• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 3:21 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2025

Ads February 18, 2025

Posted on: February 18th, 2025 by Peoples Balita No Comments

Gilas nagparamdam agad sa Doha

Posted on: February 17th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAGPASIKLAB agad ang Gilas Pilipinas nang hiyain nito ang host Qatar via 74-71 come-from-behind win kahapon sa 2nd Doha Invitational Cup na ginaganap sa Qatar University Sports and Events Complex.

Nabaon ang Gilas Pilipinas sa 11 puntos sa hu­ling kanto ng laban.

Kaya naman agad na rumesponde ang Pinoy squad.

Naglatag ang Gilas ng 23-11 atake sa likod nina  Dwight Ramos, Justin Brownlee at AJ Edu para makuha ang unang panalo nito.

Nanguna para sa Gilas si Dwight Ramos na kumana ng 15 puntos tampok ang tatlong three-pointers kasama pa ang dalawang rebounds at dalawang assists.

Nagdagdag naman si eight-time PBA Most V­aluable Player June Mar Fajardo ng 12 puntos, pitong boards at dalawang assists habang naglista si Brownlee ng 10 puntos, limang rebounds at limang assists.

Nag-ambag din si Scottie Thompson ng 10 puntos samantalang nagparamdam si Edu tangan ang anim na puntos at 10 boards.

Solido ang opensa ng Gilas na nakakuha pa ng pitong puntos at limang rebounds mula kay two-time UAAP MVP Kevin Quiambao na miyembro ng Goyang Sono Skygunners sa Korean Basketball League.

Emma Malabuyo, wagi sa balance beam title sa UCLA

Posted on: February 17th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NANGUNA ang Filipino American Olympian na si Emma Malabuyo sa US National Collegiate Athletic Association (NCAA) season kung saan nagpakitang gilas ito para sa University of California, Los Angeles (UCLA) Bruins.

Ginanap ang naturang  sports events sa Big Ten Conference women’s gymnastics showdown laban sa Michigan State Spartans at tinanghal siyang kampeon sa balance beam na may kahanga-hangang meet-winning average score na 9.925.

Ang performance ni Malabuyo sa beam ay hindi matatawaran. Sa huling rotation floor nakakuha ito ng 9.95 na nag-tala sa tagumpay ng UCLA sa meet.

Kasama ni Malabuyo sa kumpetisyon sina Olympic gold medalist Jordan Chiles at teammate Chae Campbell na parehong nakakuha naman ng perfect 10.0.

Samantala sa post ng B1G Gymnastics makikita sa video ang flawless routine ni Malabuyo sa beam, na nagpaabot naman ng papuri sa dalagita at may caption na, ”Practice makes perfect for (Emma Malabuyo) & (UCLA Gymnastics) on beam.”

Dahil sa tagumpay na ito, umakyat si Malabuyo sa ika-4 na ranggo sa 2025 NCAA balance beam rankings, na nagpapatibay sa kanyang status bilang isa sa mga nangungunang gymnasts sa bansa.

Maaalalang si Malabuyo ang kauna-unahang Filipino American gymnastics team sa 2024 Paris Olympics na nagmarka naman ng isang makasaysayang milestone bilang unang kumatawan sa Pilipinas sa women’s artistic gymnastics sa loob ng 60 taon.

P15 minimum pasahe sa jeep, hihimayin sa Pebrero 19

Posted on: February 17th, 2025 by Peoples Balita No Comments

TINIYAK ng Land Trans­portation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) na itinakda na ang pagdinig sa Pebrero 19 para sa nakabinbing petisyon na itaas sa P15 ang pamasahe para sa mga jeepney.

Inihayag ito ng LTFRB Technical Division Joel Bolano sa panayam ng Super Radyo dzBB nitong Sabado.

“Ang petisyon ay ga­wing P15 ang minimum fare mula sa kasaluku­yang P13,” ani Bolano.

Aniya, ang petis­yon na diringgin sa Miyerkules ay inihain noong pang 2023.

Kaugnay ng nasabing petisyon ang pag-apruba noong Oktubre 2023, ng P1 provisional increase sa minimum fare para sa public utility jeepneys, na ginawang P13 mula sa P12 singil sa pamasahe sa traditional jeepneys at ginawang P15 ang sa modern jeepneys mula sa P14.

Noong nakalipas na buwan nang magpaha­yag ang LTFRB na pinag-aaralan na nila ang nakabinbing petisyon ng iba’t ibang transport groups na makapagtaas sila ng singil sa minimum fare.

Masusing sinusuri at isinasaalang-alang ng LTFRB ang trend sa presyo ng gasolina, inflation rates, at ang pangkalahatang epekto sa ekonomiya sa riding public, ayon sa ahensya. (Gene Adsuara)

Hiling ng PAOCC sa NBI, baguhin ang polisiya sa pagde-deport ng foreign POGO workers

Posted on: February 17th, 2025 by Peoples Balita No Comments

HINILING ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa National Bureau of Investigation (NBI) na baguhin ang polisiya sa pagpapalabas ng clearance para sa mga foreign workers ng ipinasarang Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).

 

 

“Unfortunately, may policy ang NBI na before they can provide an NBI clearance, ‘yung mga potential deportee kinakailangang i-present ang copy ng kanilang passport,” ayon kay PAOCC spokesperson Winston Casio sa isang panayam.

 

 

“That becomes a problem dahil karamihan sa kanila, ‘yung kanilang passport ay kinukuha ng kumpanya,” ang sinabi pa rin ni Casio.

 

 

Sa ulat, nais ni Senador Raffy Tulfo na agad nang ipa-deport o pabalikin sa kani-kanilang mga bansa ang lahat ng mga dating empleyado ng POGO na nananatili pa rin dito sa Pilipinas.

Sa naging pagdinig sa senado, sinabi ni Tulfo na dapat hanggang sa katapusan ang Pebrero ay mapaalis na ng bansa ang mga foreign POGO workers.

Giit ng senador, dahil ipinagbabawal na ang POGO operations sa bansa ay wala nang dahilan para mnatili dito ang mga foreign POGO workers.

 

 

Ayon sa Bureau of Immigration, may 3,024 nang napa deport na dayuhang POGO worker mula noong December 31 deadline para saga POGO operations sa bansa.

Nasa 22,609 na mga dayuhang kusa nang umalis ng Pilipinas mula sa 33,863 na POGO foreign workers.

Sinabi naman ng PAGCOR na may close coordination na sila sa National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Immigration (BI), at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) para tugunan ang natitira pang guerrilla-type POGO operations sa bansa.

Dahil dito, sinabi ni Casio na hiniling ng PAOCC sa NBI na baguhin ang polisiya nito sa pagpapalabas ng clearances para sa mga deportees.

“Nag-request kami sa NBI na tanggalin ang policy na ‘yun at hayaan na lang na ‘yung document na galing sa Immigration  —’yung entry record ng mga deportee from the BI— ang magsilbing proof of identity nila,” ang sinabi ni Casio.

 

 

“Sinulatan na namin sila [NBI] and we believe na magiging positive naman ‘yun… Nag-request kami na kung pwede, tanggalin ang requirement na ‘yun para mapabilis ang deportation,” aniya pa rin.

(Daris Jose)

 

Suspensyon ng suporta ng USAID, makaaapekto sa edukasyon- DepEd

Posted on: February 17th, 2025 by Peoples Balita No Comments

IPINAALAM ng Department of Education sa Estados Unidos na ang suspensyon ng US Agency for International Development funding na nagkakahalaga ng $94 million o P4 billion para sa limang programa nito ay “may pose challenges to the progress made in enhancing basic education access and quality.”

 

 

Sinabi ni Education Secretary Juan Edgardo Angara na gagawin lahat ng DepEd ang makakaya nito para mapanatili ang mga program na apektado ng suspensyon ng USAID-funded programs.

Hiniling naman ng DepEd sa USAID ang tama at maayos na turnover ng project materials para sa episyenteng paggamit para sa mga proyekto, at palakasin ang kakayahan ng Curriculum and Teaching Strand na pagsamahin ang mga mahahalagang project interventions sa umiiral na sistema ng departamento.

 

 

PInabilis naman ng DepEd ang textbook procurement nito para sa Grade 2, 5 at 8 at tiniyak na ang textbooks ay makaaabot sa mga silid-aralan sa tamang oras para sa pagbubukas ng School Year 2025-2026.

“We will exhaust all means to sustain these programs, ensuring that the education of our learners is not disrupted. DepEd will maximize its existing budget, engage with existing and new partners, and absorb key components of these projects,” ang sinabi ni Angara.

 

 

Sa kabilang dako, sa liham ng Kalihim kay US Ambassador MaryKay Carlson, sinabi ni Angara na naghahanap ang DepEd ng alternatibong pondo para ipagpatuloy ang mga programa subalit umaasa siya na “that considerations be made regarding the impact of this suspension on ongoing projects.”

“These programs align with DepEd’s commitment to strengthening basic education and promoting equitable access to quality learning opportunities supported by the DepEd’s 5-point reform agenda,” ang winika pa rin ni Angara.

“The suspension of these initiatives may delay the achievement of these goals, potentially impacting the learners, educators, and communities that benefit from them. Any disruption to these initiatives may pose challenges to the progress made in enhancing basic education access and quality,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Samantala, ang mga proyektong apektado ng nasabing suspensyon ng USAID ay ang:

-Advancing Basic Education in the Philippines (ABC+) program,

Improving Learning Outcomes for the Philippines (ILO-PH) program,

Strengthening  Inclusive Education for Blind/Dear Children (Gabay) project,

-Nationwide Tracer Study of DepEd Alternative Learning System (ALS) Junior High School Completers and Learners for School Year 2022-2023, at ang

 

 

-Second-Chance Opportunities for Out-of-School Youth (Opportunity 2.0) program

“Continued partnership and support would greatly contribute to shared goals of educational development and national progress. DepEd remains optimistic about a positive resolution that will sustain and strengthen efforts to enhance basic education in the Philippines,” ang sinabi ng Kalihim.

Matatandaan na nauna ng sinuspendi ang halos lahat ng foreign assistance program ng Amerika sa loob ng 90 araw habang nakabinbin pa ang komprehensibong pag-aaral sa mga ito sa bisa ng nilagdaang executive order 14169 ni US President Donald Trump. (Daris Jose)

Pinas, itinanggi ang ‘commitment’ sa Tsina na aalisin ang Typhon missiles

Posted on: February 17th, 2025 by Peoples Balita No Comments

WALANG commitment ang Pilipinas sa Tsina na alisin ang US-deployed Typhon missiles sa bansa.

Sinabi ng National Security Council (NSC) na hindi pangako kundi alok o kondisyon lamang ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na aalisin lamang ng Pilipinas ang mid-range capability missile systems sa bansa kung ititigil ng Tsina ang agresyon sa West Philippine Sea (WPS).

 

 

“The Philippines never promised People’s Republic of China that we will withdraw the Typhon missile system in the Philippines,” ayon kay NSC spokesperson Jonathan Malaya.

“We never made any commitment to the PRC in this regard,” aniya pa rin.

Matatandaang, 2024 nang dumating sa bansa ang Typhon missiles. Sinabi ng Philippine Army (PA) na ang missile system ay ginagamit bilang bahagi ng military training at pagsasanay sa modern weaponry. (Daris Jose)

 

PBBM, may madamdaming mensahe sa ika-101 kaarawan ni JPE

Posted on: February 17th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAGPAABOT ng kanyang madamdaming mensahe si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kay dating Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile (JPE) na nagdiwang ng kanyang ika-101 kaarawan, araw ng Biyernes, Pebrero 14, Araw ng mga Puso.

Sa isang Facebook post, pinuri ni Pangulong Marcos si Enrile bilang isang tao na ang buhay ay isang testamento sa dedikasyon, karunungan at serbisyo sa mga mamamayang Filipino.

 

“Today, we celebrate a man and his life—a life that, by any measure, has been truly well-lived,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

 

“A statesman, a legal luminary, and an exemplary public servant. He has not only witnessed history but has actively shaped it,” dagdag na wika ng Pangulo.

 

 

Binigyang diin ng Pangulo ang naipong kayamanan ng karanasan ni Enrile sa kabuuan ng kanyang mahabang karera sa public service.

 

Nagpaabot din ng pasasalamat ang Pangulo para sa hindi matatawarang payo ni Enrile na patuloy na ibinibigay sa bansa, inilarawan ng Pangulo si Enrile bilang isang ‘source of wisdom.’

“In that time, he has amassed a wealth of wisdom and experience, which he generously shares. It is one that all presidents, including myself, have gladly partaken in,” aniya pa rin.

 

 

Sinalamin din ng Pangulo ang kakaibang kabuluhan ng pagpatak ng kaarawan ni Enrile sa Araw ng mga Puso.

“The fact that his natal day coincides with Valentine’s Day reminds us that the sharpness of his mind is equaled only by the warmth of his heart for the Filipino people,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“Happy Birthday, Secretary Tata Johnny Ponce Enrile! We are truly blessed to have you on our team as our Chief Presidential Legal Counsel,” dagdag na wika nito. (Daris Jose)

Dengue outbreak, idineklara sa Quezon City

Posted on: February 17th, 2025 by Peoples Balita No Comments

Dengue outbreak, idineklara sa Quezon City

 IDINEKLARA ng Quezon City government sa pama­magitan ng City Health Department (QCHD) ang dengue outbreak dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso nito sa naturang siyudad.

Kasabay nito, ina­lerto at pinakilos na rin ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang lahat ng  assets at resources upang matiyak na ang mga programa at serbisyo ng lokal na pamahalaan ay maging accessible para sa lahat ng mamamayan ng lungsod  upang mapigilan ang pagdami pa ng kaso ng sakit na dengue.

“Our declaration of a dengue outbreak ensures that we are on top of the situation, and we are doing everything we can to protect our residents from this deadly di­sease, especially our children,” pahayag ni Mayor Joy Belmonte sa ipinatawag na media conference kahapon.

Sa rekord ng City ­Epidemiology and Surveillance Division (CESD) ng QCHD, mula Enero 1 hanggang  Pebrero 14, 2025, nasa 1,769 na ang kaso ng  dengue o nasa halos  200 porsiyento na mataas  sa kaso na naitala noong 2024 sa kaparehong period.

Sa kabuuang bilang, nasa 58 porsi­yento ng naitalang kaso ng dengue ay mga school-aged children (5 to 17 years old) habang 44 porsiyento  ay mga bata na mula 1 years old hanggang 10 years old.

Inihayag ni ­Belmonte na karamihan sa dinapuan ng dengue ay mga bata kaya’t inalerto ang mga magulang sa nararamdaman ng kanilang mga anak at ma­nguna sa clean-up drive sa mga komunidad.

Inihayag ni ­Belmonte na ang lahat ng 66 QC Health Centers ay nakabukas din tuwing Sabado at Linggo mula alas-8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon upang maserbisyuhan ang mga may sakit na dengue.

Samantalang nagla­tag na rin ang QC LGU ng fever express lane sa lahat ng  city’s health cen­ters at hospitals upang agad magamot ang mga Qcitizens na may lagnat na sintomas ng sakit na dengue. Nagkaloob din ng free dengue test kits na makukuha sa mga healh centers at hospital sa lungsod. (Daris Jose)

41% na nang higit sa 72 milyong balota…. 30 milyong balota naimprenta na para sa May 2025 national at local elections

Posted on: February 17th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAKAPAG-imprenta na ang Commission on Elections (Comelec) ng halos 30 milyong balota para sa mahigit 72 milyong balota sa kabuuang gagamitin sa May 2025 national at local elections.

Sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na ang nasabing bilang ay 41% na para makumpleto at hahabulin pa ang pag-imprenta ng mas malaking porsyento.

Samantala, ang  verified ballots naman aniya ay nasa 5.5 milyon hanggang 6 milyon pa lamang.

“Ang verification namin ay umaabot ng 5.5 million to 6 million pa lamang. Ang naimprenta namin ay almost 30 million na. So ganyan po ang hahabulin namin,” ani Garcia sa panayam ng Dobol B TV.

Sinabi niya na hindi maiiwasan ang magkaroon ng errors sa proseso ng pag-imprenta sa pagdaan sa two-level verification process sa pamamagitan ng isang manual at isa ay gamit ang makina sa National Printing Office.

“Bawat iniimprenta na mga balota ay hindi naman lahat ‘yan ay perfect. Parang pera rin na ginagawa natin, mero’t meron din talagang sumasablay. Meron talagang mali ang cut, mali ang kulay o kaya naman ay nagkaroon ng smudge,” ani Garcia.

Nasa 7%-8% ang defective o rejected ballots, na ayon kay Garcia ay hindi naman ganun kataas.

Tiniyak din ng poll chief na ang mga balota ay matatapos sa Marso 19 at nakalagpas na ito sa verification bago sumapit ang Abril 14.

Prayoridad din sa pag-imprenta ng mga balota ang dadalhin sa mga malalayong lugar.

Nilinaw niya rin na makikita pa ang mga pa­ngalan ng kandidatong umatras na sakaling may bumoto ay ituturing na stray votes. (Daris Jose)