• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 2:41 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2025

Batang Pier guard Fran Yu, itinangging sinaktan ang barangay kagawad ng Maynila

Posted on: February 19th, 2025 by Peoples Balita No Comments
ITINANGGI ni PBA player Fran Yu na kaniyang sinapak ang isang barangay kagawad ng sa Sta. Cruz, Maynila.
Nangyari ang alitan ng NorthPort Batang Pier guard ng sitahin ito sa pagpaparada sa harap ng fast food chain sa Barangay 350,Sta. Cruz, Manila.
Sa una ay sinabihan ito ng mga barangay tanod na kung maari ay ilipat ang kaniyang pagpaparada ng motorsiklo.
Nagkaroon ng alitan ang basketbolista at mga tanod kaya dumating si Kagawad Victorino Farrales.
Wala umanong naganap na tulakan dahil bahagyang nahulog sa gutter ang barangay opisyal.
Mas lalong uminit ang pangyayari sa pagdating ng ama ng basketbolista kung saan ito ay nakipag sagutan.
Tiniyak naman ng barangay opisyal na kanilang sasampahan ng kaukulang kaso ang nasabing basketbolista.

Mga Korean nationals, inaresto sa Isang hotel sa Pasay

Posted on: February 19th, 2025 by Peoples Balita No Comments
INARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang anim na Korean national sa isinagawang pagsalakay sa isang hinihinalang online gambling hub sa isang hotel sa Pasay City.
Sinabi ni BI fugitive search unit (FSU) chief Rendel Ryan Sy na ang mga inarestong 6 na Korean national ay sa koordinasyon ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at Criminal Investigation and Detection Group Southern Police District Field Unit (CIDG-SPIDFU) on February 17.
Kabilang sa mga inaresto ay si Ha Jungjo, na may derogatory record sa BI na overstaying .
Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado, na ang isinagawang pagsalakay bunsod sa kommunikasyo mula sa PAOCC hinggil sa hinihinalang illegal na aktibidades ng mga dayuhan.
“This successful operation reflects our unwavering commitment to cracking down on illegal foreign operations in the country, especially those engaged in illicit online gambling,” ayon kay Viado.
Ang mga operatiba ay nakadiskubre ng multiple computer stations na hinihinalang ginagamit sa offshore gaming operations.
Kinumpirma rin ng awtoridad sa Korea na ang perang ginagamit sa transaksiyon at mga inked bank accounts ay ginagamit sa illegal gambling activities.
 Ang mga inarestong mga dayuhan na karamihan ay may permanent resident visas ay naaktuhan habang nagsuugal.
 “We continue to intensify our enforcement actions against foreign nationals violating Philippine laws, in line with the administration’s directive to maintain law and order,” paliwanang ni Viado.
 “We will ensure that due process is followed while working closely with our law enforcement partners to rid our country of undesirable aliens engaged in illicit activities,” dagdag pa ni Viado.
Mahaharap sa deportasyon at maba-blacklist ang anim na Koreano. (Gene Adsuara)

Mindanao lawyers, naghain ng petisyon sa Korte

Posted on: February 19th, 2025 by Peoples Balita No Comments
NAGHAIN ng Petition for Certiorari and Prohibition sa Korte Suprema ang Mindanao lawyers kaugnay impeachment case na kinakaharap sa Senado ni Vice President Sara Duterte.
Kabilang sa mga abogado na dumulog at nanguna sa paghahain ng petisyon sa SC sina Atty. Israelito Torreon, Atty. Martin Delgra, Atty.James Reserva at Atty. Hillary Olga Reserva .
Layon ng petition na maglabas ng TRO and Writ of Preliminary Injunction ang Pinakamataas na Tribunal, at maisantabi o mapawalang-bisa ang Impeachment Complaint laban kay VP Sara.
Kasali rin sa paghahain ng petition ang mga miyembro ng Davao City Council, na kakatawanin ni Davao City Councilor Atty Luna Acosta, ngunit nilinaw na nila ng petition ay bilang mga pribadong mamamayan.
Alinsunod sa idudulog na petition sa Pinakamataas na Korte, ang impeachment process ay “defective, constitutionally infirm and jurisdictionally void” o depektibo, labag sa batas at jurisdictionally void.
(Gene Adsuara)

PBBM, pinuri ang DSWD sa dedikasyon, katangi-tanging serbisyo sa mga tao

Posted on: February 19th, 2025 by Peoples Balita No Comments
PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa pagliligtas ng mga buhay, pagdadala ng pag-asa at pagpapakita ng tunay na kapangyarihan ng pagdamay at pagtulong sa mga mamamayan.
Sa pagsasalita ng Pangulo sa ika-74th-anniversary celebration ng DSWD sa Pasay City, araw ng Martes, tinukoy ng Chief Executive ang mahalagang papel ng departamento sa pagbibigay ng tulong, pag-asa at katatagan sa mga indibiduwal, pamilya aht komunidad na nahaharap sa mga paghihirap.
“Your courage, particularly during the recent spate of calamities, has been nothing short of extraordinary,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“’You are the first to respond but the last to sleep. While others sought shelter from the storm, you walked into the chaos to deliver relief. You have saved lives, brought hope, and demonstrated the true power of compassion,” dagdag na wika nito.
Binigyang diin din ng Chief Executive ang mga mahahalagang programa ng DSWD gaya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), Sustainable Livelihood Program (SLP), Social Pension for Indigent Senior Citizens, at ang Quick Response Fund (QRF).
Binanggit din nito na mahigit sa apat na milyong pamilya ang nakinabang sa 4Ps noong nakaraang taon, habang mahigit naman sa 270,000 pamilya ang nakatanggap ng tulong mula sa SLP noong 2024.
Sinuportahan naman ng Social Pension for Indigent Senior Citizens program ang mahigit sa 4.28 milyong matatandang indibiduwal habang mahigit naman sa 7.4 milyong pamilya ang nakatanggap ng tulong sa pamamagitan ng Quick Response Fund (QRF).
Nanawagan din ang Pangulo para sa kolektibong pagkilos para makapagtayo ng isang matibay o matatag, saklaw ang “Bagong Pilipinas” kung saan “no one is left behind.”
Inilunsad din ng Punong Ehekutibo ang mga bagong inisyatiba, kabilang ang Harmonized Electronic License and Permit System (HELPS), dinisenyo para gawing simple at madali ang aplikasyon sa loob ng departamento.
Kabilang sa mga bagong ipakikilalang mga programa ay ang Minors Traveling Abroad System, ginawang simple ang travel clearance para sa mga bata, at ang Pamilya sa Bagong Pilipinas Program, naglalayong palakasin ang kapakanan ng pamiya at development nito.
“These endeavors reflect a government that listens and that responds—a government that evolves to meet the needs of its people,” ang pahayag ng Pangulo. (Daris Jose)

FIRST REACTIONS PRAISE BONG JOON HO’S “MICKEY 17” AS A ZANY AND THOUGHT-PROVOKING SATIRE, A “PERFECT FILM FOR OUR TIME”

Posted on: February 18th, 2025 by Peoples Balita No Comments

THE highly anticipated “Mickey 17,” director Bong Joon Ho’s first feature since winning the Best Picture Academy Award (as well as Best Director and Best Original Screenplay) for his 2019 film “Parasite,” had its world premiere in London, followed by another premiere at the 75th Berlin Film Festival, on February 13 and 15, respectively. Reactions from the premieres have come out, praising Bong’s latest film as worth the wait.

 

Watch the trailer for “Mickey 17”: https://youtu.be/A1frxqUGvFc?si=a0vL4cW5Et7pHvUz

 

Indiewire’s critic David Ehrlich posted that “Bong Joon Ho is still very good at making movies.”

 

In their review, Deadline Hollywood said, “Based on the book by Edward Ashton, director Bong has adapted [the book] with a distinctive cinematic style as a dizzyingly funny but pertinent satire.”

 

Total Film posted their initial reaction to the film, lauding it as “zany… a thrilling, unexpected sci-fi drama” and in their review said that the film is “funny and charming from the get-go, building out a fascinating sci-fi world from its central conceit that ends up speaking to powerful and timely concerns through humor, satire, and exhilarating genre elements. Bong Joon Ho’s best English movie to date and arguably Robert Pattinson’s best movie.

 

SlashFilm was very impressed with what they called another masterpiece from director Bong, saying, “With a sublime cast, ‘Mickey 17’ is a deeply heartfelt and uncomfortably funny musing on capitalism, colonization, and corruption. It’s a perfect film for our time, and Bong Joon-ho’s best English-language film yet.”

 

Adam McKay, himself a writer/director (“Don’t Look Up,” “The Big Short,” “Anchorman” movies), couldn’t help singing his praises for “Mickey 17,” saying, “It’s hilarious, wild, sometimes genuinely heartbreaking and a perfect allegory for the hellscape stage of capitalism we’re in right now.”

 

“Mickey 17” tells the story of Mickey Barnes (Pattinson), an unlikely hero who has found himself in the extraordinary circumstance of working for an employer who demands the ultimate commitment to the job… to die, for a living. It also stars Naomi Ackie, Steven Yeun, Toni Collette and Mark Ruffalo.

 

“Mickey 17” will first open in South Korea on February 28 and will be available in other markets a week after.

Warner Bros. Pictures presents A Plan B Entertainment Production, An Offscreen Production / A Kate Street Picture Company Production, A Film By Bong Joon Ho: “Mickey 17.” The film will be distributed worldwide by Warner Bros. Pictures, and will open in Philippine cinemas March 5, 2025.

Photo & Video Credit: “Warner Bros. Pictures”

(ROHN ROMULO)

Inalala na palaging nag-aaway noon sa set: DENNIS, sinigurado na alam niya ang sumpong at kiliti ni JENNYLYN

Posted on: February 18th, 2025 by Peoples Balita No Comments
NAGKAROON na ng iba’t-ibang pagpanig ang mga netizen sa isyu nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo.
Naungkat na rin ng mga netizen ang mga dating isyu ni Derek Ramsay sa babae at sa dating pinakasalan niya dahil sa “pakisawsaw” raw nito at ng misis na si Ellen Adarna bilang pagdepensa sa “babae/kaibigan” na naugnay sa mag-asawa.
Nakausap naman namin si Gabby Eigenmann, ang kapatid ni Andi.
Pero kumpara kay Derek o Ellen, sinabi ni Gabby na wala siyang comment o anumang statement sa nangyari o nangyayari.
Ang katwiran ni Gabby, “you know, Andi, yes, she’s my sister. And of course, she knows that as her kuya, I’ll always be here to support her.
“But you know, Andi is old enough. Kaya na nila ‘yan. Everyone has their own problems in life. Maaayos din ‘yan. They’re all adult.”
In short, feeling namin, kumpara kina Derek at Ellen, ayaw makisawsaw ni Gabby. True naman at heto nga, dedma na sina Andi at Philmar sa isyu at parang walang nangyari.
***
SA February 26 na ipalalabas ang “Everything About My Wife” na reunion movie ng mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.
At kumpara noong huli silang nagsama, mas matured na raw sila ngayon.
Sabi nga ni Dennis, “I think, more than 10 years na rin no’ng ginawa namin ang ‘Rosario.’ Napansin ko, gaya nang sinabi ni Direk (Real Florido), kapag nagma-mature, mas sineseryoso mo ang trabaho.
“Natatandaan ko, noong panahon na ‘yon, nasa shooting kami, palagi pa kaming nag-aaway noon.  Palagi kaming nag-aaway sa set.”
Natatawang sang-ayon din ni Jennylyn sa sinabi ni Dennis, “Oo! Buti na lang, heavy drama ang ginagawa namin noon.”
Dugtong pa rin ni Dennis sa sinasabi, “Napapansin ko rin ngayon, hindi na kami masyadong nag-aaway. Mas nako-control na namin ang emotion namin. Mas matured na, professional. Mas may respeto na kami sa trabaho ng isa’t-isa.”
Ayon pa kay Jennlyn, iba rin daw ang marami ng pinagdaanan mga bata pa lamang sila. Mas nagiging professional na raw sila.
“Hindi na namin pwedeng isama ang personal na buhay o problema natin dito,” sey niya.
Sa tanong kung nalalaman ba talaga ng isang asawa ang lahat tungkol sa kanyang asawa o misis, sinigurado ni Dennis na alam niya ang sumpong ni Jen.
“Sa tingin ko po, napaka-importante na makilala mo ang makakasama mo habang buhay.  Mahirap kung meron kang madidiskubre na hindi mo gusto bago kayo magpakasal.
“Pero kung nando’n na kayo sa isang relasyon, nakatali na kayo. Kailangan mo talaga alamin bawat isa. Para malaman mo kung ano ang mga sumpong niya, paano mo siya pasasayahin. Kailangan malaman mo ang mga kiliti niya, mga sikreto niya, kailangan malaman mo talaga.
“Kasi nga, pakikisamahan mo siya habang-buhay. At kapag hindi mo alam ‘yon, yun ang unang pinagmumulan ng problema.”
(ROSE GARCIA) 

First time na makagawa ng serye sa GMA: TONY, happy sa role at open sa kahit anong project

Posted on: February 18th, 2025 by Peoples Balita No Comments
TINANONG si Tony Labrusca kung ano ang mga inaasahan niyang proyektong ipagkakaloob sa kanya ng GMA, matapos niyang tanggapin ang unang serye na ‘Binibining Marikit.’
“Well, I’m open to any project.
“Lahat naman ng project na nabigay sa akin I’m very proud of and really grateful for.
“And what I’m most excited about this role is that I’m playing a character that just feels so cool and I know we’re not supposed to… I mean, we’re not our characters, that’s why we’re playing these roles.
“But this one just seems like it’s so Tony, I don’t know, just in a way where it’s just something personally that I’ve always wanted to play.
“So I’m like, this is right up my alley. I mean, I’ve definitely played these roles before but they’re few and far in between.
 “So that’s why whenever I get a role like this, it’s like, okay, this is like my baby for now, I really wanna enjoy this, just take in every moment and really enjoy it.”
Kasama nina Tony at Herlene Budol sa ‘Binibining Marikit’ sina Pokwang at ang male pageant winner/model-turned-leading man na si Kevin Dasom, at sina Almira Muhlach, Thea Tolentino, John Feir, Ashley Rivera, Jeff Moses, Migs Almendras, at Cris Villanueva.
Sa direksyon ni  Jorron Lee Monroy napapanood ang Binibining Marikit mula Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime at para naman sa Pinoys abroad ay via GMA Pinoy TV.
***
BILANG mahilig tayo sa mga Zombie movies, papanoorin tiyak namin ang “Lisik Origin Point” na isang purong Pinoy na zombie movie na palabas ngayon sa mga sinehan.
Although nahahawig ito, na nagkataon lamang, sa Korean Netflix series na “All Of Us Are Dead”, tiniyak ng direktor ng pelikula na si John Renz Cahilig na hindi niya kinopya ang nabanggit na  Netflix series.
Ang cast ng “Lisik Origin Point” ay sina Nika De Guzman, Grace Rosas Tayo, Jeremiah Allera, and Rosemarie Smith, at may espesyal na partisipasyon ang aktor na si Ramon Christopher.
May pahayag ang executive producer ng pelikula na si Dominic Orjalo kung bakit lahat ng cast members ng kanyang pelikula, maliban kay Ramon Christopher, ay mga baguhan?
“Unang-una po, lahat naman po tayo ay nag-umpisa sa baguhan, bago naging malaking artista.
“So why not give break to our students, ordinary people like our students.
“Kaya nga po nag-produce ako ng movie ay para din ma-enhance at ma-improve ang kanilang skill sa pag-acting.
“Who knows sa DIST pala ang stepping stone para sa ibang paggawa ng pelikulang Pilipino, kung paano gumawa ng kakaibang film.
“Who knows baka ito po yung hudyat ng pagbabago ng film industry.”
Pag-aari ni Dominic ang Dominic Institute of Science and Technology na maraming sangay, partikular sa Bulacan.
Produced ng Domniel International Films Production at distributed ng PinoyFlix, nasa “Lisik Origin Point” rin sina Jossah Mae Sison, Rain Mirasol, Joshua Cantuba, at Revers Quilario.
(ROMMEL L. GONZALES)

Sobrang excited at ramdam din ang pressure: JERICHO, opisyal ng pinangalanan bilang bida ng ‘Quezon’

Posted on: February 18th, 2025 by Peoples Balita No Comments
OPISYAL nang inihayag ng TBA Studios noong Pebrero 18 na ang aktor na si Jericho Rosales ang gaganap bilang title role ng Philippine President na si Manuel L. Quezon sa biographical historical movie na “Quezon.”
Pangungunahan ni Rosales ang cast ng inaabangang biopic, na inaasahang susunod sa buhay ni Quezon, isang Pilipinong abogado, at sundalo na naging Pangulo ng Commonwealth of the Philippines mula 1935 hanggang 1944.
Ang “Quezon” ay magsisilbing pinakahihintay na pagbabalik ni Rosales sa Philippine cinema pagkatapos ng mahabang pamamahinga.
Huli siyang napanood sa big screen sa 2018 romantic drama na “The Girl in the Orange Dress.”   Sa telebisyon, nagbida siya kamakailan sa hit ABS-CBN drama na “Lavender Fields.”
“I feel so honored to be with this team. Coming to a script like this which is so potent and so entertaining, I feel so lucky and happy.
“Here, you will see Quezon as a person.  He’s not written as a hero.  He is cunning, he is charming, he is intelligent.  Quezon is such an interesting character to play;  there are so many things I can put into the role to build Quezon as a character.  That adds to the pressure, but at the same time I am very excited,” pahayag pa ng aktor.
Ayon naman kay TBA Studios President and COO Daphne Chiu, “We are honored to welcome Jericho Rosales as he leads the cast of ‘Quezon.’ Jericho’s unbelievable screen presence has made him one of our best actors today, and we’re all looking forward to working with him and seeing how his artistry can give life to one of the country’s most charismatic yet divisive political figures.”
Samantala, ibinahagi ng direktor at co-writer ng “Quezon” na si Jerrold Tarog na si Rosales ay na-cast dahil sa husay na ipinakita ng aktor noong nag-audition siya para sa role ni Gen. Antonio Luna sa 2015 historical biopic na “Heneral Luna.”
Bibida rin sa “Quezon” sina Mon Confiado at Benjamin Alves, na muling gagampanan ang role nila sa mga naunang pelikulang “Heneral Luna” at “Goyo: Ang Batang Heneral.”
Nagbabalik si Confiado bilang Emilio Aguinaldo at karibal ni Quezon sa pulitika.   Samantala, ginagampanan ni Alves ang nakababatang Manuel L. Quezon.
Makakasama rin sa “Quezon” sina Karylle Yuzon bilang asawa ni Quezon, Aurora Quezon;  Romnick Sarmenta bilang Sergio Osmeña, ang unang Bise Presidente ng Pilipinas;  JC Santos bilang Manuel Roxas;  at Cris Villanueva bilang ang nakatatandang Joven Hernando, ang tanging kathang-isip na karakter sa serye ng pelikula.
Nagpahiwatig si Chiu na paparating na ang mas kapana-panabik na mga anunsyo ng natitira pang cast ng biopic.
Ang “Quezon” ay bahagi ng cinematic “Bayaniverse” ng TBA Studios, isang serye ng mga pelikulang batay sa kasaysayan ng Pilipinas na kinabibilangan ng mga box office hits na “Heneral Luna” at “Goyo: Ang Batang Heneral”, nakatakda itong ipalabas sa mga sinehan sa buong bansa at sa buong mundo sa huling bahagi ng taong ito.
(ROHN ROMULO)

18-anyos Brazillian tennis player Joao Fonseca tinanghal bilang pinakabatang nagwagi ng ATP Tour Title

Posted on: February 18th, 2025 by Peoples Balita No Comments

HINDI maipaliwanag ni João Fonseca matapos na makamit ang unang ATP Tour Title sa Argentina Open.

Ang 18-anyos na Brazillian tennis player ay pang-10 sa pinakabatang manlalaro na nagwagi ng ATP Tour Title.

Tinalo nito si Francisco Cerundolo ng Argentina sa score na 6-4, 7-6(1) sa laro na ginanap sa Buenos Aires.

Tinagurian din siya ang pangalawang pinakabatang South American na nagwagi ng titulo sa Open Era kasunod ni Guillermo Perez Roldan ng Argentina noong 1987.

Sinabi nito na hindi siya makapaniwala sa naging tagumpay niya dahil ang kaniyang pangarap lamang ay maglaro ng tennis.

EJ Obiena nakagintong medalya sa torneo sa Poland

Posted on: February 18th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAKABAWI na ngayon si World Number 4 at Asian champion pole vaulter EJ Obiena matapos na magbulsa ng gintong medalya sa Orlen Copernicus Cup na ginanap sa Torun, Poland.

Naitala ng two-time Olympian ang 5.80 meter clearance para manguna sa siyam na mga kalahok.

Nasa pangalawang puwesto ang pambato ng Poland na si Piotr Lisek an nagtala lamang ng 5.70meter.

Habang na sa pangatlong puwesto si Sondre Guttormsen ng Norway.

Ito na ang pangalawang gintong medalya na nakuha ni Obiena na ang una ay sa Metz Moselle Athletor sa France noong nakaraang buwan.

Tila pagbangon din itong maituturing dahil sa nagtapos lamang siya sa pangpitong puwesto sa mga walong manlalaro sa ISTAF Indoor tournament na ginanap sa Dusseldorf, Germany.