangulong Marcos sa Kalayaan Hall, sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Huwebes, Pebrero 6, sinabi ng Chief Executive na malabong makialam ang Malakanyang sa usaping ito dahil constitutional mandate aniya ng Kongreso ang ituloy ang impeachment complaints.

 

No, the executive cannot have a hand in the impeachment. Walang role ang executive sa impeachment. Of course, did we discuss it with the Speaker, did we discuss it with the other congressmen? Of course. And that tinatanong, anong plano ninyo? Ano ba talagang gusto ninyong gawin? And the – nandito na ito, hindi na namin maiwasan,” diing pahayag ng Pangulo.

(Daris Jose)

VP Sara, hindi magbibitiw sa puwesto sa gitna ng impeachment

Posted on: February 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments

HINDI kailanman sumagi sa isip ni Vice President Sara Duterte na magbitiw sa puwesto sa gitna ng impeachment complaints na isinampa laban sa kanya.

“Wala pa tayo doon. Masyado pang malayo ‘yung mga ganyan na mga bagay,” ang sinabi ni VP Sara sa isang press conference.

 

 

Sa ulat, sinabi ni House Secretary-General Reginald Velasco na 215 kongresista ang lumagda sa 4th impeachment complaint na higit pa sa 1/3 na kailangang lagda ng 306 mambabatas para maiakyat ang reklamo sa Senado.

 

 

Napag-alaman na si Presidential Son at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos ang unang pumirma sa ikaapat na impeachment complaint laban kay VP Duterte.

 

 

“There is a motion to direct the Secretary General to immediately endorse to the Senate the impeachment complaint having been filed by more than one-third of the membership of the House or a total of members.” ang sinabi ni House Speaker Ferdinand Romualdez.

 

 

Kabilang sa ground ng impeachment ang ­conspiracy to assassinate President Ferdinand Marcos Jr., Unang Ginang Liza at Speaker Romualdez; malversation of P612.5-M confidential funds; bribery and corruption in DepEd; extra judicial killings; betrayal of pubic trust at large scale corruption.

 

 

Itinalaga naman bilang miyembro ng prose­kusyon sina ­representatives Gerville ­Luistro, Romeo Acop, Rodge ­Gutierrez, Joel Chua, Jil ­Bongalon, ­Loreto Acharon, ­Marcelino ­Libanan, Arnan ­Panaligan, Isabel Maria ­Zamora, ­Lorenz ­Defensor, at ­Jonathan Keith Flores.

 

 

Ang ikaapat na impeachment complaint ay hiwalay pa sa tatlong naunang reklamo laban sa Bise Presidente. Hindi na didinggin ang tatlong reklamo dahil nahigitan ito ng ikaapat na impeachment na inindorso ng 215 mambabatas.

 

Inihain ang 4th impeachment nitong Pebrero 5 at pinagtibay din sa mismong huling araw ng sesyon kahapon.

 

Dahil 102 lang ang kailangang numero ng mga mambabatas upang ma-”fast tracks” ang proseso ng impeachment kaya hindi na ito daraan sa deliberasyon ng House Committee on Justice at ididiretso na sa Senado.

 

Dahil dito, hawak na ng Senado ang bola para idetermina ang pagtatanggal sa puwesto laban kay VP Sara. (Daris Jose)

PBBM, hands off sa impeachment complaint laban kay VP Sara

Posted on: February 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments

WALANG PAPEL ang Ehekutibong sangay ng pamahalaan sa 4th impeachment complaint na isinampa laban kay Vice-President Sara Duterte.

 

Sa press conference ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Kalayaan Hall, Palasyo ng Malakanyang, araw ng Huwebes, Pebrero 6, sinabi ng Chief Executive na malabong makialam ang Malakanyang sa usaping ito dahil constitutional mandate aniya ng Kongreso ang ituloy ang impeachment complaints.

 

“No. the executive cannot have a hand in the impeachment. Walang role ang executive sa impeachment. Of course, did we discuss it with the Speaker, did we discuss it with the other congressmen? Of course. And that tinatanong, anong plano ninyo? Ano ba talagang gusto ninyong gawin? And the – nandito na ito, hindi na namin maiwasan,” diing pahayag ng Pangulo.

 

 

“But again, what the House has done is clearly within – is clearly the mandate that they have been – the Constitutional mandate that they have to proceed with the impeachment complaints,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

 

 

“So, that’s why I don’t – I think they are just following the procedure and na ang puno’t dulo nito ay na-transmit nila ang impeachment complaint sa upper House,” aniya pa rin.

 

 

Winika pa ng Pangulo na depende na aniya sa Senado kung paano nila pipiliin na hawakan ang nasabing usapin. ‘

 

 

“Hindi pa maliwanag kung ano ‘yung plano ni Senate President (Chiz Escudero) at saka ‘yung ating mga senador kung papaano nila gagawin. If they will immediately convene, if they will still study the rules, if they are going to wait until the next session.So, we’ll have to wait until they decide on how it’s going to be,” ang sinabi ng Punong Ehekutibo.

 

 

Sa ulat, sinabi ni House Secretary-General Reginald Velasco na 215 kongresista ang lumagda sa 4th impeachment complaint na higit pa sa 1/3 na kailangang lagda ng 306 mambabatas para maiakyat ang reklamo sa Senado.

 

 

Napagalaman na si Presidential Son at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos ang unang pumirma sa ikaapat na impeachment complaint laban kay VP Duterte.

 

 

“There is a motion to direct the Secretary General to immediately endorse to the Senate the impeachment complaint having been filed by more than one-third of the membership of the House or a total of members.” ang sinabi ni House Speaker Ferdinand Romualdez.

 

 

Kabilang sa ground ng impeachment ang ­conspiracy to assassinate President Ferdinand Marcos Jr., Unang Ginang Liza at Speaker Romualdez; malversation of P612.5-M confidential funds; bribery and corruption in DepEd; extra judicial killings; betrayal of pubic trust at large scale corruption.

 

 

Itinalaga naman bilang miyembro ng prose­kusyon sina ­representatives Gerville ­Luistro, Romeo Acop, Rodge ­Gutierrez, Joel Chua, Jil ­Bongalon, ­Loreto Acharon, ­Marcelino ­Libanan, Arnan ­Panaligan, Isabel Maria ­Zamora, ­Lorenz ­Defensor, at ­Jonathan Keith Flores.

 

 

Ang ikaapat na impeachment complaint ay hiwalay pa sa tatlong naunang reklamo laban sa Bise Presidente. Hindi na didinggin ang tatlong reklamo dahil nahigitan ito ng ikaapat na impeachment na inendorso ng 215 mambabatas.

 

Inihain ang 4th impeachment nitong Pebrero 5 at pinagtibay rin sa mismong huling araw ng sesyon kahapon.

 

Dahil 102 lang ang kailangang numero ng mga mambabatas upang ma-”fast tracks” ang proseso ng impeachment kaya hindi na ito daraan sa deliberasyon ng House Committee on Justice at ididiretso na sa Senado.

 

Dahil dito, hawak na ng Senado ang bola para idetermina ang pagtatanggal sa puwesto laban kay VP Sara. (Daris Jose)

Bagong transport hub itatayo ng Ayala Land at DOTr

Posted on: February 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments

MATAPOS ang pandemya ng COVID-19, itutuloy na ng Department of Transportation (DOTr) at AyaLand ang naantalang konstruksyon ng Taguig Integrated Terminal Exchange (TCITX).

 

     Ang TCITX ay katulad ng tinayong Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na tinatayang matatapos sa taong 2027 at magsisimulang magkaroon ng operasyon sa taong 2028. Nagkaroon ng ground breaking ceremony noong nakaraang Lunes sa lungsod ng Taguig.

 

     Ito ay isang transport hub na magkakaroon ng seamless travel na karanasan ang mga pasahero sapagkat ito ay idudugtong sa North-South Commuter Railway (NSCR) na tatakbo mula Clark sa Pampanga hanggang Calamba, Laguna. Idudugtong rin ito sa ginagawang Metro Manila Subway Project (MMSP).

 

     Kapag natapos ang konstruksyon, ang mega transport hub na nasabi ay inaasahang makapagbibigay ng serbisyo sa may 160,000 na pasahero at 5,200 na sasakyan tulad ng buses at iba pang transport mode kada araw.

 

     “The TCITX is a public-private private partnership project envisioned to be a multi-modal terminal to be constructed in more than 5 hectares of land,” wika ni DOTr undersecretary Jesus Ferdinand Ortega.

 

     Ang TCITX ay isang six-storey building na itatayo sa Arca South, Taguig City na siyang magsisilbing terminal ng mga provincial at city buses at iba pang maliliit na pampublikong transportasyon tulad ng jeepneys at FX. Ito ay nagkakahalaga ng P5 billion.

 

     Sinabi naman ni DOTr Secretary Bautista na dahil sa TCITX, ang mga pasahero ay magkakaron ng kaibang karanasan sa pagsakay  mula sa southern part ng Metro Manila dahil magiging convenient at safe ang kanilang paglalakbay.

 

     “It should have more spaces for passengers. I am sure the developers will learn from the experience of PITX. But what you saw is already the design of its exterior. It is a public-private partnership (PPP) between the Philippine government and the private sector, led by AyalaLand,” wika ni Bautista.

 

     Ayon naman kay Anna Margarita Dy, president at CEO ng Ayala Land Inc., na sila ay may karanasan na sa pagtatayo at operasyon ng terminal matapos nilang gawin ang One Ayala Terminal kung saan ito ay nagbibigay ng mas madali, maginhawa, mabilis at komportableng karanasan sa pagsakay at pagbiyahe mula at pabalik sa central business district ng Makati.

 

     Samantala, pinayahag din ni Bautista na may gagawing feasibility study ang DOTr para sa proyektong katulad na nasabi na ilalagay at itatayo naman malapit sa mga northern cities ng NCR.

 

     “We are now preparing for the feasibility of the north project and we are looking for a suitable site. The North Terminal Exchange is similar as big as TCITX,” dagdag ni Bautista. LASACMAR

Abalos nangakong tutulungan ang mga miyembro ng TODA na makakuha ng fuel subsidy

Posted on: February 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NANGANGAKO si Senatorial candidate Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. ng tulong para sa mga opisyal at miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) sa Metro Manila na matagal nang naghihirap dahil sa pagkaantala ng kanilang fuel subsidy.

 

Sa isang pulong kasama ang United Federations of Tricycle Operators and Drivers Association (UF-TODA) na pinangunahan ni Ace Sevilla sa Cuneta Astrodome sa Pasay City, narinig ni Abalos ang mga hinaing ng mga tricycle operators at drivers ukol sa hirap na kanilang nararanasan sa pagkuha ng fuel subsidy mula sa pambansang gobyerno.

 

Ipinahayag ng grupo na paulit-ulit nilang ini-raise ang mga isyu sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring aksyon mula sa mga kinauukulang ahensya.

 

Ayon kay Sevilla, nais ng grupo na idaan na lamang ang fuel subsidy sa mga lokal na pamahalaan dahil ang kasalukuyang distribusyon ng subsidy ay sa pamamagitan ng mga e-wallet tulad ng GCash.

 

Sinabi ni Abalos, na tumatakbo sa ilalim ng administrasyong Alyansa para sa Bagong Pilipinas, na nauunawaan niya ang mga alalahanin ng mga tricycle drivers at operators dahil nakipagtulungan siya sa kanila sa loob ng maraming taon, kabilang na ang pagiging legal na tagapayo ng TODA, lalo na sa Mandaluyong City.

 

Batay sa kanyang patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga miyembro ng TODA, sinabi ni Abalos na alam niyang hindi lahat ng tricycle drivers ay may smart phone, kaya’t ang iba sa kanila ay walang GCash account.

 

Sa pulong, nangako si Abalos na tutulungan ang mga miyembro ng TODA upang matiyak na matatanggap nila ang fuel subsidy na nararapat sa kanila sa pamamagitan ng pag-angat ng kanilang mga hinaing sa mga ahensya ng gobyerno.

 

Ang fuel subsidy ay inisiyatibo ng pambansang gobyerno upang matulungan ang mga operator at drivers na makayanan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo. Bagamat nakatanggap na ang mga operator at drivers ng jeepney at iba pang pampasaherong sasakyan ng subsidy, ang ilan sa mga miyembro ng TODA ay hindi pa rin nakikinabang dahil sa mga hamon ng e-wallet. (PAUL JOHN REYES)

5 government officials na-impeached mula EDSA revolution

Posted on: February 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments

MULA  2000, limang opisyal ng gobyerno sa bansa ang na-impeached ng House of Representatives kasama si Vice President Sara Duterte.

Si Duterte ang kauna-unahang bise presidente ng bansa na napatawan ng impeachment.

Si dating Pangulong Joseph Estrada naman ang kauna-unahang ­Pangulo ng bansa na na-impeached noong ­Nobyembre 13, 2000 pero hindi siya nahatulan matapos magbitiw sa puwesto dahil sa People Power II.

Na-impeached din si dating Ombudsman Merceditas Gutierrez noong 2011, dating Chief Justice Renato Corona noong 2012, at dating Comelec chairperson Andres Bautista noong 2017.

Nasampahan din ng impeachment complaints sina dating ­Pangulong Corazon Aquino at ­dating Pangulong Gloria ­Macapagal-Arroyo pero hindi nagtagumpay.

Sisimulan ng kasalukuyang 19th Congress ang pagbuo ng Impeachment Court sa Hunyo 2 pero inaasahang ang 20th Congress na ang nagpapatuloy sa pagdinig.

Bagaman at uupo pa rin sa impeachment court ang mga reeleksiyu­nistang senador ng 19th Congress, awtomatiko namang matatapos ang kanilang termino pagpasok ng 20th Congress kung hindi sila mananalo sa darating na eleksiyon.