• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2025

4 kulong sa cara y cruz at shabu sa Valenzuela

Posted on: February 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments

SA kulungan ang bagsak ng apat katao matapos madakma ng pulisya sa magkahilay na anti-ilegal gambling operation at makuhanan pa ng droga ang dalawa sa kanila sa Valenzuela City.

Sa ulat ni P/MSg Carlos Erasquin Jr kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, nakatanggap ng impormasyon ang Police Sub-Station 8 mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap umanong illegal gambling activities sa Rosario St. Brgy., Mapulang Lupa.

Nang respondehan ng mga tauhan ng SS8, naaktuhan nila ang dalawang lalaki na naglalaro ng cara y cruz sa loob ng isang barber shop sa naturang lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanila.

Nakuha mga suspek na sina alyas “Edward” at alyas “Gerald” tatlong piso coins na gamit bilang ‘pangara’ at P370 bet money habang ang tatlong plastic sachets ng hinihinalang shabu ay nasamsam kay ‘Edward’.

Alas-10:20 ng umaga nang maaktuhan naman ng mga tauhan ng Police Sub-Station 1 sina alyas “Bryle” at alyas “Jomar”, habang naglalaro ng illegal na dugal na cara y cruz din sa Brgy. Paso De Blas.

Sa kanyang report kay Col. Cayaban, sinabi ni PCpl Christopher Quiao na nakumpiska sa mga tauhan ng SS1 sa mga suspek ang tatlong piso coins na gamit bilang ‘pangara’ at P106 bet money habang ang isang sachet ng umano’y shabu ay nakuha kay ‘Bryle’.

Sinampahan ng pulisya ang mga suspek ng kasong paglabag sa PD 1602 at RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Grave threat at inciting to sedition… Kasong kriminal kay VP Sara Duterte, inirekomenda ng NBI

Posted on: February 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments

INIREKOMENDA  na ng National Bureau o Invesigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng kasong kriminal laban kay Vice President Sara Duterte.

 

Ito ay kaugnay pa rin sa death threath kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos, at House Speaker Martin Romualdez.

 

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, kabilang sa mga inirekomendang kaso ay ang Grave threat at inciting to sedition.

 

Natatandaan noong nakaraang taon naglunsad virtual press conference si Vice President Sara duterte, kung saan nakipagkasundo na aniya siya sa isang assasins upang ipapatay si President e, First Lady at House Speaker.

 

Agad naman itinuring ng malakanyang na isang itong active threat, kasabay ng paghimok sa presidential security group na agad kumilos kung anong nararapat na gawin sa nasabing pagbabanta ng Bise Presidente. (Gene Adsuara)

Ads February 13, 2025

Posted on: February 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments

Sa proclamation rally ng APBP… PBBM, bumanat sa mga kandidato sa pagka-senador ng oposisyon

Posted on: February 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments

BINANATAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga kandidato sa pagka-senador ng oposisyon sa unang araw ng kampanya ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas (APBP), na ginawa, Martes sa balwarte ng pamilya Marcos sa Ilocos Norte.

Sa proclamation rally ng APBP sa Ilocos Norte Centennial Arena ng Laoag, tahasang ipinagmalaki ng Pangulo na wala sa mga kandidato ng administrasyon ang may bahid ng dugo dahil sa EJK, nagbulsa sa pera ng bayan at nagpanggap na propeta subalit nambibiktima ng mga bata at kababaihan.

Wala rin aniya sa mga kandidato ng administrasyon ang pumapalakpak habang binobomba at inaabuso ng China ang mga Filipino na mangingisda sa West Philippine Sea.

Matatandaan na si reelectionist Sen. Ronald dela Rosa ay dawit sa madugong anti drug war campaign habang nahaharap naman sa kasong sexual abuse ang senatorial candidate na si Pastor Apollo Quiboloy na parehong kandidato ng oposisyon.

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na malawak ang karanasan ng mga kandidato ng administrasyon at hindi katulad ng iba na nautusan lang na bumili ng suka at nabigyan na ng certificate of candidacy.

“Babalik ba tayo sa nakaraan na ibinubugaw ang ating bayan bilang isang sugalan ng mga dayuhan? Nais ba nating bumalik sa landas na umaapaw sa dugo ng mga inosenteng mga bata na inagaw sa kanilang mga ina, kinuha sa kanilang mga tahanan, at inagaw ang kanilang kinabukasan?,” ayon sa Pangulo.

Ipinagmalaki pa ni Marcos na tanging ang admi­nistrasyon lamang ang may kumpletong senatorial slate at hindi katulad ng iba na nagmamakaawa na makabuo at makakuha ng kandidato.

Ayon naman kay ‘Alyansa’ campaign manager, Navotas City Rep. Toby Tiangco, bawat kandidato sa ‘Alyansa’ ay may subok na track record at handang ipagpatuloy ang mga economic at legislative agenda ni Pangulong Bongbong. (Daris Jose)

Ads February 12, 2025

Posted on: February 12th, 2025 by Peoples Balita No Comments

KAMPANYA NG PARTY LIST NG FIRE AT RESCUE VOLUNTEERS, UMARANGKADA NA

Posted on: February 12th, 2025 by Peoples Balita No Comments

ISANG kick-off motorcade rally ng isang  grupo ng party list sa mga fire  at rescue volunteers sa buong Pilipinas na nagsimula sa harap ng Bureau of Immigration sa Intramuros Maynila ang umarangkada na sa pagsisimula ng  campaign period para sa darating na halalan ngayong Mayo 2025.

Mahigit na  200 sasakyan ng mga fire  and rescue volunteers ang nakilahok kabilang ang  nasa 3,000  supporters mula sa iba’t ibang organisasyon na nagpakita ng suporta sa  Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) No. 134 sa balota .

Ang Bumbero ng Pilipnas (ABP) party list ay pinangungunahan ni  first nominee  Jose Antonio “Ka Pep” Goitia kasama ang iba pang  nominado na sina Leninsky Bacud, Catleya Cher Goitia, Jose Mari Alfonso Goitia, Carl  Gene  Moreno Plantado at Howie  Quimzon Manga.

Ayon kay  Ka Pep Goitia  maghahain sila ng resolusyon para sa kapakanan  ng mga fire volunteers and rescuers  na katuwang sa  mabilis na pagtugon sa mga sunog,  sakuna at kalamidad  sa bawat komunidad sa iba’t ibang  sulok ng Pilipinas, gayundin ang mga benepisyo sa  lahat ng firefighters, fire and rescue volunteers at iba pang volunteers at kaalaman sa pagtugon at paghahanda sa kalamidad. (Gene Adsuara)

Kasalang Bayan 2025 sa Navotas

Posted on: February 12th, 2025 by Peoples Balita No Comments

MASAYANG nagpakuha ng larawan kay Mayor John Rey Tiangco, kasama ang iba pang mga opisyal ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang mag-asawang sina Augusto Samson Jr., 60-anyos, at Nelma Lanza, 50, na 20-taon nang magkasama, na kabilang sa 70 mag-asawang ikinasal sa libreng Kasalang Bayan 2025 sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso sa lungsod. (Richard Mesa)

Maraming natutuwa na naka-move on na: JAK, kinakiligan sa viral dance video nila ni JACKIE

Posted on: February 12th, 2025 by Peoples Balita No Comments

MARAMI ang natuwa na nakaka-move on na si Jak Roberto.

Marami ang kinilig sa viral dance video nila ni Jackie Gonzaga noong mag-guest si Jak sa ‘It’s Showtime.’

Sa viral video ay mapapanood na sumasayaw sila habang tumutugtog ang Earth, Wind & Fire classic na “Let’s Groove.” Meron na itong 13.4 million views.

Sa comments section ng post, marami ang biglang naging fans ng dalawa dahil sa husay nilang sumayaw.

Sabi pa ng isang Facebook user, “luh bat parang bagay cla.”

Ayon pa sa ilang commenters, may potensyal na maging love team sina Jak at Jackie.

“Ohmyy gassssh Jak and Jackie Gonzaga madami kaming kinikilig sainyo Sana maging loveteam kayo and maging regular host c kuya Jak, ” ani ng isang netizen.

Una nang napansin ang chemistry nina Jak at Jackie nang mag-post ang aktor ng kanilang litrato ni Jackie noong January 31 sa Facebook habang nasa set sila ng ‘It’s Showtime.’

Dito ay makikitang nakatakip ang bibig ni Jackie ng kanyang kamay habang nakatitig kay Jak. Tila lumakas daw ang sex appeal ni Jak noong maging single ito.

Mukhang mabubuwag na ang fandom nila Jak at Barbie Forteza na JakBie dahil meron ng JakJac.

Si Jackie naman ay hiwalay na raw sa longtime boyfriend nitong si Tom Doromal.

***

KAHIT matagal na silang hiwalay, hindi pumapalya si Demi Moore na bisitahin ang ex-husband na si Bruce Willis who is suffering from frontotemporal dementia.

Para kay Demi, blended family sila at magkasundo sila ng kasalukuyang misis ni Bruce na si Emma Heming.

“We will always be a family, just in a different form. For me, there was never a question. I show up because that’s what you do for the people you love,” sey ni Demi na kapapanalo lang ng best actress award sa Critics Choice Awards for ‘The Substance.’

(RUEL J. MENDOZA) 

Nag-align ang universe pati na sa playdate: MARVIN, ‘di inasahang sasakto sa Valentine’s Day ang balik-tambalan nila ni JOLINA

Posted on: February 12th, 2025 by Peoples Balita No Comments
NATANONG si Marvin Agustin kung ano ang unang reaskyon niya noong nalaman niya na muli silang magtatambal at magbibida ni Jolina Magdangal sa pelikulang ‘Ex Ex Lovers’?
Sabi niya, “Yung comeback gustung-gusto namin gawing dalawa, yung, ‘Kailan kaya? Ano kayang pelikula?
“Tapos may mag-o-offer, tapos hindi matutuloy kasi mga schedule problems. Ito kila Tonette na pelikula na 2018 pa natin pina-plano, nag-evolve na siya nang nag-evolve na nag-evolve.
“Nandun yung willingness namin talaga gumawa ng pelikula. Tamang material lang talaga at tamang panahon.
“Kaya itong nangyari ngayon parang nag-align lang talaga yung universe, na pati playdate, na hindi namin inaasahan.
“Never namin naisip na saktong Valentine’s kami mapapalabas at binigay ito ng Diyos sa amin.
“I think iyon yung magandang kasabihan na you just have to prepare yourself for the opportunity when it comes.
“So iyon lang yung nangyari sa aming lahat, trabaho lang kami ng trabaho, nag-landing lang yung mga tamang elemento kaya nandito kami sa harapan niyo ngayon,” ang nakangiting pahayag pa ni Marvin.
Nakakaaliw naman ang sagot niya sa tanong kung ano ang nami-miss niya sa dekada nobenta na panahong sumikat ang MarJo tandem.
“Bukod sa bangs ni Jolina,” at tumawa si Marvin, “ na wala na siyang bangs ngayon, I think yung relationship na ng mga artista at ng mga press.
“Meron tayo nun lagi, Christmas party, birthdays, may visits sa mga shows namin, na siyempre ngayon with the age of social media lahat iyon nawala!
“At kaya ngayon na kapag nagkakaroon ng mediacon parang mas naa-appreciate mo na meron pa rin ganitong venues na magkakasama pa rin ang mga media at yung mga artista.”
Palabas sa mga sinehan ang ‘Ex Ex Lovers’ sa mula sa direksyon ni JP Habac, at panulat ni Kristine Gabriel.
Ang Ex Ex Lovers ay kuwento nina Joy (Jolina) at Ced (Marvin) at nina SC (Loisa Andalio) at Joey (JK Labajo).
Ang producer ng pelikula ay si Antoinette Jadaone katuwang ang Project 8 Projects, Cornerstone Entertainment at distributed locally ng Warner Bros. Pictures.
(ROMMEL L. GONZALES) 

Tiangco, nais palawakin ang tech-based programs para sa mga magsasaka

Posted on: February 12th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAIS ni Navotas Representative Toby Tiangco na palawakin pa ang mga programang pang-agrikultura na pinamumunuan ng pamahalaan upang mapalakas ang produktibidad at kita ng mga magsasaka.

“Embracing technology-driven farming methods is key to strengthening our agriculture sector,” ani Tiangco.

“The government must prioritize equipping farmers with the necessary technology and knowledge to maximize productivity and income potential,” dagdag niya.

Binanggit niya ang tagumpay ng maliliit na water impounding system, fertigation techniques, at drip irrigation sa Hermosa at Dinalupihan Bataan, na nagpabago sa produksyon ng pananim.

“According to the agriculture department, these technologies can cut fertilizer use by up to 70 percent and reduce water consumption by 30 percent,” aniya.

“We need to replicate these programs nationwide. Expanding their reach will help farmers optimize resources and lower production costs,” sabi niya.

Aniya, dapat ding tuklasin ng Department of Agriculture (DA) ang higit pang pakikipagtulungan sa pribadong sektor upang mapabuti ang kapakanan ng mga magsasaka.

Binigyang-diin niya ang Digital Farmers Program (DFP) ng DA-Agricultural Training Institute, na nagbibigay sa mga magsasaka ng mga digital na tool, kabilang ang mga smartphone, tablet, at internet access, upang mapahusay ang produktibidad ng agrikultura.

“The lack of access to smartphones and internet is a major barrier to technology adoption among rice farmers,” pahayag ng mambabatas.

The government must invest in programs that give farmers access to digital tools. Bringing public agricultural services online will provide them with valuable data and easier access to government assistance,” dagdag  niya. (Richard Mesa)