• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 8:23 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2025

‘We are here to serve, and people will judge us’: VILMA, LUIS at RYAN, maganda ang naging paliwanag sa isyu ng political dynasty

Posted on: February 17th, 2025 by Peoples Balita No Comments
HARAP-HARAPANG tinanong ang mag-iinang Vilma Santos Recto, Luis Manzano at Ryan Christian Recto sa isyu ng political dynasty sa Pilipinas sa naganap ng mediacon last week sa Lipa City para sa ‘BARAKO Fest 2025.’
Muling tumatakbo sa pagka-governor ng Batangas si Ate Vi ngayong midterm elections, ka-tandem niya bilang vice governor si Luis at kumakandidato namang congressman sa 6th district ng Batangas si Ryan Christian.
Anak nga ni Vilma si Luis sa veteran actor at host na si Edu Manzano habang si Ryan ay anak niya sa dating senador at ngayo’y Finance Secretary na si Ralph Recto.
Maganda ang naging paliwanag ng award-winning actress at public servant at ng dalawa niyang anak nang matanong tungkol sa sabay-sabay nilang pagtakbo sa May, 2025 elections.
“With all honesty, we don’t want to entertain that. We are here to serve, and people will judge us,” sagot ni Ate Vi.
Unang nahalal si Vilma bilang mayor ng Lipa noong 1998 at nagsilbi hanggang 2007. Taong 2007 hanggang 2016 ay naging gobernador naman siya ng Batangas.
Naging congresswoman din siya ng 6th District ng probinsya na tumagal hanggang 2022.
Ayon naman kay Luis, naniniwala siya na napakaraming nagawa ng kanyang mommy bilang public servant at sa pagsabak niya sa politika, dala-dala niya ang mga natutunan mula sa kanyang nanay.
“From mayor of Lipa nakita naman natin kung paano siya naging gobernador ng Batangas. Naging part din siya ng Congress.
“In fact, naging Lingkod Bayan awardee rin siya. One of the highest awards na pwedeng makuha ng public servant,” pagmamalaki pa ni Lucky.
Dagdag pa niya tungkol sa isyu ng political dynasty, “We submitted ourselves to the electoral process. Basta ang hangad namin ay yung paglilingkod namin sa bawa’t Batangueno.
“Kung saan papunta ang mga pangarap namin sa paglilingkod, kung saan gusto naming ilagay ang puso namin, nakasalalay sa botante yun.”
Sagot naman kay Ryan, “I think my brother said it perfectly naman. We are here to serve the people, and the choice will always be theirs.”

Aminado naman si Ate Vi na napakalaki ng utang na loob ni Ate Vi sa mga taga-Lipa dahil pinagkatiwalaan siya sa kanyang political career.

Pahayag pa niya, “kung saan man po ako naroroon ngayon sa aking political career, dito po ako nag-umpisa sa Lungsod ng Lipa.

“Mga Lipeños ang unang nagbigay ng tiwala sa akin bilang kauna-unahang babaeng mayor ng ating lungsod, bagama’t ako’y babae’t maliit, tandaan nyo, lalaking kausap!”

Kaya pangako ni Ate Vi kapag muli siyang nakabalik sa pagka-gobernadora ng lalawigan ng Batangas…
“Isa lang po ang aking maipagmamalaki sa inyong lahat, palagay ko, kung ako man po ay nagtagal nang ganito katagal, 24 years at ako’y napagkatiwalaang maging legislator din for two terms, six years.
“Na noong una, as local chief executive, ako ang nagpapatupad ng batas. Naranasan ko rin naman po ang gumawa ng batas.
“Kaya kahit paano, palagay ko, yun pong ibinigay sa aking tiwalang ito ay naibalik ko naman po iyong tiwalang ibinigay sa akin ng Batangueño! I must have done something good.
“But one thing, I don’t promise anything, I cannot promise heaven and earth. I can only promise two things.
“Sisiguraduhin ko lang talaga, pag tayo’y sadyang pinagkatiwalaan maging nanay muli, ang para sa tao ay dapat mapunta sa tao.
“Ang pangalawa po, sisiguraduhin ko lamang po, na paninindigan ko ang merong isang salita. Word of honor.
“Pag meron, meron. Pag wala, wala. Pag oo, oo. Pag hindi, hindi. Sadyang mahirap mamangka ng dalawang ilog! Kailangan may paninindigan dahil diyan makikilala ang pagkatao ng isang nilalang.
“At ang pangatlo ko lang kayang ipangako, siguro po, kung kami ay pagkakatiwalaan sadya, Batangueño, ang akin pong pamilya! Hindi ko po kayo ipapahiya!”
At magiging maayos ang kanyang paglilingkod kung iboboto ring kanyang running mate na si Luis, kaya humihingi siya ng tulong sa mga taga-Batangas.
Samantala, pinasalamatan ni Ate Vi ang organizing team sa matagumpay na BARAKO Fest 2025, sa pamumuno ng Mentorque producer na si John Bryan Diamante.
Ang 3-day event ay co-presented ng Construction Workers Solidarity (CWS) Talino at Puso, at 107 Angkas Sangga party-list.
Sey ni Ate Vi sa opening ng event, “Teamwork, that is the magic word. Teamwork. Kahit anong galing mo, Bryan, pag hindi ka nasamahan ng iba na magagaling din, hindi tayo magiging matagumpay.
“And I think that is the magic word, teamwork. We will continue to work as a team, and we will continue to work as a family here in the province of Batangas.
“Barako Fest, this is our third year. We’re very proud of this Barako Fest, kasi ito ho ngayon ang inilalatag namin dito sa Lipa kasama na po ang iba’t ibang bayan ng ating lalawigan.
“Marami ho kaming puwedeng ipagmalaki sa Barako Fest. Lahat po ng mga kaya naming ipagmalaki sa Batangas ay lalabas at lalabas habang naggo-grow, habang tumatagal pa ang aming Barako Fest.
“Ngayon po ay naka-focus tayo ngayon dito sa Lipa. There’ll come a time, iiikot na natin ito sa buong lalawigan ng Batangas…
“Ang Barako Fest po ay pinag-isipan para ito ho ay mabigyan ng pagkakataon iyong masasabi nating micro and at the same time, iyon talagang pinakamalaki na po nating mga entrepreneurs.
“With the present situation natin ngayon, ang isang pinakaimportante, may hanapbuhay. Tama po ba? Hanapbuhay ang number one sa atin ngayon.
“At ang isang ibinibigay ngayon ng ating Barako Fest, bukod sa binibigyan pa ho ng kaligayahan ang atin pong mga Batangueño, yung foodfest natin ay nandito,” mahabang pahayag pa ni Ate Vi.
(ROHN ROMULO) 

After ng mga parangal sa matagumpay na ‘Balota’: MARIAN, pipili ng project na may spark at napupulsuhan na gawin

Posted on: February 17th, 2025 by Peoples Balita No Comments
NATANONG si Marian Rivera kung ano ang nilu-look forward niya ngayong 2025, partikular sa paggawa pa ng mga pelikula.
Bongga kasi ang 2024 niya lalo pa nga’t  kumita ang ‘Balota’ at nanalo pa siya bilang Cinemalaya Best Actress at sa iba pang award giving bodies.
“Naku, nilu-look forward? Parang mas gusto ko yung kung ano yung dumating, mas iyon yung pagtutuunan ko ng pansin,” sagot niya.
“Minsan kasi parang…walang masamang mag-look forward sa mga bagay at gusto mong marating, mangarap, pero minsan dadating ka sa punto sa buhay mo na nandun yung kuntento ka.
“Ngayon kapag may project na ibibigay sa ‘yo at may pulso ka dun na parang, ‘Ah gusto ko uli ‘tong gawin’, parang dun ka magpo-focus.
“Kasi minsan kapag ang dami-dami mong gusto, minsan nawawala yung focus mo sa isang bagay na maganda dapat at pinagtutunan mo ng pansin, so this time ganyan ang gagawin ko.
“Pipili ako ng project, kung ano yung napupulsuhan ko at ano yung may spark ako, iyon yung gagawin ko.”
Muli ngang pumirma si Marian ng kontrata, sa ikalawang taon, sa Luxe Beauty and Welnnes Group ni Anna Magkawas bilang celebrity endorser ng Ecran De Luxe Silicon Sunscreen Gel.
Natanong si Marian kung ano ang kanyang daily routine pagdating sa pangangalaga ng kanyang sarili sa pangkalahatan.
“Sabihin ko yung routine ko po… gigising ako sa umaga, maliligo ako. Gising ako sa umaga, siyempre may ritual pa akong ginagawa niyan kasi hindi ako puwedeng gumigising na hindi ako nakakundisyon through praying, so ‘yan ang number one ko.
After niyan, maliligo ako, gigisingin ko yung dalawang anak ko, papaliguan ko, bibihisan ko sila for school. So habang ginagawa nila yan, mag-e-Ecran na po ako, tapos magba-blush on na po ako, kasi hahatid ko po sila sa school.
“Pagka-drop ko sa school, nagpi-Pilates po ako, so yun ang aking exercise, nagpi-Pilates po ako. 
“Every other day po for one hour. So ayun po, tapos healthy living din po kasi ako, so sa bahay po namin ini-implement po namin hindi lang sa aming mag-asawa, pero kasama po yung kids namin na healthy living po kami sa bahay.
“Pag sinabi po naming healthy living, is ito po yung mga talagang masusustansiyang mga pagkain.”
Meron ba silang iniiwasang kainin?
“Parang wala naman po.
Ang palagi namin sinasabi, huwag lang sosobra sa mga bagay.
“Mahilig po kami sa gulay, at saka nag-a-ano po kami, nagdyu-juicing kami every day.
“Like pag sinabi naming juicing, in the morning, carrots, apples, celery, so pati yung mga kids ganun din po.
“So ganun po yung routine,” pahayag pa ni Marian.
(ROMMEL L. GONZALES) 

Ads February 17, 2025

Posted on: February 17th, 2025 by Peoples Balita No Comments

Masigla at punum-puno ng energy kahit senior citizen na: VILMA, ipinagmamalaki at suportado ang ‘Barako Festival’ ng Lipa, Batangas

Posted on: February 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments
ISANG punum-puno ng sigla ang dinatnam naming Vilma Santos nang maimbitahan kami sa 3rd Barako Fest na ginanap sa Lipa City, Batangas.
Very energetic at talaga namang hindi mo makikita sa Star for All Seasons na isa na isa na siyang senior citizen.
Kaya may mga nagmamahal sa premyadong aktress ba nagwo-worry sa health niya.
Hindi ba natatakot si Ate Vi sa lumalaganap naman ngayong sakit at kadalasan ang mga nadadale ay mga kasing edad niya?
“Well, nagkaroon din naman ako ng mild na sipon at ubo pero ang nadale at na ospital si Lucky,” napatawang kasagutan pa agad sa amin ni Ate Vi.
Dagdag pa ni Ate Vi nang makausap namin siya after ng Barako Fest conference ay hindi naman daw talaga maiwasan na madapuan ng sakit lalo na yung usung-uso ngayon.
“Sa araw-araw at sa rami ng tao na nakasalamuha namin, maraming nayayakap, nakikipag-beso-beso, dinudumog ka talaga nang husto.
“Ang sabi nga sa akin na dapat daw naka-mask ako sa mga ganyang pagkakataon pero hindi naman pwede yun.
“Bahala na pero need naming maibalik sa mga tao ang tiwala nila, para sa akin priceless yun,” lahad pa ng premayadonh aktres.
Ipinagmamalaki naman ni Ate Vi na isa siyang senior citizen kaya ganun na lang kaingat ang pangangalaga ng aktres sa katawan niya.
“At my age. I do a lot of exercise, inspite of my hectic schedule, at kung nakaramdam na ako ng pagod, I rest.
 “And I really thank God, because of my daily exercises, kahit papaano nakatulong yun sa health ko.
“Kasi ‘pag pagod ka na take time to rest and you must know how to care of health, “ banggit pa ng nag-iisang Star for All Seasons.
Malaking tulong at nakahandang tumulong nang husto si Ate Vi para sa taunang Barako Fest spearheaded by Mentorque produ na si Bryan Diamante.
“Kaya I’m asking you all to help us promote our Barako Fest kasi isa ito sa ipinagmamalaki ng Batangas. Barako sa Batangas yan,” sey pa nj Gov. Vi.
Lahad pa ng walang katalo-talong nagbabalik gobernadora na ang tanging hangad daw nila ay makatulong na mapaunlad hindi lang ang turismo ng Batangas kundi para rin sa trabahong papasok sa mga constituents nila.
Speaking of Barako, paano naipakita ni Ate Vi na isa siyang barako?
“Alam nyo siguro ako minahal ng mga taga Batangas dahil ako’y may isang salita. Pag yes, yes sa akin, pag meron meron silang maasahan. Word of honor kumbaga.
“Pag sinabi ko na may aasahan sila 100 percent deretso kong ibibigay sa kanila yun pero kung wala, sasabihin kong wala muna ngayon baka sa susunod na taon pwede na,” deretsahang sabi pa ng the longest reigning movie queen.
(JIMI C. ESCALA)

One night, so many ways to get killed. Take a peek at the bloody new trailer for “Until Dawn”

Posted on: February 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments
A group of friends try to stay alive through a violent night of murder and mystery in Until Dawn, the film adaptation of the hit interactive survival horror game of the same name.
Directed by David F. Sandberg (Lights Out,  Annabelle: Creation), Until Dawn stars  Ella Rubin, Michael Cimino, Odessa A’zion, Ji-young Yoo, Belmont Cameli, Maia Mitchell, and Peter Stormare.
Watch the trailer: https://youtu.be/l8GpjhyzMHs
See if the gang can survive Until Dawn. In Philippine cinemas soon.
Connect with the hashtag #UntilDawnMovie @columbiapicph
About “Until Dawn”
One year after her sister Melanie mysteriously disappeared, Clover and her friends head into the remote valley where she vanished in search of answers. Exploring an abandoned visitor center, they find themselves stalked by a masked killer and horrifically murdered one by one…only to wake up and find themselves back at the beginning of the same evening. Trapped in the valley, they’re forced to relive the night again and again – only each time the killer threat is different, each more terrifying than the last. Hope dwindling, the group soon realizes they have a limited number of deaths left, and the only way to escape is to survive until dawn. Until Dawn, is directed by David F. Sandberg, and stars Ella Rubin, Michael Cimino, Odessa A’zion, Ji-young Yoo, Belmont Cameli, Maia Mitchell, and Peter Stormare. Based on the Playstation Studios video game
Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”
(ROHN ROMULO)

Magtatapos ang matagumpay na ‘Barako Fest’ sa isang bonggang concert: LUIS, suportado hanggang dulo nina VILMA at JESSY sa kanyang pagkandidato

Posted on: February 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments
MALAKING sakripisyo nga ang ginawa ng award-winning TV host na si Luis Manzano nang magdesisyon na ito na tumakbong vice governor ng Batangas at bilang katuwang ng ina at Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto na nagbabalik bilang gobernador.
Inamin nga ng asawa ni Jessy Mendiola na apat na endorsements ang nawala sa kanya dahil hindi na sila nag-renew dahil sa pagpasok niya sa pulitika.
Humarap nga sa members ng entertainment media sina Luis sa media con para sa Barako Fest 2025 na ginaganap noong Huwebes, February 13 sa Lipa City, Batangas.
Ayon kay Luis, “To be honest, lahat naman tayo matatanda na sa industriyang ito, sa katunayan marami sa mga endorsements ko ang hindi na nag-renew.
“Agad-agad nu’ng naisipan namin na mag-file (ng COC), isa yun sa sinabi ni Gov. Vi, noong unang usapan talaga namin, kumakain kami.
“Sabi ni Gov. Vi, ‘Anak, alam na alam ko ang industriyang ito (pulitika), sa maniwala ka na o sa hindi, the moment na mag-announce ka na at lahat-lahat, kahit ang mga endorsements mo mawawala at aatras.  Sa katunayan sa tatlo o apat na endorsements ko, ang nag-pull out na.”
Dagdag pa niya, “nakapag-taping na rin kami ng finale episode ng ‘Rainbow Rumble’, kaya nagpaalam na kami.
“Sabi ko naman, naiintindihan ko rin naman yun, na ang income ko ay tatamaan talaga.
“Pero sabi naman ni Gov. Vi, na ramdam ko naman simula’t-sapul.  Sabi niya, ‘Anak, mabawasan ka man ng commercials, ng endorsements, mas masarap ang tulog mo dahil mas marami kang natutulungan na tao.”
Natanong naman si Jessy tungkol sa kanyang pagsuporta kay Luis, na noong una ay parang hindi approved na maging pulitiko ang minamahal na asawa.
“Right now po, susuportahan ko po ang aking asawa ng 100%,” pahayag ng aktres.
“Siyempre po, nanay rin po ako, I’m worry about my daugther’s future.  Gusto ko pa maganda ang kalalakihan niyang environment, sa ating probinsya at bansa.”
Pag-amin pa ni Jessy, “totoo po na nagkaiyakan kami.  Sabi ko nga sa kanya noong mag-nobyo pa lang kami, ‘ay naku, pag tumakbo ka, hihiwalayan talaga kita?’
“Eh, nasaan na po tayo ngayon, magkasama pa rin po tayo ngayon.
“Nakilala ko po si Luis na kakaiba ang puso niya.  Kahit nasa showbiz pa lang siya, tumutulong na siya at hindi nagpapasabi ng pangalan.
“Minsan nga po, kulang na lang ipagsigawan ko na, ’si Luis po yan, si Luis po yan!’  At hindi pa doon natatapos ang pagtulong niya, tsinitsek pa po niya ang kalagayan nang tinulungan niya at kung tuloy-tuloy ang assistance and everything.
“So, sabi ko, he has the heart and very smart.  At kanino pa ba siya magmamana at sino ang magtuturo kundi si Governor Vilma Santos-Recto, ang aking momskie.
“Kaya sana, mapabigyan po siya na makapaglingkod.  At hiling ko lang po ay sana magtuloy-tuloy lang ang aking suporta sa kanya.  Hanggang sa makakaya ko po, kahit hatiin ang katawan ko, sasamahan ko po siya sa lahat bilang asawa po niya.”
Naglabas naman ng appreciation post si Luis para sa kanyang maganda at very supportive na asawa.
“Appreciation post for my Wowow @jessymendiola who has been with me every step of the way… ikot sa Batangas, work, kahit nagkasakit, may sakit, as parents kay Peanut and lahat lahat na.
“Thank you wowow, love you and lapit na anniv natin (three red hearts emoji)”
“100%, I will always be by your side no matter what. Laban lang tayo. I love you, Lucky!,” sagot naman ni Jessy.
Kasama nina Ate Vi at Luis si Ryan Christian Recto na tumatakbo namang kongresista sa 6th District ng Batangas ang nagbukas ng pagsisimula ng Barako Fest 2025 sa Lipa City na tatagal hanggang February 15.
Nilibot ng mag-iina ang kahabaan ng Manila-Batangas Bypass Road sa Marawoy, Lipa City kung saan daan-daan ang nag-participate na mga negosyo mula sa iba’t ibang bahagi ng Batangas.
Nagkaroon din ng groundbreaking ceremony para itatayong bonggang pasyalan na ’The Bean @ Barako Triangle.
Ayon naman kay Bryan Diamante, ang president at chief executive officer ng Mentorque Productions, na siya ring organizer ng 3rd Barako Festival, “is not just a celebration of Batangas province’s high-quality coffee variety.
“It also highlights the top products of each city and municipality and how they create jobs and boost the local economy.
“Hotels are fully booked. Restaurants are always full. It couldn’t get any better than this.”
At sa huling araw (Feb. 15) ng Barako Fest 2025, marami pang activities ang matutunghayan tulad Barako Games, Battle of the Legends, Angkeys to Win, Angkas Job Fair, Moto Gymkhana Slalom, Last to Take Hands Off, Trade Fest, Food Fest, Dirt Fest, Basketball Championship, Celebrity Game, Play Fest, Drift Fest, Car & Motor Show, at Content Creator Fest.
Magtatapos ang successful event sa isang bonggang concert at ilan sa magpi-perform ay sina Joshua Garcia, Alex Gonzaga, Ron Angeles, Hev Abi, KZ Tandingan, JC Santos, Jerome Ponce, Mike Swift, Jessy Mendiola, Eclypse, Good Boyz, ang newest all-girl P-pop group Eleven11 at si Vice Ganda.

Kahit abala sa taping ng maaksyon na serye: RURU, isinisingit para makapunta sa gym at mag-workout

Posted on: February 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments

BUSY sa taping ng pinagbibidahan niyang action-adventure series na ‘Lolong: Bayani ng Bayan’ si primetime action hero Ruru Madrid.

Gayunpaman, hindi niya kinakalimutang alagaan ang kanyang katawan.
Bilang bida ng serye, kailangan niyang maging malusog at malakas. Bukod dito, kailangan din ay maganda ang kanyang pangangatawan para sa maraming fight scenes dito.
Kaya naman kahit abala sa taping, humahanap ng paraan si Ruru na isingit ang oras para makapunta sa gym at mag-workout.
Sa isang maikling video na ibinahagi niya sa Instagram, ipinakita ng aktor ang ilang bahagi ng session niya kasama ang longtime fitness coach niyang si Ghel Lerpido.
“Bulking season’s over–time to cut down. Let’s get it,” capation ni Ruru sa kanyang post.
Samantala, ibinahagi din ni Ruru ang ilan pang mga bagay na dapat abangan sa susunod na episodes ng ‘Lolong: Bayani ng Bayan.
Magiging bahagi ng cast nito ang viral sensation at ToRo Family member na si Mikay.
***
AYON kay ‘The Boobay and Tekla Show host’ na si Super Tesla, may mangilan-ngilan pa ring nagdududa sa kaniyang gender identity.
Meron pa ring iilan na nagdududa kung straight ba talaga si Super Tekla, lalo na’t madalas siyang magdamit pambabae tuwing lumalabas sa TV o nagpe-perform sa mga events.
“May mga mangilan-ngilan. Sabi, ‘Ano ba talaga ang identity mo?’ Dati kasi Tito Boy, naging parang ano ako, lalaki, para akong mag-aayos ng aircon. Alam mo ‘yung ganun?” sabi ni Tekla.
Ngunit ayon sa kanya ay hindi ito umubra para sa kanya bilang performer at sa halip ay mas naguluhan pa umano ang mga manonood kung isa ba talaga siya sa mga performers.
“’Yung nag-dress up ako ng girl, lumabas ‘yung character ko, so in-embrace ko ‘yun pero I’m totally a guy, straight,” sabi ng komedyante na ang tunay na pangalan ay Romeo Librada.
Kainailangan daw maging “madiskarte” sa entertainment industry para mapansin siya.
“Ina-adapt ko na lang siya, kasi kailangan mong maging madiskarte rito… Kung kailangan mong sumabay, kung saan ka, wala namang masasagasaan. You have to build your character, you have to build your own identity na ikaw ‘yan,” saad niya.
Sa katunayan, nakabihis-lalaki siya sa normal na buhay o kapag hindi nagpe-perform. Sinabi rin niyang isa siyang ama sa tatlo niyang anak, kabilang na ang isang teenager na si Aira.
***
ASIDE sa dalawang musicals na ginagawa ni Lea Salonga, magbibida rin ito sa ‘The Vale: Origins’ na isang hybrid live-action and animated short film na hango sa forthcoming middle grade novel of the same name by Abigail Hing Wen.
The short film is in post production and slated for completion this summer. Tungkol ito sa Lee family na nagkaroon ng healing and connection sa naimbento ng kanilang anak na sa virtual reality fantasy world.
Makakasama ng Tony Award winner sa project ay sina Robert Palmer Watkins, Egan Xander, and Janet Hsieh.
Isa rin si Lea sa mga executive producers ng ‘The Vale: Origins.
 
(RUEL J. MENDOZA)

Ads February 15, 2025

Posted on: February 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments

FIFA nagsagawa ng inspeksyon sa mga venue ng Futsal Women’s World Cup

Posted on: February 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments
NAGSAGAWA ng inspections ang FIFA para sa mga lugar kung saan gaganapin ang Futsal Women’s World Cup kung saan napili ang Pilipinas bilang host.
Pinangunahan ni Director of FIFA tournaments Jaime Yarza at ilang mga opisyal ay binisita nila ang Philsport Arena.
Ang Philsport Arena kasi ay doon na rin ginanap ang AFF Women’s Futsal Championship noong nakaraang Nobyembre 2024.
Sinabi ni Yarza, na marami pang mga dapat baguhin sa pasilidad kung saan tiwala ito na agad na maaayos ng local organizing committee ang nasabing lugar para maing World Cup-level ang lugar.
Ang Philsport Arena ay mayroong capacity na 10,000 na katao.
Tinungo rin ng FIFA ang Victorias City Coliseum sa Negros Occidental na mayroong capacity na 8,000 katao.
Nakausap na rin ng FIFA ang mga local organizing committee at ibinigay ang ilang mga suhestiyon na kanilang napuna.
Magaganap ang FIFA Futsal Women’s World Cup 2025 mula Nobyembre 21 hanggang Disyembre 7.
Bilang host country ay otomatikong kabilang ang national team ng bansa.

Football star Cristiano Ronaldo tinaguriang highest-paid athlete ng 2024

Posted on: February 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments
NANGUNA si football star Cristiano Ronaldo sa highest paid athlete ng 2024.
Base sa datos ng Sportico, na mayroong $260 milyon itong kita subalit sa nasabing listahan ay walang mga babaeng atleta na nakapasok sa top 100.
Nagmula ang kabuuang kita nito mula sa $215-M na sahod at panalo sa Al-Nassr sa Saudi Arabia at sa Portugal national team.
Mayroon din itong kita mula sa kaniyang on-field endorsement na nagkakahalaga ng $45-M.
Noong nakaraang taon ay siya ang unang tao na nagtala ng 900 career goals at mula ng lumipat sa Saudi Arabia ay nagtala ng 82 goals sa 90 na laro.
Pumagalawa naman sa listahan si NBA star Stephen Curry na mayroong estimate na $153.8 milyon na kita kung saan $53.8-M ay mula sa sahod/ winnings habang $100-M naman ay mula sa mga endorsements.
Nasa pangatlong puwesto naman si British boxer Tyson Fury na mayroong estimate na kita na $147-m kung saan $140-M mula sa sahod/ winnings at $7-M naman sa endorsements.
Pang-apat naman puwesto si Lionel Messi na mayroong $135-M na estimated na kita kung saan $60-M dito ay mula sa sahod/ winnings at $75-M sa mga endorsement.
Habang pang-limang puwesto na si Los Angeles Lakers star LeBron James na mayroong estimate na $133-M kung saan $48.2-M dito ay mula sahod/ winnings at $85-M naman sa endorsement.
Nangibabaw naman si Dallas Cowboys quarterback Dak Prescott sa highest earning player ng NFL na nasa pang-12 na puwesto kung saan mayroong kita na $100.4-M.