• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 2:34 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2025

MTRCB, nirepresenta ang Pilipinas sa Annual Asia Digital Communications and Media Forum sa Seoul, South Korea

Posted on: February 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

MULA sa naging imbitasyon ng International Institute of Communications (IIC), pinangunahan ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio ang delegasyon ng Pilipinas sa Annual Asia Digital Communications and Media Forum 2025 nitong Pebrero 11-12, 2025, sa Seoul, South Korea.

Kasama ni Chairperson Sotto-Antonio sina Board Members Maria Carmen Musngi, Katrina Angela Ebarle, at Legal Affairs Division Chief, Atty. Anna Farinah Mindalano.

Ang naturang pagtitipon ay nagdala sa iba’t ibang grupo, organisasyon, at mga industriya na makapag-usap hinggil sa patuloy na paglawak ng digital media landscape sa mundo.

“Bilang ahensya na may mandato pagdating sa pagbibigay ng angkop na klasipikasyon sa mga pelikula at programa sa telebisyon sa Pilipinas, naiintindihan namin ang importansya na makasabay sa mabilis na pagbabago sa porma ng media,” sabi ni Chairperson Sotto-Antonio kung saan binigyang diin nito ang kahalagahan na matutunan din ang ginagawang hakbang ng ilang kapwa regulators sa mundo at ang pakikipag-ugnayan sa kanila.

Ang partisipasyon ng Board ay nagpapatunay sa pangako nitong matiyak ang isang ligtas, inklusibo, at responsableng paggamit ng media ng pamilya at kabataang Pilipino.

Bilang resulta, nais ni Chairperson Sotto-Antonio na ipatupad ang mga sumusunod na inisyatibo:

– Information Dissemination Campaign: Sa pakikipagtulungan sa IIC at mga stakeholders sa pagsusulong ng “Responsableng Panonood” sa bawat tahanan.

– Pagpapatibay at pagpapalakas ng pakikipag-ugnayan at kolaborasyon sa mga content creators at film producers na makibahagi sa compliance workshops upang maiangat ang mga pampamilyang programa; at

– Posibleng pakikipagtulungan sa IIC pagdating sa mga pinaka-epektibong paraan sa regulasyon, content moderation, at pagbibigay ng angkop na klasipikasyon.

“Sa ating mga stakeholders, tinitiyak namin na kami sa MTRCB ay patuloy sa pagbuo ng mga polisiya na magsusulong sa responsableng panonood at paglikha para sa kapakanan ng mga manonood partikular ang mga kabataan laban sa mga mapaminsalang palabas,” dagdag ni Sotto-Antonio.

(ROHN ROMULO)

Maraming pumuri sa first attempt sa standing backflip: MIGUEL, nakasamang mag-training si CARLOS at napahanga

Posted on: February 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments
NATUWA ang netizens sa pinost na video ng ‘Mga Batang Riles’ star Miguel Tanfelix kunsaan nakasama niya sa training ang two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.
Sa Instagram post ng Sparkle actor, ipinakita niya ang kanyang perfect pag-backflip habang nakatayo, na isang skill sa gymnastics.
Ayon kay Miguel, nahihiya at kinakabahan siya ng gawin niya iyon sa harap mismo ng gymnast Olympian. Pero, 10 ang ibinigay na score ni Carlos sa aktor.
“Training na may konting pressure. Pang double @olympics gold na ba? Hahahaha… @c_edrielzxs,” caption ni Miguel.
Marami naman ang pumuri kay Miguel dahil sa kanyang first attempt sa standing backflip. Nagbiro pa si Drew Arellano na gusto rin nilang subukan ito ng kanyang asawang si Iya Villano, na kapapanganak lang sa kanilang 5th baby.
“Gusto namin sumali ni mrs!!! @iyavillania,” komento ng Biyahe Ni Drew host.
Magagamit ni Miguel ang ginawang backflip sa mga bardagulang eksena nila sa ‘Mga Batang Riles.
***
IBA pala kung mag-celebrate ng kanyang kaarawan ang Kapuso singer-actress na si Zephanie Dimaranan noong nakaraang Feb. 14.
This year, nag-celebrate ang Sparkle artist ng kanyang 22nd birthday sa tutok ng Mt. Pulag, ang highest peak sa Luzon.
Ang Mt. Pulag ay matatagpuan sa triple border ng mga probinsta ng Benguet, Ifugao at Nueva Ecija na may taas na 2,928 metres (9,606 ft) above sea level.
On Instagram, pinost ni Zephanie ang photo ng popular sea of clouds na makikita sa tutok ng Mt. Pulag.
“Decided to climb the highest peak in Luzon for my 22nd. Grateful for another year,” caption pa ng singer.
Hindi ito ang unang pagkakataon na mamundok ang former ‘Idol Philippines’ winner. Noong 2024 ay inakyat nito ang Mt. Kulis in Tanay, Rizal na isang nature campsite na may panoramic views ng Sierra Madre mountain range. May taas ito na 620 meters above sea level.
Isa si Zephanie sa pinaka-busy na young star ngayon sa Kapuso Network. Bukod sa kanyang weekly Sunday performance sa ‘All-Out Sundays’, napapanood siya mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Prime drama-action series na ‘Mga Batang Riles’ bilang si Mutya, at sa weekly youth anthology series na ‘MAKA.’
Last Valentine’s Day din ang nagsimula ng YouTube shorts series na Sparkle Presents: Mine kunsaan kasama ni Zephanie ang Sparkle Teens na sina Josh Ford at Shan Vesagas.
***
WALA man napanalunan sa nakaraang Grammy Awards, hinirang naman na Biggest-Selling Global Recording Artist of the Year ng IFPI or International Federation of the Phonographic Industry si Taylor Swift.
Ito ang third year in a row na si Taylor ang napili ng IFPI and her 5th recognition.
Ayon sa IFPI: “This recognizes the top artist across physical sales, downloads and streaming, Swift is the outright No. 1 recording artist on the planet.”
Natanggap ni Swift ang parangal in 2014, 2019, 2022 and 2023. Ang iba pang nabigyan nito ay si Drake (in 2016, 2018) and BTS (2020, 2021).
Ang ‘The Tortured Poets Department’ album ni Taylor lead the IFPI’s Global Album Chart, Global Vinyl Album Chart, Global Streaming Album Chart and Global Album Sales Chart.
(RUEL J. MENDOZA)

Pansamantala munang nag-goodbye sa showbiz: JODI, gusto talagang tapusin ang kanyang Master’s Degree

Posted on: February 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments
KAMAKAILAN  lang ay ibinalita mismo ng Kapamilya aktres na si Jodi Sta. Maria ang sinasabing pansamantala niyang pamamahinga sa showbiz.
Ito ay sa kadahilanang nais ni Jodi na maipagpatuloy ang pag-aaral at matatapos niya ang kanyang Master’s Degree in Clinical Psychology.
Ipinagmamaki siyempre ngayon ni Jodi ang bagong milestone sa buhay niya.
Sa isang Instagram post ng magaling na aktres ay binanggit niyang nagkaroon siya ng pagkakataon na makapag-present ng papel sa isang research conference.
“Yesterday, I had the privilege of presenting my research paper, The Impact of the NADA Protocol (Ear Acudetox) on the Anxiety Level of People Working in Television Production at the Consortium of the South International Faculty Research Conference,” sabi pa ng aktres.
“Hindi ko inakala na mangyayari ito ever sa buhay ko! It felt nerve-wracking but so fulfilling to share my study esp since it is something close to my heart. I had an amazing time learning and interacting with the other presenters too,” pahabol pang sambit ni Jodi.
Nagpapasalamat pa rin at super grateful si Jodi sa opportunity naibigay
sa bawat isang sumuporta sa kanya.
Pero naniniwala pa rin ang mga supporters ni Jodi na anytime daw ay makakagawa pa rin naman ng isang proyektong pagkakaabalahan ang aktres aside from pagiging abala sa papasukin niyang pakikipagsapalaran after makapagtapos ng pag-aaral niya.
***
VERY proud at ganun na lang ang sobrang pagmamalaki ng Mentorque big boss na si Sir Bryan Diamante sa kanyang P-pop girl group na Eleven11.
Ang dinig namin ang 6-member girl group na ito pinakabagong contender para sa trono na kasalukuyang hawak ng grupong BINI.
Anim na buwan ding dumaan sa extensive training, ang ipinakilalang grupo na under exclusive contract ng Mentorque.
Formal ding ipinakilala ang Eleven11 sa press conference ng Barako Fest sa Lipa City.
Ang grupo ay binubuo nina Ivy, Barbie, CJ, Audrey, Jade, at Swaggy, ang leader ng grupo.
“Eleven11 are patterns that appear randomly in your life,” paliwanag ni Bryan. “You might notice them on car plates, etc. Eleven 11 is considered a lucky number, and many people say ‘make a wish’ when they see it.”
Marami ang naniniwala na ang 11:11 ay isang magic number o masuwerteng oras ng araw.
Sabi naman ni Ivy, bagay na bagay sa kanila ang pangalan: “Eleven 11 is a repeating number. It’s an ‘Angel number,’ so whenever you see it, it’s a sign from the universe that your dreams will come true. It’s also a sign that our guardian angels are watching over us.”
Para sa kanila, bilang bahagi ng grupo  ay “dream come true,” na dagdag ni Ivy.
Sobrang bilib at naniniwala si Sir Bryan na may promise ang grupo at nakasunod sa standard ng Mentorque.
“You know how we do things at Mentorque,” sabi pa ng movie producer ng award winning movie na ‘Mallari.’
“We believe in Filipino talent, and we maintain that there’s a place for everyone under the sun,” sabi pa niya.
Nag-debut ang Eleven11 sa Barako Fest noong Pebrero 15, na nagpabilib sa mga Batangueño sa kanilang pop-rock-hip-hop set.
May kanya-kanyang style ang bawat miyembro ng grupo:  Swaggy, ang leader, ang lead dancer. Sina Ivy at CJ ang mga main vocalist. Si Barbie ang rapper. Si Audrey ay kumakanta at sumasayaw, habang si Jade, ang pinakabatang miyembro, ay isang dancer-rapper.
(JIMI C. ESCALA)

Ads February 21, 2025

Posted on: February 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

5 ‘tulak’, laglag sa Malabon, Navotas at Valenzuela drug bust

Posted on: February 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

UMABOT sa P169K halaga ng shabu ang nasamsam sa limang tulak ng droga matapos masakote ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon, Navotas at Valenzuela Cities.

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, alas-12:30 ng Huwebes ng madaling araw nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ssa buy bust operation sa C4 Road, Brgy. Tañong sina alyas “Aris”, 48, (pusher/listed) at alyas “Albert”, 33, kapwa ng lungsod, matapos magsabwatan na bintahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakumpiska ng mga tauhan ni Col. Baybayan sa mga suspek ang nasa 9.6 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P65,280 at buy bust money.

Dakong alas-11:55 ng gabi nang madakma sina alyas “Mate”, 54, at alyas “Ping”, 52, kapwa ng Brgy. Ugong, matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng mga operatiba ng Valenzuela Police SDEU sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Joan Dorado sa buy bust operation sa Mc Arthur Highway, Brgy. Malanday, Valenzuela City.

Sa kanyang ulat kay Valenzuela police P/Col. Nixon Cayaban, sinabi ni PMSg Ana Liza Antonio na nakuha sa mga suspek ang abot 20 grams ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P136,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill at walong pirasong P1,000 boodle money, cellphone at P200 recovered money.

Nauna rito, alas-7:38 ng gabi nang matiklo ng mga tauhan ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes sa buy bust operation sa Goldrock St., Brgy. San Roque, Navotas City ang isang tulak ng droga at nasamsam sa kanya ang humigi’t kumulang 10.00 gramo ng shabu na may standard drug price value na P68,000.

Pinuri ni P/Col. Josefino Ligan, Acting District Director ng Northern Police District ang mga operatiba sa kanilang walang humpay na pagsisikap sa paglaban sa illegal na droga. (Richard Mesa)

“I will be signing off as Acting Secretary of the Presidential Communications Office”- Chavez

Posted on: February 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAGBITIW na sa puwesto si Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Cesar Chavez.

Sa katunayan, nagsumite na si Chavez ng kanyang irrevocable resignation noong Pebrero 5, 2025.

 

 

“To use a broadcast parlance, I will be signing off as Acting Secretary of the Presidential Communications Office on February 28, 2025, or anytime earlier when my replacement is appointed,” ang nakasaad sa kalatas na ipinalabas ni Chavez.

 

 

Gayunman, sinabi ni Chavez na mananatili siyang “as a believer” ng administrasyon. Ipagpapatuloy nya ang pagsuporta rito kasabay ng pagsusulong ng kanyang pagsusumikap sa labas ng gobyerno at mananatili sa public service.

 

 

Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ni Chavez si Pangulong Marcos para sa oportunidad na maglingkod, isa aniyang habang-buhay na karangalan na naging posible dahil sa tiwala at kumpiyansa ng Pangulo sa kanya.

 

 

“Although there is much for which I am grateful and a long list of people to thank, I leave with only one regret: in my estimation, I have fallen short of what was expected of me,” ang sinabi pa ni Chavez.

 

 

“It is to this fidelity to the truth—the bedrock belief to which I have anchored myself as a former broadcast journalist—that I must tell the unvarnished truth about my resignation,” aniya pa rin.

 

 

Simula aniya noong unang araw ng kanyang pagtatrabaho hanggang sa tumagal ng dalawang taon at 7 buwan, sinabi ni Chavez na “I have always served each day as if it were my last, and thus I strive to give my best. As I always remind those who work with me at PCO, I am only as good as my last performance.”

 

 

At pagdating ng huling araw, aalis siya ng may kaparehong sigasig, pasasalamat at pag-asa para mas magandang kinabukasan para sa bansa na minahal ng lahat.

 

 

“Dios Mabalos, Mr. President,” ang sinabi ni Chavez.

 

 

Samantala, ang dating TV reporter na si Jay Ruiz ang napili para maging kapalit ni Sec Chavez para mamuno sa PCO.

Gayunpaman wala pang opisyal na pahayag ang Malakanyang ukol dito.

(Daris Jose)

P10.9-M halaga ng motor vehicles na o-orderin via eMarketplace, tinurn over na-DBM

Posted on: February 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

TINATAYANG may anim na motor vehicles na nagkakahalaga ng P10.9 milyon na in-order sa pamamagitan ng eMarketplace online platform ang tinurn over na sa procuring entities.

 

 

Sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na ang

 

eMarketplace ay isa sa maraming bahagi ng New Government Procurement Act (NGPA), batas na pinirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Hulyo 20, 2024 para itulak ang “transformative reform” na naglalayong gawing bago at dagdagan ang public procurement processes sa bansa sa pamamagitan ng pagtugon sa umiiral na ‘loopholes at inefficiencies.’

 

 

Ang eMarketplace ay dinisenyo para gawing modernisado ang procurement process, pahintulutan ang mga ahensiya na “to conveniently add to cart” ang mga mahahalagang ‘goods at services’, tiyakin ang napapanahon at cost-effective transactions.

Binigyang diin naman ni PS-DBM Executive Director Genmaries Entredicho-Caong ang malakas na suporta ni Pangulong Marcos para sa inisyatiba, inalala kung paano personal na itinulak ni Pangulong Marcos ang bagay na ito sa isinagawang talakayan ukol sa pa panukalang amiyendahan ang procurement law.

 

 

Sa kabilang dako, sa isang kalatas, sinabi ng DBM na apat mula sa pitong motor vehicles ay nagkakahalaga ng P7.6 milyon at iniabot sa Insurance Commission (IC) sa Toyota Otis sa Paco, Manila, araw ng Lunes, pagsisimula ng unang benta sa ilalim ng eMarketplace.

 

 

Nang sumunod na araw, natanggap naman ng National Tax Research Center (NTRC) ang order nito para sa dalawang iba pang motor vehicles na nagkakahalaga ng P3.3 milyong piso.

 

 

Samantala, pinuri naman ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang PS sa pag-abot sa panibagong milestone kasunod ng paglulunsad ng eMarketplace noong December 2024.

 

 

“Everything about the eMarketplace, from its development to its implementation, is designed to be quick and easy. We launched it in December last year, and now, two agencies have already benefited from faster, more efficient, and seamless procurement. ‘Add to cart’ has officially been activated for government procurement,” ang sinabi ni Pangandaman.

 

 

“Imagine, from a four-month wait to less than two weeks! This is the game-changing efficiency that the eMarketplace brings. But this is just the beginning as we continue to revolutionize government purchasing for the better,” ayon sa Kalihim.

 

 

Winika pa ni Pangandaman na ang eMarketplace ay isa lamang sa milestone sa digital transformation journey ng gobyerno.

 

 

“We assure you that PS-DBM is committed to continuously institutionalizing public procurement reforms to achieve our Agenda for Prosperity,” ang tinuran ni Pangandaman, binigyang diin ang dedikasyon ng DBM “to innovation and efficiency in government transactions.”

 

 

Operational na o gumagana na ang eMarketplace ngayon, pinapayagan ang mga ahensiya ng pamahalaan na magsimula nang mag-order ng motor vehicles bilang bahagi ng kanilang pilot program para sa common-use supplies and equipment (CSE).

Marami pang mga items ang idaragdag, kabilang na ang airline tickets, cloud computing services, at iba’t ibang software at licenses. (Daris Jose)

PBBM, tinintahan ang batas na magpipirmi sa three-year term ng hepe ng PCG

Posted on: February 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na naglalayong ipirmi sa tatlong taon ang termino ng Philippine Coast Guard (PCG) commandant.

 

 

Sa ilalim ng Republic Act No. 12122, ang commandant ay dapat na mayroong maximum term na tatlong taon, magsisimula sa petsa kung saan nilagdaan ang appointment, maliban kung mas maagang tinapos ng Pangulo.

 

Ang PCG commandant ay sapilitan namang magreretiro kapag nakumpleto na ang maximum term o kapag pinagpahinga na ng Pangulo.

 

 

Nakasaad sa batas na ang PCG commandant ay dapat na mayroong command-at-sea badge at dapat magsilbi bilang district commander ng PCG.

 

Ang probisyon ng nasabing batas ay dapat din na i-apply sa PCG commandant na appointed at/ o promoted sa ilalim ng Republic Act No. 9993 at iba pang mga kaugnay na batas.

 

 

Samantala, ang batas ay nilagdaan nito lamang Pebrero 18, 2025, araw ng Martes.

Revised Senior High School curriculum, ipatutupad ngayong school year — Angara

Posted on: February 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

PLANO ng Department of Education (DepEd) na i-roll out ang revised curriculum para sa mga Grade 11 at 12, o Senior High School (SHS) Program, ngayong School Year (SY) 2025-2026.

“Maganda ang takbo,” ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara nang hingan ng update ukol sa rebisyon ng SHS curriculum sa sidelines ng DepEd Human Resource and Organizational Development (HROD) Convention sa Pasay City, araw ng Miyerkules, Pebrero 19.

 

“Maganda ang reception ng ating mga eskwelahan,” ang sinabi ni Angara.

 

 

“Natutuwa sila dahil mababawasan ang mga subjects, at pati yung mga estudyante natutuwa at yung mga teachers,” ayon pa rin sa Kalihim.

 

 

Tinuran ni Angara na ang implementasyon ng binagong SHS curriculum ay magsisimula ngayong school year subalit hindi ito gagawin ng madalian kundi yugto-yugto.

“So this coming school year, meron naman na,” ayon kay Angara sabay sabing “Pero hindi natin mamadaliin dahil, syempre, yung iba’t ibang eskwelahan may kanya-kanyang kakayahan para mag-enforce nito.”

Kinokonsidera aniya kasi ng departamento ang kakayahan ng mga eskuwelahan, karamihan ay kailangan na mag-hire ng mga bagong tauhan at maghanda ng curriculum.

 

 

“So yun, bibigyan natin sila ng oras para makapag-comply sila,” aniya pa rin.

Nirebisa ng DepEd ang SHS curriculum upang tiyakin na ang programa ay mananatiling makabuluhan at makapagpo-produce ng future-ready graduates.

“The key principles guiding the revision of the SHS program, include decongesting and simplifying the SHS curriculum; putting a premium on learner choice; ensuring “stackability and seamlessness” to facilitate progression; and strengthening industry linkages,” ayon sa DepEd.

At sa malapit nang pagtatapos ng kasalukuyang school year, pinaalalahanan naman ni Angara ang mga eskuwelahan na mahigpit na ipatupad ang umiiral na polisiya sa graduation at end-of-school-year rites.

“No compulsory charges, strikto tayo diyan,” giit ni Angara. Inulit naman ng Kalihim ang “No Collection Policy” ng DepEd.

 

 

Dapat aniyang tiyakin na boluntaryo ang kontribusyon na nire-require ng by Parent-Teacher Associations (PTAs).

 

 

Samantala, hinggil naman sa pagbubukas ng klase, malamang na matuloy ang pagsisimula ng klase sa buwan ng Hunyo.

 

 

“Palagay ko, tuloy na. Marami nang naka-adjust sa panibagong school year at iyan talaga ang gusto ng ating Pangulo,” aniya pa rin. (Daris Jose)

DepEd, iimbestigahan ang mga tauhang sangkot at kasabwat sa ‘ghost student’ scheme

Posted on: February 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

IIMBESTIGAHAN ng Department of Education (DepEd) ang mga sarili nitong tauhan kung sangkot o kasabwat sa scheme ukol sa “ghost students” o undocumented beneficiaries sa senior high school (SHS) voucher program.

 

Tiniyak ni Education Secretary Sonny Angara na mahaharap sa kaparusahan ang mga mapapatunayang nagkasala sa mapanlinlang na aktibidad.

 

 

‘Yun talaga pinag-aaralan namin dahil ‘yung ibang impormasyon, iilang tao lang ang may hawak doon. So, ‘yun talaga titignan namin kung may kasabwat dito,” ang sinabi ni Angara.

 

 

“Dati, may nakita kami may kasabwat na, although ‘yung mga ‘yun, wala na sa DepEd ‘yun at kinasuhan na,” aniya pa rin.

 

Nauna rito, inanunsyo ng departamento na iniimbestigahan na ng central office nito ang di umano’y presensiya ng ‘ghost students’ sa ilalim ng SHS voucher program sa 12 private schools sa 9 na dibisyon.

 

 

Nagpatupad na aniya ng kinakailangang aksyon ang ahensiya, kabilang na ang paghahanda para sa terminasyon o pagtatapos ng accreditation ng eskuwelahan at paghahambing sa mga piraso ng ebidensiya laban sa mga responsableng indibiduwal.

 

 

Tiniyak ng DepEd na mahaharap sa administrative at criminal sanctions ang mga mapatutunayang nagkasala, alinsunod sa umiiral na batas at regulasyon.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi pa ng Kalihim na puwede ring sampahan ng perjury cases ang ilang indibiduwal.

 

 

“Yes, dapat may penalty tayo at saka para hindi na maulit, hindi na subok nang subok. At saka hindi lang ‘yung eskwelahan, pati ‘yung mga opisyales ng eskwelahan, dahil may pinipirmahan ‘yan under oath eh. Pwedeng kasuhan ng perjury ‘yan kung tutuusin,” ang sinabi pa rin ni Angara.

 

 

Ang SHS voucher program ay isang financial assistance program para sa mga estudyante na nasa senior high school sa private schools. Ang mga incoming Grade 11 students na nagtapos ng elementarya sa public schools ay awtomatikong makatatanggap ng halagang P14,000 hanggang P22,500.

 

 

Samantala, ang mga estudyante mula private schools na hindi ‘grantee’ o tagatanggap ng Education Service Contracting Program ng DepEd ay maaaring mag-apply para makasama sa voucher program.

 

 

Hinihikayat naman ng DepEd ang publiko na iulat nang hindi nagpapakilala ang anumang iragularidad na may kinalaman sa implementasyon ng mga programa nito sa walangkorapsyon@deped.gov.ph.

(Daris Jose)