• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 5:56 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2025

Bakit natatakot sa katotohanan?- Tingog Party-list Rep. Jude Acidre

Posted on: February 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

ITO ang pagtatanong ni Deputy Assistant Majority Leader at Tingog Party-list Rep. Jude Acidre sa ginawang hakbang ng kampo ni Vice President Sara Duterte na hadlangan ang pagsasagawa ng impeachment trial.

 

“Transparency is fundamental in any democratic government. If Vice President Duterte has done nothing wrong, why is she so afraid of the truth? Blocking the impeachment process through the Supreme Court only raises more doubts,” ani Acidre.

 

Ayon sa mambabatas, hindi ito ang unang pagkakataon na tinangka umano ng VP ang ganitong mga hakbang.

Matatandaan aniya na sa isinagawang imbestigasyon ng Kamara noong nakalipas na taon, nadiskubre na tinangka umanong hadlangan ng kanyang tanggapan ang Commission on Audit (COA) na ipalabas ang findings nito sa kontrobersiyal na ₱125-million confidential fund.

 

“This pattern is alarming. First, she tried to block COA’s report. Now, she wants to stop Congress from doing its job. What exactly is she trying to hide?” pagtatanong ni Acidre.

 

Iginiit nito na ang proseso ng impeachment ay isang constitutional mechanism upang masiguro na mayroong accountability o pananagutan ang mga high-ranking officials.

 

“No one is above the law—not even the Vice President. Instead of running to the courts to avoid scrutiny, she should face the process and answer the allegations fairly. The Filipino people deserve leaders who respect accountability, not those who run from it. Seeking to silence COA, and now Congress, sets a dangerous precedent. The Vice President must stop dodging the truth and start explaining herself to the public,” pagtatapos ni Acidre. (Vina de Guzman)

Fishing boat ng Pinoy, binangga sa WPS

Posted on: February 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

BINANGGA ng hindi pa natukoy na barko ang isang Filipino fishing boat na may sakay na walong mangingisda sa West Philippine Sea (WPS), ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

 

Sa ulat, sinabi ng Coast Guard District National Capital Region – Central Luzon , nangyari ang insidente  noong Enero 30 ngunit nai-report lamang sa kanilang unit noong Pebrero 16.

 

“Accordingly, on or about 08:00 p.m. on January 30, 2025, an unidentified vessel rammed FBCA Prince Elmo 2, with eight crews onboard, at an unknown location,” sinabi ng Coast Guard district .

 

Sa baybayin ng Vietnam nailigtas noong Linggo ang lima sa walong mangingisda ng MV Dong An. Ang tatlo ay nanatiling missing, ayon sa PCG.

 

Matapos ma-rescue ang mga mangingsida, nagsagawa ang nasabing sasakyang pandagat ng paghahanap  sa katubigan para sa tatlong nawawalang mangingisda ngunit negatibo ang resulta.

 

Ang Coast Guard Station Bataan ay tumawag kay Mr. John Sayao ng Atiko Trans Incorporated, ahente ng MV DONG AN, at ipinaalam sa kanya na ang barko ay naglalayag patungong Bataan at nakatakdang dumating ng  Mariveles ng  Miyerkules.

Ipinakalat ng Coast Guard ang BRP Boracay kasama ang isang medical team para tumungo sa katubigan sa Corregidor Island para makipagkita sa MV DONG AN at tanggapin ang mga nasagip na mangingisda.

Nitong Miyerkules, ang limang nasagip na mangingisda ay nai-transfer mula MV Dong An sa BRP Boracay.

Sila ay itinurn-over sa Coast Guard Sub-Station Naic at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Naic ang mga mangingisda. (Gene Adsuara)

Israel, nag-donate ng learning center sa Taguig school

Posted on: February 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

PORMAL na tinurn over ng MASHAV, aid agency ng Israel ang isang bagong learning center sa mga estudyante ng Ususan Elementary School (UES).

Kapwa pinangunahan nina MASHAV Head Ambassador Eynat Shlein at Israel Ambassador to the Philippines Ilan Fluss, ang unveiling ceremony sa Taguig City.

Sinabi ng mga ito na ang nasabing center ang hudyat ng interest ng Tel Aviv na ipagpatuloy at itaas ang ‘development cooperation’ nito sa bansa.

 

Ang Nir Oz Resource Learning Center, ibinigay na pangalan matapos atakihin ng Hamas ang Israeli kibbutz noong October 2023 ay kumpleto sa mga materyales sa pagbabasa at equipment na binili ng MASHAV.

“The learning center is one of the building stones of the joint quest between Israel and the Philippines for sustainable development. And if we want to get to development, we need to start from the beginning,” ang sinabi ni Shlein.

“The beginning are the seeds and the seeds of the future are the children —we need to look after them,” dagdag na wika nito.

 

Maliban sa maging inspirado ang mga estudyante na magbasa ng mas maraming libro, umaasa si Shlein na ang naturang center ay makapagpo-promote ng pagkakaibigan, pagkakaunawaan

at open-mindedness sa mga mag-aaral.

 

“The fact that we helped establish this refuge for children from daily teachings where they could sit and think and reconnect, for us, that is a building block for sustainable education,” ayon kay Shlein.

“Education is a core beacon in our work, and as we have worked already in 140 countries and trained hundreds of thousands of people, out of which many thousands are Filipinos, we are happy to continue on this joyful bilateral track,” dagdag na wika nito.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Fluss na plano rin ng Israel na makatuwang ang mas maraming stakeholders para pondohan ang kahalintulad na mga center sa ibang lugar sa labas ng Metro Manila.

“It’s very humble but that’s the Israeli approach —we believe in the development of human resources, even in other programs, we always look at capacity building,” ayon kay Fluss.

 

 

Ang Niz Or Center ay isa sa apat na learning spaces na pinondohan ng Israel sa bansa.

Samantala, nakiisa naman sa inagurasyon si Taguig City Mayor Lani Cayetano. (Daris Jose)

Nag-field trip, 6 anyos na batang lalaki, nalunod patay

Posted on: February 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

PATAY ang isang 6-anyos na batang lalaki nang nalunod sa 3 pulgadang lalim ng pool makaraang nahulog sa isang resort sa Dolores, Quezon Martes ng hapon.

 

Naisugod pa sa San Pablo Medical Center ang biktima na si Ken, isang estudyante ng Brgy West Rembo, Taguig City subalit idineklarang dead on arrival.

 

Sa ulat, bandang ala-1:30 kamakalawa ng hapon nang naganap ang insidente sa FARMKO Resort and Hotel na matatagpuan sa Brgy. San Mateo Dolores, Quezon kung saan nagtungo ang pamilya ng biktima at mga guro bilang bahagi ng kanilang field trip.

 

Matapos mananghalian, naligo umano ang tatay ng biktima at iniwan ito ang bata nang aksidenteng nahulog sa 3 pulgadang lalim na pool at tuluy-tuloy na nalunod.

 

Unang binigyan ng Cardio Pulmonary Resuscitation (CPR) ng mga staff ng resort subalit hindi umubra kaya isinugod sa ospital subalit hindi na umabot ng buhay. (Gene Adsuara)

15 individuals, timbog sa sugal at droga sa Valenzuela

Posted on: February 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

SWAK sa kulungan ang 15 individuals, kabilang ang walong umano’y sangkot sa ilegal na droga matapos madakma ng pulisya sa magkakahiwalay na anti-gambling operations sa Valenzuela City.

Sa ulat ng Police Sub-Station 1 kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, alas-8:30 ng gabi nang maaktuhan nila ang tatlong lalaki na nagsusugal ng cara y cruz sa Candle St., De Castro Sudb. Brgy. Paso De Blas at nakuha sa kanila ang tatlong piso coins ‘pangara’, bet money at isang sachet ng shabu na nasamsam kay alyas ‘Gilbert’, 30.

Alas-10 ng gabi nang madakip ng mga tauhan ng SS4 ang dalawang lalaki habang nagsusugal din ng cara y cruz sa Area 4, Dumsite Pinalagad, Brgy. Malinta at nakumpiska sa kanilang ang tatlong piso coins ‘pangara’, bet money at isang sachet shabu na nakuha kay alyas ‘Kimpot’, 35.

Nadakip din sa cara y cruz sa Casa Rival, Northville 1, Brgy. Bignay ang dalawang lalaki ala-1:30 ng madaling araw at nasamsam sa kanila ng mga tauhan ng SS7 ang tatlong piso coins ‘pangara’, bet money at isang sachet ng shabu na nakuha kay alyas ‘Manuel’, 46.

Tiklo naman sa mga tauhan ng SS6 si alyas ‘Ronel’, 37, alas-4:30 ng madaling araw at nakuha sa kanyang ang isang sachet ng shabu, tatlong piso coins ‘pangara’ at bet money habang nakatakas ang kanyang mga kalaro sa sugal na cara y cruz sa Molave St. Brgy. Lingunan.

Sa Brgy. Gen T De Leon, naaktuhan ng mga tauhan ng SS2 ang tatlong lalaki na nagka-cara y cruz sa Rasario Street alas-6:30 ng gabi at nakuha sa kanila ang tatlong piso coins ‘pangara’, bet money at isang sachet ng shabu na nakumpiska kay alyas ‘Requel’, 23.

Nakuhanan din ng isang sachet ng shabu si alyas ‘Glenn’, 32, matapos madakip ng mga tauhan ng SS3 habang nagpapataya ng sugal na basketball ‘ending’ sa F. Bautista, Brgy. Marulas ala-1 ng hapon

Natimbog naman ng mga tauhan ng SS1 si alyas ‘Kenneth’ habang nakatakas ang kalaro niya sa cara y cruz sa Paolo St., Paso De Blas at nasamsam sa kanya ang isang sachet ng shabu, tatlong piso coins ‘pangara’ at bet money.

Habang alas-10:30 ng gabi nang mahuli ng mga tauhan ng SS8 ang dalawang kelot na nagka-cara y cruz sa Kabuhayan St., Brgy. Mapulang Lupa at nakuha sa kanila ang bet money, tatlong piso coins ‘pangara’ at isang sachet ng shabu na nasamsam kay alyas ‘Michael’.

Ayon kina P/MSgt. Carlito Nerit Jr, P/MSgt Carlos Erasquin Jr, PSSg Pamela Joy Catalla at PCpl Christopher Quiao, mahaharap ang mga suspek sa kasong PD 1602 at paglabag RA 9165. (Richard Mesa)

Mister, isinelda sa hindi lisensyadong baril sa Caloocan

Posted on: February 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

SA kulungan ang bagsak ng 50-anyos na mister matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril nang halughugin ng pulisya ang kanyang bahay sa bisa ng isang search warrant sa Caloocan City.

Sa report ng West Grace Park Police Sub-Station (SS3) kay Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals, positibo ang nakatanggap nilang ulat na nag-iingat umano ng baril ang suspek.

Nang makakuha sila ng kopya ng search warrant na inisyu ni Executive Judge Glenda K. Cabello-Marin, ng Caloocan City Regional Trial Court para sa paglabag sa RA 10591, agad bumuo ng team ang SS3 sa pangunguna ni P/Lt. Melinda Ordoñez saka sinalakay ang bahay ng suspek

Dakong alas-12:50 ng hapon nang simulang halughugin ng mga tauhan ng SS3 ang bahay ng suspek sa Barangay 63 sa bisa ng naturang search warrant na nagresulta sa pagkakakumpiska ng isang kalibre .22 revolver na may tatlong bala.

Walang naipakita ang suspek na kaukulang mga dokumento hinggil sa ligaledad ng naturang baril kaya binitbit siya ng mga tauhan ni Col. Canals para sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Firearms and Ammunation Regulation Act.

Binati ni P/Col. Josefino Ligan, Acting District Director of the Northern Police District (NPD) ang mga tauhan ng Caloocan City Police Station sa kanilang mabilis na aksyon at adherence to legal procedures. (Richard Mesa)

Digital program ng DSWD sa pagpapabuti sa service delivery, aprub sa Navotas Solon

Posted on: February 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

WELCOME kay Navotas Congressman Toby Tiangco ang mga digital na hakbangin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na naglalayong mapabuti ang paghahatid ng serbisyo nito.

Ayon kay Tiangco, ang bagong inilunsad na online donation platform ng DSWD at ang one-stop-shop online system nito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Marcos na gamitin ang teknolohiya upang gawing mas madaling ma-access ang mga serbisyo ng gobyerno.

“We appreciate DSWD’s commitment to President Marcos’ vision. We hope other government agencies follow suit, as the growing demand for online government services underscores the critical role of digital ecosystems in efficient service delivery,” pahayga niya.

Sinabi ni Tiangco na ang digitalization, kasama ng mga pagsisikap ng gobyerno sa pag-streamline, ay makabuluhang nagpalakas ng kahusayan sa mga proseso ng gobyerno.

Binanggit din niya ang Harmonized Electronic License and Permit System o Helps ng DSWD, na inaasahang magpapahusay sa mga serbisyo ng regulasyon ng ahensya.

“According to DSWD, Helps allow clients to file their applications for registration, license to operate, and accreditation (RLA) in only 20 minutes and receive their certificates as fast as 14 days. This is a huge improvement from the manual process, which could take three to six months and require multiple in-person visits,” ani Tiangco.

“This proves how vital digitalization is in government transactions. These programs will undoubtedly provide Filipinos with faster and more responsive services,” dagdag niya. (Richard Mesa)

DA, ipinatigil ang poultry importation mula sa 4 na estado ng Amerika

Posted on: February 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

xr:d:DADf9-PjVgY:86,j:8786938699018116994,t:24011801

IPINATIGIL ng Department of Agriculture (DA) ang poultry importation mula sa apat na estado ng Amerika para mapigilan ang paglaganap ng bird flu sa Pilipinas.

 

 

Ipinag-utos ng DA ang import ban sa pamamagitan ng Memorandum Order No. 11 sakop ang domestic at wild birds at kanilang produkto, kabilang na ang poultry meat, day-old chicks, mga itlog at semilya mula Illinois, Minnesota, Ohio at Wisconsin.

 

 

Ipinahayag ito ng DA sa memo matapos na iulat ng Estados Unidos ang ilang outbreaks ng ‘highly pathogenic avian influenza’ noong Pebrero 3 ngayong taon na makaaapekto sa domestic birds.

 

 

Ipinag-utos ng ahensiya ang ban para mapigilan ang pagpasok ng avian influenza “and protect the health of the local poultry population,” ayon sa naging direktiba na nilagdaan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. noong Pebrero 18.

 

 

Kagyat naman na sinuspinde nito ang ‘processing, evaluation at issuance’ ng sanitary at phytosanitary import clearance para sa mga nabanggit na kalakal.

 

 

“All veterinary quarantine officers/inspectors will stop and confiscate poultry deliveries from these American states at all major ports of entry,” ayon sa Kalihim.

 

 

Gayunman, ang import restriction ay hindi naman ia-apply sa shipments mula sa apat na estado ng Amerika na “that were in transit, loaded or accepted unto port before the Philippine government transmitted the order to American authorities.”

 

 

“The ban excludes such commodities as long as the products were produced or slaughtered 14 days before the first reported outbreak. Illinois recorded its first outbreak on Nov. 14, 2024, followed by Minnesota on Nov. 26, 2024; Ohio on Dec. 13, 2024 and Wisconsin on Dec. 10, 2024,” ayon sa DA.

 

 

Bago pa ito, binawi na ng DA ang import ban sa poultry products mula Ohio noong Hunyo ng nakaraang taon at Minnesota noong nakaraang Nobyembre.

 

 

Ang Veterinary authorities ng Estados Unidos at Pilipinas ay lumagda ng kasunduan noong 2016 na nagsasad ng “ang state-wide ban ay ipatutupad lamang kung may tatlo o higit pang bansa ang apektado ng avian influenza” sa isang estado.

 

 

“The above-mentioned state has three (3) or more counties affected with HPAI as reflected in their official reports in the WOAH (World Organization for Animal Health),” ang sinasabi sa memo.

 

 

Samantala, ang Amerika ang isa sa major suppliers ng meat products ng Pilipinas, hawak nito ang export market share na 15.2% sa nakalipas na taon.

 

 

“Meat imports rose by 20.8 percent to 1.45 million metric tons (MT) in 2024 from 1.2 million MT a year ago,” ayon sa data mula sa Bureau of Animal Industry. (Daris Jose)

COMELEC pinaparehistro ang mga nagsasagawa ng political survey

Posted on: February 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

INATASAN ng Commission on Elections (Comelec) ang mga organisasyon o indibidwal na nagsasagawa ng surveys na may kaugnayan sa halalan na magrehistro sa kanila bago maglabas ng resulta.

Nakasaad sa Resolution 1117 na tanging ang pre-registered entities lamang ang otorisadong magsagawa at magpakalat ng mga election surveys.

Bibigyan aniya sila ng 15 na magparehistro ang mga ito sa Political Finance and Affairs Department (PFAD) ng Commission bago ang kanilang pagsasagawa ng surveys.

Tiniiya naman ng COMELEC na kanilang mabibigyang ng kaparusahan ang sinumang lumabag sa nasabing kautusan.

 

Tom Welling’s Older Superman Gets An Unexpected DC Crossover With Keanu Reeves’ Constantine In New Smallville Multiverse Art

Posted on: February 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments
Keanu Reeves’ Constantine teams up with Tom Welling’s Superman from Smallville through new DC multiverse artwork.
Before the Marvel Cinematic Universe and the DCEU movie timeline were created, the 2000s had very few superhero properties on the big and small screens. While The WB (and later on The CW) told Clark Kent’s ultimate origin story through Smallville, Reeves portrayed the first live-action version of Constantine in 2005 in his own solo movie that has become a cult classic.
With the potential of Smallville coming back in the form of an animated sequel series, and Constantine 2 being in development, the 2000s era of superheroes is potentially getting a big spotlight in the current period. To show what it would look like if Welling’s Superman and Reeves’ Constantine were to join forces, Buffy2Ville shared new DC artwork where the two worlds come together.
Even though their DC franchises were always kept separate, the fact that fans would even want to see Smallville and Constantine cross paths after all these decades showcases just how important both of these properties were back then and remain today.
Back when studios were not even willing to invest in something like a shared superhero cinematic universe, movies and shows like Constantine and Smallville were some of the handful of comic book adaptations that were available. In Smallville’s case, had it not been for that show’s success, something like the Arrowverse franchise would never have even happened on The CW.
While Constantine made his debut in Welling’s universe during the Smallville season 11 comic, it would be huge if Reeves’ version of the Hellblazer was the one that the Man of Steel was to share the screen with down the line. If Constantine 2 ends up going forward, along with Welling’s Smallville revival – that he is developing with co-star Michael Rosenbaum – and both of them are successful, there is no reason DC Studios couldn’t have the two properties do a special crossover. With both of them being under the Elseworlds banner, it wouldn’t conflict with James Gunn’s new DC Universe.
Our Take On Tom Welling’s Superman & Keanu Reeves’ Constantine Team-Up Art
Clark Kent reveals the Superman costume at the end of the Smallville finale
Seeing them together in the DC multiverse art, it would really be fascinating to see Welling’s Superman and Reeves’ Constantine have a fun crossover in one way or another, even if it had to be in the Smallville animated sequel series.
With the multiverse concept at their disposal, which could even be accessed through magic via Constantine, it would be great to see the DC icons of the 2000s. But for now, fans can continue to relive Constantine and Smallville through home media releases.
(Source: screenrant.com)
(ROHN ROMULO)