• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 12:09 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2025

Top 8 MWP at Chinese National, nadakma ng Valenzuela police

Posted on: February 19th, 2025 by Peoples Balita No Comments
LAGLAG sa selda ang dalawang wanted persons, kabilang ang isang Chinese national matapos malambat ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operations sa Bulacan at Valenzuela City.
          Ayon kay Valenzuela City Police Chief P/Col. Nixon Cayaban, ikinasa ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni P/Lt. Jaime Abarrientos ang pagtugis kay alyas “Jay-Jay”, 34, mototaxi driver at nakatala bilang Top 8 MWP sa Lungsod ng Valenzuela.
Dakong alas-6:40 ng Martes ng gabi nang makorner nina Lt. Abarrientos sa Landicho St., Barangay Balasing, Sta. Maria, Bulacan ang akusado na residente ng Barangay Karuhatan  .
          Si alyas Jay-Jay ay binitbit ng mga tauhan ng WSS sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Valenzuela City Regional Trial Court Branch 270 noong December 3, 2024, para sa kasong Lascivious Conduct under Section 5 of RA 7610, for service of sentence.
          Kasunod nito, alas-11:10 ng gabi nang matimbog din ng mga tauhan ni Col. Cayaban ang Chinese national na si alyas “Junqin”, 43, sa manhunt operation sa Derupa St., Barangay Maysan.
Si alyas Junqin, na nahaharap sa mga kaso sa ilalim ng RA 8293, Section 155 in relation to Section 170 (Intellectual Property Code of the Philippines), ay dinakip sa bisa ng warrant of arrrest na inilabas ng Valenzuela City RTC Branch 75 nitong February 13, 2025 na may inirekomendang piyansa na P30,000 para sa kanyang pansamantalang paglaya.
“We remain steadfast in our commitment to uphold the law and ensure the safety of our community. The successful arrest of these two wanted individuals is a testament to the dedication and hard work of our officers. We will continue to relentlessly pursue those who threaten the peace and security of Valenzuela City,” ani Col. Cayaban. (Richard Mesa)

Pedicab driver, kulong sa tangkang pagdukot sa 2 batang estuyante sa Caloocan

Posted on: February 19th, 2025 by Peoples Balita No Comments
KULUNGAN ang bagsak ng isang pedicab drivert nang tangkain dukutin ang dalawang batang estudyante sa harap ng kanilang paaralan sa Caloocan City, Martes ng umaga.
          Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals, mahaharap sa kasong Attempted Kidnapping ang suspek na si alyas “Danilo”, 49, at residente ng San Andres, Manila.
          Sa inisyal na ulat ni PCpl Esteephanie Pascua kay Col. Canals, nangyari ang insidente dakong alas-11:45 ng tanghali sa harap ng Maypajo Elementary School, sa J.P Rizal St., Brgy., 35, Maypajo, matapos sunggaban at pilit umanong isinasama ng suspek ang 10-anyos na lalaking estudyante habang papasok sa paaralan subalit, nanlaban ang biktima bago tumakbo.
          Kasunod nito, tinangka ring sunggaban ng suspek ang 9-anyos na babaeng estudyante at nang makita ng Barangay Tanod na si Bernie Nacubuan ang pangyayari ay sinita niya ito kaya nakawala ang biktima saka humingi ng tulong sa tanod at sinabing hindi niya ama ang lalaki.
          Agad siniguro ng tanod ang kaligtasan ng biktima habang pinagtulungan namang kulatahin ng galit na mga taumbayan ang suspek na natigil lang nang pumagitna ang barangay tanod na umaresto sa kanya.
          Pinasalamatan ni Mayor Along Malapitan ang Tanod na si Nacubuan ng Brgy. 35 sa kanyang masigasig na pagbabantay at maagap na pagtugon sa insidente.
“Bagama’t ikinalulungkot po natin ang nangyaring insidente, patunay po ito na handa ang barangay at kapulisan na tumugon sa mga ganitong pangyayari,” pahayag niya.
“Inuulit ko ang direktiba ko sa binuo nating Aksyon at Malasakit Task Force, lalo na sa kapulisan, na paigtingin ang pagbabantay sa mga paaralan lalo na tuwing oras na papasok at lalabas ang mga mag-aaral,’ dagdag niya. (Richard Mesa)

LRMC: Taas-pasahe sa LRT-1, epektibo na sa Abril 2

Posted on: February 19th, 2025 by Peoples Balita No Comments

12 am – 1

INIHAYAG ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang nakatakdang pagpapatupad ng taas-pasahe ang Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) simula sa Abril 2, 2025.

Ayon sa LRMC, na siyang nangangasiwa sa operasyon ng LRT-1, ang taas-pasahe ay kasunod na rin nang pag-apruba ng Rail Regulatory Unit (RRU) ng Department of Transportation (DOTr) ang kanilang revised fare matrix.
Sa isang notice na may petsang Pebrero 14, 2025, na nilagdaan ni Railways Undersecretary Jeremy Regino, inimpormahan ng DOTr ang LRMC hinggil sa pag-apruba sa bagong fare formula para sa LRT-1.
Dahil dito, ang kasa­lukuyang fare formula para sa LRT-1 ay P13.29 boarding fee at P1.21 increment per kilometer travel, ay itataas at gagawing P16.25 boarding fee at distance fare na P1.47 kada kilometro
Nangangahulugan rin ito na ang minimum fare na P15 ng LRT-1 ay magiging P20 na habang ang maximum fare na P45 para sa single ­journey end-to-trip ay tataas at magiging P55 naman. (Daris Jose)

VP Sara naghain ng petisyon sa Korte Suprema na humahamon sa House impeachment

Posted on: February 19th, 2025 by Peoples Balita No Comments
NAGHAIN ng petisyon si Vice President Sara Duterte sa Korte Suprema na humahamon sa ‘validity at constitutionality’ ng 4th impeachment complaint laban sa kanya.
Ang petition for certiorari and prohibition ay inihain sa Korte Suprema, araw ng Martes, Pebrero 18.
Inihain ang nasabing petisyon ng kampo ni VP Sara sa pamamagitan ng Fortun Narvasa and Salazar law offices.
Sa ulat, napag-alaman na natanggap ito ng Korte Suprema subalit hindi na naihabol pa sa kanilang en banc session.
Sinasabing maliban pa kasi ito sa petisyon ng apat na Mindanaoan lawyers para harangin ang impeachment proceedings laban kay VP Sara.
Sa ulat, hiniling din kasi ng mga abogado na sina Atty. Israelito Torreon, Atty. Martin Delgra, Atty. James Reserva, Atty. Hillary Olga Reserva, at Atty. Luna Acosta—na magpalabas ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order (TRO) at Injunction para ipawalang-bisa ang impeachment complaint.
Kasama rin sa mga nagpetisyon ang Bise Alkalde ng Davao City, ilang miyembro ng konseho ng lungsod, at mga kilalang political vloggers na sina Darwin Salcedo, Lord Byron Cristobal, at Lord Oliver Raymund Cristobal.
Ayon sa mga ito, depektibo at hindi dapat dinggin ng Senado ang impeachment complaint na inihain ng Kongreso.
Kwestiyonable di umano ang verification process ng impeachment complaint.
Sinabi pa ng mga petitioner, hindi pinag-aralang mabuti ng mga lumagda sa reklamo ang nilalaman nito, at biglaan lamang isinama sa usapin ng impeachment.
Subalit para sa Kongreso, moot and academic na ito dahil nasa Senado na ang reklamo at hindi na ang korte ang may hurisdiksyon dito. (Daris Jose)

LTO pinaalalahanan ang mga motorista na agarang ikabit ang kanilang plaka, nagbabala ng 5,000 multa sa lalabag

Posted on: February 19th, 2025 by Peoples Balita No Comments

PINAALALAHANAN ng Land Transportation Office (LTO) ang mga motorista na ikabit ang kanilang plaka sa kanilang mga sasakyan matapos makatanggap ng mga ulat na may ilang may-ari ng sasakyan na sadyang hindi ito inilalagay kahit na na-release na.

 

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, ang pagmamay-ari ng sasakyan ay may kaakibat na responsibilidad, kabilang ang agarang pagkakabit ng plaka kapag ito ay na-release na.

 

“Sa pakikipag-ugnayan natin sa PNP, sa pamamagitan ng kanilang Highway Patrol Group (HPG), at maging sa sarili nating operasyon, natuklasan natin na may mga sasakyan na sadyang hindi kinakabitan ng plaka kahit na naibigay na ito,” ani Asec Mendoza.

 

“Hindi po souvenir items and mga plaka, dapat ikabit po ito sa ating mga motorsiklo at mga sasakyan as soon as na-release na ito ng mga car dealers at the LTO. Meron pong penalty kapag hindi po ito nasunod ayon sa batas,” dagdag niya.

 

Ipinunto ni Asec Mendoza na alinsunod sa Republic Act 4136 o ang Land Transportation and Traffic Code ng Pilipinas, may multang P5,000 para sa mga may-ari ng sasakyang hindi nagkabit o hindi wasto ang pagkakabit ng kanilang plaka.

 

Ayon pa kay Asec Mendoza, bagaman nagkaroon ng problema sa supply ng plaka simula noong 2014, naresolba na ang backlog para sa mga plaka ng mga four-wheel vehicles.

 

Samantala, inaasahang matatapos na rin ang backlog para sa mga motorsiklo bago o sa Hulyo ngayong taon.

 

“Meron po kaming database ng mga plakang na-release na at magbabayad po kayo ng P5,000 na penalty kapag napatunayan na tinamad or talagang wala kayong balak na ikabit ang mga plakang na-release na sa inyo,” babala ni Asec Mendoza. (PAUL JOHN REYES)

Ads February 19, 2025

Posted on: February 19th, 2025 by Peoples Balita No Comments

“A vampire exhumed for the modern audience.” See how Robert Eggers reimagines Nosferatu, starring Bill Skarsgård, Lily-Rose Depp, and Nicholas Hoult

Posted on: February 19th, 2025 by Peoples Balita No Comments
A brand new Nosferatu emerges from acclaimed director Robert Eggers’ mind, and for him, it’s also a story close to his heart. “In many ways, my adaptation of Nosferatu is my most personal film. A story, not engendered by me, but one that I have lived with, within, and dreamed about since childhood. I often felt I had the same un-jaded creative spark of a first time filmmaker when finally making the film because of the years of thought I have put into it. I feel more fortunate than ever to have had the chance to make it with my trusted team of long-time collaborators,” he says.
Eggers recalls experiences of folk legend still alive in rural Europe, and for Nosferatu, his goal was to instill that old, mythic terror that has haunted mankind for generations. “The folk vampire is not a suave dinner-coat-wearing seducer, nor a sparkling, brooding hero. The folk vampire embodies disease, death, and sex in a base, brutal, and unforgiving way. This is the vampire I wanted to exhume for a modern audience,” he explains.
Watch the trailer here: https://tinyurl.com/yck67hvd
Nosferatu is a gothic tale of a young woman, Ellen (Lily-Rose Depp), haunted by visions of an ancient, terrifying vampire (Bill Skarsgård), who is infatuated with her, and bound her to him in his obsession.This causes untold horror in Ellen’s small German town of Wisburg.
Eggers’ fascination with Nosferatu was instilled early, as he fell in love with F.W. Murnau’s 1922 film,  Nosferatu: A Symphony of Horror as a child. As he grew older he started to write an adaptation of it in high school, and has been looking for an opportunity for it to come to fruition. “I intended to return to Nosferatu again, but it never happened,” he says.
He finally finished his draft after finding success as a director, creating critically acclaimed films such as The Witch and The Lighthouse. He draws upon the original Nosferatu film, and that film’s influence, Bram Stoker’s novel Dracula, but shifts his focus on the beauty-and-the-beast tale of the vampire Nosferatu and Ellen.   “As an evolution of the story, the thing that is most significant is that this is Ellen’s film.  She is a victim not only of the vampire, but of nineteenth century society,” says Eggers.
Casting the perfect Ellen was vital to the film, and for Eggers, none embodied his vision as fully as Lily-Rose Depp. “Her audition was so strong.  I was crying, the casting director was crying, the videographer was crying.  It was clear she was going to be powerful as this character,” Eggers recalls.
Depp was completely enthralled by the script, and she was very eager to make the role hers. “There’s something about this script and this movie that feels very real, visceral, and human, which is interesting because we’re talking about demons, and ghosts, and this other realm.  That’s what I think is the scariest part about the movie: just how real the nightmares are,” says Depp.

Watch the horror unfold as Nosferatu haunts Philippine theaters starting February 26. Follow Universal Pictures PH (FB), UniversalPicturesPH (IG), and UniversalPicsPH (TikTok) for the latest updates.

(ROHN ROMULO) 

Suportado rin ng mga sikat na artista: OFW volunteers ni Sen. BONG GO, nagkaroon ng oath-taking sa Japan

Posted on: February 19th, 2025 by Peoples Balita No Comments
NAGKAROON ng oath-taking kamakailan ang humigit kumulang 400 OFW volunteers ni Senator Bong sa Osaka, Japan kamakailan.
Suportado ito ng mga sikat na artista katulad nina Moymoy Palaboy at Rodfil.
Tunay nga na mainit ang pagsuporta ng mga Overseas Filipino Workers kay Senator Bong.
Pinatunayan ito sa paglulunsad ng “Go Bong Go Global Filipinos” sa Osaka, Japan noong February 16, 2025. Ang grupo ay samahan ng OFW volunteer supporters ni Senator Bong sa kanyang pagtakbong muli para sa Senado ngayong darating na halalan.
Dinaluhan ito nang napakaraming Overseas Filipino Migrants and Workers kasama nang kanilang pamilya na talagang pinakita ang nag-aalab nilang pagsuporta para sa senador.
Dinagsa rin ang event ng iba’t ibang mga group leaders sa Japan.
“Masaya kami at naging dahilan si Senator Bong para magsasama-sama ang mga Pilipino dito sa Osaka.
“Kami ay naniniwala na siya ay isang public servant na hindi lamang puro pangako. Kapag sinabi niyang gagawin niya, ay tiyak na gagawin niya, “ sabi ni Ms. Libye Suzuki na isang parallel group leader para sa GBG Global Japan sa kanyang testimonial.
“Mahusay ang kanyang pagseserbisyo, nawa’y patuloy niyang magawa ang ganitong klaseng serbisyo na may tunay na malasakit sa tao,” sabi naman ni Ms. Myrla Nagallo na nagmula pa sa malayong Fukuoka.
Masaya naman nagtanghal ang mga sikat na artista sa Pilipinas na sina Moymoy Palaboy at Rodfil, kasama si Ms. Shane Santos, film actress na bida sa pelikulang “Mama, san?” na box-office hit sa Japan, si Kazuo Nawa na taga-Star Magic ng Abs-Cbn na based na sa Japan, Mika Lorie na sikat na DJ at recording artist, Lady V, Princess Lerio na artista mula sa pelikulang “Otoko Oona”, D’baddest dance crew at syempre, mga Filipino community leaders mula sa Global Maharlika In Kansai (GMIK) at iba pang Filcom performers.
Sina Keiko Makikawa at Artist Orbista naman ang naging hosts para sa naturang event. Nang dahil sa tagumpay ng pagtitipon, nanawagan din tuloy ang ibang mga OFW supporters ni Senator Bong Go na dalahin ang event sa iba’t ibang sulok ng mundo.
Para sa mga updates, magtungo sa www.facebook.com/GBGglobalFilipinos para sa karagdagang impormasyon.

(ROHN ROMULO) 

Akiko, thankful at sobrang na-touch sa ‘Buffalo Kids’: SYLVIA, nagpa-block screening para sa PWDs at kids with special needs

Posted on: February 19th, 2025 by Peoples Balita No Comments
MEDYO may kaba kami na ikagagalit ni Sylvia Sanchez ang isinulat naming ito pero bahala na, it’s worth it naman.
Para sa amin kasi, ang isang magandang gawain ay hindi dapat itinatago, pero si Sylvia kasi, hindi matakaw sa atensyon at publicity.
Tuwing magkakasama nga kami ni Sylvia at iba pa niyang kaibigang press people at may isang bagay siyang naikuwento, isa ang madalas bukambibig ng actress/producer, “Off the record!!!”
At tulad ng alam nating lahat, palabas ngayon sa mga sinehan ang pelikula ng Nathan Studios (na pag-aari nina Sylvia), ang heartwarming cartoon movie na “Buffalo Kids”.
At si Sylvia pala, ay kung ilang beses nagpa-block screening ng “Buffalo Kids” para sa mga PWD o “persons with disability” at kids with special needs.
Pero hindi siya nag-iimbita ng mga press people, maging kami ay hindi niya sinasabihan.
Iyon ay sa dahilang ayaw niyang ipasulat iyon, ayaw niyang ipangalandakan dahil baka may marurumi ang isip na pagbintangang ginagamit niya ang mga PWD.
Isa lamang ang intensyon niya; dahil sa ganda ng “Buffalo Kids” ay gusto niyang mapanood ng marami, maging ng mga PWD ang pelikula.
Kaya naman kahit siya ang gumastos, basta makapanood ng libre ang mga ito, ang mga PWD, ng “Buffalo Kids.”
Pero iyon na nga, kahit nais ni Sylvia na huwag ipangalandakan ang mga block screenings na “regalo” niya sa ilang mga espesyal na panauhin, nalalaman rin ng marami dahil ang mga ito ang nagpo-post ng mga pasasalamat sa aktres, e hindi naman niya kayang pigilan ang kapangyarihan ng social media, hindi ba?
Humahaplos sa puso ang Instagram post ni Akiko Thomson-Guevara na isang dating Pilipinang champion swimmer at “most accomplished Filipina swimmer in the Southeast Asian Games having won eight gold medals in the biennial multi-sport meet between 1987 and 1993.”
“What a lovely, lovely afternoon watching Buffalo Kids with our @specialolympicspilipinas family. Thanks to tita Sylvia Atayde for bringing in the movie and sharing it with our athletes as a beautiful reminder of their (and all of our) value and worth. Do catch it, a beautiful message the entire family will appreciate!💗💗💗 But wait, there’s more! Abangan!! 😉
Si Akiko ang Chairperson at Presidente ng Special Olympics Pilipinas na isang “global non-government organization for people with intellectual disabilities. Established in 1968 in Chicago, Illinois. Present in 200 countries”.
Kasama ni Akiko ang mga espesyal na mga atleta ng SOP na nanood ng “Buffalo Kids” at ito naman ang nasa post sa IG account ng Special Olympics Pilipinas.
“A heartfelt thank you to the Atayde Family and Nathan Studios for hosting the free movie screening for the SOP Community last February 16 at Gateway Mall! 🤗
Your generosity brings joy and inclusion to everyone in our community. Together, we create a brighter, more inclusive world for all. 🎬❤️‍🔥
Ibang klase ang kabutihan ng puso ni Sylvia; sa pagkakaalam namin, ngayon lamang nagkaroon ng block screening ng isang pelikula kung saan mga persons with disability ang mga panauhing pandangal.
(ROMMEL L. GONZALES) 

Kyrie Irving planong irepresent ang Australia

Posted on: February 19th, 2025 by Peoples Balita No Comments
PLANO ngayon ni Dallas Mavericks guard Kyrie Irving na irepresenta ang Australia kung saan siya isinilang sa mga international competition.
Ang nine-time NBA All-Star ay nagwagi ng gintong medalya sa Team USA noong 2016 Olympics sa Rio de Janeiro.
Mayroon kasi itong dual citizenship na isang American at Australian.
Isinilang siya sa Melbourne noong 1992 habang ang ama nito na si Drederick ay naglaro sa Bulleen Bullets sa South East Australian Basketball League.
May ilang hamon ngayon na kakaharapin si Irving dahil base sa FIBA ruling ay dapat ang isang manlalaro ay hindi pa nakapagrepresent ng isang bansa sa mga international competition.
Noong nakaraang taon kasi ay nabigo si Klay Thompson na maglaro sa Bahamas bansa kung saan isinilang ang ama dahil sa ruling ng FIBA.