• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 1:43 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2025

SSS, planong magpataw ng interest rate cuts para sa salary, calamity loansSSS, planong magpataw ng interest rate cuts para sa salary, calamity loans

Posted on: February 18th, 2025 by Peoples Balita No Comments

PLANO ng Social Security System (SSS) na tapyasan ngayong taon ang interest rate sa salary at calamity loans.

Sinabi ni SSS president at CEO Robert Joseph De Claro na ang rate cut ay isa sa tatlong pangunahing plano na nakatakdang ipatupad ngayong 2025 para gawing mas mahusay ang serbisyo.

 

 

Hindi naman nito binanggit kung magkano ang tatapyasin, subalit ang pondo na kasalukuyan ngayong sinisingil ay may interest rate na 10 percent per annum para sa salary at calamity loans.

Ani De Claro, ang mas mababang borrowing costs ay matatranslate sa mas malaking loan proceeds at ang pondo ay mayroong sapat na fiscal space para tapyasan ang lending rate sa gitna ng malakas na income o kita mula sa investments nito.

 

 

“Given the consistent, solid performance of SSS’ investment portfolio, it is now timely to revisit the interest rate of our salary and calamity loan programs,” ang sinabi ni De Claro.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11199, o Social Security Act of 2018, ang SSS ay maaaring mag-invest ng hanggang 15% ng investment reserve fund nito sa asset classes gaya ng bonds at stocks.

Sinabi ng SSS na ang taun-taon na return on investment (ROI) mula 2021 hanggang 2024 sa umabot sa pagitan ng 5.8 hanggang 6.6%, mahusay at maayos na gumanap kahit pa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Inaasahan din ng SSS ang karagdagang koleksyon mula 1-percent contribution rate hike ngayong taon, at maging sa tumaas na minimum at maximum monthly salary credit.

Nauna rito, sinabi ng SSS na ang mga adjustments a magreresulta ng karagdagang koleksyon ng P51.5 billion noong 2025, na makatutulong na suportahan ang lending programs nito para sa mga miyembro.

Makikita sa pigura na nagpalabas ang SSS ng P9.7 billion na calamity loans sa mahigit na 500,000 disaster-stricken members noong 2024. Hanggang sa ngayon naman ay hindi pa naire-report ng SSS ang halaga ng salary loans na naipalabas nito noong nakaraang taon.

Samantala, maliban sa rate cut, sinabi ni De Claro na nirerepasong mabuti ng SSS ang guidelines nito sa Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) program, nire-require ang ilang pensioners na mag-report sa SSS kada taon upang matiyak na patuloy ang pagbabayad ng monthly benefits ang mga ito.

 

Pinag-aralan din aniyang mabuti ng SSS ang lahat ng paraan para makasunod sa ACOP kabilang na ang ‘home visit’ ng itinalagang SSS branch o office personnel.

“SSS would also pursue “better collection compliance” from other groups of workers, particularly self-employed professionals like accountants, doctors and engineers,” ang sinabi ni De Claro.

Gilas Pilipinas nabigo sa kamay ng Lebanon 75-54

Posted on: February 18th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NABIGO ang Gilas Pilipinas sa kamay ng Lebanon 75-54 sa 2nd Doha International Cup.

Mayroon ng isang panalo at isang talo ang Gilas sa friendly game bago ang 3rd window ng FIBA Asia Cup.

Nasayang ang 21 points, 11 rebounds ni Justin Brownlee habang mayroong seven points si Scottie Thompson.

Nagtala rin ng 10 points si Calvin Oftana, 6 points kay AJ Edu at limang puntos naman ni Dwight Howard.

Tiniyak naman ni Gilas coach Tim Cone na kanilang pag-aaralan ang naging kakulangan nila sa laro kung saan mayroong adjustment silang gagawin para sa pagharap nila sa Egypt bago ang pag-uwi nila sa bansa.

POC hihirit ng pagpondo sa curling team ng bansa

Posted on: February 18th, 2025 by Peoples Balita No Comments

HIHIRIT ngayon ng major funding ang Philippine Olympic Committee (POC) para sa Philippine men’s curling team.

Kasunod ito sa pagkakabulsa ng nasabing koponan sa katatapos na Asian Winter Games sa Harbin, China.

Sinabi ni POC president Abraham Tolentino, na kakausapin niya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr ukol sa nasabing paghingi ng pondo.

Dagdag pa nito na sariling pera ang ginagastos ng nasabing mga atletakaya mahalaga ang pagbibigay ng suportang pinansyal mula sa gobyerno.

Hindi aniya sapat ang P2-milyon na makukuha ng mga curling team na sina Marc at Enrico Pfister, Christian Haller, Allen Frei at Benjo Delamente mula sa insentibo ng gobyerno.

73% ng Pinoy: VP Sara dapat humarap sa impeachment court

Posted on: February 18th, 2025 by Peoples Balita No Comments

TATLO sa bawat apat na Pilipino o 73% ang nagsabi na dapat humarap si Vice President Sara Duterte sa Senate impeachment trial.

Base sa survey ng Tangere, 51% ang sumusuporta sa impeachment, 22% undecided, at 27% tutol. Pinakamalakas ang suporta sa Luzon, partikular sa Metro Manila, Southern Luzon, Central Luzon, at Northern Luzon.

Pinakamalakas naman ang pagtutol sa Mindanao na kilalang balwarte ng mga Duterte.

Kasama sa alegasyon laban kay Duterte ang iregularidad umano sa paggamit ng confidential fund ng Office of the Vice President at Department of Education (DepEd).

Nasa 51% ang payag na imbestigahan din ang umano’y hindi pagkakatugma sa yaman ng Bise Presidente at kanyang inilagay sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN), samantalang 33% ang tutol dito.

Nasa 4-5 sa bawat 10 rehistradong botante ang nagsabi rin na malamang iboto nila ang mga senatorial candidate na sumusuporta sa impeachment laban kay Duterte.

Samantala, 25% ang hindi boboto sa pro-impeachment candidate at ang nalalabi ay wala pang desisyon.

Ginawa ang survey mula Pebrero 10-12 at kinuha ang opinyon ng 2,400 respondents gamit ang mobile-based platform. (Daris Jose)

Doc Willie Ong, di pa rin naghahain ng withdrawal of candidacy

Posted on: February 18th, 2025 by Peoples Balita No Comments

HINDI  pa rin nakakapaghain ng kanyang withdrawal of candidacy si Dr.Willie Ong,ayons a Commission on Elections (Comelec).

 

Sinabi ni Comelec chairman George Garcia na hinihintay pa rin nila ang opisyal na pag-atras ni Ong na ngayon ay nakaratay sa kanyang karamdaman.

 

Noong Pebrero 13, inanunsyo ni Ong sa social media ang kanyang pag-withdraw sa senatorial race at tututok na lamang sa kanyang kalusugan. Kung saan sumasailalim sa mga pagsusuri at teatment sa kanyang abdominal cancer.

 

Sinabi ni Garcia, dahil sa karamdaman ni Ong ay inaasahan nilang magpapadala ng kinatawan para mag-withdraw.

 

Naghain ng COC si Ong sa pamamagitan ng kanyang maybahay na si LIza noong Oktubre 3,2024.

 

Si Ong ay unang sumabak sa pulitika noong 2022 presidential elections kung saan siya ang naging vice president candidate ng noo’y presidential cadidate Isko Moreno Domagoso. (Gene Adsuara)

PAOCC, tatapusin ang ilegal na operasyon ng POGO sa Pinas ngayong taon

Posted on: February 18th, 2025 by Peoples Balita No Comments

TINIYAK ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na uubusin nito ang lahat ng illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) activities na patuloy na naglilipana sa bansa.

 

 

Sa katunayan, patuloy na tinutugis ng PAOCC ang 11,000 illegal workers na nagsasagawa ng scamming activities.

 

 

Sinabi ni Undersecretary Gilbert Cruz, executive director ng PAOCC na kayang walisin ng gobyerno ang illegal POGO activities sa loob lamang ng isang taon.

 

 

“Kakayanin within the year na maubos na iyan. Unti-unti lang po. Iyan naman ang ginagawa natin, hindi tayo tumitigil. is new, that is why we needed a new Executive Order for this,” ang sinabi ni Cruz.

 

 

Matatandaan na pormal na nilagdaan ni Pa­ngulong Marcos ang EO 74 noong Nobyembre 5 na nagbabawal sa lahat ng Pogos sa bansa ma­ging ang aplikasyon at pag-renew ng lisensya.

 

 

Sa nagpapatuloy na kampanya nito laban sa illegal POGOs, sinabi ni Cruz na sanib puwersa ang PAOCC at ang National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP), the Bureau of Immigration (BI), Securities and Exchange Commission (SEC), at Anti-Money Laundering Council (AMLC).

 

 

“Malaki kasi ang kita. Kaya nilalaban nila ang malaking kita na huwag mahuli,” aniya pa rin.

 

 

Ani Cruz, sinabi ng BI na mayroon pang 11,000 na mga dating POGO workers ang nananatili sa bansa. Ang mga ito ay kalat-kalat sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

 

 

“Kung napansin n’yo, may nahuhuli kami sa Cavite, sa parte ng Laguna and meron sa Metro Manila. Ang napapansin ko hindi talaga sila lumalayo. Ang pinupuntahan nila ‘yung ‘hiding in plain sight’. Siyempre foreign nationals sila, doon sila sa mga lugar na parang normal lang na makakita ng foreign nationals doon – sa mga hotels o resorts,” ang sinabi ni Cruz.

 

 

Aniya, ang lahat ng dayuhang ito ay hindi na nag-renew o nag-downgrade ng kanilang visa at nago-operate sa mga establisimyento nang walang balidong permit at internet gaming licenses.

 

 

Mula sa kanilang scamming operations sa loob ng napakalaking POGO compounds, lumipat ang mga ito sa small-scale activities, at isa na aniya rito ay ang love scams.

 

 

Mayroon din aniyang insidente ng kidnapping at torture kung saan may nailigtas na mga dayuhang biktima ang PAOCC.

 

 

Samantala, patuloy namang minomonitor ng PAOCC ang mga lugar sa iba’t ibang lokasyon kabilang na ang Northern Luzon, bahagi ng National Capital Region, Southern Luzon, at Visayas. (Daris Jose)

Online scam crackdown, malaking hamon sa mga awtoridad bunsod ng SIM registration-PAOCC

Posted on: February 18th, 2025 by Peoples Balita No Comments

SINABI ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na malaking hamon para sa mga awtoridad ng bansa ang sugpuin ang online scams dahil sa SIM Registration Act.

 

 

Inihayag ito ni PAOCC Executive Director Undersecretary Gilbert Cruz matapos na iulat ng credit rating firm na Moody’s na may Filipino entity at mga tao ang sangkot sa romance scams. Sa katunayan, nakita ang mabilis na pagsirit sa 45 noong 2024 kontra sa 10 noong 2023.

 

 

“The Philippines ranked seventh globally for the highest number of entities and people with potential ties to romance scams,” ayon sa Moody’s.

 

 

Aminado naman si Cruz na ang Pilipinas ay naging hotspot para sa cyber scams, partikular na sa romance scams at financial fraud.

 

 

“Iyong mga nakakausap ko pong mga foreign counterparts natin, law enforcement counterpart, every time they do an investigation, lumalabas ho na iyong mga scamming activities o iyong source ng scamming ay nanggaling po sa Pilipinas,” aniya pa rin.

 

 

“Kapag sa international scene ho, kapag naimbitahan po ako doon o kapag uma-attend po ako ng mga seminars, forums o kaya meeting, it’s always… sasabihin nila, ‘We have victims here in our country and upon tracing, nakita namin na it’s coming sa inyo,'” ang sinabi ni Cruz.

 

 

Winika pa ni Cruz na isa sa mga probema ay ang SIM Registration Act, sinasabing napahihintulutan ang mga tao na mag-register ng kanilang SIM card gamit ang pekeng detalye.

 

 

“Iyong SIM card registration natin kahit sino, kahit anong address ang ilagay mo pwede, kahit anong mukha ang ilagay mo pwede. So, sino ang hahabulin ng imbestigador? Blangko ‘di ba,” ang sinabi pa rin ni Cruz.

 

 

“So, iyon po iyong problema natin dito. Iyong mga krimen, online crimes na nangyayari nag-i-emanate po iyan kasi alam po nila na makakalusot sila dahil sa SIM card registration. Fake iyong ginagamit nila, mga bogus names, bogus address,” aniya pa rin.

 

 

Sinabi pa ni Cruz na ang pinaka-nakakaalarmang scams ay ang tinatawag na “love scam” kung saan ang mga biktima, kadalasan ay retiradong lalaki na mahigit sa 35 taong gulang na may negosyo ang namamanipula sa pamamagitan ng pagpapadala ng pera sa mga nagpapanggap o manlolokong tao gamit ang manuals na ginawa daw ng psychologists at psychiatrists na binayaran ng mga ito.

 

 

Ibinuking din ni Cruz na ang mga scammers ay mayroong maraming larawan ng magagandang babae at pinag-aralan ang social media behavior ng kanilang biktima. Ang prosesong ito ay tumatagal ng pitong araw.

 

 

“Kapag na-in love na si sir doon… I-introduce si sir sa cryptocurrency. Kapag na-introduce na siya at nakapagbigay na siya, kinabukasan wala na si Ana. Ang problema ngayon sinong hahabulin mo?” ayon kay Cruz, ginamit na halimbawa ang fake identity. (Daris Jose)

Romualdez pinuri anti-smuggling ops ng Customs

Posted on: February 18th, 2025 by Peoples Balita No Comments

PINURI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang Bureau of Customs (BOC) sa pinaigting nitong kampanya laban sa smuggling na nagresulta sa pagkakasamsam ng P85.1 bilyong halaga ng kontrabando at ang matagumpay na pagsasagawa ng mahigit 2,100 anti-smuggling operations noong 2024.

Habang kinikilala ang mga mahahalagang tagumpay ng BOC, muling iginiit ni Speaker Romualdez ang agarang pangangailangan na palakasin pa ang pagpapatupad ng batas laban sa agricultural smuggling, na patuloy na banta sa mga lokal na magsasaka at sa seguridad sa pagkain.

“Maganda ang ginagawa ng Customs sa paglaban sa smuggling, pero hindi tayo dapat huminto. Kailangang mas paigtingin ang kampanya lalo na laban sa agricultural smuggling na sumisira sa kabuhayan ng ating mga magsasaka at nagpapahirap sa taumbayan,” diin ni Romualdez.

Ipinunto rin ng Speaker ang nakakabahalang mga ulat tungkol sa malalaking bulto ng bigas na naiwan sa mga pantalan at ang pagtatambak ng mga imported na frozen chicken, na nagpapalakas ng hinala na may nagaganap na manipulasyon sa suplay.

Anya, ang ganitong imoral at iligal na gawain ay nagpapahirap sa mga magsasaka at mamimili, nilalabag ang patas na presyo, at inilalagay sa ­panganib ang seguridad sa pagkain ng bansa.

“Huwag nating hayaang magamit ang smuggling at hoarding bilang sandata laban sa ating ekonomiya. Dapat supilin ang mga sindikato at tiyakin na ang pagkain ay abot-kaya ng bawat Pilipino,” ani Romualdez. (Daris Jose)

‘Kill threat’ ni Duterte vs mga senador pinasisilip sa NBI

Posted on: February 18th, 2025 by Peoples Balita No Comments

DAPAT imbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pahayag ni dating Pa­ngulong Rodrigo Duterte na patayin ang 15 senador para makaupo sa Senado ang kanilang mga pambatong kandidato.

Sinabi ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na kung naglunsad ng imbestigasyon ang NBI sa umano’y pagbabanta ni Vice President Sara Duterte laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza at Speaker Ferdinand Martin Romualdez, nararapat lamang na suriin din ang mga pahayag ng dating pangulo.

“In a democracy, words have power—especially when they come from someone who has held the highest office in the land. If certain statements warrant legal scrutiny, it is imperative that all similar declarations be assessed fairly and consistently,” punto ni Adiong.

Sa proclamation rally ng PDP-Laban sa San Juan City nitong Pebrero 13, binanggit ni Duterte ang pagpatay sa mga senador para magkaroon ng bakante at makapwesto ang siyam na senatorial bet ng kanilang partido.

“Ngayon, marami kasi sila, ano ang dapat gawin natin? Eh ‘di patayin natin ‘yung mga senador ngayon para mabakante. Kung makapatay tayo ng mga 15 na senador, eh ‘di pasok tayong lahat,” anang dating pangulo. (Daris Jose)

Mayor Sandoval, nanguna sa survey sa ‘voter preference’

Posted on: February 18th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NANGUNA si Malabon Mayor Jeannie Sandoval sa ibobotong mayoral candidate ng mga Malabueno, batay sa isinagawang kumprehensibong survey ng Capstone Intel Corporation kung saan nakakuha siya ng 60% voter preference habang ang katunggali sa mayoral race na si Jaye Noel ay 28 %.

Ayon kay UP Professor Guido David, Chief Data Scientist ng Capstone, isang kilalang research company, ang voter confidence na nakuha ni Sandoval ay sumasalamin sa naging magandang pamamalakad nito.

Ipinaliwanag ni David na 91% ng mga respondents sa isinagawang survey ay pawang bumoto noong nakaraang eleksyon kaya naman ang kanilang intensyon na iboto muli si Sandoval ay pagpapakita ng pagiging epektibo nito sa kanyang tanggapan.

“When voters believe in a candidate’s ability to serve, their engagement and decisions at the polls can significantly shape the election’s direction,” ani David.

“It is clear that their willingness to support Sandoval again reflects their satisfaction with her performance. This highlights how past governance significantly influences future electoral decisions, as constituents tend to favor candidates who have proven their reliability and effectiveness in office,” dagdag niya.

Ani Capstone Intel Research and Publications Director Ella Kristina Domingo, ang survey ay isinagawa nitong Enero 22 hanggang 26, 2025, sa may 1,200 participants na nasa pagitan ng edad 18 hanggang 55-anyos, karamihan ay may-asawa.

Nasa 16.90% ng mga respondents ay 16 hanggang 20 taon nang naninirahan sa Malabon; 14% residente na ng 21 hanggang 25 taon; 13.50% ay 26 hanggang 30 taon at may grupo na 6 hanggang 10 taon at 46 taon pataas nang residente ng lungsod.

Nang tanungin sa survey kung pamilyar kay Sandoval, 93% ng nagsabi na kilala nila ito habang 51% ang familiarity rating ni Noel sa mga residente.

Nasa 67.30% ang nagsabi na iboboto nila si Sandoval dahil “naniniwala sa kanyang adbokasiya”, nasa 55.90% ang nagsabi na “madaling lapitan” at 55.40% ang “patunay ng kakayahang maglingkod”.

Umabot sa 43.40% ang nagsabing kinilala nila ang “konkretong aksyon sa mga nangangailangan”, 37.60% “magandang track record” at 29.80% “walang bahid ng korapsyon”.

Kung ano ang “qualities” na hinahanap ng mga botante, 79.60% ang nagsabi na “ nakakapagpatupad ng mga programa at serbisyo” at 51.80% “may karanasan sa pamumuno at marunong rumespeto”.

Sinuri din sa survey ang “satisfaction” sa government services sa Malabon, nasa 45.80% ng mga respondents ang nagsabi na “very satisfied” habang nasa 2.80% lamang ang “very dissatisfied.”

“Respondents specifically acknowledged the effectiveness of key services, such as medical assistance and health services, financial assistance/ayuda, educational assistance; disaster relief, emergency response, job assistance and livelihood opportunities, assistance to seniors, community programs and activities and security and peacekeeping efforts” nakasaad sa survey report.

Ipinaliwag ni Domingo na kung pagbabasehan ang nakalap na polling data ay nagpapakita na nakita at naramdaman ng mga respondents ang mga naging pagbabago partikular sa edukasyon , paglago ng ekonomiya at public safety na syang nakadagdag sa positibong kinabukasan para sa Malabon. (Richard Mesa)