• March 8, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2025

Kung ititigil ng Beijing ang agresyon nito sa pinagtatalunang South China Sea… Tsina, dedma kung tatanggapin ang Typhon Missile System deal ni PBBM

Posted on: February 14th, 2025 by Peoples Balita No Comments

DEDMA lang ang Tsina at walang categorical commitment kung tatanggapin o ipagkikibit-balikat lang ang ‘deal’ ni Pangulong Ferdinand Maros Jr., na aalisin nito ang Typhon missile system ng Estados Unidos mula sa Pilipinas kung ititigil ng Beijing ang agresyon nito sa pinagtatalunang South China Sea.

 

Sa halip ay muling ipinahayag ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Guo Jiakun ang “firm opposition” ng Tsina sa presensiya ng missiles sa Pilipinas.

“As is widely known, Typhon MRC missile system is a strategic offensive weapon, which puts a large number of Southeast Asian countries within its range,” ang sinabi ni Guo.

 

 

“The U.S. deployment of the system in the Philippines severely damages peace and stability in the region, and harms the legitimate security interests of other countries,” dagdag na wika nito.

 

Nauna rito, sinabi ni Pangulong Marcos na handa siyang pagbigyan ang gusto ng China na alisin sa Pilipinas ang Typhon missiles ng Amerika pero may inilatag siyang mga kondisyon.

 

 

Reaksyon ni Pangulong Marcos sa sinabi ni Chinese foreign ministry spokesperson Mao Ning tungkol sa Pilipinas na dapat umanong ituwid ang mga pagkakamali ng bansa “as soon as possible” sa pamamagitan ng pag-alis sa mga naturang missile launcher na iniulat na inilipat ng lugar.

 

“Well, I don’t understand the comments on the Typhon missile system. We don’t make any comments on their missile systems, and their missile systems are a thousand times more powerful than what we have,” sabi ni Marcos sa mga mamamahayag.

 

 

“Let’s make a deal with China: Stop claiming our territory, stop harassing our fishermen and let them have a living, stop ramming our boats, stop water cannoning our people, stop firing lasers at us, and stop your aggressive and coercive behavior, and I’ll return the Typhon missiles. Itigil nila ‘yung ginagawa nila, ibabalik ko lahat ‘yan,” dagdag niya.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Guo na ang Pilipinas ay “has gone back on its words again and again” matapos itong mangako at sabihing pansamantala lamang ang deployment ng Typhon missiles.

 

 

“However, it has breached such commitments, claiming they would acquire its own midrange system and field these deterrent capabilities, and linking the South China Sea issue with the Typhon system. This is not only ridiculous but also extremely dangerous,” ang sinabi ni Guo.

 

 

Gayunman, binigyang diin ni Guo na nakahanda ang Tsina na idepensa ang sarili nito laban sa security threats.

 

 

“China will not sit idly by when its security interests are harmed or threatened. Countries in the region will by no means accept this move that goes against the trend of the times,” ani Guo.

 

 

Samantala, hinikayat naman nito ang Pilipinas na “to change its course, and make a strategic choice that truly serves the fundamental interest of itself and its people, rather than staying on the wrong path and hurting the Philippines itself when it comes to issues like Typhon.”

 

 

Sa ulat, mula sa lokasyon nito sa Pilipinas, maaaring maglunsad ang Typhon system ng Tomahawk cruise missiles at maaaring tamaan ang Tsina at Russia. (Daris Jose)

DepEd, nangako na magde-deploy nang mahigit sa 15K school principal ngayong taon

Posted on: February 14th, 2025 by Peoples Balita No Comments

SINABI ng Department of Education (DepEd) na magde-deploy ito ng mahiit sa 15,000 qualified passers ng National Qualifying Examination for School Heads (NQESH) bilang school principal sa bansa.

 

 

Layon ng desisyon na tugunan ang kakapusan ng school heads, may 55% ng public schools ang nago-operate ng walang school principals, ayon sa Second Congressional Commission on Education (EDCOM II).

 

 

Tinukoy ng EDCOM II ang ilang dahilan, kabilang na ang “mababa sa kasaysayan na passing rates para sa NQESH, high personnel turnover, kakulangan ng mga kandidato, napakahirap na qualification processes, at kawalan ng structured mentoring, coaching at formal induction programs.”

 

 

“This pressing issue is an eye-opener. So many of our schools operate without brains —because that’s what our principals are, the brains of our schools. Rest assured, DepEd is taking swift action to address this problem,” ang sinabi ni DepEd Secretary Sonny Angara.

 

 

“At least 7,916 NQESH passers in 2024 can help fill vacant principal positions,” ang sinabi naman ng DepEd.

 

 

Kabilang din sa ilang pagsisikap ang pagbabalik ng mga school principal sa kanilang assigned schools; reassignment para sa mga lugar na may surplus o oversupply ng mga kuwalipikadong school principal; at maging ang reclassification ng Head Teachers I sa V bilang School Principal I items sa ilalim ng Expanded Career Progression policy.

 

 

Tinatayang 14,761 Head Teachers I sa V ay maaaring i-reclassify bilang School Principal I; habang 954 Head Teachers VI at Assistant School Principal II ay muling bibigyan ng titulo bilang School Principal I, na may acting school heads na ipa-prayoridad bilang “on-stream candidates.”

 

 

Sa taong 2026, may 5,870 additional School Principal I items ang nakatakdang likhain para tulungan na makamit ang 1:1 principal-to-school ratio sa bansa.

 

 

Sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang kalidad ng edukasyon ay “rests on the quality of our teachers.”

 

 

“Every classroom that we build will be but an empty and lifeless structure without its moving force —the teacher, but our teachers are not just perfunctory figures in our schools. They are the very foundation of our educational system,” ayon kay Pangulong Marcos. (Daris Jose)

Groundbreaking Ceremony

Posted on: February 14th, 2025 by Peoples Balita No Comments

‘BAGONG BAHAY, BAGONG BUHAY’! Pinangunahan ng Social Housing Finance Corp. (SHFC) at Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Wes Gatchalian ang groundbreaking ceremony para sa Phase III ng Laon HOAs Federation, Inc. Community Mortgage Program (CMP) Vertical Housing Project, bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-27 Charter Day ng Lungsod.

Ayon kay Mayor Wes, ito ay bahagi ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH), higit ₱292 milyon ang inilaan para sa initial na 240 housing units na itatayo sa limang three-story buildings sa C. Molina St., Brgy. Veinte Reales. (Richard Mesa)

EDSA busway di na tatanggalin

Posted on: February 14th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAGPAHAYAG na ang Department of Transportation (DOTr) na hindi tatanggalin ang EDSA busway kung kaya’t nakahinga ang mga pasahero na tumatangkilik at sumasakay sa EDSA Carousel.

 

     Tinatayang may mahigit sa 20,000 na pasahero ang sumasakay sa EDSA Carousel na dumadaan sa EDSA busway ang natuwa ng sinabi ng DOTr na final na ang kanilang desisyon na hindi ito aalisin.

 

     “The exclusive bus lane in EDSA would be retained, as endorsed by President Marcos,” wika ni DOTr Secretary Jaime Bautista.

 

     Kamakailan lamang ay nakipag-usap si Bautista kay President Marcos kasama ang mga Cabinet members kung saan pinag-usapan ang tungkol sa traffic management sa kalakhang Maynila. Doon ay napagkasunduan na panatilihin ang busway subalit kailangan pagandahin ang mga pasilidad at serbisyo nito.

 

     “We are not removing the EDSA busway. That was raised as part of the discussion, but it would be kept as is with enhanced facilities and services,” dagdag ni Bautista.

 

     Ayon kay Bautista ang busway ay hindi katulad ng binibigay na serbisyo ng MRT 3 dahil ito ay dumadaan mula North Avenue hanggang Taft Avenue lamang habang ang busway naman ay may operasyon mula sa Monumento hanggang Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

 

     Sa ngayon, ang DOTr ay nakikipag-ugnayan sa pribadong sektor upang magkaroon ang busway ng mga pasilidad para maging mas maganda ang operasyon at pagmimintina nito.

 

     Gumagawa na rin sa ngayon ang DOTr ng terms of reference (TOR) para sa concession ng busway na naglalayon na maibigay ang nasabing inprakstura sa pribadong sektor sa taong 2026.

 

     “Our feasibility study will be completed within the next few months, and we are expecting that we will be able to award the operations and maintenance of the busway by the end of 2026,” saad ni Bautista.

 

     Dati pang sinabi ni Bautista na maraming kumpanya ang nagparating ng kanilang intensyon sa DOTr na gusto nilang makilahok sa kontrata para sa operasyon at pagmimintina ng nasabing busway. Kung sino man ang mananalo sa kontrata, ang kumpanya ay kailangan gumagawa ng mga aksyon na magkaron ng upgrading ang busway na may international na kalidad.

 

     Sa ngayon, ang EDSA busway ay ginagamit ng carousel buses na may operasyon mula Monumento sa Caloocan hanggang PITX. Ginagamit din ito ng mga airport buses at point-to-point units.

 

     May naitalang 63 million na mga pasahero ang gumamit ng serbisyo nito noong nakaraang taon at sa kasalukuyan ay may 177,000 na mga Filipinos ang nabigyan ng serbisyo nito.

 

     Kamakailan lamang ay naglabas ng isang pahayag ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tatangalin ang busway upang bigyan daan ang paglalagay ng isang lane para sa mga pribadong sasakyan matapos ang gagawing rehabilitation ng EDSA. LASACMAR

Bilang ng Pinoy na ‘very happy’ sa kanilang love life kumonti — SWS

Posted on: February 14th, 2025 by Peoples Balita No Comments

BUMABA sa 46 percent ang bilang ng mga Pinoy na napakasaya o “very happy” sa kanilang love life.

Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), ang naturang percentage ay may 12 points na mababa mula sa 58 percent noong December 2023.

Ang 46 percent ay pinakamababa sa loob ng 20 taon mula noong 2004.

Nasa 36 percent naman ang naniniwala na magiging masaya sa kanilang relasyon habang 18% ang nagsabing wala silang love life.

Kumpara sa 2023 figures, masaya sa kanilang love life ay pareho lamang sa mga babae at lalaki laluna sa mga lalaki na may live-in partners.

Karamihan din sa mga Pinoy ay naipapakita ang kanilang pagmamahal tulad ng pagluluto ng pagkain, pagtulong sa gawaing bahay o pag-aayos ng mga bagay sa loob ng bahay nang may pagkukusa.

Ang paglalaan ng oras at panahon ang pinaka-ikalawang common sa love languages sa hanay ng mga Pinoy na 51 percent.

May 29% ang pagbibigay ng regalo ang nagpapakita ng pagmamahal at 33% ang physical touch.

Nasa 10% ang nagsabing mas matimbang ang pera kaysa Love at companionship.

Ang non-commissioned SWS survey ay ginawa face-to-face interviews sa 2,160 adults na may edad 18-anyos pataas.

Acting Sec. Ridao, itinalagang OIC ng PCO ni Sec. Chavez

Posted on: February 14th, 2025 by Peoples Balita No Comments

ITINALAGA ni Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Cesar B. Chavez si Senior Undersecretary Emerald Anne R. Ridao bilang Officer-in-Charge ng PCO.

 

 

Sa ipinalabas na Special order No. 25-044 ni Chavez, layon nito na tiyakin na magpapatuloy ang operasyon ng PCO.

 

 

Si Ridao ay uupo bilang OIC ng PCO mula Pebrero 17 hanggang 21, 2025.

 

 

“As such, Senior Undersecretary Ridao shall take care of the day-to-day operations of the PCO, and if neceessary, act for and on behalf of the Acting Secretary,” ayon kay Chavez

 

 

Ang nasabing Special Order ay may petsang Pebrero12, 2025.

 

 

Samantala, hindi naman nabanggit sa Special Order ang dahilan ng pagtatalaga kay Ridao bilang OIC ng PCO. (Daris Jose)

Bautista out, Dizon in bilang Kalihim ng DOTr- Bersamin

Posted on: February 14th, 2025 by Peoples Balita No Comments

KINUMPIRMA ni Executive Secretary Lucas Bersamin na si Vivencio “Vince” Bringas Dizon na ang susunod na Kalihim ng Department of Transportation, epektibo Pebrero 21, 2025.

 

 

Papalitan ni Dizon, isang ekonomista at consultant na nagsilbi noon bilang pangulo ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) si outgoing Sec. Jaime Bautista na nagbitiw sa tungkulin dahil sa “health reason.”

 

 

“He is already authorized by the Office of the President to start the transition at the DOTr in coordination with the team of Secretary Jaime Bautista, who has resigned due to health reasons,” ayon kay Bersamin.

 

 

Samantala, napabilang sa myembro ng gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si outgoing Scretary Bautista noong taong 2022.

 

 

Pinalitan noon ni Bautista si Arthur Tugade bilang DOTr secretary .

 

 

Si Bautista, na isang certified public accountant, ay nanungkulan sa pal sa loob ng 25 taon bilang pangulo bago nag-retiro noong 2019.

 

 

Kabilang sa mga naging marching order sa kanya ni Pangulong Marcos noon ay mag-develop ng premier airport na pasok sa international standards.

(Daris Jose)

Malabon LGU, nagsagawa ng simultaneous clean-up drive para puksain ang dengue

Posted on: February 14th, 2025 by Peoples Balita No Comments

HINIMOK ni Mayor Jeannie Sandoval ang mga Malabueno na makiisa sa kampanya ng Pamahalaang Lungsod na magsagawa ng sabay-sabay na clean-up drive sa iba’t ibang bahagi ng lungsod para maiwasan ang pagdami ng sakit na dengue

“Kalusugan pa rin ang ating prayoridad dahil ito ang siyang pinakauna na kailangan nating mapangalagaan at mapanatili para sa bawat residente sa lungsod sa ating patuloy na pag-unlad. At ngayon na may mga balitang pagtaas ng kaso ng dengue sa iba’t ibang lungsod ay nakahanda po tayo para kaligtasan ng bawat mamamayan. Nagsasagawa po tayo ng mga clean-up drives upang masiguro na ang mga lamok na pinanggagalingan ng sakit na ito ay hindi mamamahay sa mga lugar sa ating lungsod,” pahayag ni Mayor Jeannie.

“Kasabay nito ay ang ating patuloy na paghikayat sa ating mga kababayan na sumama sa atin upang mapigilan ang pagdami  ng kaso dengue at masiguro na tayo ay ligtas at masayang mamumuhay sa ating lungsod,” dagdag niya.

Ibinahagi ng City Health Department (CHD) na nakapagtala ito ng kabuuang 151 kaso sa lungsod mula Enero 1 hanggang Pebrero 1, 2025.

Ayon sa ulat ng CHD, ang Barangay Longos ang may pinakamataas na bilang ng mga kaso, na may 29 na hinihinalang dengue infection, habang ang Barangay Flores, Acacia, Muzon, at Bayan-bayanan ay nag-ulat ng tig-isang kaso.

Bilang tugon, agad nagsagawa ang mga tauhan ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng clean-up operations sa mga pangunahing lugar na may pinakamataas na naiulat na kaso ng dengue. Kabilang dito ang Magsaysay at S. Pascual Streets sa Barangay San Agustin, C. Perez Street at Palmario II sa Barangay Tonsuya, at Sampaguita Street sa Barangay Potrero. Ang mga lugar na ito ay kinilala bilang mga “hot spot” ng dengue dahil sa magkakasunod na linggo ng maraming naiulat na kaso.

Pinayuhan din CHD ang mga residente na panatilihing malinis ang kanilang kapaligiran.

Ang aktibong komunikasyon sa pagitan ng community leaders, city departments, at iba pang ahensya ay patuloy na sinusubaybayan ang mga aktibidad sa paglilinis at ang katayuan ng mga kaso ng dengue sa iba’t ibang lugar.

“Sa ating patuloy na pagsasagawa ng mga aktibidad para sa kalinisana ay ang ating patuloy na pagpapaalala sa ating mga kababayang Malabueno na pag-ingat, at maging responsable pagdating sa kanilang kapaligiran. panatilihing malinis, at maaliwalas upang ating kalusugan ay mapangalagaan,” ani City Administrator Dr. Alexander Rosete. (Richard Mesa)

2 holdaper ng taxi, timbog sa Caloocan

Posted on: February 14th, 2025 by Peoples Balita No Comments

SHOOT sa kulungan ang dalawang holdaper na bumiktima sa isang taxi driver matapos masakote ng pulisya sa ikinasang follow-up operation sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Sa salaysay ng 47-anyos na taxi driver sa mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Edcille Canals, dakong alas-4:00 ng madaling araw nang maisakay niya ang mga suspek sa Clover Leaf, Quezon City.

Pagsapit nila sa Brgy. 139, Caloocan City sa kahabaan ng EDSA ay biglang naglabas ng baril ang isa sa mga suspek at tinutukan ang biktima sabay nagdeklara ng holdap.

Sa takot sa kaligtasan, hindi na pumalag ang biktima nang sapilitang kunin ng mga suspek ang kanyang personal na gamit, kabilang ang cellphone, P1,600 cash at driver’s license bago mabilis na tumakas patungong West Service Road, Quezon City.

Humingi naman ng tulong ang biktima sa Caloocan Police Sub-Station 5 (SS5) kaya agad nagsagaqawa ang mga ito ng follow up operation sa pangunguna ni P/Lt. Jefren Aganos na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na si alyas ‘Micahel’, 26 at kasabwat nitong edad 19-anyos.

Nakumpiska ng mga tauhan ni Col. Canals kay alyas Michael ang isang kalibre .38 revolver na kargado ng apat na bala habang hindi nakalagay sa ulat kung nabawi ba ang mga gamit at pera na tinangay sa biktima.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong Robbery Holdap at paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) in relation to Batas Pambansa Blg. 881 (Omnibus Election Code).

Binati naman ni PCOL Josefino Ligan, Acting District Director ng Northern Police District ang mga tauhan ni Col. Canals sa kanilang mabilis na pagresponde at epektibong aksyon.

“This accomplishment is a clear indication of the NPD’s unwavering commitment to keeping our communities safe. We will continue to intensify our efforts to ensure that criminals are held accountable for their actions,” pahayag niya. (Richard Mesa)

Kasalukuyang election laws, dapat ng amyendahan-PPCRV

Posted on: February 14th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAPAPANAHON na umanong amyendahan ang kasalukuyang election laws sa bansa kung saan malayang nakakapangampanya ang mga kandidato bago pa man opisyal na magsimula ang campaign period na dapat na ituring na paglabag sa batas ng halalan.

 

“We hope that our legislators will amend the rules that allow candidates to advertise themselves before the campaign period because it goes against the spirit of the law. If they use taxpayer’s money for these, it is an abuse of authority and wrongful use of taxpayers’ money,” ayon kay Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) Chairperson Evelyn  Singson.

 

Paliwanag ni Singson, napapanahon na upang muling pag-aralan at suriin ang kasalukuyang umiiral na election laws sa bansa upang maiakma ito sa kasalukuyang panahon kung saan higit na umiiral ang teknolohiya at makabagong paraan ng pangangampanya.

 

Kabilang sa partikular na tinukoy ni Singson ang pangangailangan na mawakasan na ang political dynasties sa bansa at ang pagpapataas sa kamalayan ng mga botante sa kahalagahan ng kanilang boto para sa bayan.

 

Giit ni Singson, mahalaga na masuri ang pag-amyenda sa mga batas ng halalan sa bansa upang matiyak na manaig ang tunay na demokrasya sa pamamagitan ng pagkakaroon ng patas na pagkakataon sa lahat mahirap man o mayaman na maglingkod sa bayan.

 

“It is time to review our Election Laws and introduce reforms that recognize changes in technology and the needs of the time. We need laws that prevent political dynasties and improve the quality of voters and candidates. We need reforms that will not allow money to determine winners but reforms that will give fair and equal opportunity for rich and poor candidates to run for public office,” ayon pa kay Singson. (Gene Adsuara)