• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 11:19 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2025

Nang-holdap sa feed mill, naaresto makaraang naaksidente habang papatakas

Posted on: February 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

ARESTADO ang isang motorcyle rider na nagholdap sa isang bodega ng feeds makaraang sumemplang ang minamanehong motorsiko habang  papatakas sa Rosario, Batangas Martes ng umaga.

 

Nasa kustodiya na ng Rosario Municipal Police Station ang suspek na si Alyas Mayo.

 

Sa ulat, nagpanggap umanong customer ang suspek at pumasok sa Nathaniel Feed Mill sa. Brgy Maligaya, Rosario Batangas bandang alas-7:45 kamakalawa ng umaga.

 

Pumasok ang suspek sa opisina ng biktima na si alyas Nelia, naglabas ng patalim, nagdeklara ng holdap at tinangay ang cash na P66,000.00.

 

Matapos matangay ang pera, tumakas ito sakay ng kanyang kulay pulang motorsiklo na Motorstar subalit naaksidente nang sumemplang ang kanyang motorsiklo.

 

Sa isinagawang hot pursuit operation ng Batangas police, nalaman nila na ang naaksidente ay ang holdaper kaya naaresto ito sa mahal na Virgen Maria Hospital sa Brgy Namnuga, Rosario, Cavite  at narekober ang P66,000.00 cash, isang kitchen knife at motorsiklong ginamit. (Gene Adsuara)

Lalaki, nang-hostage sa loob ng isang mall sa Lipa City, Batangas

Posted on: February 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

NASA kustodiya na ng Lipa City Police ang isang lalaki makaraang nang-hostage sa loob ng isang gadget store sa lob ng isang kilalang mall sa Lipa City Batangas Martes ng hapon.

 

Kasong paglabag  Serious Illegal Detention and Violation of Omnibus Election Code (Possession of Deadly Weapon) ang kinakaharap ng naarestong suspek na si Alyas Alvin .

 

Sa ulat, bandang alas-6:40 kamakalawa ng hapon ng pasukin ng suspek ang Asianic Gadget Store na nasa lob ng SM City Lipa, Brgy. Marawoy, Lipa City, Batangas kung saan hinostage nito ang mga empleyado sa loob.

 

Matapos ang tatlong oras na negosasyon sa pangunguna ni  Lipa CCPS Chief  PLTCOL Rix Supremo Villeareal at pagkaraan na hiniling ng suspek sa media na makausap nito ang kanyang pamilya, ay lumabas  ang suspek sa loob ng gadget store.

 

Paglabas ng suspek at habang pababa sa escalator ng mall, agad na sinunggaban ni Vilareal ang suspek kung saan nagkaroon ng bunuan at pagkakasugat sa kanang kamay ng opisyal.

 

Nabatid na nanatili naman sa loob ng storage room ang mga empleyado na sina Warren Ativo at Sheryl Vargas hanggang natapos ang hostage taking.

 

Ilang mga gadget ang nasira sa nasabing insidente. (Gene Adsuara)

Lalaking nang-hostage, hawak na ng pulisya

Posted on: February 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

NASA kustodiya  na ng pulisya ang isang lalaki na nang-hostage ng dalawang babae sa isang gusali sa  C.M. Recto sa Sta.Cruz, Maynila.

Ayon kay Lt. Col John Guiagui, ang hepe ng MPD- District Intelligence  Division (DID) itinawag ang  hostage taking pasado alas 3 ng hapon .

Aniya, nag-ugat ang pangho-hostage ng suspek na si alyas Jun na isang fixer,  sa umano’y hindi ibinibigay nitong sweldo o porsyento ng kanyang ipinapasok.

 

Pumasok ito sa RB Printing Press kung saan hinostage ang dalawang babae.

Ayon kay Guiagu, kinausap niya ang suspek at inalam kung ano ang kanyang problema at nang sabihin na inonse siya ng kanyang amo, sinubukan niyang kumbinsihin at bigyan ng halagang P20,000  na kanya namang tinanggap.

Pero bago nito, sinabihan siya ni Guaigui na bitawan muna ang hawak nitong dalawang patalim na kanyang iwinawasiwas .

 

Nang matangap ang perang alok ni Guiagui, yumakap na umano ito sa kanya at kusang sumama.

Matagumpay ding nailigtas ang mga biktima kung saan natapos ang hostage taking 4:28 ng hapon.

Samantala, nabanggit din ni Guiagui na may insidente na rin ng pananaksak noong Linggo ang suspek dahil umano sa problema sa kanyang asawa.

 

Dati na rin may kasong robbery at drugs ngunit nakatakas.

Ang suspek ay dinala sa Jose Reyes Memorial Medical Center para sa medical examination. (Gene Adsuara)

Mass protests asahan, kasunod ng LRT-1 fare hike

Posted on: February 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAGBABALALA si Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña sa Department of Transportation (DOTr) sa posibleng “massive protest actions” kung hindi pipigilan ang Light Rail Manila Corporation (LRMC) na magtaas ng P5-P10 LRT-1 fare increase.

 

Inihayag ng LRMC na simula Abril 2, magiging P20 (dating P15) ang pasahe ng pinkamaikling biyahe habang ang pinakamahaba ay P55  (dating P45).

 

“Ang hiningi ng taumbayan, i-extend ang operating hours. Ang ibinigay, dagdag-pasahe at pasakit. Asahan na nila ang sunod-sunod na protesta kung ire-railroad talaga ng LRMC ang taas-pasahe,” anang mambabatas.

 

sinabi pa nito na karapatan ng mga komyuter na makonsulta tungkol dito.

Patuloy na inialok ng commuters na magkaroon ng dayologo ngunit binabalewala lang umano ang kanilang mga daing.

 

Noong nakalipas na linggo, inimbitahan ng Akbayan Partylist ang itinalagang  DOTr secretary sa isang dayalogo sa mga commuters ukol sa mga transportation issues.

 

“Kung iko-compute, P200 to P400  ang madadagdag sa monthly expenses ng ating mga commuter. Hindi makatao at maka-commuter ang ganitong uri ng polisiya,” pagtatapos ni Cendaña.

(Vina de Guzman)

Nambu-bully, paparusahan ng Comelec

Posted on: February 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

PAPARUSAHAN ng Commission on Elections ang mga nambu-bully, nagdidiskrimina sa mga kandidato at tagasuporta sa panahon ng kampanya para sa mga national local aspirants.

 

Sa Resolution 11116 na ipinahayag noong Miyerkules, binanggit ng poll body na ang mga gawain ng pananakot sa kababaihan at ilang sektor sa panahon ng kampanya ay maituturing na isang paglabag at maaring maging isang election offense.

 

Sa kabilang banda, sinabi ni Comelec chairman George Garcia  na ang guidelines ay inilabas upang matiyak na magiging patas at walang diskriminasyon ang kampanya.

 

Ang panahon ng kampanya para sa mga pambansang posisyon ay nagsimula noong  Peb. 11 habang ang mga tumatakbo para sa mga lokal na posisyon ay magsisimula ng kanilang kampanya sa Marso 28.

 

Magtatapos ang campaign period sa Mayo 10.

 

Ipinaliwanag ni Garcia na ang pagpapalabas ng resolusyon ay bahagi ng kapangyarihan ng poll body.

 

Sinabi rin ni Garcia na , umaasa siyang maghahain ng kaso ang mga tao laban sa mga violators at hindi na hintayin na magsampa sila ng mga kaso ng motu propio. (Gene Adsuara)

‘Drug Group Leader’ na top 1 most wanted sa Navotas, laglag sa selda

Posted on: February 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

HIMAS-REHAS ang 35-anyos na lalaki na wanted sa kasong murder matapos malambat ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, isinagawa ng mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) sa pangunguna ni P/Major Albert Juanillo Jr ang pagtugis sa akusado na nakatala bilang Top 1 Most Wanted Person sa lungsod at leader umano ng ‘Loreto Drug Group’.

Dakong alas-7:50 ng gabi nang madakip nina Major Juanillo ang akusado sa M. Naval St., Barangay Sipac-Almacen sa operation na bahagi ng pinaigting na Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO).

Binitbit ng mga tauhan ng SIS ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Malabon City Regional Trial Court (RTC) Branch 170, noong January 22, 2025 para sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Navotas police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte.

Pinuri ni P/Col. Josefino Ligan, Acting District Director ng Northern Police District ang Navotas police sa kanilang dedikasyon at mabilis na pagkilos para tiyakin na ang mga pugante ay haharap sa buong puwersa ng batas. (Richard Mesa)

2 durugista, nalambat ng NPD-DDEU sa Caloocan, P.5M droga nasabat

Posted on: February 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

MAHIGIT P500K halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang durugista na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos matimbog ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District (DDEU-NPD) chief P/Lt. Col. Timothy Aniway Jr ang mga suspek na sina alyas “Tata”, 45, ng Tondo Manila at alyas “Bubuli”, 53, ng Caloocan City.

Sa kanyang report kay NPD Acting Director P/Col. JosefinO Ligan, sinabi ni Lt. Col. Aniway na ikina nila ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA matapos magpositibo ang natanggap nilang ulat hinggil sa umano’y pagbebenta ng mga suspek ng droga.

Kaagad dinamba ng mga operatiba ng DDEU ang mga suspek nang matanggap ang senyas mula sa isa nilang kasama na positibo na ang transaksyon dakong alas-10:50 ng gabi sa Brgy., 28, Dagat-Dagatan,ng lungsod.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 75 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P510,000 at buy bust money.

Kasong paglabag sa Sections 5, 26 at 11 sa ilalim ng Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang isinasampa ng DDEU laban sa mga suspek Caloocan City Prosecutor’s Office.

Binati ni Col. Ligan ang dedikasyon ng DDEU sa pagsasagawa ng operasyon, na muling pinagtitibay ang pangako ng NPD na panatilihing malaya ang mga lansangan mula sa illegal drugs at criminal activities. (Richard Mesa)

HVI na bebot, kulong sa P680K tobats sa Caloocan

Posted on: February 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

KALABOSO ang 22-anyos na bebot na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng halos P.7 milyong halaga ng shabu nang maaresto ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City.

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals na nakatanggap ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon na sangkot umano sa illegal drug trade si alyas “Akisah” ng lungsod.

Nang magawa ng isa sa mga operatiba ng SDEU na makipagtransaksyon sa suspek, agad ikinasa nila ang buy bust operation sa pangunguna ni P/Lt. Restie Mables at sa koordinasyon sa PDEA.

Nang matanggap ang signal mula sa kanyang kasama na nagpanggap na poseur-buyer na hudyat na nakabili na ito ng droga sa kanilang target, agad lumapit ang back-up na operatiba saka dinakip ang suspek sa Kaagapay Road corner NHC, Brgy., 188, Tala.

Ani Col. Canals, nakuha sa suspek ang nasa 100 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P680,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill at anim pirasong P1,000 boodle money at itim na sling bag.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Article II ng RAc 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinapurihan ni NDP Director ang Caloocan City Police Station sa kanilang dedikasyon at mabilis na pagkilos sa pagsugpo sa kalakalan ng droga. (Richard Mesa)

Lahat ng Pinoy, ‘deserve’ ang equal access sa legal assistance – CHR

Posted on: February 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

DESERVE ng lahat ng mga Filipino partikular na ng ‘marginalized, disadvantaged, at vulnerable’ ang equal access sa legal assistance.

Ito ang binigyang diin ng Commission on Human Rights (CHR) kasabay ng pagsuporta nito sa pagpapasa ng Senate Bill (SB) No. 2955, o mas kilala bilang “Hustisya Para sa Lahat Act (Justice For All Act).”

Si Sen. Jose “Jinggoy” Estrada ang may akda ng SB 2955, naglalayong tiyakin ang equal access sa hustisya para sa lahat ng mga Filipino.

 

 

Sa ilalim ng panukalang batas, ang ‘marginalized, disadvantaged, at vulnerable sectors’ ay alinsunod sa legal aid sa pamamagitan ng pagre-refine sa statutory definition ng indigent sa ilalim ng Public Attorney’s Office (PAO).

Sinabi ng CHR na dapat palakasin ng Estado ang mekanismo nito upang sa gayon ay makapagbigay ng patas na legal representation at proteksyon para sa lahat ng constituents nito, at tinitiyak iyon ng panukalang batas.

 

 

“Expanding legal assistance not only promotes fairness and inclusivity but also enhances public trust in the Philippine justice system — reinforcing the rule of law and the fundamental principles of democracy,” ang sinabi ng CHR.

 

 

Habang ang bansa ay nakiisa sa paggunita ng World Day of Social Justice, ipinaalala naman ng CHR sa bawat Filipino ang ‘shared responsibility’ na pangalagaan ang isang inclusive community.

 

 

“Through the said bill, the Filipinos from every socio-economic status or financial capacity would be accorded legal assistance, thus ensuring that financial constraints will not be an impediment to justice and that the fundamental right of every Filipino would be upheld,” ayon sa Komisyon.

Tinuran pa ng CHR na: “After all, the foundation of justice is rooted in how we recognize and uphold the rights and dignity of all. Akin to the saying, ‘those who have less in life should have more in law,’ we take this opportunity to emphasize the need for Senate Bill No. 2955 to receive the attention it rightfully deserves.”

Giit nito na “access to justice and equal representation are essential pillars of democracy, and this bill represents a significant advancement in making these guarantees a reality for more individuals in need.” (Daris Jose)

Mass protest sa LRT-1 fare hike nakaamba

Posted on: February 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAGBABALA si Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña sa Department of Transportation (DOTr) sa nakaambang ‘massive protest actions’ kung hindi ipatitigil muna ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang P5-P10 taas pasahe sa Light Rail Transit (LRT) 1.

Ito’y kasunod ng inianunsyo ng LRMC na simula Abril 2, ang pinakamaikling LRT-1 trip ay P20 ­(dating P15) habang ang pinakamahabang biyahe ay P55 (dating P45).

Ayon kay Cendaña, ang hinihingi ng mga commuters ay i-extend ang operating hours ng LRT-1 pero ang ibinigay o itinugon umano ay dagdag pasahe at pasakit.

Nitong nakalipas na linggo ay inimbitahan ng Akbayan Partylist ang bagong talagang si DOTr ­Secretary Vince Dizon para sa dayalogo sa pangunahing mga isyu sa transportasyon ng mga commuters.

“Kung ico-compute, 200 to 400 pesos ang madaragdag sa monthly expenses ng ating mga commuter. Hindi makatao at maka-commuter ang ganitong uri ng polisiya,” dagdag ni Cendaña.