
MULI na namang gumawa ng kasaysayan ang Nathan Studios bilang first Filipino family-owned production company na nagdala ng isang animated feature sa mga sinehan ng Pilipinas.
Kilala ang Nathan Studios sa pagsuporta sa mga top-tier films mula sa iba’t-ibang genres — mapa-aksyon, comedy, drama, at marami pang iba at ngayon ay sasabak naman ang studio sa mundo ng animasyon sa ‘Buffalo Kids’.
Aligned ito sa mission ng studio sa pagawa ng creative risks at sa pag-explore ng mga bagong posibilidad sa cinema, lalo na ngayon at layunin nito sa pagpapalabas ng mga high-quality, family-friendly films. Sa direksyon ni Gabo Galdochi at sa ilalim ng produksyon ni Pedro Solis, ang ‘Buffalo Kids’ ay isang heartwarming journey of friendship and family at pinukaw nito ang mga puso ng mga manonood sa buong mundo. Tampok sa ‘Buffalo Kids’ sina Alisha Weir, Conor MacNeill, Gemma Arterton, Sean Bean, at Stephen Graham. Sumikat ito matapos itong ipalabas sa Annecy International Animation Film Festival nuong June 2024 at mabilis itong naging paborito sa Europe at Asia. Ngayon mapapanood na ng pamilyang Pilipino ang adventurous at heartwarming na istoryang ito sa pagdala ng Nathan Studios sa ‘Buffalo Kids’ sa mga lokal na sinehan simula bukas, Pebrero 12.
At gaya ng sabi nila sa socmed kamakailan, “We’re going on a wild adventure! Heroes and villains! Buffalos in the middle of nowhere! And special friends along the way.”
Kaya naman tara sa nakakaaliw na mundo ng ‘Buffalo Kids’, na napanood na namin sa advance screening ang pelikula na ginanap sa Gateway Cinema 12 last Sunday, Feb. 9.
Happy naman ang Nathan Studios producer at aktres na si Sylvia Sanchez kasama ang kanyang pamilya, na nagustuhan ng mga nanood ang naturang animated film.
Nag-imbita rin siya ng Star Magic Kids na nag-enjoy talaga at bongga ang kanilang kuwentuhan pagkatapos ng movie, at excited din magbigay ng kanilang reaction.
Say naman ni Ibyang, “gusto namin na Nathan Studios, iba’t-ibang genre, hindi puro action or drama lang.
“Gusto namin pag pinalabas, meron talagang tagos sa puso, doon nila maalala ang Nathan sa ganung klaseng pelikulang tulad nitong ‘Buffalo Kids’.
“Makaka-relate ang lahat tungkol sa pagtulong at hindi panglpalait at pagbibigay ng chance sa lahat. Nasa wheel chair man o wala, special or normal, kailangang bigyan ng chance lahat.”
Kuwento pa niya sa proseso ng pagbili ng pelikulang hindi lang pambata dahil magugustuhan din ng mga adults, “pumunta lang kami sa booth, parang maganda ito. Pinapanood lang sa amin ang trailer. Pero dapat may instinct ka sa bibilhin mo, kasi kahit maganda ang trailer, baka hindi maganda ang buong pelikula.
“Pero lahat naman ng napipili namin, okey naman. Like itong ‘Buffalo Kids’ careful ako, kasi ito ang first distribution na talagang solo ng Nathan.
“Ang next movie namin na ire-release ay tungkol sa magulang, ito ‘yun ‘Picnic’ ng South Korea na kuwento ng mga seniors, lola’t-lolo. Ita-Tagalized namin yun movie, ang magda-dub ay sina Ate Ces Quesada, Tita Nova Villa, Kuya Bodgie Pascua, Freddie Webb at iba pa.
“Meron din kaming nakuha isa pang South Korean movie na about naman monk na ‘About Family’ na bida si Lee Seung-gi, comedy siya, pero may tagos din sa puso.”
Binalita rin niya na magta-try uli silang magpasok ng entry sa 2025 MMFF, after ng ’Topakk’ na nakakuha ng tatlong tropeo.
Kaya tuloy-tuloy ang pagpo-produce nila ng local films, bukod sa pagbili ng gawa na mula sa ibang bansa.
“Sa ngayon, magro-roll kami ngayong May or June, pang-filmfest ‘yun movie at sana mapili at makasama.”
Bongga ang casting ng movie na tungkol sa ‘special’ love story, na balitang pumayag ang aktor/pulitiko kaya muli silang magkakasama ng premyadong aktres.
Kaya excited na kami sa mga susunod na pasabog ng Nathan Studios Inc.
(ROHN ROMULO)