• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2025

American national, nahulog sa condo dedo

Posted on: February 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments

DEDBOL ang 59-anyos na American national matapos umanong mahulog mula sa ika-walong palapag ng isang condominium sa Valenzuela City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si alyas “Robert”, American national at pansamantalang nanunuluyan sa Unit 819, Tower A Condominium, Isabelle de Valenzuela, Brgy. Marulas sanhi ng matinding pinsala sa ulo at katawan matapos bumagsak sa lobby ng naturang condo.

Lumabas sa imbestigasyon ng Valenzuela City Police, naganap ang insidente Lunes ng alas-9:40 ng umaga bagama’t nito lang Miyerkules ng madaling araw nakapaglabas ng ulat ang mga tauhan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Nixon Cayaban dahil kinakailangan pa nilang ipabatid sa Foreign Liason Division ng Embahada ng Estados Unidos ang malagim na sinapit ng dayuhan para maipaalam sa kanyang pamilya ang nangyari.

Sa pahayag sa pulisya ng 52-anyos na lady guard ng condominium na si alyas “Anita”, residente ng University Avenue, Brgy. Potrero, Malabon City, ginagampanan niya ang kanyang tungkulin nang laking gulat niya nang bumagsak sa kanyang tabi ang katawan ng biktima.

Kaagad naman niyang ipinaalam sa mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station 3 ang insidente.

Sinabi ni Col. Cayaban na isasailalim pa nila sa autopsy examination ang bangkay ng dayuhan upang matiyak ang sanhi ng kanyang kamatayan habang patuloy pa rin ang kanilang ginagawang pagsisiyasat para mabatid kung sadyang tumalon sa kanyang kamatayan ang dayuhan o aksidenteng nahulog mula sa tinutuluyan niyang unit. (Richard Mesa)

LTO, nakipag-ugnayan sa Valenzuela City para matugunan ang backlog sa plaka

Posted on: February 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAKIPAG-UGNAYAN ang Land Transportation Office (LTO) sa Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela para sa pagpapatupad ng isang proyekto na naglalayong matugunan ang backlog sa plaka ng mga sasakyang pag-aari ng lokal na pamahalaan at mga tricycle na ginagamit sa pampublikong transportasyon.

 

Nagpahayag ng pasasalamat si LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II kay Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian sa kanyang tiwala at kumpiyansa sa LTO, na naging daan upang maisakatuparan ang kasunduang magpapabilis sa pagpapalabas ng mga plaka.

 

“Nagawa natin ito sa Quezon City at nagawa natin ito sa Marikina City. Walang dahilan para hindi natin magawa ito sa Valenzuela City sa lalong madaling panahon,” ani Asec Mendoza.

 

Batay sa kasunduan, ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, sa pangunguna ng project action officer na si Konsehal Sel Sabino-Sy, ay magbibigay ng kinakailangang suporta sa LTO para sa mabilisang pagproseso ng mga plaka. Magsisimula ito sa pagtukoy ng lahat ng sasakyang pag-aari ng pamahalaang lungsod.

 

Nagpahayag din ng pasasalamat si Mayor Gatchalian kay Asec Mendoza at sa LTO team sa kanilang pagpupulong na dinaluhan nina LTO Executive Director Atty. Greg G. Pua Jr., LTO Valenzuela Chief Johnny Dog-E, LTO-NCR Operations Chief Hanzley Lim, at Chief ng Plate Unit ng LTO NCR na si Lito Pandi.

 

“Sa simula, ang proyektong ito ay tututok muna sa mga sasakyang pag-aari ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela bilang bahagi ng kasunduang gobyerno sa gobyerno. Ngunit kalaunan, palalawakin ito upang maisama ang mga Tricycle Operators and Drivers’ Associations (TODAs) sa Valenzuela City,” ayon kay Mayor Gatchalian.

 

Ang kasunduang ito ay isinulong kasunod ng matagumpay na pagtugon sa backlog ng plaka ng mga tricycle sa Quezon City noong nakaraang taon at sa Marikina City kamakailan at binigyang-diin ni Asec Mendoza ang kahalagahan ng suporta at tiwala mula sa mga lokal na pamahalaan upang mapabilis ang proseso.

 

Sa patnubay ni DOTr Secretary Jaime J. Bautista, at sa pangunguna ni Asec Mendoza, malayo na ang narating ng LTO sa paglutas ng backlog sa plaka na nagsimula pa noong 2014.

 

Sa loob lamang ng anim na buwan mula nang maupo si Asec Mendoza bilang pinuno ng LTO, natugunan ang backlog sa plaka ng mga sasakyang may apat na gulong matapos makapagprodyus ang ahensya, sa tulong ni Secretary Bautista, ng humigit-kumulang 800,000 plaka kada buwan.

 

Ayon kay Asec Mendoza, nasa tamang direksyon ang layunin ng ahensya na matugunan ang backlog sa plaka ng mga motorsiklo ngayong taon. (PAUL JOHN REYES)

Oplan Baklas sinimulan na ng Comelec

Posted on: February 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments

PORMAL nang sinimulan ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang ‘Oplan Baklas’ o crackdown laban sa illegal campaign materials ng mga kandidato dakong alas-4:00 ng madaling araw, Miyerkoles.

Kasabay na rin ito nang pormal nang pag-arangkada ng campaign period para sa national elections kahapon.

Mismong si Comelec Chairman George Erwin Garcia at iba pang opisyal ng poll body ang nanguna sa operasyong isinagawa sa Tondo, Manila.

Ayon kay Garcia, “Ito po ay napakalaking simbolismo, at ito ay para sa buong bansa, upang ipakita sa mga kandidato, sa mga political parties na sa mga susunod na araw, ‘pagka nagkabit sila doon sa mga lugar na hindi dapat sila nagkakabit, tatanggalin at tatanggalin namin.”

Aminado naman si Garcia na hindi nila maaaring alisin ang mga campaign materials na nakapaskil sa private properties dahil ang mga ito ay protektado aniya ng karapatan ng mismong may-ari ng naturang ari-arian.

Itatago rin aniya nila ang mga nakumpiskang posters at gagamiting ebidensiya sa gagawing paghahain ng kaukulang mga kaso.

Pinaalalahanan ni Garcia ang mga kandidato na sundin ang tamang sukat ng mga campaign materials at i­paskil sa designated common poster areas upang makaiwas sa parusa.

Hindi pa naman inaalis ng Task Force Oplan Baklas ang mga campaign materials para sa lokal na kandidato dahil ang campaign period para sa mga lokal na kandidato ay magsisimula pa lamang sa Marso 28.

Mahigpit din ang paalala ng Comelec na ang isang political party candidate ay maaari lamang gumastos ng P3 kada registered voter at P5 kada registered voter para sa mga walang political party.

Nagbabala rin si Garcia na ang mga mapapatuna­yang nakagawa ng election offense ay maaaring madiskuwalipika sa halalan at makulong ng hanggang anim na taon.

Ang campaign period para sa national at local positions ay nakatakdang magtapos sa Mayo 10, 2025, dalawang araw bago ang mismong araw ng halalan sa Mayo 12.

Gilas Pilipinas sinimulan ang ensayo sa Laguna

Posted on: February 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAGING maganda ang pagsisimula ng Gilas Pilipinas ng kanilang training camp para sa third window ng 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers.

Nitong Martes, ay nagsimula ang kanilang pagsasanay sa Inspire Sports Academy sa Laguna.

Kabilang sa pinaghahandaan ng national basketball team ay ang exhibition games nila sa Doha, Qatar.

Ilan sa mga dumalo sa nasabing ensayo ay sina Dwight Ramos, AJ Edu, RJ Abarrientos, Ralph Cu, Carl Tamayo, Kevin Quiambao.

Kasama rin na dumalo ay sina assistant coaches Sean Chambers at Richard Del Rosario ganun din si Alfrancis Chua.

Sa araw ng Biyernes magsismula ang friendly games habang sa Pebrero 20 ay makakaharap nila ang Chinese Taipei habang ang New Zealand naman ay sa Pebrero 23.

Magugunitang tiyak na ang pagpasok ng Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup na gaganapin sa Saudi Arabia sa buwan ng Agosto matapos na makamit ang 4-0 win-loss record sa Group B.

Irving at Young napiling maglaro sa All-Star Game

Posted on: February 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAPILI sina Trae Young ng Atlant Hawks at Kyrie Irving ng Dallas Mavericks para pumalit kay Giannis Antetokounmpo at Anthony Davis sa NBA All-Star Game.

Sina Davis at Antetokounmpo kasi ay nagtamo ng injury kaya hindi sila makakapaglaro ng ilang linggo.

Napiling line-up si Young sa ‘Team Chuck’ ni Charles Barkley habang si Irving ay papalitan niya si Davis sa “Team Shaq” ni Shaquielle O’Neal.

Ito na ang pang-apat na All-Star Game ni Young kung saan may average ito na 23.5 points at 11.4 assists kada laro.

Habang si Irving ay mayroong average na 24.1 points kada laro.

Gaganapin ang All-Star Games sa Chase Center sa San Francisco ngayong Pebrero 16.

PBA ipinakita na ang logo ng kanilang 50th anibersaryo

Posted on: February 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments

OPISYAL nang ipinakita ng PBA ang logo ng kanilang 50th anibersaryo.

Ang nasabing logo ay nabalot sa gold na nagpapakita ng isa sa mga pinakamatagal na liga sa bansa na nagsimula pa noong 1975.

Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial na magsasagawa ang liga ng ilang mga festivities sa pagsisimula ng semifinals ng PBA Commissioner’s Cup semifinals.

Pagdating naman ng Abril 4 at 5 sa Philippine Cup ay naka-embed na ang gold logo nila.

Sa Abril 9 kung saan ang taon na itinaguyod ang liga ay magsasagawa sila ng pagdiriwang bukod pa sa grand opening ng Season 50 ng PBA sa Oktubre 5 na gaganapin sa Araneta Coliseum.

Iranian at American, inaresto sa magkahiwalay na operasyon ng BI

Posted on: February 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments

INARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) Intelligence ang isang  Iranian at  American national sa magkahiwalay na operasyon sa Pampanga at Isabela.

 

Kinilala ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang naaaresto na si Amirhossein Moghaddasi, 52, sa loob ng  Clark Civil Aviation Complex  sa  Clark Freeport Zone, Pampanga.

 

Si Moghaddasi ay inaresto ng mga operatiba ng  BI intelligence makaraang nakatanggap ng reklamo na sa kabila ng mayroon itong working visa ay nagtatrabaho sa ibang kumpanya.

 

Kinumpirma naman nito ni  Moghaddasi na nagtatrabaho ito sa ibang kumpanya makaraang nagsara ang kanyang dating pinapasukan.

 

Samantala, inresto naman si  James Brian Dunlap, 68, sa Brgy. Silawit, Cauayan City sa Isabela dahil sa pag-overstaying nito sa bansa  ng halos 25  buwan na siang paglabag sa Philippine immigration laws.

 

Ang dalawa ay inilipat sa  BI  facility sa  Camp Bagong Diwa in Bicutan, Taguig at nahaharap sa  deportation charges. (Gene Adsuara)

Mambabatas pabor sa pagsasampa ng kasong death threats at inciting to sedition kay VP Sara

Posted on: February 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments

“DAPAT naman talagang mapanagot si VP Sara sa ginawa niyang pagbabanta at sana ay hindi matulad sa parehong kaso na sinampa ko sa kanyang ama.”

 

Pahayag ito ni House Deputy Minority Leader France Castro kasunod sa naging rekomendasyon ng National Bureau of Investigation na maghain ng kaso laban kay VP Sara Duterte. Kabilang na dito ang kasong inciting to sedition at grave threats dala na rin sa naging pagbabanta umano ng VP kay Presidente Bongbong Marcos.

 

Ayon kay dating ACT Teachers Representative Antonio Tinio, ang mga inirekomendang kaso ay iilan lamang o tip of the iceberg dahil kailangan umano managot ang bise hindi lamang sa kanyang banta kundi magiging sa alegasyon ng misuse of confidential funds.

 

Kapwa naman naniniwala ang dalawa na ang rekomendasyon ng NBI ay isang positive development, kasunod na rin sa inaasahang pagdinig sa impeachment complaint laban kay VP Duterte.

 

“Aside from these charges, what we and the people are waiting for is the start of the impeachment trial. Sana ay kagyat na simulan ito at huwag nang patagalin pa ang pagpapanagot kay VP Duterte sa paglustay sa pera ng taumbayan,” dagdag ni Castro.

 

Una nang inihayag ni NBI Director Santiago na inirerekomenda nila ang paghahain ng naturang mga kaso laban sa bise presidente. (Vina de Guzman)

PBBM sa mga Alkalde; maging ‘teki’ para mapahusay ang public service

Posted on: February 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga local chief executives na maging ‘teki’ o gamitin ang bagong teknolohiya sa pamamahala upang mas maging episyente at epektibo ang pagbibigay ng serbisyo -publiko.

 

 

Sa naging talumpati ng Pangulo sa 2025 League of Municipalities of the Philippines (LMP) General Assembly sa Manila Hotel sa Lungsod ng Maynila, sinabi nito na mangyaring sumabay sa ‘technology trends’ para mapanatili ang progreso at pag-unlad ng bansa.

 

 

“This is very, very important because without doing this, as you can see, we have seen the differences not only within our own political system but also with the different countries around the world,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“What faces us today is a highly technical world, a highly technical system for our different economies, for the global economy. And they are rapidly accelerating development in all kinds of research and technology. And that is why we have to keep up with that,” dagdag na wika nito.

 

 

Sinabi pa ng Pangulo na dapat makipagsabayan ang Pilipinas at mag-adopt ng technological advancements, lalo pa’t ang mga bansa na gumagamit ng makabagong teknolohiya ay matagumpay na.

 

 

Aniya pa, ang administrasyon ay nakatuon sa “streamlining at digitalizing” ng burukrasya para ayusin ang government services at tiyakin na ang umiiral na polisiya ay epektibo sa pagtugon sa “actual [and] contemporary”na mga hamon na kinahaharap ng lokal na pamahalaan.

 

 

“We have made critical government services more transparent and accessible to our people,” ang sinabi pa nito.

 

 

“Maganda naman ang nagiging progreso. Kailangan lang nating ipagpatuloy at tuloy naman ang pagsuporta sa pag-adopt ng bagong teknolohiya,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

 

 

Tinukoy naman ng Chief Excecutive ang implementasyon ng Electronic Business One-Stop Shop (eBOSS), sabay sabing may 113 mula sa 1,634 local government units (LGUs) ang ganap na nakasunod at nakatupad noong 2024.

 

 

Pinuri naman nito ang mahigit na 1,200 LGUs na nagsimulan na ang automation efforts para palakasin ang kanilang transaksyon noong nakaraang taon.

 

 

At upang maitaguyod ang streamline services, sinabi ni Pangulong Marcos na nag-develop ang pamahalaan ng eLGU bilang isang ready-to-use eBOSS platform, na in-adopt ng 741 LGUs sa kaparehong taon.

 

 

Umaasa naman si Pangulong Marcos na ipagpapatuloy ng mga Alkalde ang ”positive impact” sa kanilang constituents kahit tapos na ang kanilang termino.

 

 

Ito, gaya ng pagturing ni Pangulong Marcos sa mga municipal mayor bilang mahalagang ‘first responders’ sa pamamahala, binigyang diin ang kanilang papel sa pagkonekta sa mga tao sa national government, lalo na sa kritikal na panahon.

 

 

“As this term comes to close, I encourage you to reflect on the work that you have done. And whatever path you choose after this, whether you seek another mandate or move on to a new chapter in your lives, I trust that you will embrace the same grit, passion, and commitment to service,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“Even beyond your tenure, I hope that you will adopt and sustain the reforms that we have introduced in national and in local government,” dagdag na wika nito.

 

 

Ang 2025 LMP General Assembly, may temang “Legacy of Leadership, Sustainable Future: Leaders Building Together for National Progress” ay nagsimula nito lamang araw ng Lunes, at tatakbo ng hanggang araw ng Huwebes, Pebrero 13, dahilan para magsama-sama ang 1,400 municipal mayors mula sa iba’t ibang panig ng bansa. (Daris Jose)

Paalala ni PBBM sa mga kandidato ngayong 2025 local elections: Huwag pairalin ang init ng ulo, isipin ang taumbayan

Posted on: February 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments

PINAALALAHANAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga kandidato na sasabak ngayong 2025 local elections na huwag pairalin ang init ng ulo at sa halip ay isipin na pumasok sa serbisyo publiko upang tulungan ang taumbayan.

“Huwag natin sana makakalimutan ‘yan. At pagkatapos ng halalan, alam ko kung minsan napakahirap na magpalamig ng ulo ulit. Ngunit, kailangan nating gawin yun dahil kailangan natin ang lahat na mga gustong tumulong na magkapit- bisig upang magtulungan,” ang bahagi ng talumpati ni Pangulong Marcos sa isinagawang 2025 League of Municipalities of the Philippines General Assembly sa Fiesta Pavilion ng Manila Hotel sa Lungsod ng Maynila.

Ang nasabing event ay may temang “Legacy of Leadership, Sustainable Future: Leaders Building Together for National Progress”

Sa kabilang dako, sinabi ng Pangulo na hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat at batay na rin sa kanyang naging karanasan, ang pinakamaiinit na eleksyon ay ang labanan sa lokal na pamahalaan.

 

 

“As a matter of fact, palagay ko, siguro mag-agree kayo sa akin, mga mayor kayo, nakikita ninyo ito. Ang pinakamainit na eleksyon ay barangay, e, dahil puro magkakakilala, puro magkakamag anak kaya nagkakapersonalan,” aniya pa rin.

“Mainit pa rin kahit sa municipality and tama ‘yan, that is the process of democracy, kailangan nating dumaan sa eleksyon, kailangan natin makuha ulit ang mandato ng tao upang magawa natin ang ating trabaho,” dagdag na wika nito.

 

 

Subalit, kahit aniya na mainit na nga ang labanan, maanghang na ang mga binibitawan na salita, sa puno’t dulo nito ay ginagawa naman niya ang lahat para makatulong sa mga mamamayang Filipino.

Samantala, anim na linggo na lamang aniya ang ipaghihintay ng lahat at papasok na ang campaign period.  (Daris Jose)