• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 1:33 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2025

Malakanyang, hahayaan na umiral ang legal process sa mga kasong isinampa laban kay VP Sara

Posted on: February 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments
HAHAYAAN ng Malakanyang na umiral ang legal process kaugnay sa grave threats at inciting to sedition charges laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa isang panayam, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi makikialam ang Malakanyang sa nagpapatuloy na criminal investigation.
“We are aware of that, but we are going to let the process proceed on its own,” ayon kay Bersamin.
“Because this is about a criminal investigation, the Department of Justice (DOJ) will have the fullest autonomy. We cannot give directions as far as these matters go,” dagdag na wika nito.
“We will leave that into the hands of the investigators. This process will go through the full course,” ayon pa rin kay Bersamin.
Nauna rito, hindi na nasorpresa si VP Sara sa inirekomendang kaso sa kanya ng National Bureau of Investigation (NBI).
Ang nagtulak sa rekomendasyong ito ay ang hindi niya pagdalo sa ahensya noong nakaraang taon.
Bwelta ng bise presidente, inaasahan na niya ang mga ibibinbin na kaso.
Matatandaang nagpatawag ng imbestigasyon ang NBI kaugnay sa pagbabanta ni Duterte kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at Martin Romualdez.
Nauna rito, nakapagsampa na ang Philippine National Police ng direct assault, disobedience, at grave coercion laban sa bise presidente. ( Daris Jose)

Pinas, Cambodia magkatuwang para palakasin ang rice production, agri trade

Posted on: February 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments
SANIB-PUWERSA ngayon ang Pilipinas at Cambodia para palakasin ang rice production at agricultural trade.
Ang sanib-puwersa ng dalawang bansa ay nananatiling nakahanay sa ‘food security targets ‘ sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa isang kalatas, sinabi ng Department of Agriculture (DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na ang memorandum of understanding (MOU) ay magiging kapaki-pakinabang sa paggagalugad ng agricultural cooperation.
“Cambodia will gradually be an important agricultural trading partner as the country diversifies its markets, particularly for rice,” ang sinabi ni Tiu Laurel.
Ang MOU ay nilagdaan noong Pebrero 11 sa isinagawang official visit ni Cambodian Prime Minister Samdech Moha Borvor Thipadei Hun Manet sa Pilipinas.
Sa ilalim ng partnership, maghahanap ang DA ng posibleng trade opportunities sa Cambodia kasama ang iba pang kolaborasyon sa “agricultural planning, animal feed development, animal health protection, irrigation management, and agricultural marketing systems,” at maging ang “non-geographical Indication-protected plant commodities exchange for innovation.”
“Exploration will include possible trade in rice, vegetables, and meat,” ayon sa DA.
Taong 2023, ang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Cambodia ay tumama sa USD80.50 million, mayroong USD20.40 million na naitala para sa agricultural trade, ayon sa Philippine Statistics Authority. ( Daris Jose)

Balasahan sa gabinete ni PBBM, espekulasyon lang- Malakanyang

Posted on: February 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments
MARIING itinanggi at itinuring ng Malakanyang na espekulasyon lamang ang di umano’y nagbabadyang ‘reorganization’ sa gabinete ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na wala siyang ideya ukol sa posibleng reorganization ng gabinete at binigyang diin na ayaw niyang patulan ang haka-haka lamang.
“Well, I do not know yet how true they are or is there any basis but usually speculations are always there. Hindi naman namin puwedeng sabihin sa inyo until nangyari na iyan because you know, we do not have compelling reasons,” ang sinabi ni Bersamin nang tanungin kung may magaganap bang pagbabago sa gabinete ni Pangulong Marcos.
“But speculations are ripe. We just, we cannot dignify speculations,” dagdag na wika nito.
Nauna rito, itinalaga kasi ni Pangulong Marcos si dating Bases Conversion and Development Authority (BCDA) chief Vivencio Dizon bilang Transportation Secretary, pinalitan nito si outgoing Sec. Jaime Bautista, na nakatakdang iwanan ang tungkulin dahil sa “health reasons.”
Tinanong din kay Bersamin kung hiniling ba ng Pangulo na magbitiw sa puwesto si Bautisa, “no” ang naging tugon ni Bersamin.
“There is no other consideration there,”ang sinabi ni Bersamin.
“Secretary Jimmy Bautista signified that he might need to rest because of health issues and the President was always solicitous of the health of his Cabinet members. So, when the President and Secretary Bautista talked about it, it became clear to the President that Secretary Bautista may really need to take a rest from official duties,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Doc Willie Ong , umatras na sa senatorial race

Posted on: February 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments
INANUNSIYO  ng tinaguriang Doktor ng Bayan na si Doc Willie Ong na hindi na siya tuloy sa pagtakbo sa pagka-senador sa 2025 midterm elections para mas matutukan ang kanyang kalusugan.
“I am officially withdrawing my candidacy for the 2025 elections so I can focus more on taking care of my health,” bahagi ng public announcement  ni Ong nitong Pebrero 13, sa kaniyang Facebook account.
Nagpasalamat din si Ong sa mga tumulong at nananalangin para sa kaniya at nangakong susuporta sa mabuting pamamahala at nagtataguyod ng katulad niyang mithiin.
Aniya pa, “Our advocacy to help the poor Filipinos continues even in my private capacity.”
Si Ong mismo ang nagbunyag sa publiko na siya ay may taglay na sarcoma o abdominal cancer noong nakalipas na taon.
Gayunman, itinuloy niya ang paghahain ng certificate of candidacy (CoC) sa layuning makapagserbisyo sa bayan tulad sa pagtakbo noong 2022 sa pagka-bise presidente bagamat hindi naging tagumpay. (Daris Jose)

Ngayon pa na may conditional threat… Walang criminal charge ang maaaring isampa laban kay VP Sara -JPE

Posted on: February 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments
WALANG criminal charge ang maaaring isampa laban kay Vice President Sara Duterte dahil sa kanyang naging pahayag na mayroon na siyang taong inutusan na patayin sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Unang Ginang Liza Marcos, at House Speaker Martin Romualdez sakali’t may masamang mangyari sa kanya.
Sinabi ni  Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na habang binabalaan ang magkabilang panig, hindi malayong samantalahin ng third party ang sitwasyon.
“Although no criminal charge could be made at this time against Sara for her aforesaid statement because it is conditional, care must be taken by both sides to prevent evil third parties from taking advantage of it for their personal benefits, whatever these are,” ang sinabi ni Enrile sa kanyang Facebook account.
“This is a humble suggestion,” dagdag na pahayag nito.
Gayunman, bilang dating Kalihim ng Department of Justice (DoJ) ang “kill threat” ni VP Sara ay mayroong seryosong implikasyon, sabay sabing ang bawat krimen ay mayroong “guilty mind” at “guilty act.”
Aniya, ang kill threat ni VP Sara ay “carries the key principle elements of the criminal case–which says in  Latin: ‘Actus non facit reum nisi mens sit rea,’”
“In the aforesaid statement of Sara, the guilty act is the command– ‘patayin mo si BBM. si Liza Araneta, at si Martin Romualdez.’ And the guilty mind is to avenge Sara’s killing, should it happen,” aniya pa rin.
Sinabi ni Enrile kung ang pagtatangka naman sa buhay ni VP Sara ang nangyari subalit hindi naging mataumpay, ang First Couple at ang House Speaker ang agaran at direktang suspek, kahit pa sila ay inosente.
Dahil dito, mas lalawak ang political disruption o pagkagambala sa pulitika sa pagitan ng dalawang partido.
“On the other hand, evil and vicious third parties could merrily take advantage of the situation and weaken, if not destroy, the two sides of the political divide,” ayon kay Enrile.
“Even some ambitious members of each political group could take advantage of it to strengthen and promote their personal interest, whatever that is,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Panukalang pagtakbo muli ni dating Pres.Duterte sa pagkapangulo sa 2028, desperadong hakbang

Posted on: February 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments
TINULIGSA ni Deputy Majority Leader at La Union Rep. Paolo Ortega V ang panukalang pagkandidato muli bilang presidente ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa 2028 na isang desperado umanong hakbang at pagsawalang-bahala sa constitutional limitations.
“This is the most desperate plan I’ve seen. It shows they’ve run out of cards to play. Aminadong olats na ang kanilang manok at wala na talagang ibang baraha sa dami ng negatibong mga isyung kinakaharap nila. Buking na buking pang hindi sila pro-Pinoy. Pro-China sila,” ani Ortega.
Ayon sa mambabatas, hindi na maaaring tumakbo p muli si Duterte sa pagka-pangulo dahil isinasaad sa 1987 Constitution ang pagbabawal para sa re-election ng isang dating presidente.
“Hindi siya puwedeng tumakbo ulit maliban na lang kung amyendahan ang Konstitusyon. This is clear in our laws,” pahayag pa ni Ortega.
Nagbabala ang mambabatas sa publiko na huwag paloloko sa ganitong uri ng pagmamaniobra sa pulitika na tinawag niyang “pambubudol” na naman ito at diversionary tactic.
“They are trying to distract us from the real issues. Ginagawang komedya at maiwan ang lahat. It’s evil to think that we can just fool the people with misinformation when our Constitution strictly prohibits the reelection of a president,” dagdag nito.
Hinikayat niya ang publiko na maging mapagbantay at huwag basta padadalasa ganitong uri ng taktika.
Marami din aniyang dapat pagtuunan ng pansin na mas mahalaga kaysa sa mga ganitong pakulo. (Vina de Guzman)

Pinay na mas pabor sa live-in, dumami

Posted on: February 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments
TUMAAS ng 19 percent ang bilang ng mga kababaihan na mas pumapabor sa set-up na live-in kaysa magpakasal noong 2022.
Ito ay mas mataas sa 5 percent ng mga kababaihan na gusto ng live-in set-up noong 1993 batay sa survey ng Commission on Population Development.
Base sa National Demographic and Health Survey na ang 19 percent ng kababaihan na mas gusto ang set-up na live-in ay may edad 15-49 anyos.
Ayon sa survey ng tanggapan bumaba naman sa 36 percent noong 2022 mula 54 percent noong 1993 ang bilang ng mga ikinasal.
Ayon kay Nestor Castro, isang anthropologist, nagbago ang pananaw ng mga Pilipino sa pamilya dahil pareho nang nagtatrabaho ang mag-asawa at nakikisalamuha sa iba, na maaaring nakaapekto sa relasyon.

Kaso ng HIV sa bansa, bahagyang bumaba sa huling quarter ng 2024

Posted on: February 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments
BAHAGYANG sumadsad pababa  ang kaso ng Human Immunodeficieny Virus o HIV sa bansa sa huling quarter ng 2024,ayon sa Department of Health (DOH)
Ito ang sinabi  ni  Health Assistant Secretary at Spokesman Dr. Albert Domingo,
Mula sa dating 50 kaso kada araw noong Hulyo  hanggang Setyembre  na nahahawaan, sinabi ni  Health Assistant Secretary at Spokesman Dr. Albert Domingo na bumaba na lamang ito sa 3 kada araw noong Oktubre hanggang Disyembre.
Sa mga bagong nahahawaan ng HIV, nasa edad 25 hanggang 34 ang mga ito at pawang mga lalaki.
Nangungunang sanhi pa rin ng pagkalat ng virus ang pakikipagtalik sa kapwa lalaki.
Sa ngayon, mayroon ng 215,000 na kaso ng HIV sa Pilipinas kung saan 134,036 lamang ang na-diagnose o nagpa tingin sa doktor at 95% sa mga ito ang tumatanggap ng antiretroviral therapy.(Gene Adsuara)

Mayor Jeannie, namahagi ng unang Malabon Ahon Blue Card 2025

Posted on: February 14th, 2025 by Peoples Balita No Comments
UPANG magbigay ng kagalakan at pananabik sa mga Malabueño sa kanilang pagdiriwang ng Araw ng mga Puso, inilunsad ni Mayor Jeannie Sandoval nitong Biyernes, ang pamamahagi ng unang tranche ng Malabon Ahon Blue Card (MABC) na tulong pinansyal para sa taong 2025.
“Maligayang Araw ng mga Puso, Malabueños! Kasabay ng ating pagdiriwang ng buwan ng pag-ibig, ay nakakatuwa pong ibalita na atin na pong sisimulan ang pamamahagi ng ating unang ayuda para sa 2025! Ito po ay bahagi pa rin ng ating layuning mas mailapit ang tulong at serbisyo para sa ating mga kababayan. Sa panahong ito, nawa ay ating ipadama ang pagmamahal sa bawat isa. Sama-sama po tayo ano man ang panahon,” ani Mayor Sandoval.
Ayon sa City Monitoring, Evaluation, Accountability, and Learning (MEAL) Office, ang 86,674 qualified MABC holder ay maaaring mag-withdraw ng kanilang tulong pinansyal sa alinmang BancNet-powered ATM o sa alinmang sangay ng Universal Storefront Services Corporation (USSC) sa buong bansa mula Pebrero 14, alas-8 ng umaga, Pebrero 28, alas-11:59 ng gabi.
Sinabi nito na ang mga benepisyaryo ay makakatanggap ng mensahe mula sa USSC kapag ang kanilang unang ayuda ay magagamit para sa pag-claim. Ang team ng MABC ay magpo-post din ng isang link na may listahan ng mga kwalipikadong residente sa Facebook page nito.
Pinaalalahanan ng MEAL ang mga Malabueño na alagaan ang kanilang mga MABC at agad na makipag-ugnayan sa USSC kung mayroon silang mga alalahanin tulad ng PIN update, nawala at nasira na mga card.
Upang maiwasan ang mga isyu sa pag-claim ng kanilang ayuda, sinabi ng MEAL na dapat iwasan ng mga residente na mabasa o masira ang kanilang mga MABC.
Sa parehong araw, pinangunahan din ni Mayor Jeannie ang soft launching ng MABC Eskwela Savings Program para sa mga Grade 1 students na nagbibigay-daan sa mga mag-aaral na makaipon ng pera at makatulong sa kanila sa hinaharap.
Ang mga benepisyaryo ay bibigyan ng savings account na may paunang pondo na P1,000.
“Ito ba ang ika-siyam na ayuda sa ilalim ng Malabon Ahon Blue Card muka ng ilunsad ito noong 2022. Makasisiguro ang mga Malabueño na tayo sa pamahalaang lungsod, sa pangunguna ni Mayor Jeannie Sandoval, ay patuloy na maglalapit ng mga programa para sa ating mga kababayan,” pahayag ni City Administrator Dr. Alexander Rosete. (Richard Mesa)

Paghahain ng Absentee Voting itinakda sa Abril para sa 2025 elections

Posted on: February 14th, 2025 by Peoples Balita No Comments
PINAYUHAN ng Commission on Elections (Comelec)  ang mga piling indibidwal kaugnay sa local absentee voting na itinakda sa Abril para sa 2025 elections.
Sinabi ng Comelec na lahat ng government officilas at empleyado kabilang ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) at edia practitioners kasama ang kanilang technical at support staff na pansamantalang naka-assigned para gampanan ang kanilang election duties o para ikober  ang pagsasagawa ng halalan ay maaring ma-avail ang local absentee voting para sa botohan ngayong taon.
Ang mga government officials at miyembro ng  AFP at PNP ay maaaring maghain ng kanilang aplikasyon ng hindi lalagpas ng marso 7 ,2025 .
Ayon sa Comelec, maaari silang maghain sa kanilang head offices, supervisors, commanders o officers na next-in rank.
Para sa mga miyembro ng media, maaari rin silang maghain ng kanilang aplikasyon nang hindi lalampas sa Marso 7, 2025.
Maaari silang maghain ng kanilang aplikasyon sa Office of the Regional Election Director – National Capital Region para sa mga nasa Metro Manila; ang Opisina ng Halalan ng Lungsod para sa mga HUC o mga independiyenteng lungsod sa labas ng NR; o ang Office of the Provincial Election Supervisor para sa mga lugar na hindi nabanggit sa itaas.
Ang Local Absentee Voting ay magaganap sa Abril 28, 29, at 30 sa ganap na 8 ng umaga hanggang 5 ng hapon. (Gene Adsuara)